‘Pag planado, hindi pulido

Wala na sanang lalayo, Mundong ito ay hihinto

Cancelled lahat ng afternoon classes. May GA.

Maka-ilang beses mong binasa yung text message na kaka-receive mo lang. Baka kasi biro lang, or wrong send. Pero sa mga ganitong class schedules kasi, hindi nagbibiro ang kaklase mong si Byul.

Strict kasi ang schedule nun. Pero mas strict ang girlfriend.

Sumulyap ka sa bintana ng tren na sinasakyan mo, pilit inaaninag kung saang station ka na parating. Kahit malabo ang mata’t medyo nakakahilo, sige pa rin. Iniisip mo sanang mag-roundtrip nalang at bumalik pauwi, kaya lang, narinig mo na yung paboritong ding dong ng karamihan, at yung kasunod na paparating na sa Legarda Station sa pinakamahinhin na yatang boses na narinig mo sa buong buhay mo.

Alam mong masyado nang huli. Masyado ka nang malapit sa school para bumalik pa.

Nakakainis. Ang dami mo pa namang dala. Para sana dun sa presentation at submission ng project niyo sa Drafting. Hakot mo pa naman yung lahat ng laman ng drafting table mo sa kwarto.

Mga pencils, iba’t-ibang klase ng rulers. Yung t-square mong minana mo pa sa Mama mo na hindi yata normal ang haba. Makakapal na libro na halos hindi na magkasya sa bag mo. Maging yung five months’ worth of drafting assignments na kinailangan mong ipunin sa isang clear folder.

Five months.

Hindi mo talaga namalayang five months na pala simula nung nagstart ang school year (going six na nga yata), at nagsimula ka na rin sa bagong yugto ng buhay mo: ang unang sem ng unang taon mo sa kurso mong Architecture.

Daang mag-isa mo lang direchong tinatahak. Kahit pa alam mong may naiwan ka. Kahit pa alam mong yugto kang hindi natapos.

Kaso ang oras ay parang LRT rin. Hindi tatakbo ng pabalik.

;;;

 

Inabutan mo si Byul na nakaupo sa isa sa mga bakanteng bench malapit sa Main Building. Nakayukyok siya habang nakaharap sa stage na kasalukuyang inaayos para sa assembly maya-maya. Kunot ang noo at hindi maipinta ang mukha. Nakapangalumbaba. Nakasimangot pa nga sa mga estudyanteng nag-aayos ng decorations sa stage, na para bang may nagawang malaking kasalanan sa kanya.

May hinala ka kung bakit mukha siyang pinagkaitan ng tadhana. Pero, dahil mabuti kang kaibigan, tinanong mo pa rin siya. “Oh, sinong aawayin natin?”

Narinig mo yung buntong hininga niya, at gusto mong matawa. Sa sobrang lalim kasi, mas lalo siyang napayukod na akala mo’y biglang naubusan ng lahat ng hangin sa katawan. “Sana kasi sa Educ Auditorium na lang ginawa ‘tong pesteng GA na ‘to e. Edi sana, pwede ko kitain si Yong.”

Sabi mo na nga ba eh. Kaya mukha siyang batang nagmamaktol dahil hindi binilhan ng gustong laruan. Kasi hindi niya masusundo sa Educ Building ang girlfriend niyang si Yongsun.

“Eh diba nagkikita naman kayo tuwing umaga?”

Mabilis niyang inalis ang tingin niya sa may stage at ibinaling sa’yo. Ikaw naman ang may nagawang kasalanan ngayon. “Kanina pa yun!”

“Tapos sabay kayo nagla-lunch?”

Nagsalubong ang mga kilay ni Byul at naningkit ang kanyang mga mata. “Sa tono mo parang may gusto kang sabihin ah? Clingy ako, ganun?”

Matatakot ka sana, kaya lang, mas mukhang nakakatawa yung itsura niya: parang isang frustrated hamster na hindi mabalat-balatan yung kaisa-isang sunflower seed.

Nag-flash sa utak mo yung image na ‘yon. Kaya sa halip na sumagot ka, bigla kang bumunghalit ng tawa. Yung kulay pa kasi ng buhok niya, kakulay ng balahibo ng hamster.

Tiningnan ka lang ni Byul na animo’y nababaliw ka na. Actually, narinig mo pa ngang sinabi niya talaga. Habang nagta-type sa phone niya na hinugot niya mula sa kanyang bulsa.

“Wan, pakihanapan nga ng girlfriend ‘tong si Manang Seulgi. Wala na sa katinuan.”

;;;

 

Nakilala mo si Byul nung first day of classes niyo. Siya yung huling-huling dumating sa Filipino class niyo, na unang subject niyo sa araw na ‘yon. Thirty minutes siyang late, pero isang kindat at mabilis na saludo lang sa noo’y matandang dalaga niyong professor at hindi na yun namarka sa record niya.

(Simula rin nun, lagi na siyang late. Pero dahil hindi rin siya nauubusan ng kindat at ngiti, nakakalusot siya parati.)

Marami pang bakanteng upuan nun, pero, sa tabi mo niya piniling umupo. Hanggang ngayon, hindi mo pa natatanong kay Byul kung bakit. Ngunit minsan na niyang nabanggit na mukha ka kasing mabait, yung tipo na hindi magsusumbong sa professor kahit pa makita mo siyang gumagamit ng cellphone sa gitna ng klase. Bagay na bawal na bawal hindi sundin, pero madalas (araw-araw) niya pa ring ginagawa.

Lunch nung araw ding ‘yon mo nakilala si Kim Yong Sun. Ang high school sweetheart ni Moon Byul Yi.

Isa siyang future special education teacher na nag-aaral din sa university niyo. Maganda. Mahaba ang buhok. Malakas tumawa; na para bang ang tagal niyo nang magkakilala.

Malambing talaga sila sa isa’t isa, kaya kahit paano, medyo nasasanay ka na. Madalas na hindi mo na napapansin, lalo na pag kasama niyo rin si Seungwan, ang best friend mo simula high school pa lang at ngayo’y kumukumpleto sa maliit niyong grupo.

Si Seungwan na kanina pa dapat nandito. Naka-tatlong five minutes bes na siyang reply sa lahat ng text mo, pero halos mag-kakalahating oras na at wala pa rin siya.

Nagsisimula ka nang mainip, lalo na’t halos hindi mo na makausap si Byul dahil naka-glue na ang mga mata nito sa cellphone niya. Naisip mo na namang umuwi nalang. Tutal, wala rin namang kukuha ng attendance niyo sa GA. Dadaanan mo nalang siguro yung prof mo sa Architecture Drafting para itanong kung pwedeng ipasa na yung clear folder, nang mabawasan naman yung mga dala mo.

Hindi ka muna nagpaalam kay Byul. Sa halip, nagtype ka uli ng message para kay Seungwan. San ka na? Uwi na ko. Sabay ka?

Ise-send mo na sana yung text nang siya namang dating ni Seungwan. Mas nauna mong narinig yung pagtawag niya sa pangalan mo bago mo pa siya nakita. Mas nauna mo ring napansin yung matangkad na babaeng hila-hila niya.

Oo nga pala. Ikaw na nga lang pala ang single sa inyo.

;;;

 

Three months and a half ago, nakilala ni Seungwan si Sooyoung sa library ng Main Building. Actually, nadapa si Sooyoung sa harap ni Seungwan, at kinailangan mo pang dumukwang at hampasin si Seungwan ng isang roll ng tracing paper sa ulo para matauhan at tulungan si Sooyoung sa pagtayo.

Mas malapit kasi siya noon kay Sooyoung, habang ikaw, iikot pa sa mesa para lang maabot si Sooyoung.

At, katulad ng lahat ng pelikulang pinapanood ng nanay mo sa Cinema One at PBO, pati na rin sa mga pocketbooks na lagi kang inuutusan ng Mama mo na hiramin sa kapitbahay niyong may parentahan dati, yumuko si Seungwan para tulungan si Sooyoung na pulutin ang mga librong nagkalat sa lapag.

Nagkabanggaan ang kanilang mga kamay sa pagpulot nung huling libro, at nang magdantay ang kanilang mga palad, sabay silang nag-angat ng tingin, hanggang sa nagtama ang kanilang mga mata.

Bumagal ang oras. Tumigil ang ikot ng mundo. Nagpalitan sila ng ngiti, na sa una’y nahihiya kaya’t matipid. Unti-unting itong lumapad sa bawat paglipas ng mga segundo, at tila ba napako na lamang sila sa isa’t isa.

Hanggang sa nagbawi si Sooyoung ng tingin, at sumulyap-sulyap na lang ang mapupungay niyang mga mata kay Seungwan.

Habang si Seungwan naman, binanggit ang mga salitang alam mong hinding-hindi mo malilimutan.

“Ah, Miss. Yung isang butones ng blouse mo, bukas. Ang cute pala ng kulay ng bra mo, no? Neon green.”

(At hinding-hindi mo rin talaga hahayaang malimutan yun ni Seungwan.)

;;;

 

Hindi ka na talaga tuluyang nakauwi. Yung plano mo sanang matulog nalang matapos mong magpuyat ng dalawang gabi ay naunsyami.

Pagkarating palang kasi ni Seungwan at ni Sooyoung, agad na nila kayong hinila patayo sa bench na kinauupuan niyo. Magsisimula na raw kasi yung General Assembly in two minutes. At dahil para ngang nananadya ang pagkakataon, narinig mong inannounce din yun.

“All students, please gather around the stage. We will begin in two minutes,” yakag ng napiling emcee para sa event.

Wala ka na talagang nagawa. Sa mga ganitong okasyon kasi, halos barikadahan na ng mga guards yung bawat gate para walang estudyanteng makalabas. Ang tanging pinapadaan ay yung mga papasok lang. Kahit pa sabihin mong kahuntahan mo na si Manong Guard sa Gate Three na pinakamalapit sa Arki Building niyo. First name basis na nga kayo eh. Pero, trabaho niya ang nakasalalay dito, kaya, who you ka sa kanya for the next hour.

Sumunod ka nalang din kila Seungwan. Si Byul naman ay nagpaalam saglit para puntahan si Yongsun na noo’y kakatapos lang din ng klase. At dahil ayaw mong maging third wheel (fifth pagbalik nila Byul), naghanap ka ng pwesto na kitang-kita yung stage; iniwan silang nasa likod mo. Para naman may magawa ka once na magsimula na yung assembly, at magsimula na rin maglandian yung mga kaibigan mo (as if namang makikinig sila).

Mabait ka at talagang mabuting kaibigan, pero kahit ‘yon ay may hangganan. Payag ka pa sa linked arms at holding hands.

Pero, you, Kang Seulgi, draw the line sa forehead to forehead at nose to nose.

In under a minute ay pormal nang nagsimula yung event. Siyempre, mahaba-habang prayer muna led by His Holy Reverend Rector, na maka-ilang beses inulit-ulit ang paghiling ng isang matiwasay na school year. Sinundan pa ng mga ilang Our Fathers, Hail Marys at Glory Bes, at natapos sa halos isang page ng listahan ng mga santong tinawag niya para ipagdasal kayo.

Feeling mo nga, napalapit ka na ng husto sa gates na binabantayan ni San Pedro.

Nagpa-offer din si Rector ng one minute of silence for personal intentions. At nung nagsimula na siyang magsalita uli, akala mo talaga magpo-proceed kayo sa let us pray the Rosary.

Buti nalang hindi. Instead, nagbigay si Rector ng speech, formally welcoming everyone into the new school year. At muli ay nagpaalala na upang magkaroon ng matiwasay na taon, kailangang sundin ang mga house rules na itinakda ng university.

Siyempre, inisa-isa rin nung house rules na yun. Dun na nga inabot ni Father yung mic sa magbabasa, habang yung utak mo, lumilipad na sa rule number one pa lang.

Anong episode ka na nga ba ng The Bride of the Water God? Bakit ba kasi pinili mong mag-binge watch nun kesa unahin yung mga project mo na kailangan mong tapusin?

Nagsisimula mo nang maramdaman ang pagbigat ng mga mata mo, kabayaran dun sa limang episodes na pinanood mo ng dire-direcho.

Lingid sa kaalaman ng lahat, medyo may talent ka sa pagtulog ng nakatayo. Kaso, napamulagat ka nung marinig mo na yung malakas na palakpakan, at yung halakhak ni Sooyoung na nasa tabi mo na pala.

“Seul, okay ka lang?” Tanong sayo ni Seungwan. Hindi mo talaga yun narinig, pero tumango ka pa rin ng isang beses bilang pagsagot sa kanya.

Alam mong alam din iyon ni Seungwan dahil tumawa ito. Medyo naguguluhan ka pa rin sa nangyayari, at nagtataka kung bakit may dalawang estudyante na na nakatayo ngayon sa stage. Kasalukuyang nagsasalita ang isa, habang ang isa naman ay matiyagang naghihintay na matapos siya.

Nakuha mo ang sagot nang pumunta na sa gitna ng stage yung ikalawang estudyante. Kinuha ang mic mula sa stand nito at nagsalita. “Hi, I am Kim Jennie from the College of Tourism, and I will be running for Student Council President.”

Ah, ayun naman pala. Kailangan pala kasi ipakilala yung mga tatakbong Council Officers para sa school year.

Tsk. Dapat talaga tumakas ka na kanina, eh. Edi sana, naka-episode six and seven ka na, may extrang tulog ka pa.

Yung oras na inabot nung introduction hanggang sa PRO candidates, kalahati na ng isang buong episode. Nahanap na nga kayo nila Byul eh, at nakabili pa sila ng meriyenda dun sa canteen.

Inayos mo na yung pagkakasukbit ng bag mo sa balikat mo nung humilera na yung last PRO candidate kasama ng ibang mga naipakilala na. Medyo excited ka lang namang i-dismiss na kayo, dahil sa wakas, makakauwi ka na.

Kaso, hindi pa pala yun dun matatapos. Sino ba namang mag-aakalang magdadagdag sila ng year-level reps ngayong taon? From Freshmen to Seniors.

Napahinga ka nalang ng malalim. At sa pagpapakawala mo ng hangin, kasama na rin dun yung pag-asa mong makasunod ka sa plano mo.

Pero, sabagay, wala ka naman ata talagang planong hindi nauunsyami.

Yung plano mong surprise birthday party para kay Seungwan nung third year high school kayo. Kaya lang, tinanong si Seungwan ng Mommy niya kung may isusuot na ba siya sa party at kung kailangan niya ba ng bagong damit.

Yung plano mong mag-ipon para makabili ng bagong phone. Nakaka-awa na kasi yung gamit mo noon, na himalang hindi pa durog-durog kahit sa dami ng beses mo na yong nabitawan at nabagsak. Kaya lang, ang sarap kasi ng chicken joy, ng kimbap, at ng kwek-kwek dun sa kanto ng school niyo ni Seungwan. Buti nalang Best in Math ka, kaya niregaluhan ka ng parents mo ng bagong phone.

Yung plano mong i-text siya, ang kaisa-isang taong naging crush mo nung high school, para mag-sorry kasi bigla kang nawala. Kaso hindi mo na nagawa. Kahit pa ang tagal nang nasa iyo nung number niya. Hanggang ngayon pa nga rin eh. Pero alam mong malaki yung posibilidad na hindi na yon yung gamit niya. At alam mong malaki ang posibilidad na galit siya sa’yo.

Yung plano mong umamin sa kanya. Sa nag-iisang taong nagustuhan mo, at kalaunan ay minahal nung nakilala mo siya ng husto. Planong hindi mo na naisakatuparan dahil nalaman mong hindi talaga kayo pwede. Hindi kayo para sa isa’t isa.

