No longer in denial

Back To Strangers

Katatapos lang ng game and guess what panalo kami!! Syempre di ko hahayaang matalo ulit kami, Sakit kaya nun sa pride haha joke pero syempre nakakahiya din naman para sa school namin... naalala ko tuloy nung first game ko.  

Andito na naman si MIke. Buti pa siya andito samatalang si Ronnie wala. Pasaway talaga yun.

 

Tumabi sakin si Mike "Alam mo ba hindi pa ako nag b-breakfast" Sabi niya sabay siko sakin. Ang random naman ng lalaking toh.

"Ako nga din eh" 

"Sakto. Halika mag seven eleven tayo"

Yan na naman siya sa ngiti niya eh. Sino ba naman makakatanggi diyan "Sure"

"Uy! Ako din" Sabat ng isa kong ka teammate. "Ako din" Singit pa ng isa kong ka-teammate. Edi lahat na! 

"Lahat na lang tayo!" sabat ng team captain na tuwang tuwa pa.

Huuu? Lahat na nga? Narinig ba nila nung sinabi ko?! JOKE LANG!! Akala ko pa naman kaming dalawa lang ni MIke huhu .

"Oh kaninong transpo?" tanong ni team captain

"Akin na lang" volunteer ni De Guzman 

"Okay. Let's go" sabi ni team captain with matching hand gestures pa na akala mo naman siya si Dora. Ang sama ko bwahaha

 

Nagsialisan na sila pero ito ako, hinahanap wallet ko.

"Mia! Let's go?" Sabi ni Mike

"Sunod na lang ako, hinahanap ko pa wallet ko eh"

"Hinatayin na lang kita :)"  kiligin na ba ako guys? 

"Crap naiwan ko wallet ko. 150 lang dala ko"

"Ayy" Sagot niya with simangot. Seryso ba toh. Si Michael De Guzman, ang crush ng bayan, sumimangot?! Ang cute! Sarap pisilin ng muka niya haha.

 

Dumiretso na kami sa kotse. Wow, wala ng space sa likod. Na-occupy nila lahat. Balita ko kasi kami ni Mike nag-aya haha "Uhm. San ako?" tanong ko.

"Gusto mo dito ka na lang sa harap. Tabi tayo" alok ni Mike. Tatanggi pa ba ako? Yan na nung biyaya oh.

"Mia dito ka na lang oh, kasya ka pa naman eh" sabi ni team captain

Ay sayang naman. Chance ko na yun eh  "Ok" sagot ko. Forever singet talaga to si team captain hay.

Pagkatapos ng biyahe, pababa na ako ng van kaso antaas ng van eh. Biglang inalok ni Mike yung kamay niya. Tengene ang sweet huhu.

"Tch. Tabi nga!" Sabi ko sabay tapik sakanya. Bumaba na lang ako ng van at nilagpasan siya. Nakakahiya kaya!

Nang asa loob na kami, kumuwa lang ako ng bottled water tapos luminya na. Bibili na lang ako ng rice toppings. Nang ako na ang magbabayad, bigla ba naman akong tinulak ni MIke sa gilid. Well di naman tulak, pina-move lang. "Anong gusto mo diyan?" tanong niya. Ang weird niya din eh noh.

"Yun na lang" sagot ko sabay turo dun sa parang picture ng food.

"Uhm dalawa pong order ng ganun and....." bigla siyang tumingin sa hawak-hawak kong tubig tas bigla niya tong kinuwa sakin. "Oh and this" sabay bigay sa lalaking nagbebenta ang tubig ko. WAIT! So ako pa ang manglilibre, buti na lang kasya sa 150. Aabot ko na dapat pera ko pero nakabayad na pala siya.

"Oh. Bakit mo binayaran?" tanong ko

"Libre ko na toh"

"Hu? Ehh wag na. Here, take it" sabi ko sakanya sabay abot ng 150.

"Ang kulet! Oh, bitbitin mo na lang toh" sabi niya sabay abot ng water ko. "Let's go!" dagdag pa niya sabay akbay sakin. Yan na naman tibok ng puso ko! Lumabas na kami ng store at bumalik na sa school

 

 

Dinimiss na kami ni team captain, naka-alis na sila lahat, ako na lang natira, inaayos ko pa gamit ko eh.

"Uhm. Mia!" tawag sakin ni Mike

"Ohh?"

"Uuwi ka na ba agad?"

"Uh hindi pa. Tetext ko pa nung susundo sakin eh" Matapos kong sabihin yun. Para siyang nabunutan ng isang malaking tinik at ngumiti. Tulungan niyo ko yan na naman nung nakakamatay niyang ngiti.

"Good! Chatime tayo. My treat hehe"

12 pa lang naman. Maaga pa.. "Okay" sagot ko na hindi masyadong pinapahalata ang pagkatuwa.

