Need you now (Seulrene)

Para kay. . .

Listen to this song while reading para feel na feel nyo . haha 

Play : https://www.youtube.com/watch?v=9picrMS830c  

------------------------------------------------------

Di ko na matandaan kung saan nagsimula yung away natin bigla na lang nagpaalam ka sa akin bitbit mo yung isang malaking bag na malamang puno ng damit mo . 

Umiiyak kang umalis , gusto kitang habulin pero wala na akong lakas para gawin yun . 

Yung adobong baboy na niluto mo kanina lumamig na, di ko na rin natikman nawalan na ako ng ganang kumain  . 

Mag aalas otso na ng gabi pero di ka pa rin bumabalik malamang umuwi ka muna sa inyo o baka nakituloy ka muna sa mga kaibigan mo . 

Ito na ata yung isa sa pinakamalalang away natin sa loob ng 5 years na magkasama tayo ito pa lang yung pangalawang beses na naglayas ka . 

Yung nabasag na baso kanina , nasa sahig pa rin di ko na nagawang linisin . 

Nang hihina na ako . Napaisip ako 

Tangina did i messed up big time this time ?

Paano kung di ka na bumalik ?

Masyado ka kasing selosa minsan eh sinabi ko naman sa yo na kaibigan ko lang si Yooa . 

Hindi porket madalas kaming magkasabay mag lunch sa trabaho ay may namamagitan na sa aming dalawa . 

Araw araw ko namang pinaparamdam sayo na ikaw lang hyun , ikaw lang yung taong nagparamdam sa akin nito . 

Mahal na mahal kita . 

Paulit ulit na nagrereplay sa utak ko yung mga salitang sinabi mo bago ka umalis

"Seul kung may iba ka na please ako na lang ulit piliin mo ?"  minsan talaga di ko maintindihan kung saan nangagaling yung pagigiing selosa mo .

Sa ating dalawa ako dapat yung matakot .

 sobrang ganda mo , matalino ka  at mabait kung may chance na meron mawala sa ating dalawa iniisip ko ikaw yun. 

--------------------------------------------

Kinuha ko ang dust pan at walis sa may sulok .

Nilinis yung nabasang na baso alam ko kasing ayaw mong nakakakita ng kalat sa bahay . 

Baka lalo ka lang magalit pag umuwi ka tapos nandito pa rin to.

Naligo ako , nag bihis ng pang alis na damit  . 

Calling Byul 

"hello Byul busy ka ba ngayon ? "

"Hindi nama par bakit ? "

"Inom tayo "

"May problema ba par ? pero sige same place "

"Thank you par "

-------------------------------------------------------

Mag- aala una na nung hinatid ka ni Byul sa bahay mo . 

Sobrang dami mong nainom na hindi mo naman usually ginagawa halos magkanda suka suka ka na sa sasakyan ng tropa mo buti na lang at may nahintuan kayong bakanteng lote at doon ka na nagsuka . 

Nakahiga ka sa kama 

kahit nahihilo ka dahil sa kalasingan si Joohyun pa rin ang nasa isip mo

, wala pang isang araw pero namimiss mo na sya , yung  medyo mahinhin nyang boses pag nagsasalita pero malakas pag tumawa ,

Namimiss mo na rin yung mabango nyang amoy at yung malalambot nyang mga labi  . 

Tinatanong mo rin ang sarili mo kung ayos lang ba sya , kung nagdinner na ba sya or kung tumahan na ba sya sa pag iyak . 

Kahit lasing ka ngayon nararamdaman mo na yung mangingilid ng luha mo , yung luha na kanina mo pa pinipigilan . 

Inabot mo yung cellphone mo sa may side table. 

Dinial yung number nya . 

Mabilis ang pag tibok ng puso mo . Alam mong nagbabakasakali ka lang ngayon , baka galit pa rin sya sayo at hindi nya sagutin ang tawag mo o baka naman tulog na sya at nagpapahinga . . 

Mga 3 beses pang nagring nag finally you heard her voice. 

