Kiss Kiss
Back To StrangersAndito ako ngayon sa may field pero nakaupo lang ako. Ansakit kase ng ulo ko eh, nagkabukol ata ako eh
-Flashback-
Naglalakad kami ngayon pabalik sa classroom. Hayy amboring ng life.....lakad.....lakad.....lakad......*Dug*
". LA" sigaw ko sakanya
"DI lang ikaw nsaktan" sagot niya sabay simangot. Yan na naman siya sa simangot niya. Kase naman, di nag-iingat. Asa harap ko kase siya,yan tuloy nung bigla siyang humarap, nagkauntugan kami ng ulo. Putek ang sakit.
"Amy, Yana! Clinic tayo, ang sakit ng ulo ko eh" alok samin ni LA. Ayoko sana magskip ng classes kaso ang boring eh tsaka ansakit din ng ulo ko. Sige na nga.
Naglakad na kami papunta sa clinic... "San kayo pupunta?" tanong ni Tiff
"Una na kayo sa classroom ni Ronnie" sagot ko "Tsaka pag may nagtanong kung asan kami, sabihin mo asa clinic" dagdag pa ni LA
"Ok bye" sagot ni Tiff
-End of Flashback-
Eh tas nung asa clinic kami, binigyan lang kami ni Miss N (Miss N means Miss Nurse kasi kadalasan ate nurse lang lagi tawag sakanya, di sa totoong pangalan niya) ng ice tas pinagstay sa clinic ng 10 mins. Pati sa 'Miss N' ni LA, nahahawa na ako. Pauso kasi yun eh. Huhuhu ansakit ng ulo ko. Sorry coach.
"What's up??" napatalon ako sa inuupuan ko
"Nakakagulat ka naman" Sagot ko ng masungit kay Mike. Kagulat kasi eh. Nagmumuni-muni pa ako dito tas bigla siyang susulpot "Sorry" Sabi niya ng nakangiti. Ang cute. Hayy Lord, ilayo niyo po ako sa tukso!
"Oh? Ano ba kailangan mo?" tanong ko
"Wala naman. Ba't ansungit mo? Haha" sagot niya with tawa effect.
"Di kaya ako masungit" sabi ko with pout. Ginaya ko lang nung laging ginagawa ni LA Mehe .Aray! Sumakit ulit ulo ko bigla "Tumahimik ka na nga. Masakit ulo ko!" dagdag ko pa sakanya....
.....
Bigla niyang hinila ulo ko tas sinandal sa balikat niya. "U-uy! A-ano bang g-giganawa mo? H-ha?!" Mautal-utal ko pang sinabi habang tinatanggal ang ulo ko sa balikat niya pero ayaw niya magpatalo eh
"Sabi mo masakit ulo mo. Wag ka na magulo!" sagot niya pero pilit ko pa ding tinatanggal ang ulo ko sa balikat niya kaso mas lalong sumakit ulo ko kaya hinayaan ko na lang.
Okay naman, medyo nawala na pero after 1 min "Aray!" sigaw ko sabay hawak sa ulo ko. Ewan, bigla na lang sumakit ulit eh. Biglang nilapit ni Mike nung bibig niya sa tenga ko "Masakit pa din? Gusto mo ikiss-kiss ko?" bulong niya... wtf huhu.
Tinulak ko siya, mukang napalakas nga eh. "HAHAHAHA Jk lang. Tingan mo oh, pulang-pula ka na haha. Pero seryoso, gusto mo ikiss-kiss ko?" sabi ni Mike
[A/N: Hindi yan nung parang ki-kiskisin na "scrape" or "erase by rubbing" something ganun :)))) Ikiss-kiss as in "Kiss"... "Muah"..."Chup chup" :)))) Gets?]
"Gagu ka! Umayos ka nga Mike" Aba, tumawa lang. Pagkatapos niya tumawa, nilagay niya ulit ulo ko sa balikat niya
"Haha jk lang. Di ko na po uulitin" Sabi niya.
Tsss pinilit kong tanggalin nung ulo ko sa balikat niya pero "Wag ka na makulit! Para mawala na yang sakit ng ulo mo" Sabi niya in serious tone kaya hindi na ako pumalag. May naalala tuloy ako.
-Flashback-
Nag makalabas kami ng clinic "Tara! Playground tayo :)" Alok ni LA. Actually routine na namin yun. Pagkatapos mag-clinic, daan sa playground. Gustong-gusto kasi ni LA dun, di ko nga alam kung bakit eh. Parang bata din kasi yun minsan.
"Ok" Sagot ni Amy.
Nang naglalakad na kami sa playground, "Musta kayo ni Mike?" tanong ni LA
"Bakit mo naman natanong?" sagot ko
"Wala lang. Interesado lang haha. Feeling ko kase magkakagusto ka sakanya eh" Sabi sakin ni LA
"Hinid yan!" Confident kong sinabi
"Hindi naman kasi yun imposibleng mangyari. Feeling ko din eh" dagdag ni Amy "
Ewan ko. Di naman kami ganun ka close eh" sagot ko.
"You'll never know Yana" Sabi ni LA. After nun tahimik na lang kami
-End of Flashback-
Bumilis bigla tibok ng puso ko! Posible nga bang magkagusto ako sakanya? Wag naman sana.
Comments