Bestfriend

My Mysterious Girl
Please Subscribe to read the full chapter

Jungkook's Pov

Yakap yakap ko si Lisa. Hindi ako mapakali. Bakit sya ganito? Iyak sya ng iyak. Sino ba ang babaeng yun?

"Lisa, please kausapin mo naman ako. Wag mo na akong taguan pa. Kahit saan ka magpunta hahanapin pa rin kita." sabi nung babaeng kasama ni V.

"Pwede bang umalis ka muna. Ayoko pa kitang kausapin. Hindi ko pa kaya." sabi ni Lisa.

"Lisa im so sorry. Hindi ko ginusto yun. Hindi ko alam. Patawarin mo na ako. Hindi ko sinabing sumama sakin si Errol. Sorry talaga." sabi nung babae habang nahagulgol din.

Nararamdaman ko na nanghihina si Lisa at parang matutumba. Buti na lang nakayakap pa din ako sa kanya. Sino ba si Errol?

"Alam ko Jennie, alam ko na hindi mo sadya. Ang hindi ko matanggap ay yung wala akong nagawa para iligtas pa sya. Masakit yung makita ko syang mamatay nang wala akong magawa. Jennie nasa harap ko lang sya ng bawian sya ng buhay." sabi ni Lisa 

Naguhuluhan na kami sa sinasabi ni Lisa at nung Jennie. Nabigla kami nung lumuhod yung Jennie.

"Sorry sana pinigilan ko sya. Sana nakinig ako sayo. Patawarin mo ako. Lisa miss na miss na kita. Pakiusap isama mo ako sayo. Alam kong gaganti ka pakiusap sasama ako sayo." sabi nung Jennie.

Bumitiw sakin si Lisa at lumapit kay Jennie. Lumuhod din sya at yumakap sa babae na yun.

"Jennie, kaya nga ako lumayo ay para wag ka madamay. Ayokong ang kaisa isang mahalaga sa buhay ko ay mapahamak pa. Pakiusap umuwi ka na Jennie." sabi ni Lisa

"Hindi! Hindi ako uuwi hanggat di ka kasama. Sa ayaw at sa gusto mo susundan kita. Alam mo na kaya kong gawin yun." sabi nung babae.

"Alam ko. Mukhang wala na akong magagawa pa. Parehong matigas ulo natin hahaha." hala nabaliw na ang dalawa naiyak sabay natawa.

"Wag mo na akong iiwan Lisa. Please." sabi nung babae.

"Teka lang naguguluhan ako. Sya ba ang hinahanap mo Jennie?" tanong ni V dun sa babaeng kasama nya.

"Oo sya nga. Buti na lang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jannetterayearth15
I hope you like my story.

Comments

You must be logged in to comment
denrayearth15 #1
Chapter 7: ☺️☺️☺️
denrayearth15 #2
Chapter 21: ?????
Mauden20 #3
Chapter 21: ?
Mauden20 #4
Chapter 16: Malditang Jade
blizzingjanish23 #5
Chapter 13: ???????
Mauden20 #6
Chapter 16: Update pls.....
Mauden20 #7
Chapter 13: Ang arte ng Jade
Mauden20 #8
Chapter 3: ???
Mauden20 #9
Chapter 1: Love at first sight