Dos

Wow, Mali

 

 

Anak ng tupang brunette, sobrang lakas ng ulan sa labas, rinig na rinig ko dito.

 

Ilang minuto na ba ako dito sa restroom ni Seungwan.

 

Isa pang ganito iisipin ko na talaga na teleserye ang buhay ko.

 

Paano ko ba siya haharapin. Ano ba ‘yan ginagawa mo sa buhay mo Joohyun.

 

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinalikan ko yung bansot na ‘yon! Hindi naman niya ko pinilit, wala din naman siyang sinabi na iba. Ang alam ko lang nag kukwentuhan kami tungkol sa trabaho niya sa Canada tapos puro kalokohan ang sagot niya so ayun, medyo tinampal ko nang konti yung balikat niya para magtigil siya sa pang-aasar niya.

 

Hindi rin naman ako mahilig manakit, parang out of impulse na lang yung mga ganoon ko kapag may nang-aasar sa akin, usually sa mga malalapit kong kaibigan, and they don’t really mind. Eh ito kasing bansot na ‘to e! Hindi pa naman kami close talaga, hindi ko rin alam kung magkaibigan kami.

 

Nakakainis talaga, lahat ng nangyayari sakin, hindi ko maintindihan kung bakit. Kasalanan niya talaga ‘to.

 

Hinawakan niya lang yung mga braso ko kasi sabi niya napapalakas na yung mga hampas ko sa kanya, hindi ko naman sadya. Naiirita kasi ako na natatawa sa kanya, parang sira kausap. Maayos naman ang tanong ko, pero bakit hindi maayos ang sagot. Nahamugan siguro masyado sa Canada ang bumbunan noon.

 

Pagkatapos nahatak niya ako papalapit sa kanya, nagkatinginan kami tapos hindi ko na alam yung nangyari. Bakit kasi ganoon ang mga mata niya?! Parang nangungusap eh. Parang may gustong iparating palagi. Sa totoo lang, kahit nagbibiro siya, parang may ibang gustong sabihin palagi yung mga mata niya, napaka-expressive, parang hindi kayang magsinungaling.

 

Eh bakit ba nirreplay ko sa utak ko yung nangyari?! E gusto ko kasing ipaintindi sa sarili ko na kasalanan niya ‘to! Kasalanan ng mga mata niya, kasalanan ng mga ngiti niya, kasalanan ng bibig niya na kahit puro kalokohan ang lumalabas, iba yung effect kapag seryosohan na ang usapan. She can sound annoyingly dumb if she wants to and she can sound ridiculously intelligent if she wants to. And I hate how charming that is to me! May mali talaga yata sa akin!

 

At higit sa lahat, FIRST KISS KO KASI ‘YON EH! Hindi ko naman inexpect na sa ganoong bagay ko yun mararanasan. At hindi ko ineexpect na ganito pala yung pakiramdam noon. Gusto kong mainis at sampalin siya pero hindi ko magawa kasi hindi naman yun yung tunay kong nararamdaman.

 

Nahihiya ako nang sobra pero alam ko rin naman sa sarili ko na sobra akong nangingiti ngayon, para akong tanga sa restroom, nagtatago, hinihintay na humupa yung pamumula ng mukha ko.

Paano ako maiinis sa kanya kung nagustuhan ko yung nangyari and when she kissed me back, it took a lot of my inner strength to stop myself from getting lost in the moment.

 

Parang alak na nakakalasing at parang lahat ng kinatatakutan ko ay naipon sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang bumagal ang takbo ng oras at wala akong ibang iniisip kung hindi sumagot pabalik sa mga ipinaparating sa akin ng mga labi niya.

 

NAKAKAINIS TALAGA. BAKIT BA GANITO.

 

Natatakot rin ako for the most part. Kakikilala lang kasi namin, ano na lang ang iisipin niya, na napaka-easy to get ko naman, napaka haliparot ko naman. Baka isipin niya gustong gusto ko siya.

 

Bakit hindi ba, Joohyun. Hindi ka ba insanely attracted kay Seungwan. Hindi ba kaya ka nagtago nung una kayong nagkita eh dahil hindi mo kinaya yung fact na ang ganda at ang gwapo niya at the same time? At kumakanta pa siya. Partida pa na medyo antok ang boses niya.

 

Hindi kasi yata tama ‘to eh! Sige na, sabihin na nating attracted ako sa kanya, pero tama ba yun na may halikan agad na nagaganap, hindi ba pwedeng friends lang muna at kilalanin muna ang isa’t isa?

 

Mukha naman siyang mabuting tao, kaya sige, kunwari na lang hindi ito nangyari. Haharapin ko siya na parang walang nangyari. Kaya ko ‘to.

 

“Joohyun, is everything okay?”

 

Bakit naman nang-eenglish ‘tong si Miss Canada? Bakit kailangan husky voice? Tama ba ‘yon? Normal ba ‘yon?

 

“Yeah, I’ll be right out in a sec, sorry.”

 

Mabilis kong sagot sakanya, papakabog ba tayo? Syempre hindi.

 

“Uhm, okay. Anong gusto mo for dinner? Kain muna tayo, palipas lang ng ulan, mahirap kasi mag drive kung masyado malakas yung ulan eh.”

 

Hindi na ako sumagot. Huminga na lang ako nang malalim at inayos ang sarili ko. Oras na para harapin ang dapat harapin.

 

Pagbukas ko ng pinto, agad akong sinalubong ng amoy ng sibuyas at bawang na ginigisa. Nakakagutom naman. Dinner time na nga pala. Marunong kaya siyang magluto? Baka pwede akong gumanti sa pang-aasar niya sa aspetong yun.

 

“Ah Joohyun, upo ka muna dyan. Hindi ka kasi sumagot kung anong gusto mo for dinner so lulutuin ko na lang yung fool proof ko na dinner, sana magustuhan mo.”

 

Nakakainis yung ngiti! sobrang genuine, sobrang charming. Hindi talaga makatarungan. Magtatanong lang naman bakit kailangan ganoon yung atake.

 

“Umm sige, salamat. Ano ba ‘yung lulutuin mo? Baka pwede akong tumulong.”

 

“Risotto, paborito ko ‘tong lutuin lalo kapag umuulan. Mabilis lang kasi siyang gawin. Upo ka lang dyan, bisita kita eh.”

 

Ay, sosyal naman pala. Pwede namang lugaw na lang, wala nga lang white wine na ingredient yung lugaw. So sige na nga, risotto raw ang tawag. May diperensya siguro sa mata ‘to si Seungwan, may pa-kindat pang nalalaman.

 

“Hmm, fancy schmancy. May protein ka bang gagamitin or mushroom lang?” tanong ko sa kanya, i know a thing or two about italian dishes.

 

“Mushroom lang saka bacon, pasensya ka na hindi pa kasi ako nakakapag grocery eh. Hayaan mo next time, babawi ako sa’yo.”

 

“Ha? Hindi okay lang, nakikikain lang naman ako, choosy pa ba ako?” nahihiya kong sagot.

 

Grabe talaga yung boses niya, hindi ko malaman kung sadya ba ‘yon na parang may lambing or inaasar niya lang ako.

 

“Medyo marami pala akong stock ng wine dito, okay lang sa’yo if we have a glass or two? Pero if not, kahit ako na lang, wala namang pilitan.” pag-aalok ni Seungwan.

 

“I’m okay with that pero you’ll drive pa hindi ba?”

 

Hala, hindi na ba ako uuwi. Ang kerengkeng ko naman kung hindi ako uuwi. Ang sabi hang out lang kay Seungwan hindi move in with Seungwan.

 

“Yieee, concerned ka pala talaga sa akin Miss Sungit.” see what I’m talking about? One moment, sobrang charming, the next, nakakairita na.

 

“I mean, you are driving ME home. I care about MY safety. First and foremost.” paglilinaw kong sagot sa kanya.

 

“Look, as much as I want to drive you home. We can’t. It’s pouring outside. Seulgi just texted me, zero visibility na raw po sa labas.. So, I care about OUR safety, too.” hindi talaga siya tumigil sa pagkindat na yan.

 

Wala naman akong choice but to stay quiet and sigh. Dinig ko nga yung lakas ng ulan at hangin sa labas. Tama nga siya, delikado mag drive, saka ang layo pa ng Bulacan. Paano siya pabalik, gagabihin na siya, baka mapano pa ‘to, cargo ko pa. Yun lang ‘yon. Cargo ko pa. Ayoko ‘nun.

