Kulog

Ulan

Kapag may naudlot, may tiyansa pa bang maipagpatuloy ulit? :> 

~~~~

 

Walang iba maniwala ka. Sana noong sandaling sinabi ko 'yon, nanatili kang nagtitiwala. Sayang talaga tayo, pero, ano bang karapatan ko na magreklamo at mangsisi? Ako at ako lang din naman ang rason kung bakit naputol ang kwento nating sinimulan mo. Hanggang tanaw na lang ako sa paborito kong ngiti mo dahil hindi na ako pwedeng lumapit tulad nang dati kahit sobrang nangungulila na ako sa buong pagkatao mo. Bukod sa magulang ko, ikaw ang unang nagparanas sa'kin paano pahalagahan, tratuhin nang tama at mahalin na walang hinihintay na kapalit. Miss ko na, miss ko na mga yakap mo, mga baduy, pero nakakakilig mong salita, mga biro mong ikaw lang ang nakakaintindi, mga paalala mong mag-iingat ako palagi, mga kwento mong paulit-ulit at mga halik mong dinadala ako sa langit. Wala na akong hihilingin pa kundi sana maging tayo na lang ulit at pinapangako kong hindi na kita iiwanan.

 

Tatlong buwan ang lumipas, napansin kong hindi na kayo nagsasabay ni Rosie at hindi na kayo magkasama kumakain. Lagi kang nakasimangot at tahimik sa klase pati na rin iritable tuwing inaasar ka ng mga makukulit nating tropa. Gusto ko sanang lapitan ka para kamustahin ka, pero naisip ko, 'wag na lang dahil ayaw kong mag-mukhang chismosa. Hinayaan kong dumating na lang sa'kin ang balita at makumpirma ang hinala ko. Kunwari hindi ako apektado sa mga nasagap ko, pero sa totoo lang, medyo pumalakpak mga tenga ko nang malaman kong basted ka sa nililigawan mo. Nagkaroon ako bigla ng rason para ngumiti muli at umasang magkatotoo ang araw araw na hinihiling ko.

 

Handa na ulit ako, paulit-ulit kong sabi sa sarili ko. Gustong-gusto pa rin kita at ngayong wala nang hadlang sa’ting dalawa, sana matanggap mo ulit ako at mabigyan ng isa pang pagkakataon para mapatunayan kong kaya ko nang panindigan ang nararamdaman ko para sa’yo.

“Wendy.”

“Rene?” 

“Usap tayo.” 

 

~~misskonawendypota~~

 

Ang isa sa kinakatakutan ko, matulog kang mahal mo ako at gumising na wala nang pakialam. 

 

Ako, hindi ako yung tipo ng tao na mapagtiyaga. Kapag nahihirapan ako, nawawalan ako ng gana at kapag alam kong matatalo ako, binibitawan ko na agad. Bata pa lang ako, ganyan na ako. Ang sabi pa nga ng mga tao, ang sama ko kasi hindi ako marunong magpahalaga sa mga bagay. Tinatawanan ko na lang sila dahil may sarili akong rason. Lahat naman kasi ng bagay, napapalitan. Disposable kumbaga. Kapag may sira, edi bumili ng bago, kapag nalipasan na ng panahon, edi palitan ng latest. Kapag may hindi ako nagustuhang ugali ng tao, iniiwanan ko. Ganoon ang pananaw ko noon, pero nabago ang lahat noong dumating ka.

 

Noong una, sinabihan mo akong ayaw mo na, pero nagbago dahil nagparamdam kang muli at nagbigay ng motibo. Dahil hindi naman nawala nang tuluyan ang nararamdaman ko para sa’yo, sumugal ulit ako at kinalimutan ko na lang na suyuin ang bago ko. Walang kahirap-hirap mo na naman akong nakuha dahil ramdam mong mahal pa rin kita.

 

Dahil sa’yo, natuto akong magpahalaga, natuto akong gumawa ng paraan para maitama ang mali at kung may pinagawayan, pipilitin kong ayusin dahil ayaw kong mawala ka sa’kin. Nakakatuwa hindi ba? Isang tao lang pala ang kailangan para mabago ang pangit sa ugali ko.

 

Pero akala ko ganoon lang kadali palagi. Kapag pala may bagay na nasira at inayos mo, may mga maliliit na lamat na natitira na kahit anong gawin mo hindi talaga kayang ayusin at gawing perpekto tulad noong una mo itong nakuha. Pero ayos lang, pinagkibit-balikat ko na lang kahit mali na sa mga mata ko. Tiniis ko dahil walang kwenta sa’kin ang perpekto kung wala ka naman sa piling ko.

 

Isang sabi mo lang na mahal mo ako at ayaw mo akong mawala sa’yo, maghihilom na ulit ang mga sugat na ginawa mo at isa-isang mabubura ang kasalanan mo sa iniipon kong mga rason kung dapat ba kitang pakawalan.

 

Kapag pala sobra mong pinapahalagahan at minamahal, mas nahihirapan kang pakawalan ito.

 

Kahit anong mali mong ginagawa, pinipilit kong tanggapin at magbulag-bulagan. Ako ang pupunan sa mga pagkukulang mo at ako ang magpapaluwal sa mga utang mong paumanhin dahil may ginawa kang ikinasama ng loob ko. Ganoon naman, kasalanan mo o kasalanan ko, ang hinihintay mo ay ang marinig ang paghingi ko ng kapatawaran sa’yo. Pero ayos lang, tiniis ko dahil sobra kitang mahal.

 

Isang ngiti mo lang at halik sa mga labi ko, babalik na ulit ako sa katinuan ko at papaniwalain muli ang sarili kong ako ang mali kaya dapat ako ang magparaya at magpakumbaba.

 

Akala ko sa huli makikita mo ang mga ginawa ko para sa’yo, pero ‘yon pala isisisi mo pa sa’kin na pinaramdam ko sa’yong palagi kang nagkukulang. Ano ba ang naging kasalanan ko? Saan pa ba ako nagkulang? Binigay ko lahat ng pasensya ko, oras ko, pagmamahal ko—buong pagkatao ko ibinuhos ko para lang mapag-abot ko ang gusto mo at gusto ko dahil ikaw lang ang natatanging gusto ko. Sa hirap, pakiramdam ko ako lang mag-isa, pero sa ginhawa dalawa tayong nagpapakasaya.

 

Isang yakap mong mahigpit, maniniwala akong mahina ako at hindi ko kayang tumayo mag-isa kapag wala ka. Pabalik-balik ako sa’yo dahil naniniwala akong ikaw lang ang makapagbibigay ng gusto ko. Kabisado mo nang kunin ang loob ko at alam mo kung paano patahanin ang luha sa mga mata ko.

 

Hindi pala ibig sabihin kapag nagbigay ka, kapantay ang ibabalik sa’yo. At hindi ibig sabihin na kapag sumobra ka, mas mamahalin ka rin niya.

 

Kahit sobrang sakit na, hindi kita magawang bitawan dahil alam kong kapag nawala ka, masasaktan kita at hindi ako magiging masaya. Ang akala kong nagbibigay ng liwanag at kulay sa mundo ko, siya palang sumisira nito at nagpapalaki ng lamat sa puso ko.

 

Minsan lang ako humiling sa’yo na sana mahalin mo rin ako tulad ng binibigay kong pagmamahal sa’yo. Na sana ikaw rin magbigay ng atensyon sa relasyon—na hindi ako lang ang gagawa dahil napapagod rin ako. Pero imbis na maisip mo ang punto ko, minasama mo pa ito saka mo napakadaling sinabing maghiwalay na lang tayo.

 

Akala ko ako ang unang susuko dahil ganoon akong tao, pero mali ako. Ikaw rin lang pala ang tatapos sa relasyong ginawan mo ng paraan para masimulan muli. Habang tayo pa, binuwis ko ang mga importanteng parte ng sarili ko para sa'yo at sa kasiyahan mo, ngayon, kulang-kulang na ako at hirap na hirap akong maayos muli ang sarili ko. Pero ayos lang, ganoon nga siguro talaga kapag nagmahal ka nang todo, sukdulan din ang sakit na kapantay nito. 

 

Sana umpisa pa lang, nakinig na ako sa ipinapahiwatig ng langit.

Sa kulog na parang tunog ng puso kong dinudurog mo gamit ang mga mapanakit na salita mo. 

Sa kidlat na parang pagmamahal mo na mabilis magpakita, pero mabilis ring mawala.

At sa ulan na kapag bumagsak na sa lupa, iba na ang anyo at kahulugan tulad ng mga pangako mong sa unang tingin ginto, pero sa totoo ay tanso.

 

