Nang Dahil Sa Bola Ending

Nang Dahil Sa Bola
Please Subscribe to read the full chapter

  


SABADO ng hapon nang sunduin ako ni Yujin. Kamuntik ko pa ngang makalimutan na may party nga pala kaming pupuntahan. Siya na nga ang nagpaalam kina mama, imbes na balak ko pa man din magpalusot nalang sa kanila. 

 

"Sino ba may birthday?" Tanong ko kay Yujin habang minamaneho nito ang sasakyan niya.

 

"Birthday nung isang ka team mate ko, si Hitomi." 

 

"Baka magtaka siya ha na ininvite mo ko."

 

"Nasabihan ko na siya, Min. Don't worry, and kilala ka naman niya, eh." 

 

Tumango nalang ako at itinuon ang atensyon ko sa labas. 

 

                                 ***

 

"Shot! Shot! Shot!" Sigawan ng mga ka team mates ni Yujn.

 

Akala ko 'yung pupuntahan namin na party ay may mga payaso at balloons. Iba pala 'to. Imbes na payaso, puro mga y'ng babae ang sumasayaw sa mini stage at puno ng mga alak ang paligid. Mapapatay ako nila mama neto. Niyaya pa nga nila ako uminom, tinanggihan ko lang sila. 

 

"Wag niyo painumin si, Minju. Bata pa 'yan." Natatawang sabi ni Wonyoung. Aba, hinahamon yata ako neto. 

 

"Good girl lang talaga si Minju. 'Di tulad sayo na alak na yata ang ginagawang tubig." Sabat naman ni Eunbi na team captain nila.

 

Nagtawanan naman ang buong grupo pwera kay Wonyoung na parang mangangain na yata ng tao. 

 

"So? Basta ako y, siya manang." Maarte nitong tugon sabay lagok ng alak na nasa lamesa.

 

Mas umingay pa ang paligid dahil sa sinabi ni Wonyoung. Nakita ko naman na biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Yujin.. Galit yata siya? 

 

Hindi naman ako nagpatalo, bumwelo ako bago magsalita, "At least ako malinis pa, ikaw? No comment." 

 

"BUUUURN!" Sabay sabay nilang sigaw bago magpakawala ng malakas ng tawa. 

 

Napailing si Yena  bago lapitan si Wonyoung.

 

"Tama na nga ang pag-inom mo niyan, Wonyoung. Lasing ka na!" Inaagaw nito ang bote mula sa kamay ni Wonyoung at hinihila niya ito. Nagpupumiglas naman ang bruha.

 

"Bitiwan mo nga ako! Sasabunutan ko muna 'yang si Minju!" 

 

Imbes na matakot ako ay kalmado pa rin akong nakaupo sa pwesto ko habang nakatingin sa nag a-alburutong si Wonyoung. Suntukan na lang, oh. 

 

"Pasensya ka na, Minju. Lasing lang talaga 'tong babaeng 'to."

 

Nginitian ko nalang si Yena. Lumapit naman sa akin si Yujin at tinabihan ako. Pulang pula na rin pala ito. Marami na ba nainom niya? 

 

"Ba't ka umiinom, Yuding? Baka malasing ka niyan." Saway ko sa kanya. 

 

"Hindi naman ako madaling malasing, Min.. H'wag ka mag-alala, ihahatid kita ng maayos sa bahay niyo. Nag promise pa naman ako kina tita." 

 

"Sigurado 'yan ha?"

 

"Yep, promise!"

 

 

 


SUMASABAY na sa ingay ng lugar si Yujin.Kanina pa siya sumisigaw ng 'party party' sa gitna ng stage. Akala ko ba hindi siya malalasing? She can't even stand na nga, eh. Nakakahiya na sa mga kasama niya. Natatakot ako baka bigla pa tong maghubad dito. 

 

"Iuuwi ko na 'to si Yuding." Paalam ko sa kanila.

 

"Marunong ka ba mag drive?" Tanong ni Eunbi na medyo lasing na rin.

 

"Oo nga, Minju. Hatid ko nalang kayo." Aya ni Yena.

 

"Hindi na. Mag ta-taxi nalang kami. Ako na bahala. Iwan nalang muna ni Yuding kotse niya dito, ah." 

 

Pumayag naman sila at tinulungan akong isakay sa taxi si Yujin. Buti nalang talaga at 'di na nag dalawang isip pa si manong driver na pasakayin kami, binigyan pa nga kami ng cellophane at baka raw mag suka 'tong kasama ko. 

 

Nang dumating kami sa kanila ay sinalubong kami tita, ang mama ni Yujin. Akala ko nga magagalit siya pero tinawanan lang ang anak niya. Bakit daw naglasing eh wala naman siyang love life. Wait lang tita, on the way naman na ako sa puso niya. Chos.

 

Ako na ang naghatid sa kanya sa kwarto niya dahil inaantok na si tita, ako nalang da

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lovechaekura
Ako'y nababaliw na. . .

Comments

You must be logged in to comment
xxthedarkguyxx #1
Chapter 3: Ganda ng kwento hahaha! Pero matanong ko lang, sino si Megan? :)
aesyeppi
#2
Chapter 3: Hala!!??
-Athena-
#3
Chapter 3: HAHAHAHA, SO IMAGINATION LANG PALA LAHAT? Nice story, author!
TakuyaKen
#4
Chapter 2: ang ganda hehe ok dn pla tagalog n jinjoo
cskyn_ #5
Chapter 3: Wait. Ang galing mo magpaasa author lmaooo.

Nice story tho. Nakaka-enjoy basahin
nakotan
#6
Chapter 3: WAITTT SO IMAGINATION LANG NI MINJU LAHAT NG YUN? WHAT IS GOING ONNN SJDJFKFHN
erzcaps27
#7
Chapter 2: Awww. Wawa naman si Minmin. Yaan mo na bawi na lng daw si Yujin sayo hehehe
erzcaps27
#8
Chapter 1: Waahhh. Sequel po author. Please hehehe
TakuyaKen
#9
Chapter 1: nadouble yata pag paste mo? pero cute story hehe