 

“I promise I won’t do anything stupid Joohyun, I’ll sleep on the couch don’t worry. Kain na tayo ha? Nakakagutom pala maglaro all day.” sagot niya ulit na may pilit na ngiti.

 

Naging seryoso for a bit yung expression niya. May mali ba sa hindi ko pag sagot? Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko e. Tama naman talaga siya. Saka nga kasi ang dami kong inner battles, yung boses niya, yung pagiging thoughtful niya kahit may halong pang-aasar, paano ba ako magpapanggap na walang nangyari kung ganito siya sa akin.

 

Isipin ko na lang na hospitable talaga ang mga Pilipino. Mabait at maalaga talaga sa mga bisita. Basic human decency. That’s all there is to it.

 

Sa una, kubyertos lang ang ingay na maririnig sa hapag-kainan. Parang nagpapakiramdaman yata kaming dalawa kung sinong unang magsasalita. Hindi nagtagal ay nauna ng nagtanong si Seungwan.

 

“Nagustuhan mo ba?” tanong niya na nakanguso sa akin.

 

“Ha?” lito kong sagot.

 

Alin ba? Bakit ba nakanguso? Yung pagkain ba or ibang bagay na yung tinatanong nito? Nakakagulat naman kasi, pwede naman siyang magsalita bakit nakanguso pa.

 

“Yung niluto ko po, okay po ba? Pasado po ba? Sorry na agad ha, mas confident ako sa baking skills ko kesa sa cooking skills, hehe.”

 

Sa totoo lang, masarap yung niluto niya. Malinamnam, hindi maalat. Sakto lang yung consistency, hindi masabaw. Tamang tama lang.

 

“Maalat, pero okay lang.” pagbibiro kong sagot sa kanya.

 

“Yikes, sorry na po. Gusto mo ba pa-deliver na lang tayo? Or ipagbake na lang kita?” worried niyang tanong.

 

“Joke lang, masarap naman. Salamat nang marami sa pagkain. At tsaka, umuulan kaya, pa-deliver ka pa dyan, di ka na naawa sa maghahatid.” pinuna ko siya, biruin mo yun papadeliver eh malakas ulan sa labas?

 

“Ah, sorry. Nawala sa isip. Puro ikaw kasi laman.”

 

“Ang sabihin mo walang laman, che.”

 

Agad ko siyang inirapan at tumayo sa table para ligpitin ang mga pinagkainan namin. Akala ba niya madadaan niya ko sa ganyan. Oo masarap ka magluto, oo maganda boses mo, oo maalaga ka, pero di mo ako madadaan sa ganyan Seungwan. Di ako marupok, kaya ko ‘to.

 

“Uy, Joohyun. Biro lang. Eto naman, wag ka na mang-irap, parang others naman ‘to.” palambing niyang sabi habang pilit na kinukuha yung mga pinggan sa kamay ko.

 

“Ako na dito, ikaw na nga nagluto, ikaw pa magliligpit?”

 

“Oo, ako na. Bisita kita di ba? Upo ka na lang dun sa may couch. Naka-open naman Netflix, browse ka na lang tapos pili ka ng gusto mo, ha?”

 

“Ligpit lang naman ‘to e. Oo nga bisita mo ako at hindi prinsesa, marunong naman ako sa gawaing bahay ‘no?”

 

“Wala naman akong sinabing hindi, prinsesa ko..”

 

Ayan na naman yung mga mata niya, bakit ba kasi tinitingnan ko pa e, mali! Bakit kasi napapatingin pa ako, pambihira naman oh. Bakit ba kasi sinabi ko pa yung prinsesa na ‘yon, nagawan na naman tuloy ng banat ng mokong na ‘to.

 

“Kulit mo naman Seungwan eh, sige, tayo na lang para magtigil ka na.”

 

At doon ko narealise na nagkamali na naman ako ng sabi, dapat talaga hindi ko na lang kinakausap ‘tong tao na ‘to. Kita ko yung pagkislap ng mata niya at pag usbong ng malaki at nakakalokong ngiti sa mga labi niya.

 

“Tayo na lang magligpit sabay, linawin ko lang.”

 

“Oo nga, yun naman din ang intindi ko, prinsesa ko. Walang iba. Kahit hindi mo na linawin.”

