02:

Ulap
Please Subscribe to read the full chapter

Nagmamaneho ako papunta sa probinsya kung saan ako lumaki, dala ang isang bag na may lamang ilang damit at gamit ko. Nakapag usap na kami ni Wendy at napagsang-ayunan namin na makakabuti na bigyan muna namin ang isa't isa ng space para makapag isip isip.

 

Mas convenient nga siguro kung dinala ko na ang lahat ng gamit ko at hindi lang ang sakit at pagmamahal na nararamdaman ko para sakanya pero siguro ay umaasa padin ako na baka pwede pa, kaya naman nag iwan ako ng mga gamit ko sakanya. Iniisip at kinukumbinsi ang sarili na may babalikan pa ako.

 

Habang nagmamaneho ay nakaramdam ako ng pagkalang ng aking sikmura, kaya naman nag drive through muna ako sa Jollibee. Hindi na ako sanay na hindi kumakain sa umaga, sinanay kasi ako masyado ni Wendy na laging pinaghahanda ng umagahan bago umalis. Ang hirap pag nasanay ka na sa isang bagay tapos isang araw, pag gising mo, biglang nagbago ang lahat. 

 

" ung tatlong peach mango pie po tsaka jumbo fries, large mo nadin ate ung iced tea " sabi ko at inabot ang aking bayad sa cashier.

 

May bahay ang pamilya ko sa Laguna, doon ako lumaki at nagka-isip. Doon ako nag hayskul hanggang sa lumipat na kami sa Maynila para sa pag-aaral ko ng kolehiyo at dahil nandoon din naman ang business ng aking mga magulang. Sa ngayon ay walang nakatira sa bahay namin sa Laguna, nagsilbi nalang ito bilang rest house na ginagamit namin tuwing summer o holiday. Tamang tama iyon para sa page-emo ko ngayong wasak ang puso ko.

 

Habang nagmamaneho ay binuksan ko ang radyo para hindi naman masyadong tahimik, nakakagambala kasi ang katahimikan lalo na ngayon at may pinagdadaanan akong matindi. Pagbukas ko ng radyo ay hindi ko napigilang hindi mapamura, pesteng yawa naman ang tugtugan oh!


Hindi masabi ang nararamdaman
Hindi makalapit, sadyang nanginginig na lang
Mga kamay na sabik sa piling mo
Ang iyong matang walang mintis
Sa pagtigil ng aking mundo
Ako'y alipin ng pag-ibig mo
Handang ibigin ang 'sang tulad mo
Hangga't ang puso mo'y sa akin lang
Hindi ka na malilinlang
Ikaw ang ilaw sa dilim
At ang liwanag ng mga bituin


Bakit ba ang sakit ng mga kanta ng December Avenue? Sino ba ang nanakit sakanila? Kung may nanakit talaga sakanila, edi sana all nakakapagsulat ng magagandang kanta pag broken hearted. Kung may talent lang din sana ako sa pagsusulat ng kanta, hay!

 

Habang nagda-drive ay naramdaman ko nanaman ang pagkulo ng aking tiyan pero this time, hindi dahil sa gutom. Mukang tinatawag ako ng kalikasan!

 

Napabuntong hininga ako at inipit muna ang nagbabadyang lumabas sa aking pwetan, tiis tiis muna dahil higit kumulang 20 minutes pa bago ako makarating sa bahay. Nagsimula nang lumabas ang malalamig at butil-butil kong pawis, nagtataasan nadin ang aking mga balahibo.

 

" ponyeta, kapit lang anak! " sabi ko saaking sarili. Malapit ko nang iluwal ang anak namin ni Jollibee pero hindi pa ako ready!

 

Salamat kay papa Jesus at nakaabot ako sa bahay namin, agad kong pinarada sa tapat ang aking sasakyan, kinuha ang bag at dali daling bumaba. Nagtataka pa ako kung bakit hindi naka-lock ang gate namin pero wala na akong oras para mag-isip tungkol don, nilabas ko aking susi para buksan ang front door at agad na tumakbo papunta sa banyo. Nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman ko ang malamig na inidoro saaking balat.

