STORY #1: SIOPAO LOVE ANALOGY [Chapter 1: Asado (Para Sa Puso Mo)]

Cravings for Kaisoo
Please Subscribe to read the full chapter

Ika nga ni Baekhyun, parang siopao ‘tong sina Kyungsoo at Jongin.

Si Kyungsoo na palaging umaasa(do),

At si Jongin na wala raw alam kundi magpaiyak at mambola(-bola).

Pero naniniwala pa rin si Baekhyun na may something special sa dalawa.

 

Chapter 1: Asado (Para sa Puso Mo)

 

“Naku talaga! Kung ako sa’yo, Kyungsoo, titigil na ako sa pagpapantasya doon sa Jongin na ‘yon. Wala namang alam kundi magpaiyak ng tao. ‘Wag ka nang dumagdag pa sa listahan.” Ito ang advice ni Chanyeol, ang best friend ni Kyungsoo, sa kanya nang makita na naman siya nito na tinatanaw ang crush niya sa may kalayuan habang nakatambay sila sa isang university cafe para mag-lunch.

 

Napabuntong-hininga na lang si Kyungsoo. Totoo naman na marami nang umiyak dahil kay Jongin. Pero ‘yung trato kasi sa kanya ng binata, iba kasi talaga kaya parati syang nagkakaroon ng spark ng pag-asa.

 

“Hayaan mo na, Channie,” sita ni Baekhyun sa nobyo. “Malaki na si Soo. Alam niya na kung anong dapat at hindi dapat.”

 

“Pero, Baek, wala pang alam si Baby Soo natin tungkol sa pag-ibig!” himutok ni Chanyeol. “Ni hindi pa nga nagkaka-boyfriend sa buong buhay niya eh.”

 

“Ouch, Kuya,” ang naging reaksyon ni Kyungsoo sa comment ni Chanyeol. Though wala naman talagang halong hinanakit.

 

“Don’t get me wrong, Soo. Ayoko lang naman na masayang ang oras mo kay Jongin kung wala naman talagang pag-asa.”

 

“Happy crush lang naman siguro ‘to, Kuya,” saad ni Kyungsoo. “‘Di ko naman ipagpipilitan sarili ko kung wala talaga. Kaso feeling ko meron eh.”

 

“Okay.” Nagkibit-balikat na  lang si Chanyeol. “As long as happy crush talaga ‘yan. Baka kasi mamaya maging crushed ka na lang kasi ‘di ka crush ng crush mo.”

 

“Babe, ‘wag na muna kayong magpaka-stress dyan,” saway ni Baekhyun. “May exam pa tayo mamaya.”

 

“Speaking of exam, kailangan ko pa palang pumunta sa library,” sabi ni Kyungsoo, habang nililigpit ang mga gamit niya. “Una na ako, Kuya Chan, Baek.”

 

“Exam ba talaga o si Jongin?” pahabol na tanong ni Chanyeol, with matching knowing smirk pa. Hindi naman sikreto sa mga kaibigan ni Kyungsoo na isa sa mga rason kung bakit paboritong study spot niya ang library ay dahil madalas din doon tumambay si Jongin para mag-aral kasama ang sarili nitong mga kaibigan.

 

“Anong meron sa’kin, Kuya?” Hindi si Kyungsoo, kundi si Jongin ang sumagot kay Chanyeol. Na ikinagulat naman ng tatlong magkakaibigan, lalo na ni Kyungsoo. Hindi nila namalayan na lumapit pala si Jongin sa kanila.

 

“Manghihiram daw ng notes sa’yo si Kyungsoo,” mabilis na sagot ni Chanyeol. “Di ba, Soo?” Tiningnan si Kyungsoo ni Chanyeol nang makahulugan.

 

“Ah oo s-sana” pagsang-ayon na lang ni Kyungsoo, kahit kumpleto naman talaga siya sa notes para sa lahat ng subjects nila with upcoming exams.

 

“Ganoon ba?” Tiningnan ni Jongin si Kyungsoo nang may halong pagtataka. “Naiwan mo ba notes mo? ‘Di ba ako actually yung dapat manghihiram sa’yo ng notes ngayon?” At doon naalala ni Kyungsoo na nangako nga pala siya na papahiramin niya ng notes si Jongin dahil halos isang linggo nang absent ang best friend ni Jongin na usually ay source of notes nito.

 

Okay, nagpapanic na po si Kyungsoo. Hindi siya expert sa on-the-spot na pagsisinungaling. Nagsend siya ng subtle “call a friend” look kay Chanyeol, na alam niya na di hamak na mas convincing magbigay ng excuses compared to him.