Transpo niya ginamit namin. Nung papunta kami, wala. Usap-usap lang, tawanan. Mabait din naman pala diya eh. 

Andito na kami sa chatime, nung sa Pioneer. Ang awkward lang kase kaming dalawa lang kaya pag tiningnan mo, para kaming couple.. kriket kriket. Ano ba yang mga iniisip mo Mia umayos ka nga.

 

"Uy! Mia!" tawag sakin ni Mike. Kanina pa pala niya ako tinatawag. Nakakahiya :))

"Ah. Oh. Bakit?" tanong ko

"Kanina pa kita tinatawag. Bat ka ba natulala? Ano bang iniisip mo? Ha?" sabi niya sakin habang humahalaklak.

Nakakahiya naman kung sasabihin kong iniisip ko na muka kaming couple diba "Ahh. Wala hehe"

"Uhm MIa. Boyfriend mo ba si Ronnie?"

WHAT?! Nasamid ako dun ah. Muntik na ma-stuck nung isang buong pearl sa lalamunan ko. Ehem ehem

"Mia! Okay ka lang?" sabay pat sa likod ko

"Ano ba yan! *cough* Ano ba naman kasing *cough* tanong yan?!! Alam mo ang random mo talaga minsan eh noh"

"Nagtanong lang eh. Lagi kase kayong magkasama tas parehas pa kayong varsity, trainee nga lang siya"

"Hindi! Close lang talaga kami"

"Hmm. Okay"

"Eh ikaw? Do you have a girlfriend?" tanong ko sana wala

"Uh yeah. Her name's Andrea"

BOOM! May girlfriend na pla siya. Para akong natapunan ng malamig na tubig. Wait, Andrea. Processing..Processing...Ah!  "As in Andrea from *insertnameofschoolhere*?"

"Yeah"

"Oh I know her. Friend siya ng cousin ko" small word.

"Medyo nagkakalabuan na nga kami eh" biglang lumungkot mukha niya.

"Do you love her?" ano ba namang tanong yan.. malamang -.-

"I.. I do ang hirap lang kasi ako na lang nung laging gumagawa ng paraan para mag work out nung relationship namin. MInsan nga gusto ko na lang sumuko eh."

"Ganun talaga. Mahal mo eh" naspeechless ako. Grabe pala siya magmahal. Mali pala ang iniisip ko sakanya. Nagseseryoso pala siya sa relationship.

 

 

"Hindi ka pa naman uuwi diba? Mall tayo" alok niya

Anong oras na ba? 2 pa lang. Maaga pa. "Sige!" since wala naman akong ginagawa sa bahay

 

 

Andito na kami sa mall. Naglalakad-lakad, pinagtitinginan nga kami eh. Kainis, sarap sundutin nung mga mata. Hindi, joke lang! Mabuti po akong tao. BIglang napatigil si Mike nung nakita niya nung taho.

"Gusto mo?" alok niya

"Ah wag na. Di ako kumakain ng taho eh" for some reason, ayoko lang talaga ng taho.

"May coins ata ako dito eh" pinasok niya yung kamay niya sa pocket ng jacket niya. "Pag ito umabot ng 20 pesos, you'll have to eat taho, okay. Deal?" dagdag pa niya sabay taas ng kilay.

Ang babaw din pla ni Mike noh. "Game" Hahaha di naman siguro yan aabot

"17....18....19" bilang niya, kalikot sa pocket "And 20!" seryoso?! Umabot? Kung minamalas ka nga naman

 

Eto ako ngayon kumakain ng taho at halos mangiyakngiyak na huhu joke oa. Pero ayoko kasi talaga ng taho. Nakatingin lang sakin si Mike "Kung hindi mo talaga kaya, pwede mo naman ng itapon eh" sabi ni Mike

"Hindi. Okay lang, onti na lang naman eh" actually wala pa nga sa half nung nakakain ko 

"Tsss. Wag na! Akin na!" sabi niya sabay agaw ng taho tas tinapon niya. "Let's go?" alok niya. Tiningnan ko lang siya. Loko to ah, taghirap na kaya ngayon"Tch. Halika na!" Bulong niya sabay akbay sakin. 

 

 

Andito kami ngayon sa movie house "Ba't tayo andito?" tanong ko

"Malamang manonood ng movie" onga naman. Nabo-bobo na ba ako? huhu 

Pumili na kami ng movie, horror hehe. Nilibre niya na lang ako. Hayy, nakakahiya naman. Kanina pa niya ako nililibre. Nung nanonood na kami ng movie bigla niyang pinisil kamay ko. Mukang natakot ata. Medyo halata din kasi na natakot siya eh. Ang cute niya tingnan, para siyang bata. Habang nakatingin lang ako sakanya, may narealize ako. Kung dati in denial pa ako sa feelings ko sakanya, ngayon hindi na. Hindi ko alam kung mahal ko siya kasi parang masyadong mabilis eh pero ang alam ko lang gusto ko na siya. Nakatitig lang ako sakanya ng bigla siya humarap sakin at nagsmile. Bumilis bigla tibok ng puso ko dug dug dug dug dug dug.. Gusto ko na nga talaga siya. 

 

 

Natapos na nung movie tas trineat niya ako ng siomai. Nag c-crave daw kasi siya ng soimai eh tapos sabi niya masarap daw nung soimai kung san siya bumubili pero sa totoo lang nung natikman ko.. di ko masyado nagustuhan. Pero syempre di ko yun sinabi tapos trineat niya naman ako ng ice cream. PInilit ko nga na ako na lang magbayad eh kaso ayaw niya. Sabi pa nga niya na sa lahat ng taong nakilala niya, ako lang daw nung ayaw magpalibre. Eh hello? Ikaw kaya ilibre buong araw. Nakakhiya kaya

 

Nagpahatid na lang ako sa school kasi dun na lang ako magpapasundo. Pag dating namin sa school, andun nung mga iba niyang friends.Nauna na siya kasi wala pa nung sundo ko eh tapos mamaya-maya bigla siyang bumalik. "Oh? Ba't ka bumalik?" tanong ko

"Hindi kasi kita matiis eh!" sagot niya then wink

"Lul ha ha ha" anobaaa! Tengene Mike naman eh. Pinapakilig ako ng wala sa oras eh 

"Mehehe. Hintayin na lang kita maka-alis tas uwi na din ako" sabi niya sakin tas upo sa tabi ko 

"Ikaw. Bahala ka" sagot ko. Nakakatunaw naman nung mga tingin ng mga kaibigan niya. Alam niyo nung parang tingin na na c-curios kung anong meron. Hayy Mike kasi eh. After ng ilang minutes dumating na sundo ko. Nag flashback lahat ng nangyari sakin kanina. Simula dun sa 7/11 hanggang dun sa school. At narealize ko na naka survive ako ng buong araw ng walang wallet.. at gusto ko na nga si Mike.

 


 

I know.. the title's lame hahaha. Well it's always lame sorry haha

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
LoiLoi
I'll edit all of the chapters before I post chapter 11. I hope you still remember this story huhu

Comments

You must be logged in to comment
il0stmymind
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
DayDreamer_
#2
Chapter 10: Ngayon ko lang nabasa 'to .____. shet, iyak muna ako.

------ //after wailing and sobbing

Hi Unnie! Late ko na po nabasa kasi naman ang daming schoolworks eh -.-" Anyway, ang ganda po ng update nato kahit sobrang sad ko para kay Mia. iNtense na ang labanan nina Andrea at Mia. Sana naman happy ending para kay Mia. Update soon, Fighting!
shippu
#3
Chapter 10: SAKLAP KASIII. I feel you, Mia. Mahirap magka-crush sa taong taken. ;~~; Update soon!! At kung ano namang balak ng pagmakeup ni Mike dun sa supposed lakwatsa nila, it better be good. *glares at Mike* Ulet, update! ^-^
R0507J #4
Chapter 9: Update!!! Please?! Huhu more mia and mike fles :(( kaHB to :'(
shippu
#5
Chapter 9: Dayummmm. "No it's alright :) Di pa naman ako nakakaalis :)" AWWWW ;A;
Saklap. Epal you, Andrea :( Ito naman si Mike, hindi makahindi sa gerlpren... Update soon!! ^^
DayDreamer_
#6
Chapter 9: <///3 ang saklap nakakainis!!!!! andrea, ibabaon kita sa lupa! ang mean niya dito ha!!
Unnie, kinikilig ako :))) thanks ginamit mo yung poster \m/
Update sooooon! Sembreak mo naman eh :) pinepressure yata kita... =))
Hay nako, Mia. Hug nga kitaaaa!
thanks for the update :)
sunset-coffee-cup
#7
ganun di ako pag may problema, laging . . . "bahala na nga bukas" . . . hahaha, kawawa naman si Mia, familiar yung story ni Ronnie, I have a classmate, gustong-gusto niya yung mas senior sa amin, Ronnie din ang name . . . hahaha wala lang naalala ko lang . . . :-) Update soon!!!!
sarahflyy
#8
Ouch. Lil sis. Wag kasi magassume. -_- /teary eyed. HAHAHA
shippu
#9
Ouch bro... Lil sis -__-
Lol. Ako din ganyan! Hindi ko nasasave =)))) Tapos nawawala na yung kilig mo habang nagttype -_- Nyehe.
I'M EXPECTING A COUPLE RUBBER SHOES!! :") Eeeeeeeep~
Hahaha :))
UPDATE SOOOOON~
DayDreamer_
#10
Ay ang saklap...hanggang kapatid lang turin ni Mike kay Mia :(( at least nga friends sila eh :) oh well, nako! Magg-graduate na si Mike? Pano na si Mia? First year palang kasi :( =))) update soon :-)