Huli.

Paubaya

"Sometimes our Araw-Araw becomes our Paubaya"

 

 

Yuri
tiff? nakauwi ka na?
11:34 pm



You
yes, thank you for the time kahit busy kayo ni sica sa upcoming wedding niyo
11:34 pm



Yuri
no worries, malakas ka saamin.
11:35 pm



Binulsa ko yung cellphone ko, malakas ang ulan sa labas kung tatakbo ako paniguradong basang sisiw ako pagpasok sa loob

 


Tahimik akong napatitig sa bulsa ko, iniisip kung kukunin ko ulit yung cellphone para tawagan ka at sunduin ako dito sa labas.



Hingang malalim.



Kinuha ko yung mga gamit ko, hinubad ko yung jacket ko at tinakip ko para hindi sila mabasa.



Niyakap ko sila papalapit saakin, kagaya ng higpit ng mga yakap mo noon.



Mabilis kong tinakbo yung front door, kahit anong iwas ko nabasa padin talaga ako.



Pagkarating ko sa harap nito, nakalock. Pipindutin ko na sana yung doorbell kaso baka nagpapahinga ka na, wag nalang.



May dala naman akong susi na nasa loob ng bag ko, binuksan ko yung bag ko madaliang hinanap ang susi dahilan para mabitawan ko ito.

 


Nagkalat ang mga gamit ko sa lapag, nabasa ng ulan. Napabuntong hininga ako, tuluyang tumulo ang luha na matagal kong inipon.



Napapikit ako, inaalala yung dating tayo. sa tuwing gabi ako umuuwi at umuulan nagaantay ka sa labas habang may hawak na payong.



Lalapit ka saakin ng nakangiti, kukunin yung bitbit ko na mga gamit, hahalikan ako sa pisngi, at hawak kamay na papasok sa loob.



Nakarinig ako ng mahinang paggalaw sa gilid ko. Pinupulot mo yung mga nahulog na gamit at iniligay sila sa gilid kung saan hindi mababasa.

 


Lumapit ka saakin, inilagay mo yung tuwalya sa balikat ko, inilayo ako sa ulan at kinulong sa mga yakap mo.



Patuloy ang pagtulo ng luha ko, hinawi mo yung buhok ko. bumulong ka.



"I'm sorry"





Nagising ako ng makarinig ng mahinang hikbi sa tabi ko, hindi ko iminulat ang mga mata ko.



Naramdaman kong hinarap mo ako at niyakap.



At sa hindi mabilang na pagkakataon, nagsalita ka.



"I'm sorry"



Ako yung yakap mo, pero siya ang nasa isip mo.



 


Sumunod na gabi, umuulan padin, pero ang pinagkaiba nakatungo kang nagaabang sa pintuan at hawak mo sa kabilang kamay yung payong.



Napuno ng tuwa yung puso ko, ilang buwan na din mula nung huli kitang makitang inaantay yung pagdating ko.



Lumapit ka saakin, naramdam kong may-iba dahil hindi na tulad ng mga dati yung ngiti sa mga labi mo, pilit lang.



Pumasok tayo sa loob, tahimik at walang nagsasalita. Nauna ako at sumusunod ka lang.



Isinarado mo yung payong at ipinatong yung mga gamit ko sa lamesa.



Pinagmamasdan ko yung paligid ng bahay, parang wala na siyang buhay, parang magisa lang ako.



Naramdaman kong niyakap mo ako mula sa likod, siniksik mo yung ulo mo sa leeg ko.



Ngumiti ako ng mapait, hinawakan ang kamay mong nasa bewang ko.



Muli, nagsalita ka. "I'm sorry"



Ngumiti ako, at humarap sayo. Nakita kong nanlambot ang mga mata mo habang nakatingin sa mga mata kong lumuluha.



"Taeyeon, you don't have to"



Mahirap pilitin, mahirap paniwalain yung sarili mong pwede pang ibalik ang mga nakaraan.



"Naririnig kita, gabi-gabi, you're crying because you couldn't be with someone you really love"



A year ago i left for work, naging busy ako at nawalan ng oras para sayo. Naghanap ka ng bago, hindi ko sinabing alam ko.



I saw you both once, nung dumating ako galing sa ibang bansa. Isang taon akong nawala, isang taon din na pilit nating sinasalba yung relasyon natin.



I got an offer, sa ibang bansa. Higit na mas malaki yung sweldo kesa dito sa pilipinas.



Hindi ako pumayag nung una, kasi hindi ko kayang malayo sayo. Pero sabi mo malaking opportunity, sayang.



Noong mga oras na yon, hinawakan mo yung kamay ko, you smiled assuring me that we can do this, isang taon lang, walang laban yan sa thirteen years natin together.



