Two

Malay Mo, Tayo

"What the hell are you doing here?"

 

Pinigilan ni Jennie isigaw ang mga salita as soon as pagkarating nila sa kwarto niya. God knows kung anong klaseng pagpigil ang ginawa niya kanina sa harap ng mom niya para lang hindi ito maghinala.

 

Pinagmasdan niya ang kaklase na ngayon ay iniikot ang kwarto niya na tila manghang mangha sa mga nakikita. 

 

"Lisa."

 

Binaba nito ang hawak na frame na may picture niya noong grade 4 halloween party niya bago siya tinignan nang nakangiti.

 

"I'm sorry, what? I kinda spaced out for a moment. Ang cute mo pala nung bata. Anyare ngayon?"

 

Naningkit ang mga mata ni Jennie, dahilan para tumawa si Lisa na mas lalo namang kinainis pa nito. Konti na lang talaga ay itutulak na niya ito mula sa balcony.

 

"Why are you here? Listen, if you're here just to torment me para ibalik kita sa group then you--"

 

"You think nandito ako para mambwisit?" Tumawa muli ito. "I know I'm irritating pero I know how to respect boundaries naman. I'm here with my parents. I swear I didn't know bahay niyo pupuntahan namin."

 

Napanganga si Jennie sa narinig. Matagal nang kinukwento ng mga magulang ang best friends nila mula college so kilalang kilala na niya kung tutuusin ang Tita Anj at Tito Vin niya. 

 

Ang hindi niya lang inaasahan ay yung anak nila ay ang kutong lupa niyang kaklase.

 

"I can't believe this."

 

"I know. Kanina lang I'm your annoying classmate Lisa, ngayon I'm your annoying classmate Lisa na anak ng best friends ng mga magulang mo. Small world."

 

Naramdaman ni Jennie nanghina ang kanyang mga tuhod, probably na rin dahil sa lamig dahil hindi pa rin siya nagpapalit mula sa basang uniform na suot, pero mas lalong dahil sa idea na mas nagkaroon pa ng access si Lisa sa buhay niya. She's more likely to find out about her feelings for Jisoo.

 

Yuck, anong feelings? Pinahiram ka lang ng payong, mahal mo na agad? Pagkontra nito sa sarili.

 

Ang panandaliang pagmumuni-muni niya ay naudlot nang magsalita uli ang kasama. Nakalimutan niyang may ibang tao pala sa kwarto.

 

"So you really don't remember me, do you?"

 

"What do you mean?"

 

"From the Singapore trip? I don't know kung ilang taon ka noon pero I was six years old back then so naaalala ko na. I can't believe I didn't recognize you right away."

 

Kumunot ang noo ni Jennie sa narinig, "I don't remember you or any trip at all."

 

Humawak sa dibdib si Lisa na para bang nasaktan sa narinig. Kung hindi lang preoccupied si Jennie ay malamang inirapan na naman niya ito.

 

Masyado bang maraming nangyari sa buhay niya mula pagkabata para makalimutan yun?

 

"Don't think about it that much. Ang tagal na rin naman nun." Kinuha ni Lisa ang photo album na nakapatong sa bookshelf. "How was it like growing up in California?"

 

Napatigil naman si Jennie sa pag-iisip at panandaliang lumiwanag ang mukha nito.

 

"Masaya naman. At first ayoko nga bumalik sa Pinas eh. Ang tagal ako pinilit nila mommy. Pero yun, obviously napilit din."

 

"Regretting it so far?" Umiling ito. "That's nice."

 

Naninibago pa si Jennie sa kung paano itatrato si Lisa ngayon. Mas madali noong ang alam lang niya ay kaklase niya ito pero ngayon magkaibigan na ba sila? Is she supposed to make small talk?

 

"How about you? Dito ka na ba lumaki? Hindi kayo tumira nila tito at tita sa ibang lugar ever?"

