Steal my girl

You got me singing songs about love
Please Subscribe to read the full chapter

Ten pairs of eyes bore holes into yours.

Para kang kambing na naligaw sa den ng mga leon.

Kanina ka pa lunok ng lunok sa laway mo at pahid ka ng pahid sa noo mo kahit di ka naman pinagpapawisan. Panay din galaw nung paa mo.

I shouldn’t be laughing kasi bisita kita but I just can’t help it haha.

Paano ba naman kasi, sa dinami-dami mo’ng araw na planong mag akyat ng ligaw sa’kin eh talagang sa sabado mo pa tinapat.

Weekend means maaga uwi ng mga kapatid ko. Either half-day or early out sila sa trabaho nila or kakauwi lang galing quarters nila.

Kaya ito ka ngayon.  Naka upo sa sala kasama ng mga kuya ko. Oo puro lalaki mga kapatid ko at ako ang bunso.

Tinitignan ko lang kayo dito sa kusina habang umiinom ng tubig. Nakakatawa.

Naka upo sila sa sofa na nakaharap sa’yo at ikaw naman dun sa lone seater na upuan. Halatang may interrogation na magaganap.

 

Biglang umubo yung isa sa mga kapatid ko.”Supot pangalan mo?” tanong nya. Pumunta ako sa may likod at dun tumawa.

 

I’m sorry Suho di kita maliligtas sa pangtitrip ng mga kuya ko.

 

“Suho po pangalan ko hehe” rinig ko’ng sabi mo then bumalik ako sa previous position ko na nakatingin sa inyo.

 

“ano course at year mo?” tanong nung isa ko pang kapatid.

“Fourth year BSBA po major in Marketing”

“bigyan mo nga ako ng isang marketing term?” demand nung isa ko pang kuya.

Nabigla ka naman at nautal ka bigla. Ako na nagsasabi sa’yo, recall mo na dapat mo’ng irecall kasi aalaskahin ka nyang ugok pag di ka nakasagot.

“Umm..Market segmentation..po?” unsure mo’ng sagot.

“Kita mo yan?” sabi nung pangatlo ko’ng kuya sabay turo dun sa wall of fame namin.

Lahat kami may graduation pic na nakasabit doon at naka column naman sa baba ng picture namin yung mga ribbons, medals at certificates namin. Akin lang yung hindi pa updated kasi yung pic na nakasabit is nung high school graduation pa.

 

“puro na kami professionals. Police ako, attorney siya, accountant to, seaman yan at teacher yun” sabi ni kuya while dinuduro yung iba kong kapatid. Lumaki bigla yung mata mo.

 

Puro professionals na sila. And hopefully  next year after my board exams, madagdag ako sa hanay nila.

 

“Kaya namin ibigay lahat ng gusto ni Joohyun so what makes you think na papayagan ka namin na basta basta manligaw sa kanya? Kaya mo bang iprovide needs nya?”

“ayaw nyan na s-spotlight. Ikaw yung tipong pinagkakaguluhan sa mga uni confessions no?”

“1,500 ang daily allowance nyang si bunso sa tingin mo kakailanganin pa nya libre mo sa McDo?”

“May tiga hatid sundo yan, magiging inutil ka lang kung papatuloy mo pa panliligaw”

“tsaka may manok na kami, pag sinabong namin kayo papagalitan pa kami ni dad kasi ginamit namin manok nya”

Sunod sunod na pang-gigisa sa’yo nitong mga unggoy.

Pinagpapawisan ka na, kitang-kita ko butil ng pawis mo hanggang dito. Pero ayokong sumawsaw. Pinagti-tripan ka lang ng mga yan tatawa ka din maya-maya.

 

Pero di ka na nakapag-salita. Panay tingin ka na lang sa sahig o sa sapatos mo at mukhang nanliit ka sa sarili mo. Naawa ako sa’yo kaya pinuntahan ko na kayo sa sala upang matigil na katarantaduhan nitong mga kapatid ko.

 

As I was approaching you guys bigla naman bumukas yung pintuan at may bagong bisitang dumating.

 

“Speaking of manok, wassup fried chicken!” maligayang bati nung isa ko’ng kuya sa bagong dating.

 

You’re late.

Di m

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
notseoyounghoanymore
I lost touch thats fosho. will try to get better at writing again. support #SEULO and #RV comeback!

Comments

You must be logged in to comment
_rtempest
1027 streak #1
Chapter 3: AWWW 🥹🥰
Hisseulgi_
#2
Chapter 4: cutee
Kylie_123 #3
Chapter 6: Hahahahihihi kilig naman sa last line 😂🥰
Moksy23
#4
Chapter 9: Ang ganda authornim ❤
_m3owrene
1023 streak #5
Chapter 3: Angggg sweeet
_m3owrene
1023 streak #6
Chapter 6: Ang cuteeee 🥺🥺🥺
howdoyouknowmee
537 streak #7
Chapter 8: Hahaha leche yung icing hahah
infp23
#8
Chapter 8: HAHAHAHA NATATAWA AKO SA MURAHAN KASI GANUN DIN AKO:))))

HUHU SANA MAY UPDATE ULI :P GANDA EE
PurpleCABBAGELover
#9
Dami ko tawa dito
Patuloy mo po author, ang ganda
Icmck001
#10
Chapter 7: Pucha natrigger ako dito ah. Sapul sakin yung bumagsak sa thesis (dahil sa lecheng kagrupo at mga kamalasang nangyari last minute) at di gagraduate on time. Fresh pa ng wound sis T^T 3 weeks nakong di lumalabas ng kwarto at sa ff na lang kumakapit

Pero laughtrip pa rin haha