Si Boo at Si Bes
HunHan 2.0HUNHAN 2.0 TAGALOG
“Bes, seryoso. Ang bakla mo.” Sabi ni Seungkwan out-of-the-blue habang nakatambay sila ng kanyang BFF na si Jeonghan sa dorm nito.
“Haha! Bakla naman ako a?!” Nakangising sagot ni Jeonghan na sandaling inalis ang focus sa kanyang iphone.
“As in ibang level ang kabaklaan mo ngayon, friend. Promise.” Naghagikgikan ang magkaibigan sa comment na iyon ni Seungkwan.
“Di ba? Sino ba naman kasi ang mag-eedit ng pictures nya na may flowers-flowers at may salitang “y”? Punyeta di ba? Level 3 na bakla!” Dagdag ng nakababatang bakla.
“Hayop ka, Seungkwan! HAHA! Bakit ba? Ganda naman di ba? Ang dyosa!” Natatawang sagot ng long hair na si Jeonghan habang pinapakita ang edit nya.
Ganon ang bonding ng dalawa tuwing Sunday night. Tambay sa dorm ni Jeonghan, wifi-wifi, stalk-stalk ng crushes and kinaiinisan nila, at chikahan hanggang 12 midnight.
Mag-schoolmate si Seungkwan at Jeonghan sa SoKor College. Accountancy si Jeonghan habang Marketing naman si Seungkwan. Magkumare ang mga nanay nila kaya since bata pa sila ay magkakilala na. At high school sila ng umamin sa isa’t-isa na boys ang gusto nila.
“Kwannie, bakla ako.”
“Talaga? Ako din!”
“Alam ko.”
Lumaking maganda si Jeonghan. Nung first year college sya ay lagpas balikat na ang kanyang buhok na madalas nyang iniiba-iba ang kulay. Pero pag tungtong nya sa second year ay pinaputol nya ito. Dahil sa split ends. At dahil kay Seungcheol. . Si Seungcheol na barumbado.
“Hoy, beks. Natutulala ka dyan. Sabi ko gora tayo sa 7-11. Hanap tayo ng snacks!” Tawag sa kanya ni Seungkwan. Naalala na naman nya ang unang nagpatibok ng puso nya. Bwisit.
“Okay. Go, push! Hanap din akong napkin.”
“Haha! Feelingera ka, teh. Okay. Bili din akong .”
“Ay, shuta. Yan talaga ilusyon na yan!”
Tuloy ang kulitan ng mag-BFF habang papunta sila ng 7-11, always open 24/7. Bakit ba 7-11? Dagdag sa malalim na iniisip ni Jeonghan. Balang araw, malalaman ko din.
---------
“YOON JEONGHAN! BANGON-BANGON ABA! MAY P.E. TAYO! PUNYETA! SASABUNUTAN NA KITA BAKLA! BILIS!” Niyugyog ni Seungkwan ang kaibigan. Isa ‘to sa kahinaan ni Jeonghan- ang tulog. Bakit ba kasi kailangan ng punyetang P.E. na pa-major na yan?! Tanong ni Jeonghan sa sarili.
“Wait lang, Kwannie. 5 minutes!”
“Shuta ka bes. Ganyan din daw sabi mo kay Fafa Daniel e. Kanina ka pa nya ginigising! BANGON!” Bumalikwas na si Jeonghan mula sa pagkakahiga. Oh, yes. Kailangan pala mag-warm up para sa ekonomiya.
-----------
Comments