ice cream

1961
Please Subscribe to read the full chapter

   “Pakiramdam ko dapat pinanganak ako sa ibang era.” Turan ni Moonbyul habang hawak-hawak ang special edition vintage na bote ng Coca Cola. 

   “Pakiramdam ko gutom lang yan,” Inabutan sya ni Hwasa ng platong may dimsum. “Ang dami mong hang up girl. Dapat enjoy tayo dito sa Hong Kong! Masarap daw pancit dito?” 

   Tahimik na kumain ang magkaibigan pero di maalis sa isip ni Moonbyul ang sinabi nya. 

 

 

   “Hwasa, ano ba naman tong hotel na na book mo? American Horror Story episode ba tayo? Bat ang luma?” Kitang kita ang pangingilabot ni Wheein habang hatak hatak ang may karitong bagahe.

   “Sabi kasi ni Moonbyul bet nya mga vintage feel kaya eto. Sisihin mo sya, babe, wag ako.” Niyapos nya ng yakap ang naiinis nang kasintahan. 

   “Diyos ko naman isang linggo tayo dito tapos ganito? Asan na ba yang butiking yan?”

   “Andun sa kwarto nya ayaw nya daw mag-share saten. Ayaw nya daw makasaksi ng pag buo ng baby.” Malutong na malutong ang tawa ni Hwasa. “Bilisan mo na para makadami tayo.” 

 

 

   Maganda ang loob ng kwarto ng hotel. Malinis at halatang alagang alaga. Pakiramdam ni Moonbyul bumalik sya sa nakaraang panahon, noong naglipana pa ang mga gang at triad sa Hong Kong. Hindi natuloy ang lakad barkada nila dahil sa malakas na ulan. Babagyo pa ata. Para maalis ang inis ni Wheein nag desisyon si Hwasa na dalhin ang nobya sa 5-star restaurant sa tuktok ng hotel. Hinayaan nalang sila ni Moonbyul. Gusto rin naman nyang mapag isa at magbasa.  Isang historical drama ang binabasa nya nakakasabik na ang mga tagpo kaya sabik na rin syang basahin ito. Dinig na dinig ang malakas na kulog na halos yumanig sa buong silid. Walang ano ano’y nag-ring ang lumang telepono na akala ni Moonbyul ay dekorasyon lamang. 

   “Hello?” Sagot ni Moonbyul.

   “Hello, sino to? Ikaw yung tumawag sakin.” Sabi ng babae sa kabilang linya sa salitang English na may bahid na British at Cantonese accent.

   “Ahhh ikaw tumawag saken.”

   Natahimik ang babae ng bahagya. 

   “Ha? Hindi ako tumawag sa’yo. Ibaba ko na.”

   “Ok.”

   Pabalik na sa unang ginagawa si Moonbyul ng mag-ring nanaman ang telepono.

   “Hello?”

   “Nananadya ka ba?” Cantonese na ngayon ang gamit ng babae.

   “Ikaw yung tumawag, seryoso.” Sagot din ni Moonbyul sa patigil tigil nyang Cantonese.

   Isang malalim na buntong hininga ang sagot.

   “Seryoso! Mamatay man!” Dugtong ni Moonbyul gamit ang lenguwaheng Koreano.

   “Teka Korean ka?”

   “Oo! Asan ka ba? Baka sira tong phone.” 

   “Nasa hotel sa Granville. Baka nga bago kasi mga to eh.”

   “Baka yung sa’yo eh tung akin sa lolo ko pa yata to eh. Tawagan mo yung front desk pwede?”

   “Bat ako yung tatawag?” Buntong hininga. “Sige na nga. Oh sya bye!”

   Bumalik si Moonbyul sa pagbabasa at kinalimutan ang pangyayari.

 

   

   Pagod na pagod galing sa pamamasyal si Moonbyul. Gusto lamang nyang magbabad sa bathtub ng hotel habang umiinom ng wine. Di nya namalayang nakatulog sya sa tub kung hindi nag-ring ang telepono. 

   “Hello?” Sabay nilang sabi sa mouthpiece.  Napatawa na rin sila ng sabay.

   “Akala ko ba mag rereklamo ka na sa front desk?”

   “Nagreklamo na ko at mukhang walang nangyari. Ok naman daw tong telepono. Bago kasi daw; baka daw ako yung hindi marunong gumamit. Akalain mo yun? Ano ako lola?”

   Hagalpak sa tawa si Moonbyul.

   “Marunong ka nga mag celphone, telepono pa kaya?”

   “Ano yun?”

   “Wala! Oh sya baba na natin baka may pupuntahan ka pa.”

   “Teka!” Mabilis na pigil ng babae. “Manunuod kami ng sine sa isang oras. Yamot na ko kakaintay pero kung may gagawin ka...”

   “Wala akong gagawin!” Mabilis ding sagot ni Moonbyul. “Anong pangalan mo?”

   “Tawagin mo nalang akong Solar.” 

   “Ah talaga? Ganda ah. Ako naman si Moonbyul.”

   “Sun and Moon. Tinadhana yata tayo.” Tumawa nalang si Moonbyul para ibaon ang kakaibang kilig na nadama nya.

 

 

    Parang maaasahang orasan, sa tuwing papatak ang alas otso tumutunog ang telepono ni Moonbyul. 

   “Solar.” Hula nya.

   “Nananadya ka ba?” Ang sagot sa kabilang linya. “Napatawag ka?”

   “Ikaw yung tumawag. Pano mo pala nalaman yung numero neto?”

   “Di ko nga alam. Sinagot ko lang yung telepono. Pero bigay mo na rin sakin.”

   Nagpalit sila ng numero ng silid na sya ring numero ng telepono.

   “Gusto mong magkita?” Subok ni Moonbyul.

   “Sige, pero di ngayon may pupuntahan kami ni Papa.” 

   “

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
hastinglycruel #1
Chapter 1: 😸🤧😸🤧😸🤧😸🤧😸 1st time ko magbasa ng tagalog fanfic. Mapanakit ka, buti bumawi sa dulo. Hahaha!
Cassiopeia_Jeong
#2
Ilang beses ko na po tong nabasa... HINDI PA RIN AKO NAGSASAWAAA HAHAHAHA galing niyo po talaga authornim. Kayo na po ha kayo na charouttt
YuriChelle
#3
Chapter 1: halaaaaa!!!! d tlaga ko ngbbasa ng tagalog but nbasa q ung soulmate au mo so i tried this, worth it bro. kudos tatawa tawa p ko nung una sa banat ng wheesa eh, peo napanglid ang aking mga luha nung huli ouch naman hahaha.

ps. gonna read d rest of ur story here keep up d good writtin bro.
byulwan480
#4
Chapter 1: parang yung movie nina ding dong at iza na moments of love :> ganda ng twist mo dito huehue
chatdukamusico
#5
hala ang gandaaaaaaaaa ???
YooKinMo
#6
Chapter 1: Halaaaaa. Bakit naman ganon?!!!! Pero omg shettttt medyo naluha ako ah. Ang ganda ng pagkaka gawa seryoso. Moreeeeee huhuhuhu!!!
krazy_krizzia #7
Chapter 1: hala shet
justsomeanimelover
#8
Chapter 1: Moreeeeeeeeeeee
Sheshe2399 #9
Chapter 1: naiyak ako wait huhu
justsomeanimelover
#10
Chapter 1: Amo ba yan bat chinese hahahaah charottt nice exciteddddd na ko pero sana naman yung ending neto kinakabahan ako lol