Round 1: Sana All Chismosa

Joohyun vs. Kapitbahay Chronicles

"Mare, narinig mo ba? Bakla raw yung anak ni Manong Jimin!"


 

"Ohoho! Ay halata naman, pilantik pa lang alam mo nang barbie!"


 

Nagpintig ang tenga ni Joohyun sa nakaririnding tawa nina Aling Sherly at Aling Marites. Araw-araw, iba-iba ang topic ng huntahan nila. Sa pagkakaalala ni Joohyun, noong isang araw ay pinagdidiskitahan nila ang kapitbahay niyang si Wheein. Napakadami raw ng tattoo nito, parang hindi babae. Ngayon naman, ay ginagawan ng chismis na bakla ang anak ni Manong Jimin. Iritang-irita na si Joohyun sa dalawa dahil utak/ugaling DDS nila, dumagdag pa ang nakakabwisit na boses na para bang mga stereotypical na mangkukulam na napapanood sa tv.


 

Sa araw-araw na ginawa ng dios ay lagi na lang nakatambay ang dalawang magkumare sa harap ng tindahang binibilhan niya lagi ng coke kasalo. Di kasi makukumpleto ang lunch nila nang wala yon.


 

Apaka tagal naman kunin ni Aling Vicky yung coke


 

"Asan ba yung ref nila? Nasa mars?" Bulong ni Joohyun sa sarili. Inip na inip na nga siya tapos sasabayan pa ng mga bopek na boses nitong dalawa? Imbes na kumakain na siya ng menudo na luto ni Seungwan, heto siya at nakabilad sa araw habang dumudugo ang eardrums dahil sa matitinis na mga tili sa paligid niya.


 

Muntik na niya mahulog ang phone niya nang magvibrate ito sa kamay niya. Napatili si Joohyun sa gulat, kaya nabaling sa kaniya ang pansin ng dalawa (pero nagresume ulit ang chikahan nila). Dali-dali niyang chineck ang message. Ang bebe lang pala niya, tinatanong kung nasaan na ang coke.


 

"Ampota yung coke ang hinanap, hindi ako?" Medyo pasigaw niyang sinabi sa sarili. Sa pangalawang pagkakataon ay tiningnan ulit siya ng dalawang magkumare, pero ngayon ay ramdam na niya ang titig ng dalawa sa kaniya. Lumipas ang ilang segundo nang narinig na niya ulit ang daldalan ng dalawang ale.


 

Jusko apaka tagal naman ng coke na yan


 

Tinatapik-tapik na niya ang paa sa lupa, inip na inip sa pagkakadelay ng coke niya. Tinaktak niya ang baryang dala sa bakal ng tindahan para kuhanin ang pansin ni Aling Vicky na nawala na parang bula. Pinasok niya rin ang ulo sa siwang para tingnan kung may tao pa ba sa loob. Luminga-linga siya at confirmed: wala ngang tao.


 

"Aling Vicky! Aling Vicky!" Kasabay ng sigaw niya ay ang pagtama ng piso niya sa rehas ng tindahan. Ang kaninang nakaponytail niyang buhok ay mukhang nasabunutan na sa gulo nito. Kanina pa niya nakakamot ang ulo sa inip.


 

Naipababawan maman ng mga sigaw niya ang pagtsitsismisan nina Aling Sherly at Aling Marites. Mukhang hindi na kinaya ng dalawang tsismosa ang unintentional na pagsabat ni Joohyun sa pagdakdakan nila, kaya siya na ang pinuntirya ng dalawa. 


 

Nakaramdam siya ng tapik sa balikat. "Uy, hindi ba ikaw yung anak ni Sikang?" Narinig niyang tanong ni Aling Marites. 


 

Napatiim ng bagang si Joohyun. Wala talaga siya sa mood para makipagplastican sa dalawang 'to. Pero, dahil siya ang nanalo ng Miss Congeniality award sa pageant nila nung college, wala siyang nagawa kung hindi tumango nang nakangiti kay Aling Marites. Natuwa naman ang nakatatanda sa ngiti ni Joohyun. 


 

"Ay ang ganda mo na iha! Nako naalala ko pa, noong bata ka, kalaro mo pa si Bogum ko! Tapos naalala mo ba nung naihi ka sa s--"


 

"Ate Irene!" 


 

Naputol ang pagratatat ni Aling Marites dahil sa boses ni Yeri. Napahinga nang maluwag si Joohyun on the inside. Hulog ka ng langit Yeri, kahit ngayon lang.


 

"Yeri! Asan si Aling Vicky?" Baling ni Joohyun sa kaibigan. Bumakas sa mukha ni Yeri ang pagkagulat. Hindi naman kasi ganon kabalisa si Joohyun pag nagkikita sila.


 

"Ah, nakatulog sa sofa. Bakit ate?" 


 

Nanlumo si Joohyun sa narinig. Wari'y pala, sa sampung minuto niyang paghihintay eh naghihihilik si Aling Vicky sa loob ng bahay nila? Kung hindi pa lumabas si Yeri, baka tinubuan na siya ng ugat sa kahihintay. Idagdag pa yung dalawang alipores ni Satanas, ay baka nakasapak si Joohyun nang wala sa oras dahil sa bagot.


 

Bumuntong-hininga na lang siya at pinakalma ang sarili bago magsalita. "Kanina pa ko naghihintay sa coke na binibili ko." 


 

"Ay nako, sorry ate! Alam mo naman si lola, tumatanda na. Ako na kukuha. Ilan ba?"


 

"Dalawa. Tapos limang pisong tube ice na rin. Salamat Yeri," pilit na ngiti ni Joohyun sa nakababata. Umalis na si Yeri para kuhanin ang coke na kanina pa niya inaasam-asam.


 

"Ay nako talaga si Vicky, hindi mo maaasahan," nagsimula na naman si Aling Sherly. "Aba'y nung isang araw, bibili ako ng gatas para sa apo ko. Tapos ang inabot ba naman, patatas!" 


 

Humalakhak nang malakas ang dalawa, parang wala sila sa harap ng tindahan ni Aling Vicky kung trashtalkin ang matanda. Kumukulo na ulit ang dugo ni Joohyun, hindi na niya kinakaya ang nakakarinding boses ng dalawa. Buti na lang at bumalik na si Yeri, dala ang dalawang coke na nirequest niya.


 

"Ate oh," abot ni Yeri ng dalawang supot sa kaniya; isang malaking naglalaman ng dalawang coke at isang maliit na puno ng yelo. Binigay naman ni Joohyun ang bayad sa kaibigan pagkakuha ng mga pinamili.


 

"Thank you. Sige, una na ko Yeri."


 

"Sige, ingat ate! Hi na lang kay Seungwan," saka ngumiti nang mapang-asar si Yeri. Inirapan na lang siya ni Joohyun saka tumango. Nakalayo-layo na si Joohyun, pero rinig pa rin niya ang tsismisan ng dalawang ale.


 

Pumintig uli ang tenga niya nang marinig ang sinabi ni Aling Marites.

 

"Seungwan? Boypren ba iyon ni Joohyun?"


 

Putangina talaga.


 

----


 

"Oh, eto na." Padabog na lapag ni Joohyun sa dalawang bote ng coke sa lamesa. Di naman nabasag ang mga ito; kahit nagsusungit si Joohyun ay hindi naman siya tanga para basagin ang pinaghirapang coke.


 

Tumayo si Seungwan para kuhanin at ayusin ang dala ng girlfriend. Napansin niya ang busangot na mukha ni Joohyun pagkakuha ng bote ng coke. Ibinalik niya muna ang mga bote sa lamesa para suyuin ang jowa. 


 

"Bakit gagalet baby ko?" Hawak ni Seungwan sa pisngi ni Joohyun habang tinititigan ito sa mata. Napakagat labi na lang si Joohyun sa panunuyo ni Seungwan. Pinipigilan niya ang kilig, para lang mapahaba ang paglambing ng jowa sa kaniya.


 

Nag-iwas ng tingin si Joohyun, kaya binaling ni Seungwan ang ulo niya pabalik para magtama ulit ang mga mata nila. Nakita ni Joohyun ang concern sa mga mata ng girlfriend. Muntik na siyang matunaw sa titig ni Seungwan.


 

"Babe, ano nga? May nangyari ba? May bumastos sayo? Aba? Ibabangga ko yung mga yon sa abs ko! Asan na ba--" bumitaw si Seungwan para pumunta sa labas, manghahamon ata ng away. Hinatak naman pabalik ni Joohyun si Seungwan habang pinipigilan ang tawa. 


 

Nakakagigil ka talaga, humanda ka sakin mamaya pagkakain. Isip ni Joohyun.


 

"Babe, walang nambastos okay? Yung dalawang chikadora lang, ayon, nainis na naman ako." Tumalikod si Joohyun pagkasabi ng saloobin para gawin ang naudlot na paghahanda ng coke. Naramdaman niyang may yumakap sa kaniya.


 

"Babe, hayaan mo na lang yung dalawang matanda. Labas na lang sa dalawang tenga, okay?" Pagpapakalma ni Seungwan sa nagmumukmok na jowa. Siniksik niya ang mukha sa leeg ni Joohyun. Nakiliti na naaano (ano raw) si Joohyun sa ginawa niya.


 

"O-oo na," nauutal na pagsunod ni Joohyun. "Tara na, gusto ko na kumain." 


 

Biglang tinanggal ni Seungwan ang mukha mula sa pagkakasuksok nito sa jowa. Ramdam ni Joohyun na ngumisi ito nang nakakaloko.


 

"Ay, kakain na ba tayo? Bakit tayo nasa kusina? Dun tayo sa kwarto." 


 

Namula ang mukha ni Joohyun sa pang-aasar ng girlfriend niya. Agad naman niya itong sinampal sa balikat para suwayin. Natatawang bumitaw si Seungwan mula sa pagkakayakap sa kaniya.


 

"Bastos! Ewan ko sayo, sige kumain ka mag-isa mo." Sabay irap kay Seungwan. Yumakap ulit si Seungwan sa kaniya, pero sa pagkakataon na ito ay magkaharap na sila. Hinalikan ni Seungwan si noo ang nagaamok na Joohyun.


 

"Joke lang, babe. Sige na, kain na tayo. Ako na mag-aayos nito." 


 

Sa wakas at napangiti rin si Joohyun.


 

Kiss lang pala gusto eh, natatawang naisip ni Seungwan.


 

Hinalikan na ni Seungwan si Joohyun, pero this time, sa lips na. Nilaliman niya ang halik. Tumalima naman si Joohyun sa aksyon ni Seungwan. Maya-maya ay humiwalay na sila sa isa't isa, pagkatapos ng medyo mahabang appetizer.


 

"Babe, yoko na pala kumain," seryosong sabi ni Seungwan.


 

Nagtaka si Joohyun. "Bakit? Bigla na naman bang sumakit tiyan mo?" Pag-aalala niya.


 

Kumunot ang noo ni Seungwan. "Babe, kasi busog na ko. Ikaw pa lang, ulam na." Humalakhak nang malakas si Seungwan.


 

"Punyeta ka talaga kahit kelan!" Palo ni Joohyun sa braso ng girlfriend. 


 

---


 

Kadarating lang ni Yeri sa tindahan para magbantay nang nagpasiyang maging chikahan spot uli ng dalawang magkumare ang harap ng sari-sari store ng lola niya.