 

Isa pa talagang kindat, sasapakin ko na ‘to. Nakakainis. Parang wala na akong tamang sinabi. Ganito ba buong gabi, parang hindi ko pala kaya. Oh my god. Mali talaga. Mali talaga Joohyun.

 

“Ugh, fine. Ikaw na lang. Uupo na lang ako dun sa malayo sa’yo, para di ako nadadamay sa kalokohan mo.”

 

Ibigay ko na lang ‘tong araw na ‘to kay Seungwan. Walang mangyayari kung mag rreact ako palagi sa mga banat niya. Umupo na lang ako sa couch at inaliw ang sarili ko magbrowse ng trailers ng animated movies sa Netflix

 

“Biro lang naman prinsesa ko, wag ka na mainis, mahal ang patis.” sigaw niya mula sa kusina

 

“Ang corny mo! Mas gusto ko pa yung Miss Sungit na lang kesa yan!” sigaw ko pabalik, di ko naman siya nanay pero bakit ang dami niyang palayaw na binibigay sakin.

 

Makalipas ang ilang minuto ng katahimikan, nagulat ako nang biglang may tumalon sa kabilang side ng couch.

 

“Huy, para ka namang nakakita ng multo dyan, ako lang ‘to Joohyun.”

 

“Nakakainis ka naman eh, mabilis kasi akong magulat! Wag mo naman akong gulatin nang ganoon!” maiyak iyak kong sagot sa kanya habang nakahawak sa aking dibdib.

 

“S-sorry Joohyun, hindi ko naman alam.” worried na sagot niya.

 

Pinikit ko ang aking mga mata at huminga nang malalim. Magugulatin kasi ako talaga. Naramdaman ko ang pag-angat ng isang side ng couch, umalis siguro si Seungwan.

 

Agad kong tinuon ang atensyon ko sa trailer ng isang animated movie habang hinihintay bumalik si Seungwan. Maya maya pa ay nakita ko na siyang pabalik sa couch, peripheral vision ko lang, kunwari di ko siya inaantay.

 

“Tubig ka muna oh, sorry talaga. Sanay kasi ako sa ganyan sa kapatid ko kapag nanonood siya dito sa couch.”

 

“Okay lang, hindi mo naman sadya. Don’t worry.”

 

“Okay na ba pakiramdam mo? May napili ka na ba na panoorin?”

 

“Wala pa nga eh, ikaw na lang kaya pumili? Sa’yo naman ‘to eh.”

 

“Eh ikaw bisita ko kaya dun ako sa gusto mong panoorin.”

 

“Ah okay, kahit The Hows Of Us?”

 

“Aba oo naman, ganda kaya yun! Pangit lang yung magsasabi na pang-jologs yung The Hows Of Us.”

 

Hala, joke ko lang naman yung The Hows Of Us. Ayun kasi yung pinanood ni Joy nung gabing naiirita siya kay Seulgi e.

 

“Kapag naiyak ako Joohyun, wag mo akong tawanan ha? Mababaw lang kasi luha ko, kapag may nakita akong umiiyak, naiiyak din ako.” ay may pa-disclaimer si softie seungwan, ang cute, nakakainis talaga.

 

At nanood nga kami ng The Hows of Us habang umiinom ng red wine. Mauubos na yung isang bote nung makarating kami dun sa part na umuulan at magbabatuhan na ng iconic lines si George at Primo.

 

Yakap yakap ni Seungwan yung bote habang sinasabayan si Kathryn sa mga lines niya. Nakakatawa kasi memorized niya yung lines, akala mo siya yung scriptwriter. Lasing na yata ‘to eh.

 

“Palibhasa kasi, alam na alam mo kung pano ako kunin eh.” imik niya.

 

Hala, lasing na nga yata. Bigla biglang nagsasalita si loko.

 

“Isang ngiti, isang kanta, isang yakap, isang sorry, wala umiikot na uli yung mundo ko.”

 

Maiiyak na yata ako kakatawa, sinasabayan nga pala niya yung lines ni Kathryn, wow damang-dama, pwede na maging artista. Videohan ko nga.

 

“Tangina, Joohyun, ang talino kong tao, pero pagdating sayo ewan ko natatanga ako.”

 

Wow, bakit nadadamay ako? Medyo sinisinok pa siya habang nagsasabi ng lines. HAHAHAHA ang cute parang bata na may allergy sa pisngi, pulang-pula na siya. Hindi ko alam kung ako ba yung tinuturo niya or ano, lasing na talaga siguro.

 

“Prinsesa ko, bakit naman may pag video ka pa dyan? Pwede naman tayo gumawa ng maraming memories na hindi mo malilimutan.”

 

Anong gumawa ng memories sinasabi nito, bagya na nga ako makagetover dun sa isang naganap, gusto pa dagdagan? Aba, walang pakundangan.

 

“Hoy Seungwan, lasing ka na. Halika na, matulog na tayo.” pilit ko na siyang pinapatayo sa couch.

 

“Hindi pa ko lasing prinsesa ko, alam ko nga na nagvideo ka dyan kanina. Siguro crush mo ko ‘no?” sambit niya, ang bilis talaga nito, kanina nakaupo lang, ngayon nasa harap ko na agad at nakakaloko na naman ang ngiti.

 

“Ang kapal din talaga ng mukha mo ‘no?” asar kong sagot sa kanya.

 

“Hehe sorry, liquid courage lang. Ako kasi, gusto kita.. Mas makilala pa, kalma lang naman ako, hehe.”

 

Hindi ko alam kung hihikain ba ako or ano, grabe naman yung mga pasabog nito ni Seungwan, alam ko naman na honest siyang tao, pero grabe naman. Yung puso ko naman Seungwan. Hindi na pala ako sure kung lasing ba siya or hindi, kung sumagot ba ako truthfully, maalala niya kaya the next day? Baka asarin lang ako nito eh. Hindi naman masasagot ang tanong ko kung hindi ko susubukan.

 

“Ako rin.”

 

“Ha? Ano po yun?”

 

“Ang sabi ko matulog na tayo, naparami yata yung inom mo. Saan ba yung kwarto mo, maglinis ka muna ng katawan, ayusin ko lang yung kalat dito.”

 

“Hayaan mo na lang muna dyan, ayusin ko after ko maligo. Okay pa naman ako Joohyun promise. Kaya ko pa naman, wine lang yun.”

 

“Kaya pala, pulang-pula ka na.”

 

“Di ba pwedeng kinikilig lang ako sa’yo.”

 

“Seungwan, isa.”

 

“Joke lang, ito na nga, maliligo na nga ako.”

 

Habang nililigpitan ko ang mga baso na ginamit namin, bigla kong naalala yung sinabi sa akin ni Joy nung gabing inis na inis siya kay Seulgi.. na kahit gaano daw karami yung misunderstanding nila, alam niya na kapag seryoso si Seulgi, seryoso daw talaga, the way siya alagaan at the way na iparamdam yung feelings niya kaya hindi niya talaga matiis si Seulgi kapag nagpapaliwanag na yung tao.

 

At kaya siguro ako naiinis kay Seungwan kasi ang dami nilang similarities ni Seulgi, palabiro, alaskador, parang hindi nag seseryoso sa buhay. Pero iba yung dating nung out of the blue sinabi niya na iyakin daw siya at wag siyang tawanan. May something sa pagkavulnerable niya nung moment na yun, parang sneak peek sa totoong Seungwan..

 

Paano kaya siya kapag seryoso. Kapag hindi puro biro, kapag galit, kapag naiinis. Part kasi yata ng charm niya ‘to, yung palaging masaya, palaging nakangiti, yung parang goody two shoes siya palagi. Ano pa kaya yung ibang side ni Seungwan..

 

Nahinto ang aking pagmuni-muni ng marinig ko ang marahan na boses ni Seungwan na tinatawag ako.

 

“Joohyun, naayos ko na yung kama mo dito ha, pasok ka na lang kapag antok ka na.”

 

First time ko ‘to makitulog sa ibang bahay, I mean, nung isang tao na hindi ko naman ganoon kakilala, nakakahiya talaga. Pakiramdam ko hindi ako makakatulog agad lalo kapag naisip ko yung nangyari kanina. Ayan, naalala ko na naman. Ano na.

 

Bakit kasi umulan nang malakas eh. Edi sana doon ako sa bahay at sa kwarto ko napapagod mag reminisce ng mga hindi dapat i-reminisce.

 

Hindi naman ako pumayag na sa couch lang siya matulog kasi bahay niya naman ‘to at bisita lang ako, pero nakapwesto na talaga siya doon sa couch, nakataas pa ang paa, nang-aasar pa yata na sa lahat ng argumento namin ngayong araw, siya ang nanalo.

 

, wala nga pala akong gamit na dala. Paano ako maliligo nito.. Pumasok ako sa kwarto niya nang nanliliit sa hiya.

 

“Uhmm.. Seungwan, may problema kasi..”

 

Agad nanlaki ang mga mata niya at bumangon sa couch na hinihigaan niya.

 

“Ano yun Joohyun? May masakit ba sa’yo?”

 

“Wala naman.. Ano kasi.. Di naman ako dapat mag sleepover di ba?”

 

“Ahhh, akala ko kung ano.. Umm.. okay lang ba sa’yo..”

 

Agad siyang naghalungkat sa cabinet niya at napakamot ng ulo.

 

“Joohyun, sorry.. Polo lang saka basketball shorts yung meron ako dito.. Hala, paano ba ‘to.”

 

“Uy, okay lang kahit ano. Ako dapat magsorry, lalabahan ko na lang ha?”

 

“May extra toothbrush and towel naman ako, sige na, linis ka na doon para makapagpahinga ka na.”

 

Binilisan ko na lang maglinis ng katawan kasi natatakot na ako sa kulog at kidlat. Gusto ko na pumikit agad at matulog. Saglit kong tiningnan ang sarili ko sa salamin, ang lakas maka-jowa ng polo na ‘to, ang bango pa.. Ano ba ‘tong iniisip ko, ako yata ang lasing.

 

“Bagay.”

 

Yan ang bungad sakin ni Seungwan paglabas ko ng banyo. Hindi naman nakakaloko ang ngiti niya kaya hindi ko magawang mainis at irapan siya para itago ang hiya na nararamdaman ko, alam ko naman yung ibig niyang sabihin, nakakahiya lang talaga. Bakit ba ayaw paawat nito.

 

“Salamat pala dito sa damit Seungwan, good night.” Less talk, less mistakes Joohyun, pinaalalahanan ko lang ang sarili ko.

 

“Anything for you, prinsesa ko. Tulog ka mahimbing.” ang bilis kausap, akala ko magkukwento pa siya ng kung ano, pumikit na nga siya at niyakap yung isa niyang unan. Cute.

 

Isang oras na yata ang nakalipas at hindi pa rin ako makatulog, natatakot kasi ako sa kulog. Naka ilang ikot at balikwas na rin ako. Wala pa rin talaga. Mukhang mapupuyat na lang talaga ko ngayong gabi.

 

“Joohyun, okay ka lang?”

 

Nagulat ako ng biglang magsalita si Seungwan, buong akala ko tulog na siya kasi naparami inom niya eh.

 

“Ha? Oo, okay lang. Naninibago lang siguro ako.”

 

Hindi yata sumang-ayon sa kasinungalingan ko ang panahon at biglang dumagundong ang malakas na kulog, hindi ko napigilan ang sarili ko sa pag sigaw sa sobrang gulat.

 

“Hey, I’m here.. It’s okay..” agad lumipat sa tabi ko si Seungwan, ang lamig ng boses niya, may konting bahid ng antok, sana maawa naman sakin yung tadhana, bakit naman ganito.

 

Naramdaman ko ang mga kamay ni Seungwan na hinahaplos ang mga balikat ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yumakap sa kanya nung nagsunod sunod ang kulog..

 

Nasanay kasi ako sa mama ko pag ganitong umuulan, kapag malakas ang kulog, niyayakap ko siya at hinahayaan kong makatulog ako sa mga braso niya. Share ko lang. Wag niyo akong tanungin bakit ako nagpapaliwanag.

 

“Alam ko na hindi ka makatulog, ayaw ko naman biglang tumabi sa’yo kasi syempre personal space mo yun, eh kaso naririnig ko yung bawat pag turn mo sa bed mo.. tapos ayan, nagulat ka sa kulog..” marahan na dagdag ni Seungwan

 

“S-sorry, mabilis kasi akong magulat..” hindi ko alam kung saan ba ako nanginginig, sa takot at gulat ba dahil sa kulog or sa takot at gulat na nagiging kumportable na akong yakap siya.

 

“No, it’s okay, don’t worry.”

 

Sobrang calming ng boses ni Seungwan, saka para siyang may built in heater sa kamay at sa katawan niya, parang unti-unti ko nang nararamdaman ang pagdalaw ng antok sa bawat haplos niya sa likod ko.

 

“Higa ka na ulit Joohyun.. I won’t do anything stupid promise.. Hintayin lang kitang makatulog..” mahinang sabi ni Seungwan habang idinipa niya ang kanyang braso para doon ako humiga.

 

“Okay.. thank you, Seungwan.”

 

Humiga na lang ako at hinayaan ang sarili ko kumalma at dalawin ng antok.

 

Ramdam ko na talaga yung pagbagsak ng mga mata ko, para akong may personal heater, sobrang warm niya talaga, ang bango, ang lamig ng boses, buti na lang hindi niya ako kinakantahan kung hindi daig ko pa may lullaby.

 

“Let me sing you a song until you fall asleep, okay?”

 

At sa muling pagkakataon, sa maraming beses ngayong araw, mali na naman ako.

 

 

Who cares 'bout star signs?

I'm hardwired to be with you

You're like a sunrise and I'm scared

That I'll never get enough of you

Nobody called it a starfall

Come out the blue

I'm all butterflies

I'm sky-high for you

 

When it feels like this

Like a light came on

And you look at me

Like I'm all you want

I got everything

At my fingertips

How can I resist

When it feels like this?

 

Somewhere in between the realms of dreamland and the current stormy night, I could’ve sworn I heard Seungwan say, this is how I feel about you, in between forehead kisses and sweet hums, I could’ve sworn I heard it. I could’ve sworn I felt it.

 

If this is how I’ll meet the other side of you, Seungwan. I’ll gladly brace countless thunderstorms if it means I get to hear your calming voice rise above everything that I’m afraid of, if it means I get to feel your warmth and let your words and sweet nothings linger in my thoughts until I find it in me to meet you halfway and finally say, this is how I feel about you, too.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
CowboyBeebop
hello, pahabol chapter is up. Maraming salamat sa mga nagbasa at nag request ng isa pang chapter, sana aprub niyo po yung pahabol chapter ko, early lapag for the 15th ulit ~

Comments

You must be logged in to comment
Db1234 #1
Chapter 2: Tawa ako ng tawa sa mga sagutan at banat dito. Witty mo, author. Namiss ko tuloy mga witty at sarcastic kong friends huhuhaha. Sana makasulat ka pa ng maraming gan’to. Ingat lagi! Cheers!
revelnc #2
Chapter 2: Hala, ang cute nila bakit gano'n :((( Kakikilala lang nila, pero parang matagal na silang magjowa huhu. Bagay na bagay nga naman talaga si Bansot pati Miss Sungit. Ako na 'tong namumula't kinikilig dahil sa kanila, baka naman kayo na talaga, Joohyun ;)
baejoonism #3
Chapter 2: Haayyyy sobrang cute talagaaa 🥺
paradoxicalninja
#4
Chapter 2: AHHHHHHHH second part uwu pov rin ni rbb uwu ang cutie nila parang mag awoj na bago tas nagkakahiyaan pa. 🥺 Thank you sa update! Sana mas marami pa makabasa neto. Abang abang lang ulit kung may kasunod hehehe
paradoxicalninja
#5
Chapter 1: Binasa ko ulit ngayon. Mej namiss ko si Wanpapi and Miss Sungit 😁 Waiting with respect lang sa kasunod kung meron hehehe. Stay safe, author!
luviedeul #6
Chapter 1: Bukambibig talaga "Ang dami kong tanong" pagdating sa wr hahahaha nayswan otor-nim. Abangan ko kasunod kung meron (sana) hehe
Eotoshi
#7
Chapter 1: Sana all valorant buddies
baejoonism #8
Chapter 1: Waaaahhhh kiliggg ksjshdj salamat dito otornim 🥺
paradoxicalninja
#9
Chapter 1: Gago ang ganda?!?! Sana may kasunod to ssob 🥺 Bet na bet dynamics ng wenseul at esp wr dito shuta. More more moaaaaar 🤩