Pero magkaiba ang mga oras natin, hindi tayo madalas nagkakausap, hindi tayo nagkakasabay kumain, kahit weekends hindi padin madalas nagkakausap dahil ang oras ng gising ko oras ng tulog mo. Nung tumagal inisip ko nahihirapan ako, kaya pinili kita. Kahit nagoffer sila ng mas malaking sweldo for another year.



Naiisip kong paano kaya kapag sinama kita dito, dito tayo tumira, dito tayo bumuo ng magagandang memories.



But i never told you my plans, kasi alam kong mahihirapan kang bumuo ng bagong buhay, nandito sa pilipinas yung buhay mo, yung mga kaibigan mo.



Isinantabi ko yung planong bagong buhay sa ibang bansa kasama ka, uuwi nalang ako sa tahanan ko, uuwi ako sayo.



Hindi pumasok sa isip ko, kung may uuwian pa ba ako.

 

Pinaniwala ko kasi yung sarili ko na mahal mo ako. Hindi ko inisip kung masaya ka pa ba.



Noong umuwi ako, umuwi akong hindi na tulad ng dati, nagiba ka na.



Palagi kang wala sa bahay, kahit weekends, we never get to spend time with each other again.



Sabi mo palagi kasama mo mga kaibigan mo, Minsan busy ka. Pinilit ko yung sarili kong maniwala kahit alam kong siya yung kasama mo.



Hindi mo na din ata naalala na nagpropose ka saakin bago ako umalis ng pilipinas, sabi mo pagbalik ko papakasalan mo ako.



Kasi iniisip ko, baka kaya pang isalba, baka bumalik din sa dati, kailangan mo lang ng oras.



Dumaan ang isang taon, walang nagbago, nagising nalang akong nahihirapan na ako, nahihirapan akong makita na hindi ka na masaya.



"I'm sorry, sinusubukan ko naman" hindi mo nagawang tumingin sa mga mata ko, nanatiling hawak mo ang mga kamay ko.



Bumitaw ako at pinunasan ang mga luha mo.



"Okay lang" hindi ko kaya ng wala ka.



"Mahirap ng pilitin" pwede pa bang subukan ulit?



"Mahal mo ba?" Ako yung mahal mo diba?



Taliwas ang mga sinabi ko sa tunay kong nararamdaman, hindi ko kayang sabihin, hindi ko kayang pilitin ka.



Hindi ka sumagot, pero tumango ka.



Ang sakit.



Ang sakit-sakit pala.



Yung sayo mismo manggagaling.



Pinunasan ko yung luha ko, pilit na ngumiti.



Tinignan ko yung singsing sa kamay ko.



Dahan-dahan ko itong tinanggal.



Kinuha ko yung kamay mo at ipinatong ito sa palad mo.



You looked at me.



Nakita ko yung gulat sa mga mata mo, nakalimutan mo ngang nagpropose ka.



Pilit akong ngumiti.

 


"Ang dapat na nagsusuot niyan, yung taong mahal mo"



"At hindi na ako yun"

 


I forced myself to speak, sa pagitan ng mga hikbi pilit akong nagsalita.



I heard you talking to her last night, she said she was leaving this midnight, kasi nahihirapan ka pang pumili.



Natatakot kang saktan ako.



"Thank you for spending almost half of your life with me" hinawakan ko yung pisngi mo.

 

"Sorry" lumabas nanaman ang mga gasgas na linyahan sa mga labi mo, hindi naman maibabalik ng sorry yung dating tayo.



Dahan-dahan akong lumapit at niyakap ka.



Huling beses ko ng magagawa to.



Huling beses na.



"Go, chase her, chase the one that you love"



Tinignan mo yung payong, kinuha mo ito at binuksan ulit.



Tumakbo ka, pumara ka kaagad ng taxi, hindi mo na inisip na nakapangbahay ka lang.

 


Mahal mo nga talaga siya.



Walang laban yung tagal, kung hindi na mahal.

 


Masaya ka sa piling niya, hindi ko na ipipilit pa.



Pinapaubaya na kita.



Binibitawan ko na yung tayo na matagal nating pinangalagaan.



Ako yung nauna, Pero siya ang wakas.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
yandidie
#1
Chapter 1: SEQUEL PLEASE
palitao
#2
Chapter 1: Ouch... 😞
rabbitjiu
#3
Chapter 2: okay lang haha */pinlay ang try again jaehyun at d.ear
kidtaengtaeng #4
Chapter 2: Hindi ako umiiyak,, sinisipon lang mata ko
mayari_reads
#5
Chapter 2: bakit kailangan manakit, taeny day ngayon ah
mermaine #6
Chapter 1: tanginaaaaaaahhhhh