Nang Dahil Sa Bola 1

Nang Dahil Sa Bola
Please Subscribe to read the full chapter

 


Nang Dahil Sa Bola 1


UNANG ARAW ko ngayon dito sa unibersidad na nilipatan ko. Isa akong Nursing student sa dati kong pinapasukan sa probinsya pero nag shift ako sa kursong Education dahil napagtanto kong mas passion ko pala ang pagtuturo sa mga bata. Lumipat kami rito sa Manila sa kadahilanang naging regular sa trabaho nila ang papa at ang kuya ko kaya dito na kami ngayon naninirahan.

Naglalakad akong mag-isa at hinahanap ang canteen. Wala akong kakilala o nakilala man lang na bagong kaibigan dito kaya medyo nahihirapan ako. Kanina pa nga ako palakad-lakad. Ang laki naman kasi ng campus nila, nakakalula. Umikot ako sa parteng maraming puno at doon ay nakita ko ang isang napakalawak na field. Maraming mga estudyante rin ang naroon, mga naglalaro ng iba't ibang sports.

"Wow, grabe talaga ang laki ng eskwelahan na ito. Papaano ba napasok ang isang mahirap na gaya ko rito," nasabi ko na lang sa sarili ko habang manghang-mangha pa sa mga nakikita ko. Sa probinsya naman kasi hindi ganito kalalaki ang mga field.

Napansin ko ang dalawang grupo ng mga kababaihan na naglalaro ng volleyball. Lahat sila ay nakasuot ng sando at maiikling shorts o na 'to? Napataas ang kilay ko sa mga suot nila. Pansin ko rin na halos lahat sila ay magaganda at mapuputi, halatang mayayaman. Maraming estudyante na puro mga babae ang nanonood sa kanila, may mga hawak pa ngang banner iyong iba, eh. Mukhang nagpa-praktis lang naman sila pero bakit may mga pa banner pa ang mga taong ito. Iba rin talaga ang mga mayayaman.

"Saan na ba kasi ang canteen dito? Nagugutom na talaga ako. . . Try mo kaya magtanong, Minju." Nasapo ko ang noo ko nang maisip na mag tanong sa mga estudyante rin dito. Ang tanga ko lang talaga minsan.

Balak ko na sanang umalis nang marinig kong sumigaw ang isang babae. Napalingon ako sa banda kung saan ko narinig ang boses niya at pagkalingon ko nga'y isang bolang kulay puti ang handa nang lumanding sa noo ko.

"Miss, umilag ka!" sigaw ulit nung babae.

Imbes na umilag akoy hinintay ko na lang ang pag landing ng bola sa malaki kong noo. At hindi na nga ako naghintay ng matagal  dahil swak na swak na itong tumama sa akin. Sa lakas nang pagtama nito ay nawalan ako ng balanse kaya natumba ako.

"Ang sakit," tipid na sabi ko at pumikit nalang. Mamamatay na ba ako?

"Are you okay?" Dahan dahang minulat ko ulit ang mga mata ko nang marinig ang boses ng babaeng iyon. Napapapikit-pikit pa ako sa liwanag ng araw na tumatama sa mga mata ko at medyo nahihilo pa nga ako.

"I'm really really sorry. Ikaw naman kasi, sinabi ko ng umilag ka, hindi ka naman umilag."

"Dalhin na kaya natin sa clinic, Yujin? Baka naalog utak niyan kaya hindi na makapagsalita," rinig kong sabi ng isa pang babae.

Nang maidilat ko na ng maayos ang aking mga mata ay napatulala ako bigla. Nasa langit na ba ako? Isang sobrang gandang babae ang nasa harapan ko ngayon.  Maputi, sobrang kinis ng balat niya. Walang ka pimple pimple ang mukha, matangos ang ilong, mapupulang labi, mahahabang pilik-mata at kilay goals pa. Naka ponytail siya suot ang isang hapit na sando at , ay maikling shorts pala. Napagtanto kong isa pala siya sa mga babaeng nag va-volleyball kanina.

"Hey, okay ka lang ba? Tulala ka yata." Winagayway niya ang kamay at parang nagtatanong ang ekspresyon ng mukha nito.

Natauhan ako bigla at dali-daling tumayo, pinagpag ko pa ang palda ko gamit ang dalawa kong kamay.

"A-ayos lang a-ako," Sabi ko. Bakit ka nauutal, Minju?

"Sigurado ka ba? Ayaw mo bang dalhin ka namin sa clinic? Mukhang namamaga na noo mo," nag-aalalang tanong ng isang kasama ni cutie  na maganda rin.

"Dalhin niyo na nga sa clinic 'yan. Balik na ko. Si Yujin na bahala sa kaniya, siya naman nakatama, eh." Maarteng sabi nung babae na may mahabang buhok, sabay talikod sa amin.

"Sige na, Yujin. Samahan mo na si Miss ganda. Ako na ang bahalang mag paliwanag kay coach. By the way, I'm Yena nga pala. Pasensya na sa ginawa ng kaibigan namin ha, sumasablay din kasi tira nito minsan."

"Wala iyon. Ako naman si Minju, nakangiti kong tugon sa kaniya.

"Tara na nga sa clinic baka magka bukol pa iyang noo mo, masira pa beauty mo," natatawang aya sa akin ni si Yujin. Shet, ang y ng tawa niya.

Nagpaalam na muna kami kay Yena at naglakad na kami papuntang clinic. Tahimik lang akong nakayuko na nakasunod sa kaniya, nahihiya ako lalo pa't pinagtitinginan kami ng ibang estudyante. Ang gandang pogi  naman kasi ng kasama ko.

Bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya't napasubsob ako sa y niyang likod. Ang bango niya beshy. Hinarap niya ako at tiningnan ako. Na conscious naman ang lola niyo.

"Ba-bakit?"

"Bakit ba sa likod ko ikaw naka pwesto? Pwede naman na tabi tayo maglakad, hindi naman ako nangangain." Nakakahiya kasi sayo, ate girl.

"Ahm. . . w-wala. A-ang b-bilis mo lang kasi m-maglakad. Oo, tama, ang bilis mo maglakad. Ang haba naman kasi ng legs mo." Ang tangkad pa niya, pinagpala si ate.

"Ah, ganoon ba, sorry. Okay, babagalan ko na ang paglalakad para makahabol ka naman," natatawa na naman niyang sabi. Nakaka inlab talaga ang tawa niya.

Nang makarating kami sa clinic ay agad akong binigyan ng cold compress ni nurse ganda. Ba't puro magaganda mga tao rito? Bago ito umalis, nakita ko pang makahulugang nginitian ni nurse si Yujin, kumindat naman si siya rito. Aba, may naamoy akong iba, ha. Pasapak nga kahit isang beses lang, ate nurse.

"Let me hold that for you. Sabay kuha niya ng cold compress sa kamay ko. Saka naman niya nilagay sa noo ko.

"Aray ha." Hindi yata marunong mag dahan-dahan ang babaeng ito.

"Sorry." Inalalayan niya akong umupo at maingat niyang dinampi ang cold compress sa kaawa-awa kong noo.

"By the way I'm Yujin Ahn. 4th year. Sa College of Nursing ako. How about you?" Iniabot pa nito ang isa niyang kamay sa akin. Ipaalala niyo nga sa akin kung bakit ako nag shift ng kurso?

Tinanggap ko ito at nakipagkamay sa kanya."K-Kim...Minju Kim. 1rst year. Education naman ako," naiilang akong ngumiti sa kaniya. Bukod sa ang lambot ng kamay niya at medyo magaspang ang akin, ang ganda pa ng ngiti, pati mga ngipin. Halatang inaalagan ito ng dentista. Nakakahiya naman sa ngipin kong mumurahing toothpaste lang ang panlaban.

"Oh, so you're new here pala. Gusto mo i-tour kita sa buong campus pambawi man lang sa nagawa ko sa’yo."

"S-sige ba. Mukhang kailangan ko rin naman kasi ng tour dito." Aarte pa ba ako? Isang cutie na ang nag-aya na ilibot ako sa lugar na ‘to.

"Okay, but lunch break na pala. Hindi ko napansin ang oras. Nag lunch ka na?"

Ay tinapa naman! Nakalimutan ko nga pala na sa canteen ang destinasyon ko. Paano mo nagawa ito sa pagkain, Minju? Nakakita ka lang ng maganda  nalimutan mo na nagugutom kang bruha ka. Sasagot na sana ako ng hindi pa ako kumakain nang maramdaman ko ang pag we-welga ng mga bulate sa tiyan ko at nagpakawala nga ito ng malakas na tunog na siyang ikinatawa ni Yujin. Shet, lupa lamunin mo na ako. Now na!

"I guess, hindi ka pa nga nag la-lunch. Lakas ha," humagalpak pa ito ng tawa. Ayoko na po.


***


DUMAAN ang mga araw, linggo at buwan, naging mag kaibigan kami ni Yujin pati ng mga kasama niya sa volleyball pwera don kay Wonyoung  na sinalo yata lahat ng kasamaan at kaartehan sa mundo. Pinakilala niya ako isa-isa sa kanila at nagpapa-salamat ako dahil ang bait nila sa akin. May mga naging kaibigan na rin n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lovechaekura
Ako'y nababaliw na. . .

Comments

You must be logged in to comment
xxthedarkguyxx #1
Chapter 3: Ganda ng kwento hahaha! Pero matanong ko lang, sino si Megan? :)
aesyeppi
#2
Chapter 3: Hala!!??
-Athena-
#3
Chapter 3: HAHAHAHA, SO IMAGINATION LANG PALA LAHAT? Nice story, author!
TakuyaKen
#4
Chapter 2: ang ganda hehe ok dn pla tagalog n jinjoo
cskyn_ #5
Chapter 3: Wait. Ang galing mo magpaasa author lmaooo.

Nice story tho. Nakaka-enjoy basahin
nakotan
#6
Chapter 3: WAITTT SO IMAGINATION LANG NI MINJU LAHAT NG YUN? WHAT IS GOING ONNN SJDJFKFHN
erzcaps27
#7
Chapter 2: Awww. Wawa naman si Minmin. Yaan mo na bawi na lng daw si Yujin sayo hehehe
erzcaps27
#8
Chapter 1: Waahhh. Sequel po author. Please hehehe
TakuyaKen
#9
Chapter 1: nadouble yata pag paste mo? pero cute story hehe