Round 2: Siga si Aling Bebang

Joohyun vs. Kapitbahay Chronicles

Hi, belated Wenrene day? Di ko naedit and sabog ako pero sana maenjoy niyo.

--

Nagising sa alarm si Seungwan. May pasok pa pala siya nang alas otso. May dalawang oras pa siya para maghanda. Nilingon niya ang kasama sa kama at napangiti nang makita ang natutulog na anyo nito. Wala nang mas gaganda pa sa umaga kaysa kay Joohyun, ang babaeng nagpatibok sa puson- este, puso niya.

 

Hindi napansin ni Seungwan na bukas pa rin ang nakaaantok na alarm ng phone niya, kaya nagulat siya nang maalimpungatan ang girlfriend niya. Kanina pa pala siya nakatitig kay Joohyun habang tumutugtog ang alarm niyang pampatulog ata imbes na pampagising.

 

~Huwag kang matakot na matulog mag-isa

Kasama mo naman ako

Huwag kang matakot na umibig at lumuha

Kasama mo naman ak-

 

Namatay nang kusa ang alarm ng phone niya, sabay ng pagdilat ng mata ni Joohyun. Lumaki lalo ang ngiti ni Seungwan nang magtama ang tingin nilang dalawa. Napangiti rin si Joohyun sa ka-cutean ng girlfriend niya.

 

“Good morning babe,” bati ni Seungwan na may kasamang ngiti sa labi. Lumapit siya kay Joohyun upang yakapin ito nang mahigpit.

 

“Good morning, Wan.” Sagot ni Joohyun. Tinugunan ni Joohyun ang yakap ni Seungwan ng isang halik sa pisngi nito. Napasimangot naman ang jowa niya, na ipinagtaka naman ni Joohyun.

 

“Bakit? Okay ka lang ba babe?” Nag-aalalang tanong ni Joohyun.

 

“Hindi.” Maikling tugon ni Seungwan.

 

“Ha? Bakit? May masakit ba sa ‘yo? Wag ka na kaya pumasok?” Dinampi ni Joohyun ang likod ng kamay sa noo ni Seungwan para i-check kung mainit ba ito. Hindi naman.

 

“Eh kasi,” lalong sumimangot si Seungwan, “bakit sa cheeks lang kiss ko? Gusto ko sa lips.” Parang bata na ngumuso ito. Natawa nang mahina si Joohyun, pero sa huli ay hinalikan niya rin ito. Mabilis na peck lang siyempre, di pa raw kasi sila nagtoo-toothbrush.

 

“Ang daya!” Angil ni Seungwan dahil mabilis pa kay Usain Bolt ang paghalik ni Joohyun sa kaniya. Sumubsob sa leeg ni Joohyun si Seungwan, nagpapalambing ata. Tawang tawa na hinalikan ni Joohyun ang ulo ni Seungwan, gigil na gigil sa inaasal ng jowa.

 

“Mamaya na tayo maglaplapan babe, toothbrush muna tayo.” Pang-aasar ni Joohyun. Napatili siya nang kagatin siya sa leeg ni Seungwan. May kakaibang naramdaman si Joohyun, na dapat ay nararamdaman lang tuwing gabi, at hindi dapat maramdaman tuwing umaga. Hindi pa siya nakaka-recover nang nakaramdam siya ng nakagigising na sensasyon sa leeg niya. Napaungol siya sa pagsipsip at pagdila ni Seungwan sa sensitibong parte ng katawan niya. 

 

Natauhan na lang siya nang umalis na sa ibabaw niya ang girlfriend niya. Nakangisi si Seungwan nang magtama ang tingin nila ni Joohyun, na ikinainis naman niya. 

 

“SON SEUNGWAN!” Yamot na sigaw ni Joohyun habang bumabangon mula sa kama nila. Tawang-tawa naman ang salarin ng pagbago ng mood ni Joohyun.

 

“Mamaya na lang babe, magtoo-toothbrush pa ako.” Natatawang lakad ni Seungwan papunta ng banyo. Naramdaman niyang may unan na tumama sa likod niya, pero di niya inalintana ito.

 

Hay Joohyun, ang sarap mong mahalin at asarin.

 

--

 

“Babe alis na ‘ko,” paalam ni Joohyun kay Seungwan. Mas maaga umaalis si Joohyun dahil kailangan pa niya pumila sa terminal ng UV para makapunta sa pinapasukang trabaho. Kasalukuyang work from home ang setup ni Seungwan dahil nasa IT business naman siya. Minsan nakakatuwa, madalas nakakaburyong ang pagta-trabaho sa loob ng bahay kaya sinisingit ni Seungwan ang mga gawaing-bahay tulad ng paglilinis o pagluluto. Ngayong araw ay napagpasyahan niyang maglaba dahil maluwag-luwag naman ang sched ng team nila today.

 

“Sige love, ingat papasok ha, wag kakalimutang maglunch!” Binigyan ni Seungwan ng halik si Joohyun sa noo pagkatapos itong halikan sa labi. Tumango naman si Joohyun nang may ngiti sa labi, kinikilig sa pag-aalala ng jowa. Araw-araw silang ganito pero hindi ata siya magsasawa rito.

 

“Yes po. Sige na, wag ka rin magpakapagod mamaya ha? Wag masyadong tumutok sa screen, inom ng tubig lagi at-”

 

“Oo na babe, sige na pasok ka na. Ako na bahala dito.” Hinalikan ulit ni Seungwan si Joohyun sa labi na ikinangiti uli ng jowa niya. “Bye, I love you.”

 

“I love you too. Una na ko.” Niyakap ni Joohyun si Seungwan nang mahigpit at tuluyan nang umalis para maging commute warrior.

 

Naiwan nang mag-isa si Seungwan. Tumingin siya sa orasan, may time pa siya para maghanda ng mga lalabhan bago pumasok.

 

“Okay, let’s do this.” Aniya habang binuksan ang bluetooth speaker para i-connect ang phone. Nagplay ang Power Up na paborito niyang patugtugin tuwing gagawa ng chores.

“Let’s power up!” Sigaw niya with matching fist pump pa. Nagtungo na siya sa loob ng kwarto upang kuhanin ang mga maruruming damit nilang dalawa. Agad naman siyang nagpunta sa laundry area para ihiwalay ang mga puti sa de color. Pagkatapos ay bumalik muna siya sa loob ng bahay para mag-time in sa trabaho.

 

--

 

“Nakauwi na ko!” 

 

Nagising si Seungwan sa boses ni Joohyun. Di niya namalayang nakatulog pala siya sa sofa pagkatapos magsampay ng nilabhan. Nakaluto na rin siya ng hapunan. Si Joohyun na lang talaga ang hinihintay niya.

 

Sinalubong ni Seungwan si Joohyun ng isang mahigpit na yakap. Agad kumalas si Joohyun mula sa lingkis ni Seungwan.

 

“Babe ligo muna ako, amoy usok na ko.” 

 

Lumapit uli si Seungwan at sinuksok ang ulo sa leeg ni Joohyun. “Sus parang hindi naman, amoy baby pa rin oh. Hmm, ang bango bango ng baby ko.” 

 

“Ano ba Seungwan nakikiliti ako,” natatawa si Joohyun na iniiwas ang katawan mula sa jowa, pero halata naman kinikilig ito sa paglalambing ni Seungwan.

 

“Sige na, mag-ayos ka muna. Kain na tayo pagkatapos mo.” 

 

“Okay, be right back.” Paalam ni Joohyun sabay halik sa pisngi ni Seungwan sa huling pagkakataon.

 

--

 

“Ay shet.”

 

Inamoy uli ni Seungwan ang damit na katutuyo pa lang. At tama nga ang pang-amoy niya; amoy usok ang mga sinampay nila! Dahil sa pagkakatulog niya ay di niya namalayang may nagsiga pala na kapitbahay.

 

Pakshet naman oh. Kasama sa mga sampay niya ang pamasok bukas ni Joohyun. Mukhang maglalaba ulit siya para di mag-amoy usok ang girlfriend niya. Papasok pa lang, amoy pauwi na si Joohyun kung sakali.

 

“Wan? Kanina pa kita tinatawag. Kain na tayo.” Narinig niya ang girlfriend niya mula sa pintuan ng bahay nila. 

 

“Babe mauna ka na, may gagawin lang ako.” 

 

“Ha? Ano ba yan? Mamaya na, kain na muna tayo.” Papalapit na sambit ni Joohyun.

 

“Ano, nag-amoy usok lang kasi yung sinampay. Hayaan mo, lalabhan ko na lang uli yung uniform mo para bukas. Matutuyo pa naman to.” Isa-isang tinanggal ni Seungwan ang mga sinampay. Kinuha ni Joohyun ang isang pirasong damit at inamoy ito. Kumunot ang noo niya habang hawak ang tshirt sa kamay.

 

“Aba, di ko pa inaamoy pero langhap na yung usok ah! At di ba may baranggay ordinance tayong bawal magsiga? Aba teka sino ba yung nagpausok diya-”

 

“Babe, hayaan mo na, maglalaba na lang uli ako.” Kinuha ni Seungwan ang tshirt mula kay Joohyun. Sumimangot ang babae sa sinabi niya.

 

“Hindi kasi tama yun love. Una sa lahat, bawal yon dito. Pangalawa, sayang sa tubig yan at madodoble pa pagod mo! Ay nako, teka titingnan ko kung sino,” nilinga-linga ni Joohyun ang leeg, at agad naman niyang nakita ang mga dahong abo na dahil sa pagkakasiga kanina. Nasa bakuran ito ng kapitbahay nilang si Aling Bebang. Ang resident matrona ng street nila.

 

Napalunok ng laway si Joohyun. Konti lang ang kinatatakutan niya sa mundo- mga hayop, at kasama na ata si Aling Bebang doon. Di niya rin alam kung bakit, pero nakaka-intimidate si Aling Bebang. Naramdaman ni Seungwan ang pag-aalangan ni Joohyun, kaya nginitian na lang niya ito.

 

“Babe sabi sa ‘yo, lalabhan ko na lang ulit. Kumain ka na doon, pagod ka pa mula sa trabaho.” Panunuyo ni Seungwan.

 

Pero sa loob ng bente siyam na taon niyang pamumuhay sa mundong ibabaw, kahit kailan ay hindi nagpayanig sa takot si Joohyun. Kahit sino pa yan, at kahit ang kapitbahay niyang amazona pa yan.

 

Nakapagpasiya na siya.

 

“Seungwan, ako na maglalaba niyan. Tama na yung paglalaba mo kanina. Magpahinga ka na.” 

 

“Pero love-”

 

“Walang pero pero. Sige na, mauna ka na sa loob. May kakausapin lang ako.” Saad ni Joohyun, saad sa tono ang pagkapinal ng mga salita. Bumuntong hininga na lang si Seungwan. Alam niyang pag may naisipang gawin ang girlfriend ay wala nang makapipigil dito. Lalo na kung alam niyang nasa tama siya.

 

“May magagawa pa ba ko Hyun?” Natatawang tanong ni Seungwan. “Sige na, sasamahan na lang uli kita.”

 

“Kaya sa ‘yo ako eh.” Ngiti ni Joohyun.

 

--

 

Kabado bente ang magkasintahan sa harap ng gate ni Aling Bebang. Never pa nila nakausap ang ale sa buong stay nila sa street na iyon. Nakadagdag lang ang hindi pagkakakilala sa matandang babae sa personal sa kanilang kaba. 

 

“Babe sure ka na ba?” Tanong ni Seungwan sa girlfriend.

 

“Sure na,” lunok ni Joohyun. Pinindot na niya ang doorbell matapos huminga nang malalim.

 

Wala pang sampung segundo ay lumabas na ang kinatatakutan nilang ale, may dalang gulok na ikinalaki naman ng mga mata nila.

 

“Shet, babe, ididistract ko na lang siya tapos takbo ka na habang maaga pa,” bulong ni Seungwan kay Joohyun. Sinamaan ni Joohyun ng tingin ang jowa. Hindi ka nakakatulong.

 

“Shh-”

 

“Sino yan?!”

 

Kung nung unang chapter eh bopek ang dalawang chismosang ale, ay ibahin ninyo si Aleng Bebang. Sa sobrang lalim ng boses nito ay para ka nang nalunod sa dagat, Dead Sea to be exact. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Joohyun nang marinig ang boses ng ale, pero agad niyang sinubukang magsalita.

 

“Magandang gabi ho! Aling Bebang, kami po yung kapitbahay niyo, Joohyun at Seungwan po.”

 

“O, ano meron?” Masungit na asal nito habang nilalaro sa kamay ang gulok na dala-dala.

 

“Uh, ano po…” hindi madugtungan ni Joohyun ang sasabihin dahil nafocus ang tingin niya sa hawak ng ale. Buti na lang at si Seungwan ang sumagot sa tanong.

 

“Ano po kasi, aware po ba kayo na may baranggay ordinance na pinagbabawal ang pagsisiga?”

 

Hindi alam ng magkasintahan na may maisisimangot pa pala ang ekpresyon ng matandang babae. Halos maihi na ata si Seungwan sa sindak.

 

“At ano naman ngayon? Ipapabaranggay niyo ba ko ha?” Sagot ni Aling Bebang na may kasamang pagtaas ng gulok. Kung hindi siguro dahil sa gate na nasa pagitan nila ay baka natamaan na silang dalawa.

 

“Ay hindi ho!” Si Joohyun na ang nakasagot nang mahimasmasan. “Kaya nga po namin kayo kinakausap ay para di na po umabot sa ganon.” Nanlalaki ang mata ni Joohyun habang nagpapaliwanag.

 

“Ay yun naman pala, mabuti na yung malinaw tayo.” Masungit na sabi ni Aling Bebang.

 

Katahimikan.

 

“Erm, so ayun nga po, naaapektuhan din ho yung mga sinampay namin. Kaya kung maaari lang po, sana wag na po kayo magsiga.” Paliwanag ni Joohyun nang mahinahon. Hinawakan ni Seungwan ang kamay niya na labis namang nagpakalma sa kaniya.

 

Hindi nakatakas sa paningin ni Aling Bebang ang aksyon na yon. Tumikhim ang matanda bago magsalita muli.

 

“Sige.”

 

Nagulat ang magjowa sa narinig. 

 

“Po?” Ani ni Joohyun.

 

“Hindi ko naman alam na bawal na pala magsiga. Baka di lang ako nasabihan. Pasensya na rin at nadamay pa ang mga sinampay ninyo. Hindi ko napansin na may nakasampay pala sa bakuran niyo. Medyo malabo na rin ang mga mata ko eh. Sige, di na ko magsisiga.”

 

Gulat pa rin ang magkasintahan sa pagiging risonable ng matanda. Napangunahan sila ng takot kaya iba ang impresyon nila sa ale. Pero sa nakikita nila ngayon, Aling Bebang is not that bad naman pala.

 

“Yun lang naman po ang hinihiling namin. Salamat po nang marami.” Ngiti ni Seungwan sa ale. Tumango naman si Joohyun bilang pagsang-ayon sa kasintahan.

 

Sa ika-ewan na pagkakataon ay nagulat sila sa gabing iyon dahil ngumiti si Aling Bebang. SI ALING BEBANG, NGUMITI!

 

Aba, may nararamdaman akong kakaiba, isip ni Joohyun sa sarili.

 

“Alam niyo, naaalala ko yung sarili ko sa inyo noong kabataan pa ako.”

 

“Po?” Takang tanong ni Seungwan.

 

“Naalala ko nung bago-bago pa kami ng misis ko dito. Ganyan din kami, sweet na sweet pa.” Ngiti ni Aling Bebang.

 

Oh.

 

Tibo rin si Aling Bebang.

 

“Ay ganon po? Asan na po siya ngayon?” Curious na tanong ni Joohyun.

 

Ngumiti si Aling Bebang na hindi abot sa mga mata. “Wala na siya, kinuha na ng Panginoon.”

 

Nalungkot naman ang magkasintahan sa narinig. Bakas sa mukha ni Aling Bebang ang pagkamiss sa asawa. Hinigpitan ni Joohyun ang kapit sa kamay ni Seungwan, at agad din namang pinisil ni Seungwan ang kaniyang kamay, tila nagsasabi ng “hindi kita iiwan”.

 

Napangiti si Joohyun sa sarili.

 

“Sorry for you loss po.” Malungkot na tugon ni Seungwan. Nginitian ulit siya ng ginang, ngayon ay abot tenga na ang ngiti.

 

“Okay na yon, miss ko lang siya pero alam kong namamahinga na siya sa Taas.”

 

Nginitian nila ang ale nang may pagkaunawa.

 

“O siya, sige na. Pasensya na sa mga sinampay niyo. Alam kong kalbaryo ang maglaba uli ng amoy usok at ganyan din kami dati ni Anita. Buti ngayon at pinagbabawal na ang pagsisiga.”

 

“Sige po, una na rin po kami. Salamat po sa oras niyo.” Nakangiting tugon ni Joohyun na tinanguan naman ni Seungwan. Sa huling pagkakataon ay ngumiti ang matanda sa kanila at tumalikod na para pumasok sa loob ng kaniyang bahay. Nagsimula na rin maglakad ang magkasintahan para bumalik sa apartment nila.

 

“That wasn’t so bad, ano?” Sambit ni Seungwan.

 

“Oo, kasama kita eh.” Umusod si Joohyun papalapit kay Seungwan habang naglalakad na ikinatawa naman ng jowa niya.

 

“Lagi naman akong nasa tabi mo eh. Di ka pa ba nasanay?” Hinigpitan lalo ni Seungwan ang hawak kay Joohyun. Pinaglaruan din niya ang mga daliri ni Joohyun dahilan kung bakit nakiliti ang nakatatandang babae.

 

“Sanay na. Sanay na sanay na.”

 

Nakarating na sila sa loob ng bahay. Niyakap muli ni Joohyun si Seungwan na ikinatuwa naman nito.

 

“Clingy naman ng baby ko,” natatawang sabi ni Seungwan.

 

“Ayaw mo?”

“May sinabi ba ako?” Lalong pinaglapit ni Seungwan ang katawan nilang dalawa, tila ayaw kumawala mula sa bisig ni Joohyun.

 

“Sige na, isasalang ko muna sa washing machine yung mga kailangang labhan. Mauna ka na kumain, love.” Paalam ni Joohyun.

 

“Hintayin na kita. Mabilis lang naman yan eh.”

 

Inirapan ni Joohyun si Seungwan na may ngiti sa labi. “Hay nako, matanda ka na, bahala ka na kung magutom ka sa kahihintay sa akin.”

 

“Love, baka nakakalimutan mo, ilang taon ako naghintay bago marinig ang matamis mong Oo.”

 

“Ewan ko sa ‘yo babe,” nakangiting sabi ni Joohyun habang nagtutungo sa may sampayan para kunin ang mga lalabhan muling damit.

 

Tatlong taon. Oo, tatlong taon bago naging sila ni Joohyun. Naaalala niya pa ang mga pinagdaanan sa loob ng panahong iyon. Hindi naman siya pinahirapan ni Joohyun. Sa katunayan ay parang magkasintahan na rin ang turing nila sa isa’t isa sa loob ng tatlong taon na iyon. Label na lang ang kulang, kumbaga. Walang pinagsisihan si Seungwan sa mga taong iyon, ni isang segundo.

 

“Willing to wait ako, lagi, mahal. Worth it ka eh.” Sambit ni Seungwan kahit wala na si Joohyun sa kwarto.

 

Ang sarap mong ibigin, Joohyun.
 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
juhyuneeeee
94 streak #1
miss you otor :(
speac_sci
#2
Chapter 2: otor kailan mo ulit i-update ito?
pajamagirl2 #3
Chapter 2: sana all hindi iniiwan
94JeTi
#4
Chapter 2: Sana ol may iniibig, sana ol may jowa, sana ol may Seungwan at joohyun. Gusto ko rin ng ganito kaso naalala ko takot nga pala ako sa commitment shet hahahaha clown p0tA @self
dubustan
#5
Chapter 2: Kinikilig ako grabiiii
mellifluouswan
1702 streak #6
Chapter 2: grabe yung kilig ko huhuhu
Gowther75 #7
Chapter 2: tangina ramdam ko ang pagiging single ngayon ah, sana all talaga may seungwan
baejoonism #8
Chapter 2: Sana ol may seungwan
LockLoyalist
#9
Chapter 2: Kahit isang Son Seungwan lang po jan pengeee charot kay madam na pala XD
Love03 #10
Chapter 2: Sana all willing to wait