"Hello"  medyo paos at malungkot na sagot nya sayo , halatang galing sya sa pag iyak . 

Saglit kang natahimik kasi hindi mo kayang marinig o makita na malungkot si Joohyun parang pinipisil yung puso. 

"Nasan ka ngayon?" mahina mong tanong sa kanya kabaliktaran kung paano mo sya napagtaasan ng boses kanina bago sya umalis ng bahay nyo . 

Mga halos isang minuto na pero hindi pa rin sumasagot sayo si Joohyun , saglit mong tinignan yung screen ng telepono baka kasi binabaan ka na nya pero nakita mo ang pag andar ng oras sa screen

nasa kabilang linya pa rin sya . 

"Hello hyun " 

"I'm with Wendy , dont worry about me " sagot ni joohyun 

"H- hyun i-im s-sorry , please umuwi ka na I need you "  naramdaman mo na ang tuloy tuloy na pag iyak mo.

"hyun i swear walang iba I love you so much and i can't even think na gagawin ko yun sayo. Mahal na mahal kita baby  ,

Umuwi ka na please "  nahihikbi mong pagmamakawa kay Joohyun . 

Di mo na namalayan na nakatulog ka na pala kakaiyak habang yakap mo yung telepono mo. 

----------------------------------------------------------

Masakit ang ulo mo , pilit na minumulat ang namamagang mata . 

Nakaramdam ka ng medyo basa at mainit init na tela na magaang dumadampi sa bandang noo mo . 

Nagbalik ka ulit sa pagtulog . 

----------------------------------------------------------------

Hindi mo na alam kung anong oras ka nagising pero alam mong tanghali na dahil pag silip mo sa bintana nakita mo na ang tirik na tirik na sikat ng araw . 

Nabaling yung atensyon mo sa ingay sa labas ng kwarto , naririnig mo ang mahinang tunog ng para bang nag hihiwa . 

Nakaramdam ka ng kaba , takot at excitement . 

Hindi mo talaga maalala yung ginawa mo kagabi , kinuha mo yung cellphone mo , nakita mo yung 1 outgoing call na ginawa mo kagabi . 

Lumabas ka ng kwarto , nag lakad papuntang kusina . 

Nakita mo yung maliit pero reliable na likod ni Joohyun . 

You miss her , 

Matagal kang nakatitig , 

Naramdaman nya siguro ang bigat ng pagkakatitig mo at humarap sya sayo may gulat sa kanyang mata , bumababa ang tingin nya  sa sahig , nakita mo ang lungkot sa kanyang mata. 

Dahan dahan kang lumapit , hindi sya lumayo , niyakap mo sya ng pagkahigpit higpit . 

Bigla mo na namang naramdaman yung pagtulo ng luha mo . 

"Hyun I'm really sorry , I love you , wag mo kong iiwan please "Paulit ulit mong salita habang akap akap sya . 

Ngayon mo tuluyang naramdaman ang takot na baka natauhan na si Joohyun at tuluyan ka na talaga nyang iwan. 

Pero nawala ito ng niyakap ka rin nya ng mahigpit . 

Saglit kayong kumawala sa bisig ng isat isa . 

Pinahid nya ang mga luha sa pisngi mo . 

"Baby Sorry din kasi sobrang selosa ko and i know im childish sometimes pero hindi ko lang talaga kayang  mawala ka sa akin Seul , I need you " sagot nya sayo 

Hinawakan nya ang mga pisngi mo at unti unting lumapit . 

Nag tagpo ang inyong mga labi .

"I need you more baby" sagot mo dito . 

" I need you moreeeeeeeeee Seul " naasar na sagot nya sayo , natawa ka na lang din kasi kahit kelan napaka competitive ng girlfriend mo . 

"okay ganto na lang we both need each other " sabay hinawakan mo ang kanyang mga kamay at hinalikan ito . 

 

THE END 

-------------------------------------------------

yun ohhh first one shot story ko to :D 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
540 streak #1
Chapter 1: Ayy perfect huhuhu nakakaiyak yung sakit pero in the end alam naman nating SEULRENE pa rin