Yung plano mong kalimutan nalang siya at mag-move on. Dahil nga college ka na. Bagong buhay, bagong pag-asa. Planong akala mo ay masusundan mo na rin, sa wakas.

Nasusundan mo na nga eh, at least for the first five months.

Until today.

Until nahagip ng mga mata mo ang puting blouse, asul na tie at asul na skirt. Mahabang buhok na matagal mo nang inaasam maramdaman sa ilalim ng mga palad mo. Mapupungay na mga mata na hindi mo mapigilang titigan. Matamis na ngiti na ipinagkaloob niya sa madlang nanonood sa kanya.

They are incredibly taken with her. The same way you have always been.

At nung marinig mo ang boses niya, alam mong wala na. Naloko na. Isa na naman sa mga plano mo ang nasira. Bigla mo na kasing naalala na, ah, eto nga pala yung pinakamahinhing boses na narinig mo sa buong buhay mo. Yung boses na minsan mong pinangarap na marinig araw-araw na tinatawag ang pangalan mo.

“Hi everyone! My name is Bae Joo Hyun from Faculty of Arts and Letters, and I am here to run for First Year Representative!”

;;;

 

Hindi mo na rin talaga alam ang susunod na nangyari. Ang alam mo lang, naramdaman mo yung malakas na tapik sa balikat mo mula sa likod kung nasaan si Byul, at yung mahigpit na kapit sa siko mo, kasing higpit ng kay Seungwan sa tuwing magugulat siya at napapakapit sa’yo.

“Hoy, Seulgi!” Narinig mo ring tawag sa’yo ni Sooyoung. “Anong nangyari sa’yo? Bakit namumutla ka?!”

Ibinaling mo ang ulo mo sa gilid, pero yung tingin mo ay lumampas sa kanya. Kay Seungwan ka nagtuloy ng tingin, sa gulat niyang mukha na alam mong expression mo rin. Ngunit, agad iyong napalitan ng pag-aalala, lalo na nung sabihin ni Sooyoung na, “Para kang nakakita ng multo ah.”

Multo? Hindi. At kahit makakita ka man nun, sigurado kang hindi ka manginginig sa takot. Tatakbo ka lang palabas sa kung saan man, at malamang ay tatawa kapag napagtanto mo na imahinasyon mo lang pala.

Pero, multo ng nakaraan? Isang aparisyon na hindi mo alam kung ayaw mo o gusto mo na takasan?

Sa huli, natawa ka na lang. Sa sarili mo. Sa inaakto mo. Nagpapanic ka kasi. Kinakabahan. Kinakapos ng hininga, to the point na hihimatayin ka na ata.

Nararamdaman mo rin yung need na tumakbo. Umalis palayo at hindi na bumalik.

Tatakbo mula sa nakaraan, na para bang meron kayo.

Kahit ang totoo, wala naman.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
seulgishyun
sana magustuhan niyo! XD

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
48 streak #1
Chapter 8: AAAAAAHHHHHHH I SMILEEEE
its_aaarrriii
48 streak #2
Chapter 7: Worth it magreread kahit may tasks pa ko hahahahahaha
its_aaarrriii
48 streak #3
Chapter 3: 😭😭😭😭😭😭😭😭
its_aaarrriii
48 streak #4
Chapter 2: Aguy moments with me nanaman lord huhi
kreidz #5
Chapter 8: so cute
alexis_keithh
#6
Chapter 7: so cote
Mpau199x #7
Chapter 8: my fav comfort au parin re-reading for the 6th time hehehehehe
RVSone0105
900 streak #8
Chapter 4: Ahw related ako kay Seulgi dito sa chap na to!! Because same Seul, ang lala ng anxiety ko kapag alam kung magkikita kami ng bestfriend sa araw na yun 🤒😰
kwinter
#9
Chapter 8: IM SO BITIN PEROOO KILIGG
Zamagel_paen28
#10
Ngayon ko lng na realize na yung title lyrics pala sa extended ver ng tadhana ng UDD na pinerform nila ng live kaya pala pamilyar ^⁠_⁠^^⁠_⁠^^⁠_⁠^