BoybandPh Niel x Miguel Tanfelix

Just A Random Pairing

TITLE: Between the Two of Us

Word Count: 1101 words


In a long time not seeing each other, I  run towards him, he also did the same thing to me.

 

Nang palapit na kami sa isa't isa ay agad nagyakapan kami ng mahigpit at matagal.

Galing kasi siya ng Japan, nagbakasyon doon mag-isa and since bestfriend ko kaya namimiss ko siya.

Nagstay siya sa Japan for more than five months and ngayon lang niyang naisipang umuwi dito sa Pinas.

We broke our hug then, nagngitian kami sa isa't isa.

"Kamusta bro?" Tanong niya sa akin.

"Okay naman, enjoy na enjoy ako with Kisses kasi walang thirdwheel na sumasali sa mga date namin." Biro ko naman sa kanya. 

"Wow sama mo Niel." Sabi niya habang hinampas lightly ang braso ko. 

Napatawa na lamang ako sa ginawa niya.

"Wait teka, naiwan ko ang luggage ko sa entrance, kukunin ko muna." Sabi niya sa akin.

Napatawa na lamang ako sa kanya.

At kinuha niya ang luggage na naiwan niya dahil sa pagdadrama niya.

Sabay na kami na naglunch sa Jollibee, ang favorite fastfood chain namin.

Pagkatapos namin maglunch ay sinabayan ko umuwi si Miguel sa condo niya.

"Bye." Pagpaalam ko nang pumasok na siya sa loob ng room niya.

"Bye then. See you tomorrow." Sabi naman ni Miguel habang nagwawave sa akin.

 

NEXT DAY...

Since bakasyon this time, walang pasukan kaya gala time kami always ni Miguel. Si Kisses kasi minsan, di siya pinapayagan ng parents niya lumabas kahit ako lang naman ang kasama, masyado silang protective sa girlfriend ko eh.

Nandito ako ngayon dito sa park, naghihintay kay Miguel, lagi kasi yun late comer eh kainis.

Kasi nakatayo lang ako naghintay dito, naisipan ko na maglakad lakad muna. Sa aking paglalakad ay may napansin ako na dalawang lalake na naghalikan, napalunok ako ng laway at inalis ang paningin ko sa kanila. Ang wierd eh.

"Hoy Niel, nandiyan ka lang pala." Napalingon ako sa likod nang tinawag ang pangalan ko. 

Atlast, dumating na din siya.

Lumapit siya sa akin at biglang hinawakan aking kamay, agad ko naman ito inalis.

"Wow how rude. Gusto ko sundin sila pero walang malisya naman sa atin kasi friends lang naman tayo." Sabi ni Miguel sa akin.

"Ang wierd parin bro eh." Sagot ko naman habang sira na sira ang facial expression ko.


Inakbayan na lamang ako ni Miguel at mas okay ako dun since Bro na bro kasi ang akbay eh. 

Masaya na naggala ang dalawang magkaibigan, laro sila dun, kain dito. Di parin sila sawa sa mga ganun na gala, enjoy na enjoy parin sila.

Pagkatapos ng gala nila ay umuwi na kaagad sila sa kanya kanyang tahanan nila.



Dahil bored ako at wala kaming scheduled date ni Kisses at scheduled gala ni Miguel. Naisipan kong manood ng mga Thai BL series.

Ewan ko lang, ayaw ko ng BL actually or anything related to that. Siguro, curious lang ako paano sila magreact or paano nila nalaman na bading pala sila.

Hindi naman sa naghihinala ako sa aking sarili na bading ako or much more kay Miguel(sorry bro haha), kahit na maraming nagsabi sa amin niyan tuwing kami ay magsasama, gusto ko lang talaga na ma-sure. It's better to be sure kasi eh.

Okay, di ko pinatuloy ang pagnood kahit episode one man lang haha. Gago ako noh.

Maya-maya ay nagring ang phone ko, tinignan ko agad kung sinong tumawag. Alam niya siguro na topic ko siya kanina kaya tumawag lol.

