final

The Runaway Bride
Please Subscribe to read the full chapter

"Sa hindi inaasahang

Pagtatagpo ng mga mundo

May minsan lang na nagdugtong

Damang-dama na ang ugong nito"

 

 

Isinubsob ko na ang aking ulo sa manibela. Hindi ko na matandaan kung pang-ilang kanta na ang tumugtog sa playlist ko. Hindi ko na rin mabilang kung ilang tricycle na ang dumaan sa sobrang inip sa paga-antay kay Seulgi.  

 

 

 

Apat na taon na kaming magkakilala ni Seulgi. Magkasunod kami sa pagkahaba-habang pila sa PUP para sa xray. Noong una ay nainis pa ako sa kanya dahil sobrang ingay nya. Hunta dito. Hunta doon. Kulang na lang ay kausapin na rin nito ang mga bulaklak sa may gilid nila. 

 

 

 

Magda-dalawang oras na kami sa pila nang ako naman ang kausapin nya. 

 

 

 

"Miss, ikaw anong course mo?"

 

 

 

"BTE."

 

 

 

Nagulat pa ako nung niyugyog nya ako sa balikat. Tuwang-tuwa na sa wakas ay may kaparehas na syang kurso. 

 

 

 

"Ako nga pala si Seulgi Ocampo, ikaw?"

 

 

 

Matipid akong ngumiti sa kanya. Oo, napakalayo ng ugali ko sa kursong kinuha ko. Hindi palaimik, pero nag-teacher. Sobrang mahiyain, pero nagteacher.

 

 

 

"Wendy Reyes." 

 

 

 

Mula noong araw na iyon ay di na kami mapaghiwalay ni Seulgi. Sa katunayan nga'y kagagaling lang naming PRC para mag-apply sa LET. 

 

 

 

Pero ito ang ayaw nya sa kaibigan, kung kelan nasa kalagitnaan na sila ng byahe ay tsaka pa ito nag-crave sa chickenjoy. Paniguradong sobrang haba ng pila kaya ito nagtagal. 

 

 

 

Napabuntong-hininga ako at di na napigilang sabayan ang kanta. Pumikit pa ako para feel na feel. 

 

 

 

Ba't 'di pa sabihin

Ang hindi mo maamin?

Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin?

Huwag mong ikatakot

Ang bulong ng damdamin mo

Naririto ako't nakikinig sa'ýo

 

 

 

Kasabay ng outro ay ang pagbukas ng backseat ng kotse. Ramdam ko ang lakas ng pagsara nito pagkatapos. 

 

 

 

Pinaghintay na nga siya, sisirain pa ata ng kaibigan nya ang kotse ng Papa niya!

 

 

 

"Hoy seu---"

 

 

 

Napatulala at napatigil ako. Hindi ko akalaing nangyayari pala talaga ito sa tunay na buhay. Akala nya sa mga pelikula at teleserye lang. Ngunit ito, may babaeng naka-trahe de boda ang sumakay sa kotse niya- ng Papa nya. 

 

 

 

Hindi kaya multo ang babaeng ito? Agad akong tumingin sa relo sa kaliwa kong kamay - 4 pm. Napakaaga pa. Maaga pa para multuhin ako ng isang magandang bride. 

 

 

 

Teka? Sinabi ko bang maganda? Lumingon ulit ako. Mukha syang haggard. Parang syang nag-marathon. Napangiti ako. Tama! Baka may pakulo ang lugar at nagpa-marathon habang naka-costume. 

 

 

 

Ito na rin siguro ang dahilan kung bakit naka-running shoes ang magandang babae. Weird talaga. 

 

 

 

Napangiti ulit ako. Kung sya ang bride, magpapa-kasal agad ako. Ora mismo. 

 

 

 

Napahawak ako sa aking dibdib ng biglang magsalita ang babae, "Ano pang nginingiti-ngiti mo? Hindi pa ba tayo aalis?"

 

 

 

Napakamot ako sa ulo at alangang sinagot ang babae, "Ah! sorry Miss pero hindi kita kilala."

 

 

 

Mukha namang nalito bigla ang pagod nang babae, "Are you not the driver hired by my bestfriend?"

 

 

 

Ay wow. Mukhang sosyal ang babaeng ito. Siguro taga-Maynila. 

 

 

 

"Hindi. Iniintay ko lang ang kaibigan ko. Nasa jollibee sya."

 

 

 

Biglang lumuhod at yumuko ang babae na parang may pinagtataguan. Sinundan ko ang tingin nya at nakita ang isang lalaki na naka-white suit na mukhang aligaga sa paghahanap. 

 

 

 

Napagtahi-tahi ko ang pangyayari at agad napailing, "Bumaba ka na. Mukhang hinahanap ka niya."

 

 

 

Napansin kong nanginginig na ang kanyang balikat at nagpi-pigil na umiyak. Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala naman akong balat sa puwitan pero lagi na lang akong nadadawit sa kung saan-saan. 

 

 

 

"I c-can't. I can't" Tuloy-tuloy ang iling niya at mukhang magha-hyperventilate pa. 

 

 

 

Taranta kong tinapik ang ulo nya. Potek! Paano ba mag-comfort? Ganito kasi ang ginagawa ko sa aso kong si Chaeri kapag umuungot sya. 

 

 

 

Tumunghay ang babae at tiningnan sya. Ito yung klase nang tingin na mapapahiya ka. Grabe, nakakatunaw. 

 

 

 

Agad syang nag-iwas nang tingin at inantay magsalita ang babae. 

 

 

 

"Can you help me?" Napaka-lamya nang boses nito na tila sinasadyang magpa-awa sa akin. Lumunok ako nang laway at tumango ng di na nagi-isip. Inalis ko na rin ang theory ko na baka scam ito at parte ang lahat ng pag-arte nya. 

 

 

 

"Can you start driving your car now?"

 

 

 

"to where?" Ayan. Napa-english na rin ako. 

 

 

 

"Anywhere. Wherever. Basta ilayo mo lang ako dito."

 

 

 

Tumango ako at ini-start ang sasakyan. Hindi ko na rin napigilang mapamura sa aking isipan. Puta! Ay saan ba yung kahit saan? 

 

 

 

I need to think straight right now. Technically, I'm not because I'm with a stranger but still--

 

 

 

"I'm sorry kung naabala kita."

 

 

 

"It's okay. Baka kailangan mo lang mag-isip." sabi ko. Sa totoo lang, ayaw kong manghimasok sa buhay ng iba pero sobrang curious ako. 

 

 

 

"I'm Irene Garcia nga pala."

 

 

 

"Wendy Reyes." tipid kong sagot. Ngunit ng di na sya nagsalita pa ay nagtanong ako, "Hindi ka ba natatakot sa akin?"

 

 

 

She looked confused but sassily remarked, "Why? mukha ka namang mabait?"

 

 

 

Napailing ako, "You should not trust people easily. Maswerte ka, ako yung nadatnan mo dito. Paano kung ibang tao? Paano kung mamamatay tao?"

 

 

 

Napatawa ito at iniba ang usapan, "Ilang taon ka na nga pala Wendy? Anong trabaho mo?"

 

 

 

Hindi ko alam kung paano sya sasagutin. Nakakahiya naman kasi at mukhang mayaman ito, "I'm 20 years old. Kaka-graduate ko lang last April. Balak kong magpahinga muna. Bale aatend lang ako ng review for LET every weekends."

 

 

 

Ngumiti si Irene sa kanya. Ngiting may halong lungkot. Ngiting madalas nyang makita kay Seulgi. 

 

 

 

"I'm 23 years old. Business grad."

 

 

 

Muntik na kong mapa-preno nang marinig ko ito. Bahagya akong lumingon sa likod at binalik muli ang tingin sa daan, "Aren't you too young to get married, Irene?"

 

 

 

Natahimik ang babae at napatungo. Agad naman akong na-guilty at sinabi sa kanya, "I'm sorry for being sensitive. Okay lang kung di mo sagutin."

 

 

 

"No. okay lang. I don't really know why but I feel comfortable talking to you."

 

 

 

Hindi ako sumagot. Hinayaan ko syang ipagpatuloy ang sasabihin nya.

 

 

 

"Wendy, what is your biggest regret in life?"

 

 

 

A cliche question for an extraordinary situation. Pero napaisip ako. Ano nga ba? 

 

 

 

Tumawa ako. Yung weirdo kong tawa. Ewan ko rin pero I feel like I don't have to put my mask on right now that I'm with Irene. Strange, kahit na ngayon lang kami nagkita, parang matagal na kaming magka-kilala. 

 

 

 

Napatawa rin sya dahil sa tawa ko. Panaka-naka ko syang sinulyapan sa rear view mirror. Sobrang cute ng pagkaka-tawa nya, parang nakaka-- Joke. Masyado pang maaga Wendy Reyes. Gaga ka. 

 

 

 

Tumikhim ako at nagsalita, "Marami akong regrets sa buhay, Irene, sa sobrang dami hindi ko na alam kung ano ba yung pinaka-dapat kung paghinayangan."

 

 

 

Tumango ito na tila relate na relate. "I don't really regret what I have done today, Wendy. I consider it as the first decision that I made for myself. Sa tingin mo ba mali ang ginawa ko?"

 

 

 

Napaisip ako. Ang dami kong sabihin sa kanya pero ayokong isipin nya na masyado akong nakikialam, "Sino bang nakakaalam ng tama o mali, Irene? Para sa akin, those concepts are somehow superficial. Maaring yung tama para sayo ay mali sa iba at the same time, yung mali sayo tama sa kanila."

 

 

 

Irene hummed, "Will you judge me, if I told you that I leave that man earlier in the altar looking like an idiot?"

 

 

 

Napahigpit ang kapit ko sa manibela nang may sumagi sa aking alaala. Nang-iwan. I loathe that word but Seulgi taught me how to be rational. Patay, si Seulgi nga pala!

 

 

 

"I will not judge you for that. No. I actually don't have the right. It's your life, Irene. Bakit laging kailangan ang opinyon ng iba? You don't need their validations."

 

 

 

Huminga ako. Agitated ata ang dating ko sa sinabi ko ah. I softly continued, "And you must have your reasons. Reasons that justifies your actions." 

 

 

 

Irene became silent after that. Ayan na naman. Na-offend nya siguro ito. Tipid lang ako magsalita pero kapag minsan naman sobra. 

 

 

 

Biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kong iginilid ang sasakyan upang sagutin ang tawag ng kaibigan kong 'naiwan'. Nahulaan ko na to eh! Paniguradong magagalit ito. 

 

 

 

"Putangina! Wendy Reyes! Bakit mo ko iniwan?"

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Gin0111
Ang tagal bago ko naisulat yung part 2, hehe :) Sana may magbasa pa rin. Maraming salamat sa lahat ng naka-appreciate. Till next time.

Comments

You must be logged in to comment
ggprints
#1
Chapter 2: ang tagal na nitong fic pero ugdhdh iba pa rin talaga pag nababsa ko to uli
WenRene_77 #2
Chapter 2: ang sarap sa pakiramdam ng may nagmamahal sayo, ayiiieeee.. salamat author😊😁💙💝
mklarisse_ #3
Chapter 2: CUTEEEE
juhyuneeeee
93 streak #4
Chapter 2: meant to be talaga sila 😭 ganda ng kwento 💙💝
Vicheca
#5
Chapter 2: You got me sa traje de boda pa lang hahaha. Ang cute. Thank you sa story❤️
94JeTi
#6
Chapter 2: Grabe dedication ni Irene para mahanap lang si Wendy hahaha dinaig pa si Dora eh. Sana ol may Seungwan, sana ol may joohyun. Grabe damang dama ko pagiging single ko dito.
RoyalSone #7
Chapter 2: Akala ko angst to nung una kaya di ko binabasa haha~ Thanks author for the story sana may kasunod pa ulit
shonwanigop
#8
Chapter 2: Yiieeee kilig. Thank you sa part 2 author!
LockLoyalist
#9
Chapter 2: Ang cuteee.. meant to be talaga sila