 

"Magkaiba ang sagot sa mga tanong na yan," Lisa let out a slight chuckle, "Oo, dito ako lumaki at dito ako tumira. Pero si mama at papa sa ibang lugar tumira while I was growing up. Actually kababalik lang nila din sa Pinas five months ago."

 

"Bakit hindi mo sila kasama lumaki?" Jennie regretted the words as soon as it came out of . Napakachismosa, self. "I'm sorry I didn't mean to pry."

 

"No, it's okay." Lisa assured her with a smile. "Things between them got complicated before and sumabay pa na nagkaproblema family business nila papa sa Thailand. Habang si mama naman inasikaso yung bagong bukas na branch nila sa New York before."

 

"Why didn't you come with either one of them?

 

Bago pa makasagot si Lisa ay may narinig silang katok sa pintuan na nasundan ng pagpasok ng daddy ni Jennie.

 

"Girls, dinner is ready. Baba na kayo para makakain na tayo. Jennie anak bakit hindi ka pa rin nagpapalit?"

 

Napasapo ito sa mukha nang maalalang basa pa pala siya at sa tagal na suot ang basang uniform ay sigurado siyang sisipunin siya kinabukasan.

 

"We were talking and I got carried away, dad. We'll be right down po."

 

Nang makaalis ang dad ni Jennie ay nagpaalam na rin si Lisa para bumaba. 

 

Ngayon na mag-isa na lang siya ay nagrereplay sa utak niya ang napag-usapan nila. It bothers her not knowing things about her own life.

 

*****

 

In an attempt to stop herself from dwelling too much on things she cannot remember, Jennie opted to think about her academic obligations instead.

 

Wala siyang karapatan mag-overthink sa mga bagay na hindi niya maalala dahil marami pa siyang kailangang tapusin.

 

Tinignan niya ang to-do list na nakalagay sa corkboard niya at unang una dun ay ang chapter 3 and 4 ng research nila.

 

 

 

Research... Lisa... Memories...

 

 

 

"Dammit, self. Focus." Sinampal sampal niya pa ang sarili na para bang may magagawa iyon. 

 

 

Tumayo siya para tumungo sa bag niya at kunin ang notebook niya kung saan niya ina-outline ang magiging flow ng bawat chapter.

 

 

Fun fact about her: Hindi niya kayang magconcentrate kapag laptop or phone ang gamit sa paggawa ng school work. Kailangan muna niyang ilagay sa notebook niya bago itransfer sa any device.

 

 

Call her old-fashioned pero mas prefer pa rin niya ang pen and paper. Hindi siya mabubuhay nang wala ang mga ito.

 

 

Kaya naman maiintindihan niyo kung gaano siya nagpanic nung hindi niya mahanap ang notebook niya sa bag. Yun lang naman ang naglalaman ng lahat ng past essays, projects, even assignments na meron siya.

 

 

 

Halos mapamura na lang din siya nang marealize niyang may mga laman din yun na scribbles ng pangalan ni Jisoo at kung hindi siya nagkakamali ay meron din doong FLAMES nilang dalawa (sinisisi niya si Chaeng sa pagpilit sa kanyang gawin iyon).

 

 

 

Pinilit niyang pakalmahin at idistract ang sarili sa fact na kapag may nakakita ng mga nakalagay doon ay wala na siyang mukhang maihaharap sa kahit sino lalong lalo na kay Jisoo.

 

 

Inalala niya kung saan-saan siya nanggaling mula last period hanggang sa kasalukuyan. Baka nailagay niya sa locker nang di niya namalayan? Baka naiwan sa SSC office? O baka naman nalaglag niya somewhere?

 

 

The last one scared her. Paano kung nalaglag niya noong nag-usap sila ni Jisoo at siya yung nakapulot?

 

 

Kinuha niya ang pinakamalapit na throw pillow at tinakip yun sa mukha bago sumigaw. Ni isipin ang magiging consequences ay sapat na para mabaliw siya. 

 

 

 

Saglit siyang napadasal na sana hindi naman ganoon ang nangyari bago niya maalala na may isang tao na nanggaling sa kwarto niya.

 

 

 

Agad siyang tumayo at kinuha ang cellphone niya para i-chat si Lisa.

 

 

 

Jennie Kim: Hoy kumag

 

 

Hindi siya mapakali dahil alam niyang hindi pala-check ng mga chat si Lisa. Oo alam niyang ganun ang kaklase dahil halos hindi ito mag-seen sa gc nila noon.

 

Her thoughts were interrupted when she heard a familiar notification sound.

 

Lisa Manoban: Ano? Miss mo ko agad? Kagagaling lang namin dyan ah.

 

Jennie Kim: Cut the crap, Manoban. Kinuha mo ba notebook ko?

 

Lisa Manoban: Ha? Aanhin ko yun? May pambili ako ng notebook. If you must know, marami akong notebook. Hindi ko lang ginagamit.

 

 

 

Hindi alam ni Jennie kung ano pang sasabihin. Totoo kaya na wala kay Lisa ang notebook niya? Pero saan niya naman ito maiiwan? It's so not like her to misplace important things.

 

 

Lisa Manoban: Uy bat nawala ka? Joke lang yun. Pero wala sa akin talaga. Ano ba laman nun?

 

 

Syempre hindi sasabihin ni Jennie sa kanya ang totoong dahilan bakit hindi dapat makita yun ng kahit sino. Lalong lalo na siya.

 

 

Jennie Kim: Wala. For acads lang. 

 

 

Lisa Manoban: Okay. I'll keep an eye out for it.

 

 

Jennie Kim: NO

 

 

Lisa Manoban: Okay??? Chill ka lang.

 

 

 

 

"." Mura ni Jennie sa sarili. Baka na-sense ni Lisa na big deal masyado ang notebook sa kanya. 

 

 

 

Nagpaalam na siya rito at humiga na nang tuluyan sa kama. There's no point in trying to do anything tonight, hindi rin lang niya magagawa magfocus dahil sa pag-aalala.

 

 

 

 

 

*******

 

 

 

Hindi niya alam na posible pala iyon pero ngayong umaga masasabi ni Jennie na mas mabilis siyang tumakbo kaysa kay Usain Bolt. Iba talaga nagagawa ng takot.

 

 

 

 

Ang karaniwang pagpasok niya ng 6:50 ay nabago ngayong umaga. Kung pwede lang siguro siyang pumasok kagabi pa lang ginawa na niya considering na halos wala rin lang siyang tulog.

 

 

 

 

Habang umaakyat ng ilang flights ng stairs ay wala siyang ibang ginawa kundi ipagdasal na sana nasa classroom ang notebook dahil wala ito sa SSC office o sa locker niya.

 

 

 

 

Pakiramdam niya pinagsakluban siya ng langit at lupa pagtapos niya malibot ang buong classroom at wala ang hinahanap. 

 

 

 

Iiyak na sana siya nang mapansin niya na may bag sa isang upuan. May tao na rito.

 

 

 

 

And as if on cue, pumasok sa pintuan si Lisa.

 

 

 

 

 

"Uy ang aga mo naman," Bungad nito. "Good morning."

 

 

 

 

Hindi inaasahan ni Jennie na bibigyan siya ng pagkain ng kaklase after she swore na hinding hindi niya ito ibabalik sa grupo. Tinitigan lang niya ang paper bag na inaabot nito sa kanya na parang unfamiliar object iyon na ngayon niya lang na-encounter.

 

 

 

 

"Ano 'to?"

 

 

 

 

Lisa rolled her eyes, "Araw-araw mo talaga itatanong sa akin yan ano? Pagkain yan."

 

 

 

 

"It was a rhetorical question, idiot. What I meant is bakit mo ko binilhan nyan? Nilinaw ko na sa'yo na hindi kita ibabalik sa group."

 

 

 

 

"I'm capable of nice things too, Kim." Naglakad ito papunta sa desk niya at umupo sa lamesa. "Pero ngayon hindi muna siguro."

 

 

 

Tinaasan siya ng kilay ni Jennie, "What do you mean?"

 

 

 

 

 

Parang gumuho ang mundo ni Jennie nang ilabas ni Lisa ang isang notebook mula sa loob ng jacket niya. 

 

 

 

"I found this on the floor when I got here. Ikaw agad naalala ko kasi you asked--oh no, you accused me of stealing this from you last night," Tumayo ito at unti-unting humakbang papalapit kay Jennie. "Naturally binuklat ko para maghanap ng any indication kung sino may-ari and nakita ko naman name mo..." Saglit itong tumigil sa harap niya at ngumisi, "...sa tabi ng pangalan ni Jisoo."

 

 

 

 

That's it. Ready na talaga siya magpalamon sa lupa.

 

 

 

Naramdaman niyang nanghina ang mga binti niya kaya umupo siya agad sa pinakamalapit na upuan. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. 

 

 

 

 

Of all people, bakit si Lisa pa?

 

 

 

 

Pwede namang kahit sinong kaklase nila. Matatanggap niya pa ang pang-aasar mula sa kanila. Pero si Lisa? Si Lisa na sobrang annoying na nagkataong band mate ni Jisoo? 

 

 

 

ing hell na lang talaga.

 

 

 

 

 

"Cat got your tongue?" Pang-aasar ni Lisa. "Wag ka mag-alala iniinis lang kita. Hindi ko naman sasabihin kay Jisoo na patay na patay ka sa kanya."

 

 

 

 

"Talaga?" Halos mapaiyak siya sa tuwa. "Thank you so mu--"

 

 

 

 

 

"As long as ibalik mo ako sa group."

 

 

 

 

Putangina, sigaw ni Jennie sa isip. Kung pwede lang niyang sakalin si Lisa talagang gagawin niya.

 

 

 

 

"I'm not gonna do that."

 

 

 

 

"Okay, madali akong kausap. I'm sure Jisoo would be interested to know about this. For sure kilala ka nun, given that ikaw ang SSC President. Oh damn, how would you ever look her in the eye or be in the same room as her after she finds out?"

 

 

 

 

 

"Napakagago mo, Manoban."

 

 

 

 

"Just living up to your expectations I guess."

 

 

 

 

Jennie groaned. Hindi niya alam ang gagawin. It would be completely against her morals na ibalik si Lisa sa group para sa personal reason niya lang.

 

 

 

 

"Jennie, I just don't want to fail okay? And I swear I'll make it up to you guys. Kahit solohin ko yung next chapter na gawin. Ibalik mo lang ako please."

 

 

 

 

Tinignan ito ni Jennie sa mata at mukha namang sincere ito sa mga sinasabi. Should she give her a chance?

 

 

 

 

She can't believe she's even considering the idea.

 

 

 

 

"Lisa..."

 

 

 

 

"Okay ganito. If you let me back, hindi ko lang itatago secret mo. Ilalakad na rin kita sa kanya."

 

 

 

 

Biglang nagpantig ang tenga ni Jennie. Now that's something she might be interested in.

 

 

 

"I'm listening."

 

 

 

 

 

"You're cute and smart kaya sure ako na posible ka niya magustuhan. Pero dahil hindi yun mangyayari on your own lang, tutulungan kita magpapansin sa kanya. Basta ako bahala sa'yo."

 

 

 

 

Saglit silang natahimik pareho. Si Lisa, nakatitig lang kay Jennie na parang ang lalim ng iniisip. Si Jennie na pinag-iisipan kung tama ba na makipagdeal siya sa isang kutong lupa na katulad ni Lisa.

 

 

 

 

"Fine. Deal."

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet