Nyebe

Kuwentuhan tayo

                         Nyebe

               "Mahuhulog pa rin sayo. Araw-araw"

                                        [Angst!]

___________________________________________________

                                       

        Paminsan, napapaisip ako kung bakit ipinababa ng Diyos ang isang anghel na katulad niya

Una ko siyang nakita ng naisipan ko na lumabas sa aming dormitoryo. 


Sanay na ako sa ganitong eksena. 


Sanay na ako makakita ng napakaraming maiingay na estudyante na dapat ay umuwi na sa kanilang bahay at mga tambay sa labas.

Isama mo pa ang mga busina ng mga kotseng kakauwi lang galing trabaho at ang walang katapusan Kantang pang pasko. Meron rin mga nakapalibot sa labas ng aming dormitoryo na mga nagbebenta ng isaw at itlog na ibinababad sa harina na kulay kahel dito.


Nagpapasalamat ako sa diyos sapagkat naisipan ko na pagmasdan ang mga tao nung araw na iyon.


Balingkinitan ang kaniyang kutis na parang nyebe  at ang kanyang maitim at mahaba na buhok ang pumukaw sa aking atensyon.

Ang dalaga ay nakajacket at may mga abubot ito sa kanyang buhok katulad sa mga nakikita ko sa tv na teenager na koreana. Nakatalikod ito na may hawak na pulang maleta, siya ay sumasabay sa mga estudyante na kumain ng pritong kwek kwek at isaw.


Siguro ay matagal na akong nakatayo sa labas ng aming dormitoryo. 


Siguro ay naramdaman niyang may nagmamasid sa kanya.


Hindi ko na namalayan ay pareho na pala kaming nakatingin sa isa't isa.

 Lahat ng busina at ingay ay nawala na parang bula. 
 
Tumigil sa pagtibok ang aking puso dahil sa kanyang mapupungay na mata at sa mukha niyang parang inimolde ng personal ng Diyos. 


Napakaganda.


Di ko alam kung anong gagawin. Para bang sinemento ang aking paa sa lupa at ang puso ko'y gusto ng lumabas sa aking dibdib. Ang anghel ay ngumiti ng napakatamis at kumaway. Lumapit siya sa akin.


"Ikaw ba si Seulgi Kang?"


Sa mga panahon na yun, hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin sapagkat ako ay nahumaling sa hindi gaanong matinis na boses niya. Ang boses ng dalaga ay para bang may kakayahan na patahimikin lahat ng tao dahil mas pipiliin nilang makinig dito.

"Ikaw ba yun makakasama ko sa dormitory?" Muling tanong ng anghel.

Napatango lang ako ng ilang beses at sinama siya sa magiging kwarto namin.

 Simula ng pangyayari iyon ay hindi na ako nakatulog ng mahimbing dahil ito ang unang beses na nakakilala ako ng anghel. 
 
Ito ang unang beses na magkakaroon ako ng kasama sa aking kwarto.


Ito ang unang beses na pumasok sa buhay ko si Joohyun Bae.

 


Joohyun Bae.

 


Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing naririnig ko ang kanyang pangalan ay hindi ako mapakali. Ang tawag ng iba sa kanya ay "Babaeng Manileño" dahil sa kanyang tono ng pananalita at ang kanyang pormahan.  

Maraming mga kwento ang umiikot tungkol sa kanya. 


Sabi ng iba, isa siyang anak mayaman na pinalayas sa bahay at may iba naman na nagsasabi na nakipagtanan ito sa lalaking nakaitim na bumibisita sa kanya. Hindi ko na lang ito pinapansin sapagkat di naman ito pumapasok sa kwarto namin ni joohyun. 

Nagkukuwentuhan sila ng mahinhin na para bang importante sa labas ng aming kwarto.

Hindi ako naniniwala sa mga kwento kuwento sapagkat para sa akin, si Joohyun Bae ay isang inosenteng dalaga na mahilig sa nyebe. 


Siya ang naging kasangga ko kung di ko na makayanan ang apoy ng aking galit kapag nalaman ko na hindi ako natanggap sa  trabaho. 


Bawat gabi ay naabutan ko na siyang natutulog sa kanyang kama pero hindi niya nakakalimutan  maghanda ng pagkain kapag late na ako umuuwi. 


Bawat araw ay dahan dahan nahuhulog ang aking loob.


"Bakit kaya walang nyebe dito sa Pilipinas? BAKIT DI UMUULAN NG YELO?" Tanong niya sa akin habang nilalagyan na rin namin ng mga dekorasyon ang aming kwarto dahil malapit na ang kapanganakan ni  Hesus. 


Lumapit siya sa akin na para bang inuusisa niya ang aking bawat galaw.


Kasalukuyan akong gumagawa ng aming inumin. Inuna kong ginawa yun sa kanya. Nang  maamoy niya ang matamis na tsokolate ay napa buntong hininga siya. Ibinigay ko na sa kanya ang ang kanyang baso na puno ng mainit na tsokolate at may ngiti niya itong tinanggap.


"Siguro dahil malapit tayo sa equator hyun" seryoso kong sagot ngunit di pa rin ako tumitingin sa dalagang may suot na jacket dahil mas pinili kong magfocus sa aking tinitimpla.


"Unfair! Sa ibang bansa meron tapos tayo wala!" Napangisi ako dahil para siyang bata na inagawan ng candy.

Pangbata na nga ang kanyang tangkad, parang bata pa siya kumilos. Napatawa na lang ako sa aking naisip.

"Yah! Seulgi Bakit ka tumatawa?" 

"Wala lang" 

Nagulat na lang ako ng may dalawang  kamay na kasing laming ng yelo ang humawak sa aking pisngi. 

Para makuha ang aking atensyon ay bigla niyang iniharap ang mukha ko para magkatinginan kaming dalawa.

Naligaw nanaman ako sa kanyang mainit na titig at muntikan na akong nagkasala ng mapunta ang aking tingin sa mala rosas niyang labi na nakaawang ng kaunti.

 Dahan dahan kong pinagaralan bawat disenyo ng kanyang mukha. 

Ang kanyang  matangos na ilong at mahahabang pilik mata.

 Di ko alam ngunit gusto kong itatak sa aking memorya ang kanyang bawat ekspresyon na aking masisilayan pero...parang may iba. 


Si Joohyun Bae ay namumutla.

Naputol ang aming pagtitigan dahil sa kanyang ubo. Tumingin naman ako sa labas ng aming bintana dahil ayaw kong makita niya ang namumula kong pisngi.


 Madaming kotse ang dumadaan at mga tambay na nakahandusay dahil sa kalasingan.


Paminsan iniisip ko kung paano ko nakayanan na makipagtitigan sa isang anghel.


"Alam mo ba Seul?"


"Ano yun hyun?"


"Malapit na christmas" 


"Hmm"

 

"Gift mo sa akin? Wala siguro nooh" tukso niya sa akin.


"Gusto ko makakita ng nyebe. Gusto ko makakita na umuulan ng yelo." tuloy niya.


Sino ba naman ako na tanggihan ang hiling ng isang anghel?


____________________________


Disyembre 24. Malapit na ang Hatinggabi. 


Ako ay kasalukuyan naghihintay sa pagdating ni Hyun mula Maynila para supresahin siya. 


Umuwi siya dahil gusto siyang makita ng kanyang pamilya ngunit sinabi niya sa akin na babalik siya sa akin sa araw ng pasko.


Babalik. Sa akin. Bigla na naman tumalon ang aking puso sa saya.


Inihanda na namin ang pekeng nyebe o yelo gawa sa styro foam at bulak na aking pang kinuha sa bodega ng dormitoryo . 


Sasamahan ko siya sa loob ng aming kwarto at hahayaan ko siyang tumingin mula sa bintana hanggang sa may mahuhulog na pekeng nyebe na tinatapon ng aking kasamahan mula sa bubong ng aming dormitoryo.


 Wala na rin masyadong tao sa kalsada at ang ilaw na lang ay ang street and christmas lights. Mga lasing na lang yata ang makakasaksi sa aming gagawin.


Ilang oras ang lumipas at ang sikat ng araw ay malapit ng sumilip. Malapit na ang pasko ngunit walang joohyun ang sumulpot.


______________________________________


Linapitan ako ng lalaking nakaitim na palaging bumibisita kay joohyun habang tinatanggal ang kalat na aming ginawa.


"Nasa hospital siya"


Di ko alam kung ano ang aking gagawin. Para bang gumuho ang mundo ko at ang aking puso ay pinipiga.

 Buong katawan ko'y tumamlay. Di ko man lang magalaw ang aking paa ko. 


Ang lalaking nakaitim ay ang doktor ni joohyun.


 May sakit siya at hindi niya ito sinabi sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero ako'y labis nasaktan dahil hindi man lang niya ako sinabihan na siya ay may sakit. 

Sumama ako sa lalaking nakaitim papuntang hospital. 


