Of pictures and needles

You got me singing songs about love
Please Subscribe to read the full chapter

Nakakaumay talaga mag hintay matapos yang Wednesday class mo.

Three hours ago pa natapos yung class ko pero nandito parin ako sa school kasi hinihintay kita.

Niyakag pako nila Byul kanina mag miryenda sa kabilang kalye pero nag pass ako kasi sabi mo baka maaga kayong ma dismiss.

Sobrang loyal ko daw sayo wala namang tayo.

Two years na daw akong nanliligaw sayo wala pa rin daw akong usad. Ano ba kasi daw kinain ko bakit sa dinami-daming babaeng sa unibersidad, ikaw pa.

 

Ikaw na sobrang cold na sa 'twing may nagpapa pansin sayo hini-head to toe mo lang tapos wala kang sinasabi. Sobrang timid mo pa kasi di ka masyadong umiimik pag kinakausap ka.

 

Napaka clean freak mo. Dika lumalapit sakin after PE class kasi amoy pawis pa 'ko. Pag nagga-gala ka sa condo para akong mabibingi sa malutong mong mura kasi kahit san ko lang nilalagay mga gamit ko.

 

 Tapos one time sinama kita kumain with Byul tapos yung gaga panay joke tapos ako naman na fans club niya tawa ng tawa hanggang sa naluwa ko yung kinain ko.

 

 Sakto nag landing sa white shirt ko, na-aalala ko parin kung pano mo ko sinermonan in English about hygiene tas di mo ko inimik for two days. Grabe yon.

 

Marami daw naman kasing kapareho mo. May mas hihigit pa nga raw. Bakit daw ikaw na mukha namang walang paki sakin?

 

La naman kasing kaso sakin yon kasi di naman kasi sila kasama mo araw-araw.

 

And they only see the cold hearted Bae 'Irene' or whatever nickname they gave you in school.

Not the Bae Joohyun when we are alone.

Di nila alam na apaka clingy mo.

Di nila alam na sobrang lakas mo tumawa.

Na pagkumakanta sa maliit man o malaking entablado, tinititigan mo ako na para bang ako lang ang nakikita mo.

Di rin nila alam na nanggagala-iti ka sa 'twing malalaman mong may umaaligid sakin. Tatawanan pa kita sabay sabi na they can't have me cause I'm already yours. Pero binabantaan mo parin ako tas sabihan ng hawak mo 'ko sa leeg.

 

You say that pero walanjo parin. Manliligaw mo parin pa 'ko. 

 

It's been two years Joo, but for you I am willing to wait.

 

Na interrupt yung pagmumuni ko nung nagbukas yung double door ng AVR. Tapos na class mo. Binati ko yung iba mong kaklase since kakilala ko na mostly sa kanila kasi nga I've been pursuing you for two years na.

Humupa na yung mga studyanteng palabas ng AVR then nakita kitang palabas na with your textbooks na sa sobrang kapal maco-comatose kung sino man ang masampal mo dito. 

Hopefully hindi ako.

 

Nag jog ako papunta sayo tsaka ko kinuha yung mga libro mo at yung sling na may laptop mo tsaka ko binody bag. Takte sobrang bigat nitong dinadala mo araw araw buti nalang nag g-gym ako kung hindi humiwalay natong braso ko sa katawan ko. 

 

"Hey." bati ko ng nakangiti.

Ngumiti ka rin slight tapos agad ring nawala. "Hey back"

"Gutom kaba? Gusto mo kumain?"

Naghikab ka at agad nagtakip ng bibig. Mali ata yung tanong ko. "I'm tired Seul I just wanna go home."

Tinignan kita. Nagmumukha kanang panda. 

Sobrang itim na ug eyebags mo sakto pa sobrang puti mo.

Ganito ba ka stressful maging fourth year ng Nursing Department?

"Dun ka nalang muna sa condo. Idlip ka sandali kasi sure ako pag dun ka sa bahay nyo di ka makakatulog kasi nandun lahat ng pinsan mo" aya ko. 

 

Na kwento mo kasi sakin nung isang araw na luluwas galing probinsya yung mga kapatid ng parents mo kasi 25th wedding anniversary nila at may celebration kayo. So imagine yung mukha ng bahay nyo with your whole angkan.

Di ka na rin nakipag talo kaya pumayag ka nalang din. "Okay. Whatever."

 

Nakarating na tayo sa sasakyan ko at pinagbuksan kita ng pintuan at naupo ka next to the driver's seat tapos nilagay ko yung things mo sa likuran.

 

When I took my seat, I saw you with your arms crossed in your chest and eyes closed. You were in an uncomfortable position so I pulled the levee just beside you tapos hinay hinay kang pinahiga. I think putting a seat belt would only irritate you so diko nalang sinuot sayo.

 

The drive to my place was short since di naman sya talaga malayo sa uni. It's just a 15 minutes walk pero ayokong magbuhat ng textbooks mo ng 15 minutes papuntang condo so nagdadala nalang ako ng sasakyan.

Pinatay ko yung engine then I looked at you. You were peacefully sleeping.

 

Gusto ko magmura.

 

 

Ba't sobrang ganda mo?

