Chapter 1

Synesthesia
Please Subscribe to read the full chapter

Seulgi's POV

 

"Sa wakas,naka sakay din." napabuntong hininga na lamang ako dahil pahirapan palang sumakay dito at ilang minuto din ang byahe ko papunta sa paraalan ko. Mabuti medyo maluwag pa itong bus na nasakyan ko at sakto may nakita akong bakanteng upuan sa bandang gitna,agad akong nag lakad para maka upo dahil gusto ko malapit sa bintana at para maka pag muni muni nadin. Nang maka upo na ako agad ko din tinuon ang atensyon sa bintana at matagal tagal pa naman ang byahe e.

Ito ang aking unang araw papunta sa skwelahan na pag lilipatan ko para ituloy ang 3rd year highschool,pinilit lang kasi ako nila mom and dad na lumipat para malapit nalang sa condo ko,tutal hindi naman kami nag kakasama sa bahay dahil halos tumira na silang dalawa sa kompanya namin 2 beses nga lang ata sa isang buwan ko sila nakikita. Ako nga pala si Kang Seulgi sabi nila mukha daw akong bear pero di ako naniniwala doon, kasi wala naman akong kaibigan para matanong kung totoo ba yon,kung meron man bilang pa ata sa daliri ko. Pumayag ako sa gusto nila mom and dad dahil alam kong para sa ika bubuti ko din ito at gusto ko kasing matutunan at maranasan kung pano mag karoon ng kaibigan

Napatigil ang aking pag iisip ng biglang may ulo na sumandal sa balikat ko, tinignan ko naman agad ito at napansin na siksikan na pala

'Ang ganda naman nito matulog,ginawa pakong unan' nasabi ko nalang sa isip-isip ko,diko napansin na may katabi na pala ako sa sobrang focus ko sa sarili ko, medyo inayos ko yung ulo ng babae pero diko naman napansin yung mukha nya kasi naka takip dito ang nag shashining shimering nyang buhok, pero naka uniform sya mukhang papasok din sa school, saan kaya yung school nito? Diko pa kasi alam kung anong itsura ng uniform namin dahil ang sabi lang saakin ay mag civilian muna, agad ko naman tinignan ang aking relo at napansin na 7:30 na pala at may 20 minutes pako para maka punta sa principal's office.

Hala! Natatanaw kona yung school ko,bababa nako pero pano... Agad naman akong napatingin sa babae na katabi ko at dahan dahan siyang tinapik para gisingin kasi kailangan kong dumaan 

"Miss? Dadaan sana ako kasi kailangan konang bumaba" pag tapik tapik ko dito at napansin na umungol ito bilang tugon

Napasinghap naman ako, jusko miss nakaka gulat ka naman sabi ko sa sarili ko,at huminto nadin ang bus sa harap ng school namin ay wala nakong nagawa kundi humakbang nalang dahil hindi magising itong katabi ko.

Humakbang ako dahil kailangan kong mag madali, aandar na uli yung bus hala dipa ako nakaka baba. Agad naman akong humakbang at narinig ang babaeng katabi ko "A-aray! Ang sakit ng apak mo,mag dahan dahan ka naman!" napatingin nalang ang ibang pasahero samin at natigil ang pag andar ng bus,nagulat naman ako sa aking nagawa at humingi ng paumanhin "Sorry miss,kanina pa kasi kita ginigising pero dika kumikibo kailangan kona kasing bumaba,sorry talaga" tinignan ko sya at nakitang tulog padin kaya nag lakad nako pababa sa bus at nag lakad papasok sa school kong bago. 

@Revel Highschool

Habang nag lalakad ay napansin kong napaka laki pala ng eskwelahan nato kumpara sa dati kong school, nag lakad lang ako papasok at kinuha ang cellphone ko "May 10 minutes pako" buntong hininga na sabi ko nalang at dini

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
KkangSeulgay
Nasira yung pc ko, I don't know kung kailan ako makaka update ulit. But I will try my best, sorry and thankyou everyone. Please stay safe and healthy!

Comments

You must be logged in to comment
ohyo_ohyo319
#1
Chapter 6: Tong oso na toh para paraan din eg HAHAHAH may sahig naman, usto pa may kandungang ganap
miruruns
#2
Chapter 6: Sanaol kinakandong :(