final (2)

The Runaway Bride
Please Subscribe to read the full chapter

2 years later

 

 

"Manong para!!!!" Puputok na ata ang litid sa leeg ko sa sobrang lakas ng sigaw ko. Kundangan ga namang nasabi na sa driver na bababa ako ng school, aba'y lumagpas pa rin.

Okay lang naman sana, kaso mala-late na ko! Yung isa o dalawang minuto kong late, katakot-takot na kaltas ang katapat.

"Aissh Wendy, kainaman namang taas ng heels mo ngayon!" bulong ko sa aking sarili habang patakbong pumupunta sa may gate para makapag-time in ng eksaktong alas-syete.

Napapatingin pa ang ibang estudyante sa akin. Saan ka ga naman nakakita ng teacher na umaga pa lang haggard na? Ang iba sa kanila ay binati pa ko, pero sorry, nagmamadali na talaga ang guro nyo.

Maluha-luha pa ako nung maka-time in -- 7:01 am, great right? Nag-overslept kasi ako, hindi pa sanay na may trabaho. Isang taon na nasa bahay lang para sa review, tapos second week pa lang ng school year ngayon.

Pagkarating sa faculty, nag-retouch muna ako, kailangan kahit papano mukhang kagalang-galang ako no? Naaalala ko pa nung first day of class, wala pa kaming uniform kaya naisipan kung magsuot na lang ng formal - Blue blouse and skirt, partida hindi pa ako sanay magpalda. At higit sa lahat, nagsuot pa ko ng flat na doll shoes, sino ba namang maghe-heels kung sa second floor room mo? Anong naging resulta? Inignore ako ng first advisory class ko. Akala daw nila, bida-bida lang akong estudyante. I mean may mga cute ang height katulad ko pero mas marami ang slight na mas matangkad sa akin.

Biniyayaan lang naman ako ng 39 na anak - 6 na lalaki, 33 na babae. Grade 11 ABM. Noong una, kinabahan talaga ako, tatlo o apat na taon lang kasi ang tanda ko sa kanila. But, based on my observation, sa apat na klase na handle ko -- sila ang pinakamababait and I'm really thankful for that.

Nakakapagod ang teaching load ko. Tatlong section ng Personal Development, 1 specialized subject ng grade 11 at dalawang specialized sa grade 12. Bongga diba? Apat na preparation at talagang kailangan ko pang pag-aralan ng todo dahil di ko sila gamay. Pinakanahirapan talaga ako sa Accounting at Finance.

Buti pa si Seulgi!

Ang bruha iniwan ako! Matapos pumasa sa board exam, nag-call center!

Napatigil na lang ako sa pagi-isip at pagkunot ng noo ng may kumulbit sa akin. "Cher Wen! Di ka pa pupunta sa room mo? Sabay na tayo."

Joy. Math Major. Nakasabay kong mag-apply sa school, nung una akala ko seryosong tao, ay aba! mas sabog pa kay Seulgi.

Agad din naman kaming nagpunta ng classroom, patay na pag nahuli ng checker.

"Good Morning Class!"

"Good Morning, Teacher Wendy!"

"Are there any absentees for today?"

As usual classroom routine, kunyari di ako kinakabahan. Nandoon pa rin kasi yung hirap akong magsalita sa harap ng ibang tao. I immediately proceed with the discussion, para mas mabilis matapos-- makahinga agad. Para akong masusuka eh.

"ABM, imagine yourself looking in the mirror. What do you see, is it your actual self or ideal self?"

Pause. Pinag-isip ko muna sila. Ewan ko ba dito sa module na pinagamit ng school, focus sa reflections and realizations ang perdev.

"Cher ako po!" Maraming nagtaas ng kamay, magta-tawag na sana ako ng may kung sinong poncio pilato ang nagbukas ng pinto.

Ayoko talaga sa lahat yung nai-interrupt.

"I'm sorry Teacher Wendy. Lahat kasi ng teacher sa floor na to may important quiz." Muntikan na akong mapa-irap, define important?

"Pwede ka bang mag-panel sa baba? May applicant na teacher. Bale uupo ka lang naman doon."

"Ay! naga-accept pa po tayo ng new applicant?" kunwaring interesadong tanong ko.

"Ikaw naman cher! Wala pang teacher ang Grade 3 atsaka Science teacher na rin ng Junior High"

Eto ang mahirap sa maliit na private school, mapipilitan ka talagang magturo kahit di mo major.

"Okay Cher! Bigyan ko lang silang instruction"

"Favorite po ata kayong utusan ni Ma'am Tiffany, Cher!"

Agad nanlaki ang mata ko nang marinig ko yun sa isa kong estudyante.

"Ssshhhh!" exaggerated kong sitsit. "Wag kang maingay, coordinator ko yun"

"Gamitin nyo yung oras natin for the group talent. Dapat plantsado na yung plano nyo ha? And review na rin for the quiz mamaya sa orgman."

Nakarinig ako ng kunting angal pero agad din naman silang sumunod. Ha! Dalawa kaya subject ko sa kanila, bawasan ko sila sa behavior eh.

Pagpasok ko sa meeting room, nakaupo na yung dalawang coordinator at ang principal sa likod. Nakita ko naman sa may gilid ang co-teacher ko na si Mina kaya agad akong tumabi sa kanya.

"Nahila ka rin ni Tr. Tiffany?" bulong nya sa may tenga ko at mabilis rin akong tumango.

Ngumisi lang sya at nagcheck na lang ng papel nya. Buti na lang at dala ko rin ang ledger ng grade 12, makapag-check muna habang wala pa ang applicant.

I became too engrossed on checking that I failed to notice that the room become quiet.

"Good Morning Everyone..."

Muntikan na atang matanggal ang ulo ko sa bilis ng pagtunghay ko nang marinig ang boses na yun.

"... I'm Teacher Irene"

Instead of wearing a white bridal gown, she's wearing a purple teacher's uniform. Everything about her seems warm, from the cute clip on her silky hair to the round glasses on her face.

On top of it all, what made me happy deep inside...was the fact that Irene's aura is light. Makikita mo naman yun sa tao, maaliwalas ang mukha, may ngiti sa labi. Ibang-iba nung una nya itong nakita.

"Hoy! Cher!" Napatalon naman ako sa gulat ng sikuhin ako ni Cher Mina. Pinilit ko talagang di sya tingnan ng masama. Paano kung namatay ako sa gulat?

"Mahirap ba talaga yung debit credit chuchu na yan? Kanina ka pa nakatulala." Lumapit pa ito sa akin at agad kong naamoy ang pabango nya. !

"Tara na Cher, baka mautusan pa tayo ni Ms. Tiffany!" bulong pa nito sa tenga ko.

"Teacher Wendy!"

Agad akong napatingin kay Cher Mina. Nginitian na lang nya ako ng nakakaloko at pagkatapos ay lumabas ng room. Bakit pa paborito ako nito?

Matipid akong ngumiti, "Yes, Cher?"

"Kindly give Ms. Irene a campus tour. Introduce her to your co-workers too. We just have a meeting with the principal."

I froze on the spot. I mean, I love to meet Irene again but this is awkward.

"It's okay right? I supposed it's your vacant time"

I almost snorted. Of course! she already memorized my schedule, oh my goodness! "It's my pleasure, Cher! You can go"

 

-----

 

Paano ko kaya lalapitan to? I may look like it but I really at initiating conversations. Should I say "Kumusta, Irene?" o kaya naman "Hi! Tagal nating di nagkita ah!"

Naga-ayos pa rin si Irene ng mga materials na ginamit nya sa demo. I sigh deeply bago lumapit sa kanya, "Congratulations! Teacher! You did a great job."

Acckkk. Ang soul less ng dating ko ah.

Tiningnan ako ni Irene ng diretso sa mata. "What is my topic all about?"

Kinabahan ako at tumingin kung saan-saan. Grabe pala talaga yung pagtulala ko kanina. Napakamot ako sa ulo at tumawas sa kanya, "Ah... hehehehe"

"I thought so... you looked pretty occupied with another p-- I mean things."

"What?" Ack. Englishan na naman dong.

"What?" She raised her eyebrows at me as I stood there mermerized. How can simple movement like that looked so pretty?

Irene giggled. I could play it every time of the day kung narecord ko lang. Wait! Pwede kaya?

"You looked dumb Teacher Wendy Reyes."

Weird ba kung iiyak ako? Wala lang I feel emotional when I heard her call my full name.

"Hala ka, you remember me?"

Irene furrowed her brows in confusion, cute. "Bakit naman kita makakalimutan?"

I bowed my head and bit my lower lip, "I mean, it's been two years and..." I chuckled humorlessly. "Wala namang kaala-alala sa akin. Lagi pa akong naiiwan."

Ewan ko rin kung bakit bigla na lang akong nagsasabi ng kung ano-ano.

Namula naman bigla ang mukha ko at di agad nakapag-salita ng biglang hawakan ni Irene ang pisngi ko para iharap ng ayos sa kanya.

"Where did my Wendy go?" tanong nya habang nakakunot ang noo.

MY. Kanya daw ako.

"Have you seen yourself in the mirror?" Huh. Ironic. Ang lapit sa opening question ko sa klase kanina.

However, I became teary-eyed on the words she said next. I don't really know if this is reassurance or I just feel warmth inside.

"Hindi mo alam kung anong naging impact ng words mo sa akin before, Wendy. Think highly of yourself. You are not just Wendy, YOU are more than that."

And then I just bawled hard. What she said are words that I badly needed. I cried more when Irene engulfed me in a hug. Don't get me wrong, I have Seulgi but I don't want to bur

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Gin0111
Ang tagal bago ko naisulat yung part 2, hehe :) Sana may magbasa pa rin. Maraming salamat sa lahat ng naka-appreciate. Till next time.

Comments

You must be logged in to comment
ggprints
#1
Chapter 2: ang tagal na nitong fic pero ugdhdh iba pa rin talaga pag nababsa ko to uli
WenRene_77 #2
Chapter 2: ang sarap sa pakiramdam ng may nagmamahal sayo, ayiiieeee.. salamat author😊😁💙💝
mklarisse_ #3
Chapter 2: CUTEEEE
juhyuneeeee
93 streak #4
Chapter 2: meant to be talaga sila 😭 ganda ng kwento 💙💝
Vicheca
#5
Chapter 2: You got me sa traje de boda pa lang hahaha. Ang cute. Thank you sa story❤️
94JeTi
#6
Chapter 2: Grabe dedication ni Irene para mahanap lang si Wendy hahaha dinaig pa si Dora eh. Sana ol may Seungwan, sana ol may joohyun. Grabe damang dama ko pagiging single ko dito.
RoyalSone #7
Chapter 2: Akala ko angst to nung una kaya di ko binabasa haha~ Thanks author for the story sana may kasunod pa ulit
shonwanigop
#8
Chapter 2: Yiieeee kilig. Thank you sa part 2 author!
LockLoyalist
#9
Chapter 2: Ang cuteee.. meant to be talaga sila