 

 

Tapos biglang nag ring ang phone mo na dahilan kung bakit ka nagising. Nag swipe ka sa screen tapos nilapit ito sa tenga mo.

 

"Hello dad?"

"...uh, I'm with Seulgi right now"

"yeah, I'll be home by nine"

"yes, okay will do bye."

 

Then you ended the call.

 

"Akyat na tayo para makapag pahinga ka ulit" aya ko tapos tinulungan kitang tumayo.

 

Nung makarating tayo sa loob agad kang dumiritso sa kwarto ko. Hinayaan lang kita at dumirecho sa kusina para ikuha ka na tubig.

 

Ah, mystery unsolved rin pala tung kaganapan nato.

Bakit daw labas masok ka dito. Tapos sabi ni Byul sobrang laid back mo yata kasi bahay ng manliligaw mo madalas mo'ng tambayan.

 

Ewan ko din pero nung two years ago na malasing ka ako sumundo sayo tapos diko pa alam tiga san ka nun dito nalang kita dinirecho. Simula nun madalas ka na dito.

Kinatok ko yung pintuan sa kwarto at narinig kitang nag hum. Nakaupo ka sa higaan ko while nakasandal sa headboard at nakatunganga sa pader.

 

Natatawang nilapitan kita. "iniisip mo?" naupo ako sa tabi mo tsaka binigay yung baso na may tubig.

"Ayoko na mag aral Seul kakapagod buhayin mo nalang ako" sabi mo still looking at the wall tapos ininom yung tubig.

 

Natawa ako bigla. 

 

"ayos ah, pwede din" Kinuha ko yung baso tsaka nilagay sa mesa malapit sa higaan ko. "So is that a yes na?"

Tumawa ka tapos unti unting humiga.

"Sira" Tinapik mo yung space sa tabi mo. "Lika dito"

Agad ko naman sinunod utos mo at humiga sa tabi mo. Pareha na atong nakatunganga sa ceiling, inienjoy ang katahamikan.

Then tinawag mo 'ko tapos dahan dahang inabot yung kamay ko tapos pinagsalikop mo ito.

 

"Seul don't get tired of me please" you whispered as you stared at our intertwined fingers. I looked at you na parang nababaliw ka na ata.

"Tinamaan ka na naman ba ng saltik ha? Pinagsasabi mo jan. 'Ding hindi ako mapapagod sayo Joo tandaan mo yan" nakasalubong yung mga kilay ko'ng nakatingin sayo while you smiled at me.

Yung genuine na smile ba.

 

"Your friends don't like me."

"So? Sila ba sasagutin mo?"

"I still don't think introducing me to your mom is a great idea"

"I'll let it pass. Next time nalang pag tayo na talaga"

"I'll get busier once I graduate Seul, it'll be hard for you to--"

 

Ang arte mo'ng conyo ka.

 

"Dami mo satsat. Di mo pa nga sure kung papasa ka sa board exams"

"Hey!"

 

Pinalo mo ko.

 

"Joke lang ito naman. Of course you'd pass ikaw pa. Point is Joo, even though we'll get busier when that time comes, I think we would always find time for each other naman." sabi ko while looking at the ceiling. Naramdaman ko yung pag usog mo palapit sakin till na feel ko yung chin mo sa balikat ko at yung mainit mong hininga sa leeg ko.

 

 Mama pigilan mo ko.

 

"What did I ever do to deserve you?" sabi mo pa tapos tuluyang sinandal yung noo mo sa may pisngi ko.

"Binigyan mo 'ko ng lemon square nung entrance exam kasi akala mo sa department nyo ko nag apply" then you laughed. Medjo nakakabingi kasi sobrang lapit mo sa tenga ko pero still worth it kasi ako lang talaga nagpapatawa sayo ng ganyan ka lakas aside sa family mo.

 

Then we went s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
notseoyounghoanymore
I lost touch thats fosho. will try to get better at writing again. support #SEULO and #RV comeback!

Comments

You must be logged in to comment
_rtempest
1027 streak #1
Chapter 3: AWWW 🥹🥰
Hisseulgi_
#2
Chapter 4: cutee
Kylie_123 #3
Chapter 6: Hahahahihihi kilig naman sa last line 😂🥰
Moksy23
#4
Chapter 9: Ang ganda authornim ❤
_m3owrene
1023 streak #5
Chapter 3: Angggg sweeet
_m3owrene
1023 streak #6
Chapter 6: Ang cuteeee 🥺🥺🥺
howdoyouknowmee
536 streak #7
Chapter 8: Hahaha leche yung icing hahah
infp23
#8
Chapter 8: HAHAHAHA NATATAWA AKO SA MURAHAN KASI GANUN DIN AKO:))))

HUHU SANA MAY UPDATE ULI :P GANDA EE
PurpleCABBAGELover
#9
Dami ko tawa dito
Patuloy mo po author, ang ganda
Icmck001
#10
Chapter 7: Pucha natrigger ako dito ah. Sapul sakin yung bumagsak sa thesis (dahil sa lecheng kagrupo at mga kamalasang nangyari last minute) at di gagraduate on time. Fresh pa ng wound sis T^T 3 weeks nakong di lumalabas ng kwarto at sa ff na lang kumakapit

Pero laughtrip pa rin haha