 

Hinayaan na lang niya ang dalawa at nagsuot na lang ng earphones para magstream ng Monster mv. Umabot na siya ng chorus kaya napapakanta na lang siya.


 

"Meow, meow, meow meow meow," sabay ni Yeri sa tugtog. Di niya alam na napalakas ang pagkanta niya. Tinitigan siya nang weird ng dalawang chismosa.


 

"Mars pinaglihi ata sa pusa yang apo ni Vicky," bulong ni Marites kay Sherly. Natawa sila sa korning joke. Hindi na lang pinansin ni Yeri ang dalawang matanda dahil alam niya sa sarili niyang hindi siya pinaglihi sa pusa, kahit mahilig sa .


 

Pang-ilang nood na niya sa music video pero baklang-bakla pa rin siya pag nakikita ang scene ng Seulrene. Napapa-I like girls na lang siya sa sarili pag lumalabas ang mga scene ng dalawang singer.


 

Patapos na siya sa pinapanood nang magpintig ang tenga niya sa narinig.


 

"Mare, di ba may boyfriend yung si Joohyun?" 


 

"Ah oo, yung Seungwan! Ay narinig ko nga, nasa iisang apartment sila!"


 

Napataas ang isang kilay ni Yeri. Mukhang juicy ang pinagchichikahan ng dalawang ginang kaya makikinig muna siya. Nakasalpak pa rin ang earphones sa tenga niya, kunwari ay walang naririnig mula sa mga ale. 


 

Ah, alam ko na! Very good ka talaga, Yeri.


 

Inexit ni Yeri ang stream at nagpunta sa voice recorder. Napangisi ang babae sa gagawin niya. Exciting naman nito, isip niya sa sarili. Dati pa kasi ginawang tambayan spot nina Aling Sherly at Aling Marites ang harap ng tindahan nila. Sobrang daming tsismis na ang nasagap ni Yeri, mula sa pagkakaron ng anak sa labas nung magtataho sa may kabilang baranggay, hanggang sa pagiging half engkanto raw nung may-ari ng bakery sa may kanto.


 

Pero never pa niya narinig na pagtsismisan ang mga kakilala niya, lalo na si Joohyun.


 

"Nako mare! Yang lib-in lib-in na yan! Nako, tiyak buntis na iyang si Joohyun!"


 

Naubo si Yeri sa narinig. Nasamid siya sa hangin dahil sa gulat. Akalain niyo yon? Nabuntis si Joohyun ng daliri ni Seungwan? Natatawang sabi niya sa sarili. Kahit ata magtumbling at sumayaw sa Obando si Joohyun ay hindi siya mapupunlaan ng jowa niya.


 

"Ay oo nga, parang tumaba nga ang pisngi nung batang yon? Ay ganon ako nung nagbubuntis! Nako, alam na kaya ng nanay niya?"


 

Pigil na pigil ang tawa ni Yeri. Hindi niya alam kung maiinis siya o matatawa sa pinagsasasabi ng utak DDS niyang mga kapitbahay.


 

Live-in lang, buntis agad? At Aling Marites, hindi sign ng pagiging buntis ang matabang pisngi. Jusko po learn your biology naman Marites!


 

Gustong ipagtanggol ni Yeri ang kaibigan, pero nanahimik muna siya sa ngayon. Pero sabay sa pananahimik niya ang pagsend ng voice message sa ate Joohyun niya.


 

---

 

"Aba'y putangina!"


 

Nagising si Seungwan sa siesta session niya. Hinanap niya si Joohyun at nakita itong hawak ang phone, galit na galit. Agad siyang lumapit sa jowa para alamin kung anong nangyari.


 

"Hyun, bakit? Okay ka lang?"


 

"Hindi!" Angil ng jowa niya. Kumunot ang noo ni Seungwan, hindi alam ang gagawin dahil inaantok pa siya. 


 

"Babe, ano nga yon?" 


 

Sa halip na sagutin siya ni Joohyun, ay nagtipa ito sa phone. Maya-maya ay tinapat nito ang phone sa tenga na parang may kakausapin.


 

"Hello, Yeri? Andyan pa ba yung dalawa?"


 

"Ah ganon? Sige papunta na ko, salamat."


 

Agad hinabol ni Seungwan si Joohyun. Hinawakan niya ang braso ng jowa para pigilan ito.


 

"Babe! Saan ka pupunta? Mukha kang manunugod?!" Nagpupumiglas si Joohyun, ang mga galit sa mata ay napapalitan ng pagkairita.


 

"Bitawan mo ko, Seungwan! Kung hindi isa ka pang mamasamain sakin!" 


 

"Ano nga kasi muna nangyari?" 


 

Bumuntong hininga si Joohyun bago sumagot, "Yung punyetang mga chismosang nakatambay lagi kila Yeri, pinagkakalat na buntis ako! Putangina Seungwan, pano ko mabubuntis ha?! Aba napupuno na ko sa dalawang yon! Kaya bitiwa--"


 

"Sasama ako." 


 

"Ha?" Napalitan ng gulat ang pagkainis ni Joohyun. Sa kanilang dalawa kasi, si Seungwan ang pacifist. Siya ang laging nagsosorry at nagpapakababa ng pride. Kaya nagulat si Joohyun nang marinig ang sinabi ng jowa.


 

"Sasama lang, baka kung anong mangyari sayo babe. Saka hindi na rin tama yung ginagawa nila. Kampi ako sayo, okay?"


 

Di napigilan ni Joohyun ang kiligin. Ang ganda/gwapo na nga ng girlfriend niya, tapos ang bait pa. Tapos ang talino pa, ang galing pa kumanta, tapos ang bango-bango, tapos sobrang cute, tapos ang galing pa sa kam--


 

"Huy! Tara na kako!" Bumalik sa ulirat si Joohyun dahil sa boses ni Seungwan. 


 

Papalabas na sila ng gate nang may maalala si Seungwan. 


 

"Ay babe saglet lang!"


 

"Ano ba yun? Bilisan natin, baka di ko maabutan yung dalawang bruha!" Nakalabas na si Joohyun, nagmamadaling mapuntahan ang mga chismosa.


 

"Wala pala akong suot na bra!" Rinig ni Joohyun mula sa kabilang side ng gate.


 

---


 

Naaaninag na ni Joohyun ang tindahan nina Yeri. At siyempre, pati na rin ang pakay niya. Kahit sa kalayuan ay rinig na rinig pa rin ang pagiging bopek ng dalawa. Ngayon pa lang ay nagpipintig na ang mga tenga niya.


 

"AAaAAaY! Nako tomboy nga ata iyang si Seulgi! Nakita ko ba naman nung isang araw, hawak yung kamay ng anak ni Aling Ligaya! Si Joy ba yon? Oo tama!"


 

Agad tumaas ang altrapresyon ni Joohyun. Pati barkada nila, hindi nakaligtas mula sa panghahamak nitong dalawang DDS na to. Hinawakan ni Seungwan ang kamay niya, an attempt na pakalmahin siya. Medyo gumana naman, pero mas nangingibabaw pa rin ang inis niya sa dalawang mas nakatatanda.


 

Lumapit na sila sa dalawang ginang. Natigil ang paghuhuntahan nila at napatingin kina Joohyun. Nakita naman ni Seungwan si Yeri na nakangisi, nag-aabang sa kung anong mangyayari.


 

Nagulat si Seungwan nang makitang nakangiti si Joohyun. Pero hindi nakarating sa mata ang ngiti ng jowa niya. Mapanganib ang aura na binibigay nito; ang aura na nakikita niya lang kapag nakikipagtawaran sa Divisoria ang jowa niya.


 

Effective naman ang aura na yon pag nanghihingi ng discount si Joohyun, at mukhang gumagana rin sa ngayon dahil mukhang nakakita ng multo ang mga chismosa.


 

"Hello po," panimula ni Joohyun, nakangiti pa rin. "Ako nga pala si Joohyun. Nagtra-trabaho po ako bilang HR specialist sa may technohub. 29 years old na rin po ako, Aries po zodiac sign ko. Yung nanay ko po, nag-iisa na lang sa buhay, kasi patay na po tatay ko. May isa po akong nakababatang kapatid. Tapos, eto po yung GIRLFRIEND ko, si Seungwan."


 

Tinuro ni Joohyun si Seungwan bago nagsalita ulit, "Say hi babe. Don't be rude, di tayo ganon, di ba? May MANNERS tayo." Utos niya sa jowa.


 

"Hi po. And yes, babe. May mabuting asal tayo. Sana all, no?"


 

Joohyun was amused. Nanlaki ang mata niya habang nakangiti sa ginawa ni Seungwan. Kung pwede lang ay baka pinanggigilan na niya ito sa harap ng tindahan. Pero hindi, kasi nga may MANNERS siya.


 

Bumaling uli siya sa dalawang chismosa. "So, ano pa po gusto niyong malaman? Para naman sa susunod, TOTOO  na yung mga pinag-uusapan ninyo. Puro kayo fake news eh, kaya hindi umuunlad ang bansa natin." 


 

Kahit kalmado ang tono ni Joohyun ay ramdam talaga ang mga bigat ng bawat salitang binitawan niya. Nanahimik and dalawang ale, namumutla sa nangyayari. Kinuha niya ito bilang sign na magpatuloy sa litanya.


 

"By the way po, MAWALANG GALANG LANG PO, WITH ALL DUE RESPECT. WALANG MALI sa pagiging bakla, tomboy, o kahit ano pa mang sekswalidad na nageexist sa mundong to. At higit sa lahat, WALA kayong PAKE sa buhay ng ibang tao para pagpiyestahan ang mga yon."


 

Tinitigan muna ni Joohyun ang dalawa sa mata bago nagsalitang muli.


 

"Intiendes?"


 

Hindi na nakasagot ang dalawa at tumango na lang. Nakanganga lang si Yeri habang bakas ang paghanga sa mukha ni Seungwan.


 

Maya-maya ay sumabat si Yeri nang nakabalik na sa sariling wisyo. 


 

"Aling Shelby, Aling Marites, mukhang bibili rin po si ate Joohyun. Kung wala po kayong bibilhin, eh pwede na po kayo umalis."


 

At umalis na nga ang dalawang matanda sa tindahan. Iniisip ni Seungwan kung titigil na ba sila sa pagkakalat ng mga tsismis, nang marinig niya si Joohyun.


 

"Yeri, dalawang coke nga pala." Ani ni Joohyun na may kasamang matagumpay na ngiti sa labi.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
juhyuneeeee
94 streak #1
miss you otor :(
speac_sci
#2
Chapter 2: otor kailan mo ulit i-update ito?
pajamagirl2 #3
Chapter 2: sana all hindi iniiwan
94JeTi
#4
Chapter 2: Sana ol may iniibig, sana ol may jowa, sana ol may Seungwan at joohyun. Gusto ko rin ng ganito kaso naalala ko takot nga pala ako sa commitment shet hahahaha clown p0tA @self
dubustan
#5
Chapter 2: Kinikilig ako grabiiii
mellifluouswan
1702 streak #6
Chapter 2: grabe yung kilig ko huhuhu
Gowther75 #7
Chapter 2: tangina ramdam ko ang pagiging single ngayon ah, sana all talaga may seungwan
baejoonism #8
Chapter 2: Sana ol may seungwan
LockLoyalist
#9
Chapter 2: Kahit isang Son Seungwan lang po jan pengeee charot kay madam na pala XD
Love03 #10
Chapter 2: Sana all willing to wait