 

“Actually, ako yung nakaiwan,” paliwanag (or, more like, pagsisinungaling) ni Baekhyun. “Hiniram ko kasi sa kanya kahapon and ngayon ko dapat ibabalik. Pero nawala sa isip ko.” Baekyun turned towards Kyungsoo. “Sorry talaga, Baby Soo. Naabala ka pa tuloy.”

 

“Okay lang, Baek.” Pero parang bumigat ang backpack ni Kyungsoo na naglalaman ng kumpleto niyang notes sa lahat ng subjects niya. Forgive me, Father, for I have sinned , dasal ni Kyungsoo sa isip niya.

 

Bigla namang pumalakpak si Baekhyun na parang excited na bata. “Why don’t you two be study buddies na lang? Just quiz each other or something. For sure, mas magiging effective na strategy ‘yon.”

 

Binigyan ni Kyungsoo si Baekhyun ng famous death glare niya. Na hindi naman pinansin ni Baekhyun.

 

“Hindi na.” “Game ako d’yan.”

 

Nagkatinginan si Kyungsoo at Jongin na magkaiba ang sagot sa naging suggestion ni Baekhyun. Magsasalita pa sana si Kyungsoo nang bigla siyang akbayan ni Jongin.

 

“Sige na, Soo,” alo ni Jongin. “Malay natin mag-work ‘yong strategy na ‘yon.”

 

Makakatanggi pa ba si Kyungsoo sa puppy eyes at pabebeng pout ng pinaka-gwapong nilalang sa mundo?

 

*****

 

“Ano nga ulit explanation dito, Soo?” tanong ni Jongin kay Kyungsoo habang hawak ang isang libro.

 

“Hmmm. Patingin nga.” Kung may isang bagay man na nakakatanggal ng awkward atmosphere between him and Jongin, ‘yon ay ang studies ni Kyungsoo. Goal niya kasi na makapagtapos with honors. So hindi talaga siya 100% focused kay Jongin pag may studies na involved. Pero hindi rin naman niya maitatanggi na may unwarranted effect pa rin sa kanya ang crush niya sa mga pagkakataong tulad kung anong mayroon sila ngayon. Case in point, itong alone time niya with Jongin sa library.

 

At mukhang unconsciously ay may balak pang pahirapan ni Jongin si Kyungsoo. Pa’no ba naman, bigla-bigla na lang nilalapit ‘yong mukha niya sa mukha ni Kyungsoo. At, mas lalo pang nawindang ang small world afterall ni Do Kyungsoo nang muntik pang matamaan ng labi ni Kyungsoo ang pisngi ni Jongin nang lumingon siya para harapin ito.

 

Pareho silang nagulat at naunang umiwas ng tingin si Kyungsoo.

 

Kinuha ni Kyungsoo ang isang pad niya ng papel at ang paborito niyang pen na may penguin cap. “Um… So, ganito…” Nagsimula siyang magpaliwanag kay Jongin para maitago ang naging epekto sa kanya ng nangyari.

 

Hindi nila namalayan ang oras hanggang tumunog ang bell na siyang signal na may 5 minutes na lang sila para makarating sa classroom nila. Which, unfortunately for them, is still at the third floor of the building. And nasa ground floor sila ngayon kung nasaan ang library.

 

“Stairs or elevator?” tanong ni Jongin.

 

“Elevator?” sagot ni Kyungsoo na patanong rin. Actually, tinitimbang pa talaga ni Kyungsoo kung alin talaga ang dapat nilang gamitin. Pag stairs, siguradong hindi siya makaka-akyat nang mabilis dahil out of shape siya at madaling hapuin plus medyo mabigat din ang backpack niya, though malapit lang ang stairs sa library at sa room nila. Pag elevator naman, nasa kabilang side pa ‘yon ng building, which means kailangan din nilang magmadali since baka hindi nila agad maabutan ang elevator car and babalik din sila sa side na ‘to.

 

“Stairs na lang tayo, okay lang?”

 

Oh well. Mukhang mas mapapabilis din naman sila kung sa stairs na lang ang gagamitin nila. Kaya tumango na lang siya.

 

Kukunin pa lang sana ni Kyungsoo ang backpack niya, pero naunahan siya ni Jongin na sinuot iyon. Ngunit hindi lang pala backpack ang kukunin ni Jongin, pati din ang kamay ni Kyungsoo ay kinuha nito.

 

At, expected na ‘to ng lahat, pati puso ni Kyungsoo, nakuha rin ni Jongin. Then again, matagal nang nagawa ‘yon ni Jongin.

 

*****

 

Hinihingal na pumasok ng room sina Kyungsoo at Jongin. Nagsitinginan ang mga kaklase nila sa biglang pagbukas ng pinto sa may bandang likod ng classroom.

 

“Mr. Kim, Mr. Do,” tawag ng prof nila sa kanila, “yo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet