One

Malay Mo, Tayo


May mga araw talaga na gusto na lang manapak ni Jennie sa inis. 

 


Matatanggap niya pa kung ubusan mo siya ng paborito niyang Kare-Kare sa canteen (yes Chaeng she's talking about you), o kaya tapakan ang bagong bili niyang Stan Smith na sapatos na halos balutan niya na ng plastic para lang hindi madumihan.

 


Pero ang magpabuhat ka sa research kung saan siya ang leader? No ing way, missy.

 


She couldn't believe it. Parang kanina lang tuwang tuwa pa siya kasi dumating na ang parents niya from California after three months na pag asikaso sa business nila. (And yes, those three months were really sad for her, considering na kakabalik lang nila sa Pinas a year ago.)

 

Tapos ngayon halos umusok na ang ilong niya pagtapos marinig ang bulok na palusot ng groupmate na "Sorry, walang signal sa pinuntahan namin eh. Di ko alam akin pala 'tong Statement of the Problem."

 


Aba putangina, sigaw niya sa isip. Syempre kahit gustuhin niya man sabihin yan sa kaharap, ayaw niya ng gulo. It's already one thing to have an image na ' of the section', it's another to prove it's true.

 

 

 


Channel your inner Grace Kelly, Jennie.

 

 

"Lisa," she started off, slightly pissed at how the other person's lips are curled into a smirk, "Matagal na nating pinagusapan na kayo ni Jasch sa part na yan tapos the rest amin na."


"Sorry na boss. Hindi na po mauulit."

 

***


That's it, sagad na ang pasensya niya. Sa sobrang inis ni Jennie sa kagroup ay 'di niya ito isinama sa listahan ng mga pangalan. 

 


Who can blame her though? Natapos ang Chapters 1 and 2 ng research nila nang walang naitutulong si Lisa. Puro na lang palusot tuwing aassign-an ng gagawin. Kesyo nakatulog, may pinuntahan, o minsan ginamit pa nitong dahilan na may dysmenorrhea.

 


Jennie gazed at the tall, blonde figure standing right before her. Hindi na niya sana ito papansinin, pero hindi niya kaya dahil nakaharang ito sa harap niya at sa tangkad nito ay hindi niya makita ang nakasulat sa whiteboard.

 


"What do you need?"

 


Pinagmasdan niya ang mukha ng kaharap. Hindi ito nakangisi, which is good dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili niya if ever at masuntok ang nakakairitang mukha ng groupmate. 

 


Former groupmate, pagtama niya sa sarili.

 

 

"Please give me one more chance. Ibabagsak ako ni panot pag tinanggal mo ako sa group."

 

 

"So? How is that my problem?" Nakataas na ang kilay niya ngayon. Kahit anong pagpigil ang gawin niya ay napapalabas ng kausap ang pagiging niya for some reason.

 


"Well hindi ako titigil sa pangungulit. You know very well how annoying I can get." Kumindat ito. 

 


Naramdaman ni Jennie ang pagkulo ng dugo niya. Saglit na sumagi sa isip niyang sikmuraan ang kausap dahil wala namang teacher na nagbabantay sa kanila ngayon.

 

 

"I don't care, Manoban. I've been dealing with your crap for the entire school year. At least now I can get something out of it."

 


"What can you possibly get from this?"

 

 

"The satisfaction of you failing." She smirked right back at Lisa, na halatang nabigla sa sinabi niya dahil nabura ang ngiti sa mukha nito.

 

 


Tatayo na sana si Jennie nang iharang ni Lisa ang mga braso nito at inilapit ang mukha sa kanya.

 

 

Panandaliang naging blangko ang utak niya. Siguro dahil sa lapit ng mukha ng kaklase ay hindi niya maiwasang maging self-conscious, o baka dahil sa nakakapanghinang bango nito. 

 

 


"Hindi kita titigilan, Kim. Alam mo yan."

 

 

 

And with that, she left.

 

 


Hindi maintindihan ni Jennie kung ano bang nararamdaman niya pero malayo ito sa relief. Kaba? Takot? Inis? Hindi siya sigurado pero malamang isa lang sa mga yan ang sagot dahil pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang dibdib.

 

*****

 

"Ugh, I swear kung nakita mo lang siya Chaeng. Sobrang irritating."

 

 

Pagtapos ng ilang minutong diretsong pagrarant sa kaibigan habang inikot paulit ulit ang apat na sulok ng kwarto niya, ngayon lang siya huminto dahil sa malokong tingin ni Chaeyoung.

 

 

"Crush mo 'no?" Nakangising tanong ni Chaeng.

 

 


"EW NO," Tila diring-diri na sagot ni Jennie bago ito humiga sa kama, "Cute man siya pero ni isa sa standards ko wala siyang papasahan."

 

 

Tumawa ang kausap nito, "Wag mo kong lokohin. Ang standard mo lang naman ay pag hindi si Kim Jisoo, wag na lang."

 

 

"Exactly. Pero quit making it sound like I'm obsessed with her. She's just someone I happen to have a crush on for two years... and counting."

 

 

Chaeng burst out laughing, dahilan para batuhin siya ng unan ng kaibigan, which she dodged effortlessly. Screw athletes' agility, bulong ni Jennie sa sarili.

 

 

"Ano bang meron bakit patay na patay ka kay Jisoo? I get that she's pretty pero that's all I can see sa kanya."

 

 

"Bawiin mo yung sinabi mo," Pagbanta ni Jennie, tinaas naman ng kaibigan ang mga kamay sa ere na parang sumusuko. "She's not just pretty. Alam mo ba na she's one of the candidates for valedictorian? And she has an angelic voice. She's everything good in this world rolled into one goddess-like human being."

 

 

"Just say you're whipped and move on." Binato na naman siya ni Jennie, this time using a much bigger pillow. "Why don't you ask Lisa na ilakad ka kay Jisoo kapalit ng pagsali mo sa kanya sa research group niyo? Bandmates sila diba?"

 

 


"Because I have my morals, Park Chaeyoung. I'm not letting that a-hole back in the group para lang sa personal gain ko."

 

 

"Scared, aren't you?"

 


"Yup."

 


Tumayo mula sa beanbag chair si Chaeng at humiga sa tabi ng kaibigan.

 

 

"Dude we're seniors. This is our last chance before we go off to college and have a new adventure."

 


"But--"

 


"Hindi pa ako tapos," Chaeng interrupted, "You've never been in a relationship. Ever. And fine, hindi ko kilala masyado yang Jisoo na yan pero base sa mga sinabi mo, I think she's worth the shot."

 

 

Napabuntong hininga si Jennie. Totoo ang sinabi ng kaibigan. Hindi niya alam kung masyado ba siyang nagpakalunod sa acads buong buhay o sadyang hindi siya girlfriend material.

 

Well she doubts it's the last one. Marami (modesty aside) naman na ang sumubok manligaw sa kanya pero for some reason she never wanted to try it with any of them. At kapag may nagugustuhan naman siya ay hindi siya nagugustuhan pabalik.

 

Siguro kaya na rin takot siyang gumawa ng move pagdating kay Jisoo. Masaya na siya sa ganitong hindi alam nung tao ang nararamdaman niya kaysa mareject siya.

 

 

 

"I'll think about it, okay?" Pagsagot niya sa kaibigan. Alam naman niyang nagmamalasakit lang si Chaeng in her own way pero alam niya sa sarili na hindi niya magagawa ang gusto ng kaibigan.

 

*****

 

"What the hell is this, Manoban?" 

 


Inangat ni Lisa ang tingin mula sa librong binabasa niya at ibinaling sa babaeng masungit na nasa harap niya.

 


"Umm I think that's coffee and a croissant?"

 

 

"You know what I mean."

 


Tumayo si Lisa kaya ngayon ay nakatingala na sa kanya ang kausap na bahagyang napaatras nang lumapit siya rito. 

 

 

"Bakit, masama bang bigyan ka ng breakfast?"

 

 

Umirap si Jennie, "You wouldn't do this just for the sake of being nice. You're not nice."

 

 

Napatawa si Lisa sa sinabi ng kausap. Medyo nagsisisi siya na ngayon niya lang napansin si Jennie sa halos apat na taon niyang pag-aaral sa school na ito. Baka sadyang hindi lang niya ito binibigyang pansin masyado noon dahil pag titignan mo ito ay mukha itong typical overachiever na goody two shoes.

 

Pero sa malapitan cute din naman pala ito. Charming, even. Kahit pa halos isumpa nito ang buong pagkatao niya.

 

 


"Just eat it, Kim. It's not like it's a legally binding contract to make you do whatever I want. Although that is a good idea."

 


"Aha, see? This is still about the research. Tantanan mo ako, hinding hindi kita ibabalik sa group whatever happens."

 


"If I were you, I won't be so quick to say that. I can be real persuasive."

 


"I know. But I'm sure it won't work on me so better save it for your fangirls Miss Bassist."

 


"Huh, so you do pay attention to me."

 

 

Nag-iba ang mukha ni Jennie na para bang na-checkmate siya ng kalaban. Hindi naman ito nakatakas sa kausap na ngayon ay nakangisi na naman.

 

 

"I... I don't." For pete's sake bakit ba ngayon pa siya di makaisip ng sasabihin. Baka malaman pa ni Lisa na crush niya ang bandmate nito pag hindi siya nakasagot nang maayos. 

 

 

At parang tila bang sobrang lakas ng guardian angel ni Jennie ay tumunog na ang school bell nila.

 

 

"Saved by the bell, Kim. Just so you know, we're not done yet."

 


*****


"Yes mom I'm on my way home na po. Natagalan lang yung meeting namin."

 

 

Halos tumakbo na si Jennie pauwi para sa family dinner nila. Badtrip, bakit pa ba ngayon umulan kung kailan nakalimutan niya ang payong sa locker.

 

 

Saglit niya pang pinag-isipan kung babalikan ba ito o hindi nang tumigil ang ulan. Para siya natanga ng ilang segundo nang makita kung anong nagdudulot noon.

 

 

 


Si Jisoo.

 

 

Si Jisoo na may hawak na payong at nasa tabi niya ngayon.

 


Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang kabutihan para maranasan ito ngayon. Quotang-quota ang guardian angel niya today.

 


"Basa ka na. Bakit wala kang payong?" Casual na tanong nito na para bang matagal na silang magkakilala.

 


Para namang natanga si Jennie na ngayon ay nakatitig lang sa kasama nang medyo nakanganga pa.

 


"Ayos ka lang ba?" Natatawang tanong ni Jisoo. 

 


"O-okay lang ako."

 


"Wala kang payong talaga?" Umiling si Jennie. "Sayo na muna 'to. Balik mo na lang sa akin sa school. Susunduin naman ako."

 


Inabot nito sa kanya ang payong at tumawid na pabalik sa gate ng school nila. Nang makalayo na ito ay para bang na-regain na uli ni Jennie ang kakayahan niyang mag-isip at magsalita.

 

 

Bakit niya kinuha itong payong mula kay Jisoo? Nakakahiya.

 

Bakit siya pinahiram ng payong ni Jisoo in the first place? Kilala ba siya nito?

 

Susunduin daw siya? Nino? Jowa kaya?

 

 


Jennie walked mindlessly on the way home, completely forgetting the fact na may hinahabol siyang family dinner. Maiintindihan naman ng mga magulang niya.

 

 

Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Sophomore year niya pa crush yung tao tapos all it took is ing rain para magkaroon sila ng interaction? Sobrang kupal ng universe.

 

 

Natigil ang pag-iisip niya nang marating niya ang labas ng bahay nila at may dalawang hindi pamilyar na sasakyan na naka-park sa harap. Nakakahiya. Hindi na nga niya alam na may mga bisita sila, late pa siya.

 

 

Marahan niyang sinara ang gate sa likod niya at tahimik na naglakad patungo sa kwarto niya. Okay na sana ang plano niyang hindi mapansin kung hindi lang tumahol ang aso nila. 

 

 

"Traydor ka Kuma ha." Biro niyang pinagalitan ang aso.

 

Lumabas naman ang mom niya mula sa kusina, kung saan inaassume ni Jennie ay nandun ang mga bisita.

 

 

"Bakit ka basa?"

 


"Naiwan ko payong ko sa locker, mom. And tatakbo na sana ako pauwi nang walang payong pero I have this school mate na pinahiram--"

 

 

Naputol ang sinasabi ni Jennie at the sight of the girl that just entered their front door. 

 

 

 

You've got to be kidding me.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet