SB19 Ken x Gabbi Garcia

Just A Random Pairing

TITLE: Be My Alena

Word Count: 2,584 words


"Walang kwenta itong si Ybarro, pinalit agad si Alena kay Amihan, Sus, di hamak na mas maganda naman si Alena kaysa kay Amihan." Pagmamaktol ni Ken sa pinapanood niyang episode ng Encantadia.

Nasa kwarto lang siya nanonood ng favorite niyang telefantasya habang nakahiga sa kama.

Favorite niya ito dahil nandito ang ultimate celebrity crush niya na si Gabbi Garcia.

Una niyang nakita in-person si Gabbi sa Encantadia mallshow nila dito. At nabighani siya sa ganda nito.

"Kung ako lang sana si Ybarro, di ko ipapalit si Alena. She will be mine forever." Pagsasalita nito mag-isa habang nakatayo with matching gestures.

Maya-maya ay itinabi ni Ken ang phone niya at kinuha niya ang laptop niya, umupo siya dun sa chair sa 'Study table' niya at dun inilagay ang laptop.

Pinabrowse niya ang mga ginawa niyang mga edit na larawan na magkasama silang dalawa ni Gabbi Garcia.

Natutuwa siya sa kakanood nito, at gumawa na naman siya ulit ng bago.

Maya-maya, may kumatok sa pintuan niya.

"Anak, nandito na ang delivery mo." Boses ng nanay ni Ken ang nagsasalita sa likod ng pintuan.

"Okay ma." Agad naman tumayo si Ken at binuksan ang pintuan at kinuha ang plastic na dala ng nanay niya.

Sinara niya ang pintuan at inilagay ang plastic sa study table niya. Order ng japanese food yung delivery ni Ken. 

Tinigil muna ni Ken ang pagedit at agad kumain ng mga pagkain na nasa sa bento box. Lunch na nga pala.

Pagkatapos kumain ni Ken ay agad niya tinuloy ang editing niya. Inedit niya ang sarili niya na naka-Ybrahim costume then itinabi niya ito kay Alena. Tuwa na tuwa si Ken sa ginagawa niya.

"Bagay pala tayong dalawa, Gabbi." Sabi nito sa sarili.

 

NEXT DAY...

May cosplay event na sinalian si Ken kaya maaga nagprepare si Ken para dito. Matagal na nagcocosplay si Ken simula pa nung naaddict siya ng anime hanggang ngayon na 23 years old na siya, hobby niya talaga ang pagcocosplay.

Ang character na kinosplay niya ay si Pain sa Naruto kaya nagpadye na siya ng buhok niya, last week pa.

Suot suot na niya ang costume niya. Naglakad lamang si Ken papunta sa mall kung saan gaganapin ang event. Di naman kalayuan ang mall sa bahay niya kaya he prefer na magtipid ng pamasahe.

Habang naglalakad papunta sa mall ay napatingin ang mga tao sa kanya, para nga kasi siyang si Pain eh, moreno version lang nga.

In character masyado si Ken sa kinosplay niya. 

At maya-maya ay nasa mall na siya,
marami siyang nakikitang ibang cosplayers. Napabilib siya sa iba pero may iba rin na hindi niya bet masyado.

"Mas astig parin ako kaysa sa kanilang lahat." Sabi naman nito sa sarili.

Lumapit si Ken sa kung saan naggather ang mga cosplayers. Hinahanap niya ang mga kakilala niya para may makausap rin siya.

Maya-maya ay nakita niya ang mga kaibigan niya, masaya si Ken na may makakausap siya.

"Wow pre, para kang si Pain na live version, bagay na bagay sayo. Bagay rin pala sayo ang mga piercings." Pagcompliment ni Josh kay Ken.

Napasmirk naman si Ken, "syempre ako pa, bagay naman sa akin kahit sino pa ang icosplay ko." Grabe ang self-confidence ni Ken.

Napatawa na lamang si Josh, "kahit babae,bagay rin sayo? Parang di ako agree diyan." Pagbibiro ni Justin kay Ken.

Agree naman si Stell sa sinabi ni Justin.

"Except sa babae, lalaki ako eh so lalaki lang nababagay na icosplay ko." Sagot naman ni Ken.

"Pero ang ganda niyo rin tignan sa kinosplay niyo, promise." Pagcompliment ni Ken sa mga kaibigan niya na sina Josh, Justin,Stell at Sejun.

Hitsugaya Toshiro(Bleach) naman kinosplay ni Josh, "Astig mo tignan Josh.Bagay ka sa character mo, pandak din." Pagbibiro ni Ken kay Josh. Napatawa naman ang iba.

Kang Chul(W Two Worlds) naman ang kinosplay ni Justin, "sino yang kinosplay mo Justin? parang normal self mo lang, parang di cosplay." Sabi naman ni Ken kay Justin.

"Ako si Kang Chul, nanggaling sa manhwa world." Sagot ni Justin na pang-Kang Chul style.

Napailing na lamang si Ken.

Shintarou Midorima(Koruko no Basket) naman ang kinosplay ni Stell, "Wow bagay sayo ang green hair Stell at cool mo tignan with eye glasses, bagay pala sayo maging basketball player." Comment ni Ken kay Stell.

Tumango lamang si Stell habang inayos niya ang salamin niya gamit ang kaliwang kamay niya na may bandage sa mga fingers niya.

Aguiluz(Mulawin) naman ang kinosplay ni Sejun, "Wow, may taong ibon dito. Hello po, makakalipad ka po ba?" Tanong naman ni Ken kay Sejun.

"Hindi pwede, baka makita ako ng mga tao at hulihin pa nila ako. Mas mabuti nalang kung magpatugtog nalang ako ng plawta ko." Sagot naman nito kay Ken.

Tumango lamang si Ken at nagplay si Sejun ng flute niya. Napakagandang tunog ang narinig ni Ken.

Since maingay naman sa mall so hindi ito naririnig ng iba dahil sa ingay nila.

Pumalakpak si Ken, " Ang galing talaga ninyo, in-character parin kayo."

"Syempre, ikaw lang naman hindi." Sabay nilang pagsagot, napasimangot si Ken sa sinabi nila.

"Ken hay este Pain pala, tumingin ka sa likod." Sabi naman ni Stell kay Ken at lumingon naman agad si Ken sa likod.

Nakita niya ang pinakamagandang babae sa buong mundo,ito ay naglalakad patungo sa area nila mga cosplayers. Di maalis ni Ken ang tingin niya kay Gabbi.

"Wow grabe ang tingin ni Ken hay este Pain kay Princess Jasmine." Comment naman ni Stell.

"Hello everyone!" Biglang salita ng host sa harapan kaya inalis agad ni Ken ang tingin niya kay Gabbi para makapagconcentrate na makinig sa sasabihin ng host sa kanila.

"So, it's our first cosplay for this Year, so sino dito ang first time sumali ng cosplay event?" Tanong ng host sa mga cosplayers.

Nakita ni Ken sa corner ng kanyang mata na nagraise ng hands ang katabi niya kaya tinignan niya ito. Napalunok ng laway si Ken at agad inalis ang tingin niya dito.

Katabi niya si Gabbi. Di mapigilan ni Ken na ngumiti, kilig na kilig siya sa sarili niya. 

Pagkatapos ng mga sinasabi ng host ay nagpipicture na sila magkabarkada. May ibang cosplayers at non-cosplayers din na nagpapapicture sa kanila.

Napansin ni Ken na marami din nagpapapicture kay Gabbi.

"Maganda kasi at artista kaya maraming nagpapapicture." Sabi ni Ken sa sarili.

"Lumapit ka, lalo kang mapiPain kapag nakatingin ka lang." Nagulat si Ken sa bumulong sa kanya, lumingon siya, si Justin lang pala.

"Ang corny mo Jah. Lalapit ako no." Sagot naman ni Ken dito.

At di nagdalawang isip si Ken na lumapit kay Gabbi.

"Mrs. Gabbi Garcia, pwede ba ako magpapicture with you?" Nagask muna ng permission si Ken kay Gabbi.

"Oh sige, pwede naman." Nakangiting sagot nito. Napangiti naman si Ken, kilig na kilig na siya in the inside.

PainxPrincess Jasmine=JasPain

Nagpapicture sila kay Justin ng mga limang beses. Tindi din tong si Ken noh.


 

"Ipapadevelop kong larawan natin dito." Sabi ni Ken habang nakatingin sa larawan nila na ipinasa na niya sa laptop.

Pinost din ni Ken ang picture nila together sa iba't ibang social media account ni Ken. Ganun siya kaproud.

Habang nagsoscroll down ng mga newsfeed sa fb ay may nacaught ng attention si Ken. May upcoming cosplay event naman sa another venue na ito.

Napangiti naman si Ken sa nakita niya, sinent niya din ang link sa mga kaibigan niya.

Pinagisipan din ni Ken if isesent ba niya ang link kay Gabbi o hindi.

"Isesent lang naman. Okay lang yan." Sabi nito sa sarili at sinent din ng link si Gabbi tungkol dun sa upcoming cosplay event.Sinent niya ito sa IG account ni Gabbi since active si Gabbi dun.

Hinintay ni Ken na iseen ni Gabbi ang message niya at magreply.

Maya-maya naseen na ni Gabbi ngunit di siya nireplyan.

"Ok lang yan. I understand." Pageemote ni Ken sa kanyang sarili.


 

Nakatanggap ng private message si Gabbi sa IG niya from ChiKen_Suson.

Ito ay link tungkol sa upcoming cosplay event. Sinubukan tignan ni Gabbi ang profile ng account na nagmessage sa kanya. At nakita niya ang larawan nila together.

"So siya pala yun." Sabi naman ni Gabbi sa sarili.

Napangiti na lamang si Gabbi dahil sa effort nito at confidence kasi di ito nahiya na imessage siya.

Pero Gabbi prefered na di magreply since ganyan siya sa halos na nagmemessage sa kanya na di niya kilala.

Gabbi then drink her milk na, she has a taping pa tomorrow so she has to rest early in the bed.

 

NEXT DAY...

Nagising si Ken sa liwanag sa bintana niya, nakatulog siya sa study table niya dahil sa kakahintay ng reply kay Gabbi pero ayun nganga walang reply.

Napatingin si Ken sa laptop niya, wala paring reply si Gabbi.

"Kahit thank you man lang." Pagrereklamo nito sa sarili.

"Pero I think interested siya." Dagdag naman nito.

Napabuntong-hininga si Ken at humiga siya sa kanyang kama, nag-iisip kong sino ang next na icocosplay niya.

Sa dami dami ng pinapanood ni Ken na anime, minsan nakalimutan na niya kung sino ang mga characters nito.

At biglang naisip ni Ken si Ybarro/Ybrahim. Bumangon si Ken then nagsearch ng mga larawan ni Ybarro/Ybrahim sa google. Naghahanap siya ng magandang costume na susuotin niya sa upcoming cosplay event.

Maya-maya nang may nakita na siya ay agad naman niya kinontact ang mananahi na loyal costumer siya.

"This is it! Ybarro is on the way!" Sabi naman ni Ken.

 

One week before the Cosplay event...

Tapos na natahi ang costume ni Ken for his character sa upcoming cosplay event.

Tinry agad ni Ken ang costume upang tignan kung bagay na bagay pa ito sa kanya.

Tinignan ni Ken ang sarili niya sa salamin na naka-Ybrahim costume. Balik black hair na si Ken.

"Ako si Ybrahim, ang Rama ng Sapiro." Sabi nito na may kakisigan sa harap ng salamin.

(Picture- Imagine niyo na siya si Ken instead of Ruru lol)

Ngunit napasimangot si Ken ng lumingon siya sa tabi niya.

"Pero wala akong Hara." Napayuko naman ang ulo ni Ken.

"Kailangan kita Alena para sa pagmumuno natin sa Sapiro." Sabi nito habang pabalik na nakatingin sa salamin, mukhang seryosong seryoso.

Matapos matesting ni Ken ang costume ay tinesting din niya ang espada.

Yep, may espada guys since gusto ni Ken magcollect ng different weapons ng mga kinocosplayan niya.

"Yah! Yah!" Naeenjoy si Ken sa espada niya since parang totoong espada rin siya sa bigat at itsura.

Matapos ni Ken magensayo with his sword ay agad niya inalis ang costume niya at itinago muna ito pati narin ang sword, balik siya sa pambahay outfit niya.

Napag-isipan ni Ken na ichat si Gabbi since gusto niya maging partner sila sa gaganaping cosplay event.

Nagmessage naman agad si Ken sa IG ni Gabbi. Di niya alam kung online pa ito or hindi pero umaasa si Ken na magrereply si Gabbi.

'Mrs. Gabbi, sana sasali ka sa upcoming cosplay event at icocosplay mo si Alena hehe, tapos partner tayo since si Ybrahim ang icocosplay ko.' Ang sabi ni Ken sa chat niya.

Maya-maya ay naisipan ni Ken na idelete nalang ang message niya. Di pa rin naman naseen ni Gabbi.

"Huwag nalang, nakakahiya, masyado akong feeling close and also di rin niya naman ako rereplyin." Sabi ni Ken sa sarili.


 

The day of the cosplay event comes. Nagprepare na si Ken sa costume niya with his sword, ready na siya na pupunta sa Lireo ay este mall lang pala.

At ngayon, di siya naglalakad papunta sa mall since malayo sa bahay niya. Ayaw din niya magcommute kasi ang init at titignan siya ng mga tao sa jeep.

Swerte si Ken na may kaibigan siyang richkid. Sabay sabay na sila magkaibigan papunta sa mall gamit ang car ni Justin.

Since hari siya dapat maganda ang transportation niya.

Pagdating nila sa mall ay inopen ni Josh ang door para kay Ken, since Hari siya lol.

Seryiso na seryoso ang mukha ni Ken at walang expression.

"Ken, ba't ang serious mo?" Tanong naman ni Stell sa kanya.

"Wala na ang pinakamamahal ko na babae. Sabihin mo sa akin Super Mario, Dapat pa ba ako maging masaya?" Sagot naman ni Ken kay Stell. Ginaya ni Ken si Ybrahim nung times na nawala na si Amihan at masyadong serious na si Ybarro dun, di na ngumingiti.

Pinipigil ni Stell na matawa sa asal ni Ken ngunit naiintindihan niya ito, into character talaga si Ken sa mga kinocosplay niya lalo na kung gustong gusto niya.

Pumasok na silang lima sa loob ng mall, nasa gitna si Ken sa kanila.

Maraming tao ang nagtitiningan sa kanilang lima.

Si Justin as Detective Conan; Sejun as Hawkeye; Josh as Kirigaya Kazuto(known as Kirito); Stell as Super Mario and Ken as Ybarro/Ybrahim.

Sabay sila naglakad papunta sa area kung san magkagather ang mga cosplayers.

Nang makarating sila sa area ay dun lang sila nagkwekwentuhan. Tahimik na tahimik si Ken habang minamasdan ang ibang cosplayers. Mga kaibigan niya ay nakipagkwentuhan sa ibang kaibigan nila.

Hinahanap hanap ng mata niya si Gabbi, nasa pwesto lang si Ken. Ngunit sa sobrang crowded at nakacostume pa sila kaya mahirap mahanap kung kasali ba si Gabbi or hindi.

Napabuntong-hininga na lamang si Ken ngunit umaasa siya na makita niya si Gabbi na sasali sa event.

"Itay?" May narinig si Ken sa likod niya pero nagdalawang isip siya lumingon kasi baka di naman siya ang tinawag. Ang bata niya tignan para tawaging 'Itay'.

Ngunit tinapik siya nito kaya lumingon si Ken at napatingin sa babae na nagmumukhang Lira.

"Itay! Ikaw nga!" Sabi ng babae, napapatalon ito. Napa-'what' face na lamang si Ken ngunit napagisipan niya na masaya kung sabayan niya lamang ito.

"Oo, ako nga anak, bakit ka andito?" Sagot ni Ken sa babae.

"Napansin kasi kita itay na parang may hinahanap ka kaya gusto ko magtanong." Sagot naman nito while having Lira's facial expression.

"Hinahanap mo ba si Inay dito?" Nakangiting tanong nito. Napangiti na lamang si Ken sa inasal ng babae, Lira lira talaga.

"Hindi anak... Yung ex ko ang hinahanap ko." Nakangiting sagot ni Ken.

Napatawa na lamang ang babae, "Di ko alam tay na marunong ka na pala magenglish." Biro nito.

"Si ashti Alena po ba ang hinahanap niyo?" Tanong nito.

Tumango lamang si Ken. At the same time umaasa siya na nakita nitong babae si Gabbi or Alena.

"Sayang, wala akong nakitang nagcosplay ng Alena dito eh." Sagot naman ng babae.

"Sige, alis muna ako itay." Pagpapaalam ng babae kay Ken. Natawa na lamang si Ken sa ginawa nilang convo kanina, feel na feel nila eh.

Again, lonely na naman si Ken. Since kinakausap ng mga friends niya ang mga friends nila, napagisipan ni Ken na maglakad lakad muna, roam around.

Habang nagroroam around si Ken ay may biglang tumawag sa kanya.

"Ybarro?" Familiar na boses ang narinig ni Ken. Napahinto siya sa paglalakad.

Dahan-dahan lumingon si Ken, nagulat siya sa nakita niya.

"Alena?"

"Ikaw?"

 

Sabay nilang tanong sa isa't isa. Nagkita na naman sina Ken at Gabbi.

Naka-Alena costume si Gabbi. Tamang tama at bagay na bagay sa kinosplay ni Ken na si Ybarro/Ybrahim.

Medyo nagulat si Ken na si Alena ang kinosplay ni Gabbi since di naman nabasa ni Gabbi ang 'deleted message' ni Ken para sa kanya.

Gulat na gulat parin silang dalawa. Akala kasi ni Gabbi na si Ruru si Ken. LOL.

Napansin sila ng mga tao at ang iba nito ay pinicturan sila sa malayo.

Dahan-dahan naman lumapit si Ken kay Gabbi at hinawakan ang kamay nito, mga mata ay nakatingin lamang kay Gabbi. Gulat na gulat din si Gabbi sa ginawa ni Ken.

"Can you be my Alena?"

 


A/N: Wala akong maisip na ending lol. hehe

Yey! My first update here:) Btw, di artista/idol silang Ken dito, normal people lang :)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
FakyManiaSeries
Update!
Between the Two of Us (BoybandPh Niel x Miguel Tanfelix)

Comments

You must be logged in to comment
SHINeeMe08
#1
This seems interesing :)