Chapter 3: Rain

I Need You More Today
Please Subscribe to read the full chapter

Lumalakas na ang ulan. Nagddrive ako ngayon, pauwi na kami ni lola. Bumisita kasi kami sa puntod nila lolo at ng parents namin ng pinsan kong si kuya Heechul. It's their 10th death anniversary. Ansakit pa rin sa puso kapag naaalala ko na namatay sila dahil sa plane crash. Dahil tuloy don, si lola lang ang naiwan samin ni kuya. 

Di nga pala kami natuloy ni Wannie kanina kasi bumisita daw ang mommy niya at nagbe-bake sila. Niyayaya rin ako ng mga tropa ko kanina kaso alam naman nila na pass ako kapag wala si kuya Heechul sa bahay. 

"Seulgi, isabay mo nga yung babaeng tumatakbo. Baka mamaya magkasakit siya nako." Itinabi ko muna ang kotse. Kinuha ko ang payong at jacket na iniabot sakin ni lola tsaka ako lumabas.

Sinalubong ko ang babaeng tumatakbo kaya nabangga niya ako. Isinukob ko siya sa payong at tinanggal niya ang bag niya na pinatong sa ulo niya. Unti-unti siyang nag-angat sakin ng tingin. Suot niya ang specs niya at basa na ang uniform niya. She's a pharmacist at Mercury Drug Store. 

Nagkangitian kami saglit. I didn't expect na ganito palang eksena ang maglalapit samin ulit. Tamang sulyap lang kasi ako sa kanya pag napapadaan ako sa Mercury eh. 

"Hindi mo na naman iniingatan ang sarili mo," inilagay ko sa kanya ang jacket na hawak ko at hinawakan ang kamay niya. Ang init niya parang nilalagnat na siya. I'm worried about her. Baka mamaya wala siyang kasama sa bahay niya at walang mag-aalaga sa kanya. 

Sana talaga di na lang tayo naghiwalay. 

I won't let go of her hand kahit pa sabihin niyang bitawan ko siya. Pero mukhang di niya naman na ko pipigilan. Pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse at isinara ko na rin para sa kanya. Umikot ako para makapasok na rin. Iniabot naman ni lola sa kanya ang towel para makapagpatuyo man lang siya ng buhok. 

Gusto ko magalit pero wala na kong karapatan. Baka magtaka rin si lola kapag pinagsabihan kita ngayon.

"Thank you po." Ngumiti siya kay lola. Hindi ko siya matignan. 

"Hija, ikaw yung paborito kong pharmacist. Ano nga bang pangalan mo?" Minsan, gusto ni lola na siya mismo ang bumibili ng gamot. Yun nga lang, si kuya Heechul ang sinasama niya. 

Anyway, tinignan ko si lola sa mirror, she's smiling while looking at Joohyun. I can tell she likes her. 

Lola, akin siya dati. 

"Bae Joohyun po." Lumingon siya kay lola saglit at nakangiti pa rin hanggang sa chinecheck na niya ang phone niya.

"Ah, Joohyun. Eto nga pala si-"

Hindi na natapos ni lola ang sinasabi niya dahil pinutol siya ni Joohyun na tumingin naman sakin.

"Si Seulgi po? Magkakilala po kami, matagal na." Oo matagal na nga. 1 year ako nanligaw. 3 years rin kita naging girlfriend. Hindi rin pala kita naipakilala kay lola dati. Natakot kasi ako na baka maattach si lola sayo tapos baka malungkot ulit siya ng sobra tula nung nangyari samin ni Wannie. 

Nakatingin pa rin siya sakin habang nakangiti. What does that mean? Masaya ba siya na nakita

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lalaisielai
Wala kong maisip na research topic so ayon nag-update na lang ako. Thank you sa mga nagbabasa uwu

Comments

You must be logged in to comment
PineappleSeulgi
#1
Chapter 2: Ling :>

hehe
Varcenciel21
#2
Chapter 1: Cute and interesting <3 Wenseul FTW
Joseibarragonzalesjr #3
New tagalog ff :)
vanillacookiescream
#4
I like the tags