Chapter 14

Past Present Future

At The Party

Joy Point Of View
I was busy talking to my cousin Rosé when someone caught my attention. And yes it's Seulgi with Joohyun. As expected she will really bring Seulgi to this party.

"Hoy! Sino yang tinitignan mo?" Sabi ni Chaeyoung and she follow my gaze

"Wow it's that Bae Joohyun right? Sino yang kasama niya?" Tanong ni Chaeyoung ulit

"Her new toy" sabi ko kay Chaeyoung at tumango lang, Chaeyoung know Joohyun when she was having vacation at england

"As expected, maganda talaga ang taste niya" sabi ni Chaeyoung at tumawa. Patuloy lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. And there I saw tita following the two of them.

"Pero bakit titig na titig ka sa kanila? WAIT! DON'T TELL ME YOU LIKE THAT GIRL?" Tanong ni Chaeyoung at napailing nalang ako

"My dear cousin alam mo naman siguro kung gaano ako kapatay na patay kay Seungwan diba?" Sabi ko sa kanya at tinignan siya. Tumawa lang ang gaga

"Eh bat titig na titig ka?" Tanong niya. I ignore her question at tumingin ulit kila Seulgi pero nawala na sila. Inikot ko ang tingin ko pero nawala na sila pati narin si tita.

"Hanapin ko lang si Yerim" sabi ko kay Chaeyoung at tumango lang siya. Naglibot na ako at hinanap si Seulgi at si tita pero hindi ko mahanap.

-----
Yerim Point Of View
Kakadating lang namin sa venue at excited na ako kasi makikita ko na pinsan ko. Naglakad na ako papasok nang makita si Sooyoung na parang may hinahanap. Tatawagin ko na sana siya pero may tumawag sa akin.

"Yerim!" Napatingin ako sa tumawag sa akin at napangiti ako nang malapad

"CHICHU!" Tawag ko din sa kanya at yumakap sa kanya. Namiss ko talaga pinsan ko

"Bat hindi ka nagsabi na dadating ka na pala alam mo bang miss na miss na kita" sabi ko sa kanya at pinalo palo ang balikat niya

"Para ka paring bata" sabi ni Jisoo at tumawa lang ako. Naglakad na kami papasok at nagulat ako nang makita si Seulgi talking to the chairman of KG company.

"Seulgi!" Tawag ko sa kanya at lumingon naman siya, kumaway ako sa kanya at kumaway din siya sa akin pero nagulat siya bigla. Bat nagulat to?

-----
Jisoo Point Of View
"Seulgi!" Sabi ni Yerim at biglang bumilis ang tibok nang puso ko pagka rinig sa pangalan niya.

Tinignan ko ang tinawag ni Yerim at siya nga. Si Seulgi nga ang tinawag niya. Nagkatitigan kami at hindi ko namalayan na tumulo na pala luha ko. I miss you Kang Seulgi

Pero nagulat ako nang may humawak nang kamay niya, pagtingin ko si Bae Joohyun ang humawak nang kamay niya. Pero bakit? Sila ba? At bat andito si Seulgi sa party nato? Sa pagkaalam ko iba ang girlfriend niya.

Lumapit sila sa amin at dali dali kung pinahiran ang luha ko. Tinignan ko si Seulgi at nakatingin din siya sa akin. I miss those eyes.

"Kim Jisoo hi! Hindi ko alam na nakauwi ka na pala nang bansa" bati ni Irene sa akin at napatingin ako sa kanya.

"Ah noong isang araw lang ako nakauwi at namiss ko kasi dito eh" sabi ko at ngumiti sa kanya

"Are you staying here for good?" Tanong niya at tumango ako

"I have an important business to do here" sabi ko at tumingin kay Seulgi.

"Ah by the way Jisoo, this is Seulgi my fiance" sabi ni Irene at napalaki ang mata ko. Narinig kung tumawa si Yerim kaya napatingin ako sa kanya

"And Seulgi this is Jisoo, Kim Yerim cousin" pagpakilala ni Irene sa akin kay Seulgi pero si Seulgi ngumiti lang nang pilit sa akin

"So maiwan ko muna kayong dalawa may pupuntahan lang kami ni Seulgi" sabi ni Irene at hinila na niya si Seulgi paalis.

"Cousin let's go baka hinahanap na tayo nila mommy" sabi ni Yerim at tumango lang ako. Wait I don't understand.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet