Istatyu

Is that you (Statue)
Please Subscribe to read the full chapter

"Seulgi!"

Agad akong napatingin kay Joy.

"Tara na ba?" Tanong ko. 

"Oo, shunga. Kanina mo pa tinitingnan yan. Di ka nagsasawa?" 

"Ang ganda kaya. Niresearch ko pa nga dati sino gumawa niyan kaso wala kong nakita." Sabi ko habang sumasabay sa kanyang maglakad.

Sasamahan ko siyang imeet-up yung nakausap niya sa Bumble kahapon. Kailangan niya daw kasi ng back-up just in case na balahura ang ugali or what. Abnoy talaga.

"Sus, nasa tapat na nga ng apartment mo't lahat-lahat, di ka pa rin nagsasawang tingnan. Bakit di mo itry lapitan para makita mo yung mismong statue. Baka may nakaukit doon."

"Eh laging madaming tao doon eh. Nagpapapicture ganon. Alam mo namang ayokong sumisingit sa matataong lugar. Kaya hanggang tingin lang ako." 

Totoo naman kasi. Pagkalipat na pagkalipat ko pa lang sa bagong apartment ko, yung statue agad na yun yung una kong napansin.

Bukod sa laging matao doon, dahil sa mga nagpapapicture, ang ganda kasi nung statue. Parang totoong tao, yung laki, pati pagkakagawa. Ang weird nga lang ng pose. Hahahaha.

"May narinig ako about sa statue na yan eh. Sabi nung babae sa may karenderya malapit sa inyo, may magic-magic daw yan."

Tiningnan ko naman si Joy ng natatawa.

"Magic? HAHAHA hoy Ligaya, ano ka grade two?"

"Tuleg! Legit kasi! Pansin mo, yung mga nagpapapicture laging nakahawak sa kamay nung babae diba?" Engganyong-engganyo siya sa pagkukuwento.

"Oh tapos?"

"Yun! Kasi pag hinawakan mo daw yung kamay, tas ikaw yung nakatadhana para dun sa babae, magiging tao yun!"

"Wtf, Joy HAHAHA naniniwala ka na sa ganyan?"

"Gags kasi Seulgi legit!! Di mo napapansin yung mga pose na ginagawa nung mga nagpapapicture?"

Napaisip ako. Oo nga, laging ganon yung mga posing nila. Alam ko, kasi nga, hobby ko titigan yung statue na yun sa tuwing di ako subsob sa trabaho. Dumating pa nga sa punto na nilipat ko ang working space ko sa may bintana. Para tanaw ko yung statue kahit na nagtatrabaho ako.

"Oo nga ganon yung kadalasang posing nila. Eh kasi tingnan mo naman yung statue. Ang weird ng posisyon, kaya ganon din yung pose ng mga tao. Para compliment." Yun lang naman ang nakikita kong dahilan bakit ganon.

"Sabagay.. ay ewan! Malay ko dun kay Aling Seungwan. Naalala ko lang, lungkot kasi ng kuwento niya sakin about sa statue na yan."

"Baka matanda na yan si Aling Seungwan, baka niloloko ka na lang nun, nagpauto ka naman hahahaha."

"Ulol baho mo Seulgi." Sabay irap pa ni Joy.

"Bilisan mo na diyan! Pag yung date ko nainip ikaw magpapakain sakin ng lunch!"

Ang kapal talaga ng mukha ng manok na to. Ako na nga inabala, ako pa manlilibre.

"Ang kapal mo Ligaya. Asar talo ka lang eh!"

"Bilisan mo na lang diyan! Daming daldal eh!"


-------------

 


"Putangina, HAHAHAHAHAHA!"

"Tangina mo, Kang Seulgi. Isang tawa pa sige."

"GAGS ISA NA LANG PRAMIS HAHAHAHAHAHAH"

"Putangina mo, ano okay na?"

Pinunasan ko ang gilid ng mata ko. Kung ganito lang din naman ang mangyayari kada sasamahan ko si Ligaya, aba pwede na din kahit papano. Hahahahaha.

"Bwiset, okay na sana yun eh! Gwapo! Mabait naman! Mukha ding disente!"

"KASO MABAHO. HAHAHAHAHAHA TANGINA LIGAYA ANG MALAS MO NAMAN HAHAHAHAHA"

"Alam mo ikaw iiwan talaga kita dito. Ta'mo, tawa ka pa dali, bwiset ka."

Pinilit kong pinahupa ang tawa ko. Unti-unti ng naaasar si Joy eh hahahaha.

"Sabagay, sayang din hahaha. Pero wala eh. Better luck next time Joy. Hahahaha."

"Eh ano pa nga ba? Bwiset. Tara na nga, uwi na lang tayo. Stay muna ko sa inyo, buraot yung roommate ko nagdala ng jowa sa apartment."

Binigyan ko siya ng ngiting nang-aasar.

"Inggit ka lang eh HAHAHAHA"

Binatukan niya ko. Tangina ang sakit!

"Ang ingay mo punyeta. Tara na!"

Hinila niya ako palabas ng coffee shop. Naglakad lang kami pauwi, since di naman maaraw at malapit lang din ang apartment ko. Tamang palamig lang din sa ulo ni Ligaya. Baka mamaya ako pa pagbuntunan niyan eh. Kawawa naman ako.

"Eh ikaw Seulgi? Hanggang kailan ka walang jowa? Makaasar ka sakin. Parang may jowa ka ah." Seryosong tanong niya sakin.

"Ewan ko. Wala pa kong maramdaman na special eh."

Tiningnan niya ako ng nakakunot ang noo.

"Ano? Baket? Di ako tulad mo na bitter. Okay lang sakin maging single." Dispensa ko. Totoo naman, di ako naghahanap ng jowa talaga. Hinihintay kong siya ang mismong lumapit sakin.

"Di ako bitter. Siguro atat lang ako maranasan yung true love." Sabi ni Joy sabay buntong hininga.

Awww. Kawawa naman tong batang to. Hahahahaha.

"Bakit di mo itry hawakan yung statue, akalain mo yun pala nakatadhana sayo HAHAHAHAHA" Pinalo niya ko sa braso. Ang sadista talaga.

"Hoy! Di mo pa naririnig kwento ni Aling Seungwan! Sigurado maaantig puso mo! Kaya nga di nawala sa isip ko eh!"

"Nakoo, paniwalang-paniwala ka naman?" 

"Psh! Lika tara doon tayo maglunch sa karenderya nila para marinig mo! Dali!"

Hinila niya ulit ako sa karenderya ni Aling Seungwan. Nakapwesto ito sa may gilid ng statue, kaya kita pa rin.

"Aling Wannie!!" tawag ni Joy. Close? Wuma'wannie' kasi. Hahahaha

"Hoy Joy! Wendy na nga lang sabi! Di pa ko ganon katanda hoy!" Sumulpot ang isang babae. Hindi katangkaran, maikli ang buhok at may hawak na sandok. It's either kasing-edad ko lang to o matanda ng kaunti.

"Hahahaha joke lang Wendy hehehe. Paorder ulam saka kanin, yung lagi kong binibili. For two. Tas upo ka dito ha! Kwento mo sa kaibigan ko yung kinuwento mo sakin ng nakaraan." litanya ni Joy habang naglalabas ng pera. Ayos libre. Hahahaha

"Alin? Yung sa statue?" Nagtataka niyang tanong. Sabay tingin sakin.

"Hi! Hehe Seulgi." Inabot ko ang kamay ko. Tinanggap naman niya at ngumiti ng bahagya sa akin.

"Wendy. Yung sa statue ba yung sinasabi mo Joy?" Agad siyang bumaling kay Joy na nagtitingin ng ulam.

"Hmm. Ang KJ kasi niyan. Crush niya ata yung statue eh." Sabay tingin na nang-aasar sakin.

"Hoy! Hindi ah! Fascinated lang ako. Imbento ka." Dispensa ko. Nakaka-fascinate naman kasi talaga. To think na walang history records yung statue na yun.

Napatingin ako kay Wendy. Nakangiti lang siya sa akin. 

"Ihanda ko lang pagkain niyo. Balik ako agad, wait lang." Sabi niya sa mahinang  boses.

Ako lang ba?

O parang lumungkot si Wendy noong napag-usapan yung statue?

 

-------------

JOY

 

"Hoy Ligaya."

Tumingin ako kay Seulgi. Tumitingin kasi ako kanina sa mga tao na dumadaan sa statue at miminsang nag-pipicture.

"Ano?"

"Okay lang ba si Wendy? Bakit parang ang lungkot niya?"

Sabay kaming tumingin kay Wendy. Nagulat ako dahil nakatingin din siya sa amin, specifically, kay Seulgi. 

Agad siyang nagbawi ng tingin at maya-maya'y nilapag ang order namin sa lamesa. Kumuha siya ng isa pang silya at umupo sa gilid.

"So ano ba yung.. yung gusto mong malaman S-Seulgi?"

Bakit siya nautal?

"Ah.. Hehehe eto lang ka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thelost_soul
HEHEHEHEHEHEHEHE IM BACK

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 3: halaaaa ang gandaaaa 🤩😭✊
2014605911
#2
Chapter 3: Hindi ko gets. Connected ba ito doon sa previous chap bago ito?
Varcenciel21
#3
Chapter 3: Halaaaaa why Seul?
Maatt_booii #4
Chapter 3: More pa otor hehe
sailorcee
#5
Chapter 3: Hnnggg GUSTO KO PA OTOR-NIM >< Thank you for this <3
Hiddensr #6
Chapter 2: hala more & more po w(°o°)w ang gnda
.·´¯`(>▂<)´¯`·.
Maatt_booii #7
Chapter 2: More pa otor hehehe sequel plzzz
Onlyking
#8
Chapter 2: Hala more 👉👈🥺 hahahha salamat otor
BpRvTw03saromines
#9
Chapter 1: AMP SEQUEL AUTHOR-NIM!!!!
astrum11
#10
Chapter 1: Sequeeel huhu ang interesting ng storyyy 😭