~~~~

salamat sa pagbasa. 

na-guilty ako bigla sa ka-toxican pero oks lang, kinarma rin naman ako sjksjks

wag na natin pagpilitan ang hindi talaga nakatadhana hahahahahahahah :> 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Shinee7012 #1
Chapter 2: masnakaka pota yung next chapter awit mamser huhuhuhu u really did great in breaking heart
Shinee7012 #2
Chapter 1: pero in fairness ramdam ko yung sakit sa dibdib ni irene, yung pagsisisi at panghihinayang sa isang relasyon na pwedeng mauwi sa greatest love of all pero naglaho dahil pinili mo ang sarili mo.
Shinee7012 #3
Chapter 1: ayan kasi irene bakit mo kasi binitawan, uso naman cool off ah sana cool off muna ang hiningi para naman di masyadong masakit kay wendy at para naman may time ka pang mag isip, ngayon ano? hinahanap mo? potek ka ah. eh kasi naman ano akala mo aalis ka tapos babalik lang kung kailan mo gusto? deserve mo yan mare deserve potek
Shinee7012 #4
Chapter 1: grabe kakabasa ko lang ng wenrene eng angst tapos ito binasa ko after ha ha ha ha ampota ang sakit naman nito author huhuhuhuhuhu gago yung puso ko gague
wnandehy
#5
ang kirot marecakez why naman ;((
revelnc #6
Chapter 2: teka lang po, nasasaktan ako— laging si wendy ang sawi sa huli.
Shinee7012 #7
Chapter 2: grabe namang sakit ito authornim 💔
LockLoyalist
#8
Chapter 2: Hyun! ang sakit naman po author ssi.. kala ko happy ending ung part two bakit po ganun hahahuhu
94JeTi
#9
Chapter 2: Grabe tangina otornim sino bang nanakit sayo ha? Tangina non ah gusto ko magpakawala ng 10 Titan para ipakain yon. Pero grabe otornim ang galing mo magsulat
nicella #10
Chapter 2: Aray huhu grabe si hyun dito :(