"Hello Miguel, anong sa atin?" Rinig na rinig ko ang tawa niya.

"Date tayo." Medyo natawa ako sa sinabi niya. First time niya ito sinabi sa akin.

"Maghanap ka ng girlfriend then date kayo." Reply ko naman.

"Wow, so dapat kapag date, babae agad kasama ko? No, I prefer na ikaw makasama ko." Ba't nababaklaan ako sa pananalita at kinikilos ni Miguel lately? Naging suspicious na lamang ako sa kanya.

"Sige ikaw bahala basta sayo ang gastos lahat." Yan na lamang naisagot ko. Masarap ang libre eh.


Sa Mall...

Sabi ni Miguel na maghintay daw ako dito sa Department Store kaya naghintay ako dito. Hay nalang, siya yung nagyaya, siya naman late.

After 10 minutes ay dumating na rin siya, parang kinakapos ng hangin sa kakatakbo siguro ito, hingal na hingal eh.

"Sorry late ako." Pagaapologize niya sa akin.

"Okay lang. By the way, tumatakbo ka ba papunta dito?" Tanong ko naman sa kanya kahit sobrang obvious na.

Tumango lamang siya, "Niel, pumili ka agad ng pambabae na panamit." Bigla niyang sabi sa akin, nagtaka naman ako.

"Bakit?"

"Di ba magdadate tayo, dapat magdisguise ka as babae para di tayo tignan ng masama ng mga tao." Sagot naman nito.

Eh? Ano ba usually ginagawa sa date? Di ba kumain tapos go somewhere special? Parang pang-friends lang na gala pero kasama mo ang 'the very special person' mo.

"Gago, maghanap ka nalang ng babae para idate mo. Bakit naman sila titingin ng masama sa atin, maghoholding hands ba tayo or maghahalikan?" 

"Eh ikaw lang gusto ko makadate kasi gusto kita." Confident niya na sabi sa akin at bigla na lamang tinakpan ang bibig niya.

Nadulas yata siya.

Gusto kita, gusto kita , gusto kita...

Nageecho sa brain ko ang sinabi niya.

What?Ano? Gusto niya ako? Bading siya? Tama hinala ko?

Natulala ako sa sinabi niya. Nagsnap siya sa harapan ko kaya pinansin ko siya ulit.

"Sinabi mo na gusto mo ako?" Tanong ko sa kanya ng mahina ang boses, naninigurado lang.

Lumingon lingon muna siya sa paligid at balik tingin sa akin at tumango, "Oo, noon pa. Sorry, nabigla yata kita." Sabi nito.

Yep, nabigla ako. Bestfriend ko pa talaga and also honestly saying, homophobic ako. Hindi ko alam kung okay ako dito o hindi.

"Okay lang. Let's just keep it between the two of us." Sabi ko  para di sumama loob niya. Di ko sinabi na diri diri ako sa kanya.

Mahal ko parin naman siya....as a bestfriend lang nga.

Ngumiti siya sa sinabi ko at pinagpatuloy namin ang friendly date namin.



These days, naiilang na ako kay Miguel simula nung sinabi niya na gusto niya ako.

Di ko lubos maisip na yung mga sweet talks and gestures niya sa akin noon ay sign na yun na may gusto siya sa akin.

Pero I don't hate him for that kahit gustuhin ko pa man. Hirap magalit sa bestfriend mo na naging mahalaga sa buhay mo.

I think it's better din na nalaman ko ng maaga pa. 

Kahit man sinabi ko sa kanya na as a friend lang talaga ang nakikita ko kanya, okay lang siya.

Kaya ayun, between the two of us lang yung secret niya. Sa akin lang niya kasi gustong sabihin eh.

 

 

 


A/N: Di ko alam kung ba't ganyang kinahahantungan ng kwento nila, di naman yan ang first kong naimagine lol.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
FakyManiaSeries
Update!
Between the Two of Us (BoybandPh Niel x Miguel Tanfelix)

Comments

You must be logged in to comment
SHINeeMe08
#1
This seems interesing :)