Istatyu??

Is that you (Statue)
Please Subscribe to read the full chapter


Dahan-dahan kong inilagay ang mga kamay ko sa ibabaw ng mga nakalahad na kamay ni Irene.

Napapikit ako sa biglang sakit na naramdaman ko ng bigla akong bumagsak sa sahig, at may mabigat na nakadagan pa sa akin.

Pagdilat ng mga mata ko, ang nakita ko ay kulay-pukyutang mata, na binagayan ng kutis-porselanang mukha.

Huh, teka—ano?!



"Seulgi?"



"Irene?!"



-----


Malalakas na katok ang gumising sa buong apartment ko.

"Seulgi! Seulgi, hoy gagi! Gising!!" Binabarda na ni Joy ang pintuan ko. Ang aga-aga niyang distorbo!

Binuksan ko ang pinto, walang pake sa hitsura. "Ano?!"

"Yung statue! Yung statue nawawala gagi!"

Agad na nanlaki ang mata ko at tinakbo ang maliit na pagitan mula sa pintuan papuntang kwarto ko.

Agad na sumunod si Joy at hindi ko naihanda ang sarili sa tili na lumabas sa kanya sa sandaling nasilayan niya ang isang babae sa kama ko.

Base sa kislot na biglang ginawa ng bulto sa kama ko, mukhang hindi lang ako ang nagulat sa tili ni Joy.

"What the Seulgi!"

Agad na sinara niya ang pinto at hinarap ako.

"Tangina ka, 'masama ang pakiramdam'? Sana sinabi mong kikire ka pala para hindi muna ako pumunta dito! Bwisit ka naiingit tuloy ako sana all may dilig."

Bumalik naman ako sa huwisyo. "Ano?! Gago hindi!"

"Ang landi mo gago, walang maramdaman na special ka pa ah. San mo naman nameet yan infairness ang ganda ng kutis."

"Tangek hindi nga! Si Irene yan! At saka hindi ako kumire!"

"Irene? Ganda ng name, parang yung sa stat-" Nanlaki naman ang mata ni Joy.

"Holy ?!"


-----



Nakakapanibago.

Kapag nandito si Joy sa apartment ko, it's either sumisigaw siya, nakahilata sa couch, o nag-iingay sa kusina ko.

Pero ngayon, tahimik siyang nakaupo (ng maayos) sa couch at walang kagatol-gatol na nakatitig kay Irene na nakaupo sa katapat niyang upuan.

"Hoy Ligaya, mahiya ka nga." Parang walang narinig si Joy at pumalung-baba, nakatingin pa din kay Irene na alam kong ilang na ilang na.

"So.. wala kang maalala?"

Yumuko si Irene, at marahang ipinaling ang ulo.

Tumango si Joy. "Okay. By the way, ang ganda mo."

Nakita ko ang mabilis na pagpula ng likod ng tainga ni Irene.

"Lintek ka Joy." Agad naman akong dinuro ni Joy. "At ikaw, halika dito sa kusina marami kang sasabihin sakin tangina mo."

Tumayo si Joy at bago pa niya ako mahila sa kusina, nakita ko ang mabilis na pagtingin sa akin ni Irene. Binigyan ko siya ng alanganing ngiti.

Umupo si Joy sa counter at hinarap ako. "So?"

"Ewan ko."

"Gago ka ba anong ewan ko."

"Hindi ko alam anong nangyare." Sinenyasan niya akong magpatuloy.

"Kagabi.. nagising ako tapos pinuntahan ko yung statue."

"Nanduon pa yung statue kagabi?"

"Oo."

"Tapos?"

"Tapos.. ayun nilapitan ko nga."

"Tapos?"

Nahihiya akong napakapit sa batok ko. "Ano.."

"Putangina mo Kang Seulgi ano nga."

"'Bat ka ba nagagalit?!"

"Eh kasi ang tagal mo magsalita!"

"Eh gago nahihiya kasi ako."

"'Bat ka naman mahihiya?"

Ramdam ko ang unti-unting pag-akyat ng pula mula sa leeg ko papuntang mukha.

"Yung sinabi mo kahapon, na ano, paghawaksakamaynungstatueginawako."

Nakita ko ang pagdaan ng pagkalito at irita sa mukha ni Joy bago niya ako malakas na binatukan.

"Ano hindi ko nagets bagalan mo."

"Hinawakan ko yung kamay ni Irene kagabi! Tapos.. tapos naging tao siya."

Nanahimik si Joy at tahimik akong tinitigan.

Nagtitigan lang kami ng ilang segundo bago siya nagpakawala ng isang malutong na, "Gago ka ba?"

Napapikit ako. Alam ko naman na na hindi siya maniniwala kaagad. Kahit ako din naman kaga

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thelost_soul
HEHEHEHEHEHEHEHE IM BACK

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 3: halaaaa ang gandaaaa 🤩😭✊
2014605911
#2
Chapter 3: Hindi ko gets. Connected ba ito doon sa previous chap bago ito?
Varcenciel21
#3
Chapter 3: Halaaaaa why Seul?
Maatt_booii #4
Chapter 3: More pa otor hehe
sailorcee
#5
Chapter 3: Hnnggg GUSTO KO PA OTOR-NIM >< Thank you for this <3
Hiddensr #6
Chapter 2: hala more & more po w(°o°)w ang gnda
.·´¯`(>▂<)´¯`·.
Maatt_booii #7
Chapter 2: More pa otor hehehe sequel plzzz
Onlyking
#8
Chapter 2: Hala more 👉👈🥺 hahahha salamat otor
BpRvTw03saromines
#9
Chapter 1: AMP SEQUEL AUTHOR-NIM!!!!
astrum11
#10
Chapter 1: Sequeeel huhu ang interesting ng storyyy 😭