"Hindi ko alam kung bakit ikaw ang kanyang unang pinahanap pero sana i encourage mo siyang mabuhay and don't make her stress out"


________________________________


Iba na ang Joohyun Bae na nakilala ko. 


Nakahiga na siya sa puting kama ng hospital. 

Ang kanyang mapulang labi noon ay parang nanakawan ng kulay. Nakita ko na ngayon ang mga pasa sa kanyang maputing braso na tinatakpan niya kapag nag jajacket siya. Ang Kanyang mga mata ay lumalim at ang kanyang pisngi ay hindi na masyadong malaman.


Natutulog siya ng mahimbing at hindi ko mapigilang maiyak dahil ayaw kong makita siya na nakahandusay na parang lantang gulay. 

Lumpait ako at marahan na inihawi ang kanyang maitim na buhok. Biglang bumukas ang kanyang mata. Wala ng ningning ngunit pinilit pa rin niyang ngumit ng makita niya ako. Niyakap ko siya, gusto kong mapalitan ang lamig na nararamdaman niya. May kuryente na biglang kumalat sa buo kong katawan. 


Sakit lang ang aking nararamdaman.


Gusto na niyang umuwi, yan ang unang sinabi niya. Gusto niyang umuwi pero hindi sa maynila. 


Humingi siya ng tawad dahil hindi niya sinabi sa akin ang kanyang kalagayan. Matagal na siyang may sakit ngunit ayaw niyang makulong lang sa kanilang bahay. 


Mas pinili niyang lumipat sa lugar namin dahil nandito ang lokasyon ng kanyang trabaho. Naging malubha ang sakit niya ng umuwi siya sa Maynila pero gusto niya akong makita kaya siya bumalik.


 Pinayagan siya ng kanyang magulang pero kailangan niyang tumuloy sa hospital.


Sino nga ba ako para hindi patawarin ang isang anghel na katulad niya?

 Bakit ako magagalit kung ang dahilan ng pagbabalik niya ay ako?

Sa una ay hindi ako pumayag sa kanyang gusto pero dahil hindi siya pwede ma stress ay umuwi na kami sa dormitoryo.


Umiyak siya.

Ayaw niya sa hospital. 

Ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan. 


Hindi na siya lumalabas sa aming kwarto. Simula ng umuwi kami patuloy lang siya sa pagtingin sa labas ng aming bintana. 


Pinagmamsdan niya ang dahan dahan na pagtanggal ng mga christmas lights sa labas.

___________________________


Masama na ang kanyang kalagayan.


Ayaw na rin niya ipapunta ang doctor upang siya'y tingnan.

"Bakit ang tigas ng ulo mo?" Biglang tumaas ang aking boses.


 Gusto ng bumuhos ng aking luha. Naiinis ako sa kanya. Hindi ba niya alam na may mga taong gusto pa siyang makasama.


Lumapit ako sa kanya at hinawakan sa magkabilang pisngi. Inilapat ko ang aking noo sa kanyang noo. Wala pa rin siyang imik. 


"Hindi ko kayang mawala ka " bulong ng aking puso. Sana ay narinig niya ito.


"Alam ko pero wala na tayong magagawa. M-matagal na akong sumuko"


"Meron tayong magagawa!"


Dumaan ang isang nakakabinging ingay, pintig ng puso lang namin ang naririnig. Meron nga ba akong magagawa kung siya na mismo ang umaayaw.


"Seul, kapag umulan ng nyebe... d-duon na ako maniniwala na may pag asa pa akong mabuhay. May pag asa pang gumaling sa hindi magamot na sakit na ito" 


Sinabi niya iyon upang sumuko na ako ngunit may nakalimutan siya. 


Nakalimutan niyang kaya ko gawin ang lahat  para sa kanya. Hindi ko na ulit binanggit sa kanya ang kanyang kalagayan .Hindi niya alam ay inuulit ko ang plano na dapat ay gagawin ko sana sa araw ng pasko


Dahan dahan ng nangangamusta ang araw ng ginawa ko ang aking plano.


"Hyun...Joohyun wag mong ialis ang tingin mo sa  bintana" sabi ko sa kanya pagkatapos namin kumain. Nakaupo kaming pareho sa kanyng kama. Tinanong niya ako kung bakit ngunit hinawakan ko lang ang kanyang kamay.


Isa. Dalawa. Tatlo. Narinig ko ang kanyang mahinang pagkagulat. Sa labas ng bintana ay may mga puting mga bagay ang dahan dahan nahuhulog mula sa itaas.


"Hala Joohyun, pano ba yan? Parang umuulan yata ng yelo" natatawa kong sinabi habang tinitingnan ko ang kanyang gulat na reaksyon. 


Biglang umagos ang luha ni Joohyun Bae nung araw na iyon.


 Umagos na parang ilog.


Tiningnan niya ako habang siya ay humihikbi. Di siya makasalita ng maayos.


 Dahan dahan niyang hinila ang aking puting Polo kahit siya ay nanghihina. Hinila niya ako upang ako ay yakapin ng mahigpit.


"Pano ba yan? Parang gagaling ka na yata daw" Hinigpitan pa niya ang kanyang yakap ng marinig niya ang sinabi ko.


"H-Hindi naman umuulan ng yelo sa Pinas. Malapit tayo sa equator" 

 Luha.

 

 

 Puro luha ang aking nakita. 


Marami siyang binubulong katulad ng 'nakakinis ka', 'Bakit ko to ginagawa sa akin? ' at ang mahinang huli ay ang ' Ayaw ko pang mamatay'.


Matagal na daw siyang sumuko pero may ayaw na iwanan ang kanyang puso.


"Magpagaling ka na hah" Hinalikan ko ang kanyang noo puno ng pagmamahal.


 Aalagaan ko pa si Joohyun Bae. 


Masisilayan pa namin taon taon kada disyembre ang pagbuhos ng pekeng nyebe sa labas ng aming bintana. Hahawakan ko pa ang kamay niyang kasinglamig ng yelo. 


Mamahalin ko siya habang buhay.


Patuloy pa rin akong mahuhulog sa kanyang mga titig...mahuhulog katulad ng nyebe


"Seul"


"Ano yun hyun?"


"Mahal kita."


"Mahal rin kita. Pagaling ka na hah"


"Seulgi"


"Hmm"


"Pahinga muna tayo. Nakakapagod palang tumingin ng mga nahuhulog na nyebe"

.

.

.

Kaya  siguro gusto na siya pabalikin ng diyos sa kaharian niya dahil totoong anghel si Joohyun Bae. 


Sabi niya napaka unfair ng iba bansa dahil sa kanila ay umuulan ng yelo…


...pero mas unfair siya.

 

 Ilang oras ang nakalipas, kasabay ng pagkawala ng pekeng yelo na akin ginawa ay ang pagkawala ng aking minamahal. 


Nawala na si Joohyun Bae.


Hindi lang siya ang "unfair" sa aming dalawa. 


Siguro naging makasarili rin ako pero masisi mo ba ako kung gusto ko siyang makasama habang buhay. 


Naglaho man si Joohyun Bae ay hindi maglalaho ang katotohanan na siya ang pinakamagandang anghel na nakilala ko…


... minahal ko. 


Wala man nyebe ang nahuhulog sa pinas, pero sinisugarado ko na patuloy pa rin akong mahuhulog at mahuhulog  sa kanya.

 

Wakas.

 

_______________________

 

STORY TIME!

Hi yeah!

This inspired by O. Henry Last leaf and malapit na rin kasi ang ber months, kaya may pagka christmas theme chuchu siya. You do note na ginawa ko ito for activity sa filipino pero di tinanggap ng leader namin kasi ang haba daw and baka madami mali hehehee kaya baka mamaya may nabasa kayo na ibang pangalan,okie?

Ngayon lang yan angst (di pa sure). Baka sa next magpopost aku ulit kasi puno na yun notes ko eh (dito ko siya ililipat) Try ko rin iupdate yun isa hue hue

Labyu. Stay safe. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sailorcee
NYAWWWWWWWW gudnyt ebriwan

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 3: HAHAHAHAHAHA kontrabida pala ang mare natin ditoooo XD inch resting po otor-nim!! hahaha 🤩
kang_ddeul
#2
Chapter 2: yieee may pa-ganern sa huli! hahahaha keleg akes!! HAHAHAHAHA
kang_ddeul
#3
Chapter 1: ang sakeeet mga bhie! pero hngg, ang ganda pa rin nitong story otor-nim! 🥺😭✊
vanillacookiescream
#4
Chapter 1: saglet uli, this made me cry, legit, char tatlong patak siguro, pinaka nanghina ako dun sa part na lalaban lang siya kapag umulan na ng niyebe. ang weak ko sa mga ganitong topic kasi di ko alam baka with the fact na forever gone na yung tao, na di na talaga mababalik. medyo natakot ako dun sa lalaking nakaitim kala ko kung ano T.T pero i liked how you started this with Joohyun being an angel, and ending it with her still as an angel. Solid yun. Salamat sa unang kabanata! Stay safe rin.
vanillacookiescream
#5
saglet bakit unang chapter angst