payong

Description

Makalipas ang dalawang taon ay mahal na mahal pa rin ni Kyungsoo si Chanyeol, ang kaisa-isang bestfriend niya at kaisa-isang taong minahal at mamahalin niya.

Foreword

Inutusan si Kyungsoo ng nanay niya na bumili ng ulam sa kanto malapit sa school niya noong elementary pa siya. Malakas ang ulan sa labas kaya naman nagdala siya ng payong, mabilis kasi siyang magkasakit. Habang papauwi na si Kyungsoo dala-dala ang chicken curry at toge na paborito niya ay may nakita siyang dalawang batang lalaking nagtatawanan habang nakasukob sa iisang payong. Maliit kasi ang payong na gamit nila at kahit anong gawin nila ay nababasa pa din sila dahil sa lakas ng ulan. Si Kyungsoo naman ay napatulala sa dalawang batang lalaki. Chanyeol. Tila namiss niya na naman ang kanyang kababatang si Chanyeol.

 

Nasa pre-school pa lang sila ay kilala niya na si Chanyeol. Magkaibigan kasi ang kanilang mga nanay. Naging malapit sila sa isa't isa nang lumipat ang pamilya ni Chanyeol sa katabing-bahay nila. Simula noon ay hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Si Chanyeol yung batang pagkagaling pa lang sa school ay diretso na kila Kyungsoo at uuwi lamang kapag tinawag na ng mommy niya.

 

Pagdating ng elementary ay magkaklase pa din sila ni Chanyeol. At mas naging close sila sa isa't isa. Minsan nga ay napagkakamalan silang magpinsan dahil sa bawat okasyon ay magkasama silang dalawa.

 

Hindi ugali ni Chanyeol na magdala ng payong at kabaligtaran naman niya si Kyungsoo. Si Kyungsoo kasi laging handa. Laging may dalang payong yan dahil ayaw ng nanay niyang nangingitim siya at nauulanan. Kaya naman tuwing umuulan, "Soo, sabay tayo wala akong payong e." At tuwing umuulan, basang-basang uuwi ang dalawa dahil ang ang hirap pagkasyahin sa iisang payong ang matangkad na Chanyeol at maliit na Kyungsoo.

 

"Minamalas ka nga naman. Utang na loob Yeol highschool na tayo magkaklase pa din tayo? Kailan mo kaya ako lulubayan no?" Biro ni Kyungsoo kay Chanyeol.

"Hoy Soo makapagsalita ha. Kapag ako umalis iiyak ka din naman"

 

Biro lang naman yon, pero bakit tinotoo ni Chanyeol? Bakit siya umalis ng ganun-ganun lang? Bakit tila kinalimutan niya na lahat ng pinagsamahan nila ni Kyungsoo?

 

Retreat ng batch nila noong napagdesisyunan ni Kyungsoo na umamin na kay Chanyeol. Hindi niya alam kung kailan nagsimula pero mahal niya na si Chanyeol at hindi niya na pwedeng palipasin pa ang oras na ito. Mag-aaral kasi ang lalaki sa UPLB sa kolehiyo, ito ang unang beses na magkakahiwalay silang dalawa. Kaya naman para kay Kyungsoo, "It's now or never na."

 

Nasa loob na sila ng kwarto, may anim na double-deck. Si Chanyeol sa taas, si Kyungsoo sa baba. Pero etong si Chanyeol biglang bumaba, "Soo, tabi tayo hindi ako makatulog e." Okay, sabi ni Kyungsoo sa sarili niya. Ito na siguro ang chance niya. Nakikisama ang tadhana sa pag-amin niya.

 

"Yeol"

"Hmmm?" Sagot ni Chanyeol habang nakapikit.

"Tulog ka na?"

Humarap si Chanyeol kay Kyungsoo.

"Bakit?"

Eto na. Eto na talaga.

"Yeol"

"Ano?"

"Chanyeol"

"Soo utang na loob ano nga? Maaga pa tayo bukas"

"Chanyeol" Ramdam na ramdam niya na ang bilis ng tibok ng puso niya.

"Bakit nga? Ano ba kasi yun?"

"Mahal kita, matagal na." Bulong ni Kyungsoo.

"Ha? Laksan mo naman"

"Sabi ko," tumingin si Kyungsoo sa paligid niya, tulog na ang lahat, "sabi ko, mahal kita, matagal na"

"Ako din Soo"

"Hindi yun. Mahal kita higit pa sa kaibigan."

"Oo nga, parang magkapatid diba?"

"Yeol," humarap na si Kyungsoo ngayon kay Chanyeol, "ganito," unti-unting pinaglapit ni Kyungsoo ang mga mukha nila ni Chanyeol pero biglang tumayo si Chanyeol.

"Matulog ka na. Maaga daw tayo aalis bukas." Umakyat na si Chanyeol sa upper part ng double-deck.

 

"Matulog ka na. Maaga daw tayo aalis bukas." Ito ang huling sinabi ni Chanyeol kay Kyungsoo. Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi na muling kinausap ni Chanyeol si Kyungsoo.

 

At ito ngayon si Kyungsoo, matapos ang dalawang taon, ay patuloy at patuloy pa ring nagsisisi sa pag-aming ginawa niya kay Chanyeol. Siguro kung hindi siya umamin, hindi siya malulungkot sa nakikita niya ngayon. Siguro kung hindi siya umamin, hindi masasakit na alaala ang tumatakbo sa isip niya habang tinititigan ang dalawang batang nagtatawanan na magakasukob sa iisang payong. Siguro kung hindi siya umamin, pinaglayo man sila ngayon ni Chanyeol ng tadhana dahil sa pag-aaral nila ay patuloy pa rin silang magiging masaya sa piling ng isa’t isa. At  siguro, kung hindi niya pinairal ang nararamadaman niya para kay Chanyeol, hindi mawawala ang kaisa-isang bestfriend niya, hindi mawawala ang kaisa-isang taong minahal at mamahalin niya.

kyunginja
Hi guys~ it's almost a month since I uploaded "payong"'s first chap. Anticipate chapter 2 tomorrow

Comments

You must be logged in to comment
almostalwaysclueless #1
Chapter 1: Wow! This is the first Tagalog ChanSoo fanfic I've ever read!!! Thank you, am so happy kasi fellow Pinoy na ChanSooist! ?
Ariana_ChanSoo
#2
First Tagalog chansoo na nabasa ko . huhuhu sana marami pa
J_Range
#3
HALA ATE MASAKIT OMAYGOSH?#?#?#??#?#?!?#?