 

" thank you Lord " mahinang bulong ko sa sarili.

 

Kagat-kagat ang aking labi ay marahan akong umire para iluwal ang anak namin ni Jollibee, pero saktong paglabas ng tae ko ay sya ring pagbubukas ng shower curtain. Nagkatinginan kami ng babaeng nakatapis ng towel at basang basa pa ang buhok. Nabalot ng katahimikan ang banyo, parehas na gulat na gulat sa presesya ng isa't isa— nabasag lamang ang katahimik sa tunog ng paglabas ng pangalawang batch ng anak namin ni Jollibee at doon, nabalik ako sa realidad na may hindi kilalang tao sa loob ng bahay ko!

 

Agad na hinila pasara ng babae ang shower curtain at ako naman ay agad na naghugas ng sarili at finlush ang mga anak namin ni Jollibee— farewell mga anak, mahal na mahal kayo ni nanay.

 

" sino ka!? " sabay na sigaw namin sa isa't isa.

 

" bakit ka nasa bahay ko!? " parehong tanong ulit namin sa isa't isa.

 

" bahay mo!? Ok ka lang? Bahay ko to! " kunot noong sigaw ko.

 

" bahay mo!? Siraulo ka ba!? Akin to! " sigaw nya pabalik saakin.

 

Gulong gulo ako sa nangyayari ngayon, wala namang nabanggit ang mga magulang ko tungkol sa pagbebenta ng bahay namin ah? Sino tong slapsoil na nagsasabing bahay nya ang bahay namin!?

 

" wala ka bang balak lumabas!? Ano? Jan ka lang!? Magbibihis ba ako sa harap mo? " sigaw nya ulit at naalala ko naman na nakatapis lang siya kaya agad akong lumabas ng banyo para bigyan sya ng oras para makapag-ayos ng sarili.

 

Paglabas ko ng banyo ay akala ko'y makakalma ko na ang aking sarili dahil sa mga nangyayari saakin ngayon, pero pagkasarang pagkasara ko ng pinto ng banyo ay parang lumayas ang kaluluwa ko saaking katawan. Pagtingin ko kasi sa aking kaliwa ay nakakita naman ako ng isang matanda.

 

Napahiyaw ako at nawalan ng balanse kaya naman nahulog ako sa sahig, halos mapamura ako sa sakit ng pagkaka-landing ng pwetan ko sa sahig.

 

" ayos ka lang ba iha? " nagaalalang tanong ng matanda. Buong akala ko'y minumulto na ako ng yumao kong lola.

 

 " ayos lang ho " nakangiwing sagot ko at agad na tumayo mula sa sahig habang hinahaplos ang kawawa kong pwetan.

 

Lumabas nadin ang babae sa CR, naka shirt at shorts na sya ngayon habang ang kanyang tuwalya ay maayos na nakapulupot sakanyang buhok.

 

" sino ka!? Magnanakaw ka ba? Hay nako, sinasabi ko sayo, marunong akong mag karate! Bubugbugin kita! " agad na sabi nung babae saakin.

 

" ako dapat ang nagtatanong sainyo nyan. Sino ba kayo at ano ang ginagawa nyo dito sa bahay ko!? "

 

" anong sinasabi mo na bahay mo to? Bahay ko to ngayon no! Binayaran ko ton

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
sparklecola123 #1
Chapter 1: just watched moira's paubaya and as i scrolled down the comment's section i saw something. i thought it was familiar then i remembered this one. hayys i felt kinda bad,, i wish that person will have a happy ending.. im so glad ive read this one i hope seulgi here will have a happy ending and will be love because that is what she deserves.
ifyouseeA #2
Chapter 2: Si lola letitia rin po ba yan. Ung lola ni seulgi hahah naiba lang ngayon
ifyouseeA #3
Chapter 2: Mukang ikaw nga po si dani sa twitter na author ni langit at jejeseul. Ngayon ulap na si langit hahaha
ifyouseeA #4
Ikaw po ba si dani sa twitter na may au ni langit at jejeseul?
vanillacookiescream
#5
bakit sobrang familiar ng un mo
PineappleSeulgi
#6
omg ang cute ng plot