STORY #1: SIOPAO LOVE ANALOGY [Chapter 2: Bola-Bola (Pero Hindi Naman Talaga)]

Cravings for Kaisoo
Please Subscribe to read the full chapter

Jongin's POV!!! :D

90% copy-paste lang 'to galing sa POV ni Kyungsoo from 1st chap. But I hope you'll still give this a try??? >_<

 

Chapter 2: Bola-Bola (Pero Hindi Naman Talaga)

 

“Bro, nakatingin na naman dito si Kyungsoo,” abiso ni Moonkyu sa kaibigang si Jongin. Nakaupo sila sa usual spot nila sa isang university cafe for their lunch. But, for Jongin, may iba pang reason why they keep frequenting this cafe. And, as his friend has pointed out, said reason is looking at their direction. “Maniwala ka sa’kin, bro,” dagdag ni Moonkyu, “may gusto talaga siya sa’yo.”

 

Actually, ‘yon din naman talaga ang nararamdaman ni Jongin kahit hindi pa sabihin ng kaibigan. Hindi naman siya manhid para hindi makita ang mga reaksyon ni Kyungsoo tuwing magkakaroon sila ng interactions. Pero natatakot si Jongin sa pwedeng mangyari kay Kyungsoo once na ipakita niya ang interes niya dito. Hindi lingid sa kaalaman ni Jongin na may mga tao na hindi matanggap kapag may mga nagiging malapit sa kanya outside of his already established circle of friends from high school.

 

“Kung natatakot ka sa gagawin ng ibang tao sa kanya, hindi ka ba willing na protektahan siya?” sabi ni Moonkyu, na ikinagulat niya. Hindi pa niya nasasabi sa mga kaibigan ang tungkol sa feelings niya kay Kyungsoo. Nakita ng kaibigan ang pagkagulat niya sa sinabi nito. “Alam mo, Jongskie, matagal na tayong magkaibigan, kaya kilala na kita kahit wala kang sabihin. Basta, pare, alam mo naman na nandito lang kami para tulungan ka protektahan si Kyungsoo.”

 

“Salamat, bro.”

 

“Ano pang hinihintay mo diyan? Make some moves na, bro!” May hampas sa likod pang nalalaman ‘tong kaibigan niya. Pero tumayo naman si Jongin para lumapit sa table nina Kyungsoo.

 

Saktong within hearing distance na siya sa kanila nang marinig niya ang pangalan niya na binigkas ni Chanyeol.

 

“Anong meron sa’kin, Kuya?” tanong niya dito. Since nabanggit na rin naman nila ang pangalan niya, makikisali na rin siya sa usapan. Though hindi talaga sila close ni Chanyeol, na best friend ni Kyungsoo. Alam niya na dahil lang kay Kyungsoo kaya siya pinakikisamahan nito.

 

“Manghihiram daw ng notes sa’yo si Kyungsoo,” sagot ni Chanyeol, sabay lingon kay Kyungsoo. “‘Di ba, Soo?”

 

“Ah oo s-sana,” pagsang-ayon ni Kyungsoo, ngunit umiwas ito ng tingin sa kanya at sinimulang paglaruan ang mga daliri nito sa kamay. Alam ni Jongin na sign iyon na anxious si Kyungsoo.

 

“Ganoon ba?” paglilinaw ni Jongin at tiningnan si Kyungsoo ng may halong pagtataka. “Naiwan mo ba notes mo? ‘Di ba ako actually ‘yong manghihiram ng notes sa’yo ngayon?” Lumapit kasi siya kahapon kay Kyungsoo para humiram ng notes dahil halos isang linggo nang absent ang best friend niyang si Taemin na siyang usual source of notes niya.

 

Napansin niya ang bahagyang paglunok ni Kyungsoo at paglipat ng tingin nito kay Chanyeol.

 

“Actually, ako ‘yong nakaiwan,” paliwanag ni Baekhyun. “Hiniram ko kasi sa kanya kahapon and ngayon ko dapat ibabalik. Pero nawala sa isip ko.” Baekhyun turned towards Kyungsoo. “Sorry talaga, Baby Soo. Naabala ka pa tuloy.”

 

“Okay lang, Baek.” Ang tanging nasabi ni Kyungsoo. Ramdam ni Jongin na may kakaibang tensyon sa nagiging takbo ng usapan nila. Pero hindi na lang nagkumento si Jongin patungkol dito.

 

Bigla namang pumalakpak si Baekhyun na parang excited na bata. “Why don’t you two be study buddies na lang? Just quiz each other or something. For sure, mas magiging effective na strategy ‘yon.”

 

Nakita ni Jongin na binigyan ni Kyungsoo si Baekhyun ng famous death glare niya.

 

“Game ako d’yan.” “Hindi na.”

 

Nagkatinginan si Jongin at Kyungsoo na magkaiba ang sagot sa naging suggestion ni Baekhyun. Napansin ni Jongin na magsasalita pa sana si Kyungsoo at sure siya na iyon ay para tumanggi ito kaya bigla niyang inakbayan ito.

 

“Sige na, Soo,” alo ni Jongin, giving Kyungsoo his matching puppy eyes at pout. “Malay natin mag-work ‘yong strategy na ‘yon.” Jongin knew he had managed to convince him when Kyungsoo just sighed in response.

 

*****

 

“Ano nga ulit explanation dito, Soo?” tanong ni Jongin kay Kyungsoo habang hawak ang isang libro. Actually, medyo gets naman talaga ni Jongin ang concept na tinatanong niya. Gusto niya lang talaga mawala ang somewhat awkward atmosphere sa pagitan nilang dalawa. And Jongin knows anything academics is the way to go when it comes to Kyungsoo.

 

“Hmmm. Patingin nga.” Kinuha ni Kyungsoo ang libro sa kanya at sinimulang mag-explain sa kanya habang nakaharap sa libro.

 

Nilapit ni Jongin ang mukha niya kay Kyungsoo para mas marinig ito nang maayos. Ngunit hindi niya inakala na sa paglapit niya ay siya ring paglingon ni Kyungsoo paharap sa kanya kaya muntik nang lumapat ang labi ni Kyungsoo sa pisngi niya.

 

Agad na umiwas ng tingin si Kyungsoo at kumuha ng isang pad ng papel at ang pen nito na may penguin cap. “Um… So, ganito…” Nagpatuloy sa pagpapaliwanag si Kyungsoo na hindi tumitingin kay Jongin. Sinubukang makinig ni Jongin pero distracted talaga siya sa nangyari.

 

Hindi nila namalayan ang oras hanggang tumunog ang bell na siyang signal na may 5 minutes na lang sila para makarating sa classroom nila. Which, unfortunately for them, is still at the third floor of the building. And nasa ground floor sila ngayon kung nasaan ang library.

 

“Stairs or elevator?” tanong ni Jongin.

 

“Elevator?” sagot ni Kyungsoo na patanong rin.

 

“Stairs na lang tayo, okay lang?” Since mukhang 'di rin naman sure si Kyungsoo sa paggamit ng elevator, minabuti na lang ni Jongin na i-suggest na stairs na lang gamitin nila. Tutal, mas malapit din naman iyon sa classroom nila.

 

Nang tumango si Kyungsoo, agad inabot ni Jongin ang backpack nito para siya na ang magbuhat nito paakyat. Inabot din ni Jongin ang kamay ni Kyungsoo at hinawakan ito habang paakyat sila. Jongin couldn't help a small smile to play on his lips when Kyungsoo didn't shake his hand off.

 

*****

 

Hinihingal na pumasok ng room sina Jongin at Kyungsoo. Nagsitinginan ang mga kaklase nila sa biglang pagbukas ng pinto sa may bandang likod ng classroom.

 

“Mr. Kim, Mr. Do,” tawag ng prof nila sa kanila, “you can let go of each other’s hands now and work on your exam just like the rest of the class.”

 

Napansin ni Jongin na napalunok si Kyungsoo sa naging comment ng prof nila at agad na binitawan nito ang kamay ni Jongin. Pinagmasdan niya si Kyungsoo na maglakad patungo sa pwesto nito sa room nila, which is sa second row pa since alphabetically arranged sila for the seatplan.

 

Hindi rin lingid kay Jongin na may ilan sa mga kaklase nila na sinundan ng tingin si Kyungsoo. Lalo na ang mga alam niya na notorious members ng unwanted "fans" club niya. Jongin sighed. He'll have to be vigilant when it comes to them.

 

Tumuloy siya sa sariling upuan at nagsimula nang magsagot ng exam. Halos isang oras na ang nakakalipas bago niya napansin na tumayo si Kyungsoo upang magpasa ng test paper nito. At kasabay nito, napansin din ni Jongin ang paggalaw ng isang paa ng kaklase nilang si Yejin na siyang katabi ni Kyungsoo. Nakumpirma ang hinala ni Jongin na may masamang balak ang kaklase nang biglang matumba nang bahagya si Kyungsoo.

 

Hindi alam ni Jongin ang eksaktong pag-uusap na naganap sa pagitan nina Kyungsoo at Yejin. Napansin niya lang na binigyan ni Kyungsoo ng tipid at sobrang pilit na ngiti si Yejin bago tuluyang tumalikod si Kyungsoo at nagpatuloy sa pagpapasa ng test paper nito.

 

Inintay ni Jongin na maglakad pabalik si Kyungsol sa upuan nito at napansin ni Jongin na tiningnan siya nito. Jongin mouthed an apology to Kyungsoo. Walang naging reaksyon si Kyungsoo sa kanya at sa halip ay dumiretso lang ito na kunin ang gamit nito at lumabas ng classroom.

 

Gustuhin mang sundan agad ni Jongin si Kyungsoo, hindi niya magawa since halfway pa lang siya sa pagsasagot sa test paper niya. Binilisan niyang magsagot dahil balak niyang mapuntahan agad si Kyungsoo.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet