01:

Ulap
Please Subscribe to read the full chapter

Nagising ako sa tunog ng mahihinang hikbi. Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata, kabado na baka tiyanak ang aking makita, pero sa pagmulat ng aking mga mata, ang nakita ko ay ang aking girlfriend— tahimik na umiiyak, pilit na pinipigilan ang paghikbi, takot na ako'y magising.

 

Gustuhin ko mang bumangon at yakapin sya ay hindi ko magawa, dahil alam kong hindi nya gugustuhin na malaman kong naiyak sya ng dis-oras ng gabi. Labag sa kalooban, ipinikit kong muli ang aking mga mata at nagpanggap na hanggang ngayon ay mahimbing parin ang aking tulog kahit na ang totoo ay nadudurog ang aking puso sa bawat segundo na naririnig ko ang paghikbi nya.

 

Mag iisang taon na kami ni Wendy, pero higit pa sa limang taon ko na syang minamahal. College schoolmates kami at doon nagsimula ang pagtingin ko sakanya. Nung una ay hindi ako naniniwala sa love at first sight, kakornihan lang yon! Pero nung makita ko sya, nagbago ang aking paniniwala, kasi simula palang ay nahulog na ako sakanya.

 

Kilala si Wendy sa aming eskwelahan dahil sa angkin nyang ganda. Ang kutis nya'y mala-porselana, matangos ang ilong, natural na mapupula ang mga labi kahit walang lipstick o liptint, at higit sa lahat ay nakaka-inlove naman talaga ang kanyang mga mata. Nung una ay akala ko'y mababaw na paghanga lang ang mayroon ako para sakanya, pero nang makilala ko na sya ng lubos ay mas lalo akong nahulog sakanya, bukod kasi sa pagiging maganda nya ay may maganda din syang kalooban, responsable, maasahan, palakaibigan at may respeto.

 

Naging kaibigan ko sya at habang kaibigan ang turing nya saakin ay pasikreto ko naman syang iniibig. Sikreto lang kasi mayroon syang jowa nung mga panahon na yon, ayaw ko namang isugal ang kung anong meron kami para lang ipaalam ang nararamdaman ko para sakanya. Masaya si Wendy sa jowa nya noon kaya naman alam kong walang pag-asa ang nararamdaman ko para sakanya, at tsaka ang mahalaga naman ay masaya sya kahit na hindi dahil saakin.

 

Ngunit nung nakaraang taon ay biglang nagkaroon ng pagaaway sa relasyon ni Wendy at ng jowa nya, hanggang sa umabot ng hiwalayan. Doon na ako pumasok sa eksena, naging tapunan ako ni Wendy ng sama nya ng loob at matiyaga ko naman syang pinapakinggan. Mabilis ang mga pangyayari, mula sa pagiging magkaibigan hanggang sa pagiging balikat na pwede nyang iyakan at ngayon na ako na ang kanyang inuuwian.

 

Hindi ko akalaing dadating kami sa punto na matatawag ko na syang akin, pero saakin na nga ba talaga sya? Dumating na kaya talaga kami sa puntong yoon? O hanggang ngayon ay nasa iba parin ang puso nya kahit ako nasa tabi nya?

 

" Seulgi... " may marahang tumapik sa aking balikat " Sol... " nagpatuloy ang pagtawag saaking pangalan kaya naman marahan kong binuksan ang aking mga mata— sumikat na pala ang araw. Nakita ko si Wendy na nakangiti saakin, suot-suot ang cute na apron na binili namin sa miniso noong nakaraang buwan.

 

" gising na, nagkapag-luto na ako ng umagahan natin " marahang sabi nya habang inilalagay ang ilang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tenga. Soft spoken si Wendy sa kahit na anong sitwasyon, kahit pa galit na sya, para syang laging nakikipag-usap sa sanggol.

 

" good morning " mahinang sabi ko habang may ngiti sa aking mga labi. Kung sa araw-araw banaman na ginawa ng Dyos ay si Wendy agad ang aking makikita pag dilat ng aking mga mata ay talagang laging may ngiti saaking mga labi. 

 

" bangon ka na, lalamig na ung niluto ko " antok na tumango ako at imbis na bumangon na ay kinuha ko ang kamay nya at binigyan ito ng halik.

 

Matapos ang lambingan session sa umaga ay pumunta nadin kami sa kusina para kumain. Nagsimula na syang magsandok ng kanin at ako naman ay umupo na, pinapanood ko syang gumalaw sa kusina, ang saya siguro sa feeling kung magiging asawa ko itong babaeng ito.

 

Nagsimula na kaming kumain at habang nakain ay masaya rin kaming nagkukwentuhan tungkol sa aming trabaho at mga kaganapan dati noong kolehiyo pa kami. Napaka ganda ng mga ngiti sakanyang mga labi habang tumatawa sa mga makalokohang kwento ko, muntik ko ng makalimutan ang tunog ng hikbi nya kagabi dahil sa ganda ng halkhak nya ngayong umaga.

 

" ako na ang maghuhugas, maligo ka na " pagpe-presinta ni Wendy.

 

" ako na, ikaw na nga nagluto eh " tutol ko.

 

" hindi ka kasi marunong magluto " pangaasar niya sabay dila pa saakin.

 

" kaya nga ako na maghuhugas kasi paghuhugas lang ang alam ko "

 

" alam mo din kung paano ano mahalin " kibit balikat na sabi ni Wendy.

 

" naman! " proud na sabi ko.

 

" kaya gawin mo lang kung saan ka pinaka magaling, mahalin mo lang ako at ako na ang bahala sa pagluluto at paghuhugas ng pinggan " natatawang sabi ni Wendy at halos pagtulakan na ako paalis ng kusina. Wala na akong nagawa kundi hayaan sya at pumasok nal

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
sparklecola123 #1
Chapter 1: just watched moira's paubaya and as i scrolled down the comment's section i saw something. i thought it was familiar then i remembered this one. hayys i felt kinda bad,, i wish that person will have a happy ending.. im so glad ive read this one i hope seulgi here will have a happy ending and will be love because that is what she deserves.
ifyouseeA #2
Chapter 2: Si lola letitia rin po ba yan. Ung lola ni seulgi hahah naiba lang ngayon
ifyouseeA #3
Chapter 2: Mukang ikaw nga po si dani sa twitter na author ni langit at jejeseul. Ngayon ulap na si langit hahaha
ifyouseeA #4
Ikaw po ba si dani sa twitter na may au ni langit at jejeseul?
vanillacookiescream
#5
bakit sobrang familiar ng un mo
PineappleSeulgi
#6
omg ang cute ng plot