Ikalawang Pahina

Pahina

 

Dinatnan ka namin ni Joy kasama si Mrs. Bae sa bus stop.

“Ako pa talaga na pinakamalayo ang nauna sa inyo” unang bati mo

“Well hello Joohyun, it’s nice to see you too.” Sabay yakap ni Joy sayo

It’s been 7 years mula nung huli tayong nagkita. Hindi naman kasi nagtutugma bakasyon natin. Yung dp mo sa fb hindi binigyan ng hustisya ang totoong kagandahan mo in real life. At kung sobrang ganda mo na noon, ngayon lumebel na sa dyosa ang hitsura mo.

“Good evening po tita, hello Joohyun.”

“Hi Seulgi”

Yinakap mo din ako after mo yakapin si Joy.

Yakap

 

 

--

“Joohyun, tabi tayo, ayoko katabi tong si Seulgi, naghihilik.”

“Huy narinig ko yun Joy” habang chinicheck ko yung mga bagahe namin na inaayos ni kuyang konduktor

 

“Yan naman kasi mga tipo mo Seulgi eh, yung mga laging nagtratravel at maraming hawak na pera, konduktor.” Dagdag na asar ni Solar

Tawanan kayong tatlo habang ako ay nagsusulk sa tabi ng bintana.

 

--

 

“Welcome to Coron!!!!!” sigaw ni Byul habang bumaba mula sa eroplano. No chill talaga

 

Di nga ako nahilo sa eroplano, hilong hilo naman ako sa sa sinakyan namin patungong hotel. Hiyang hiya ako sayo, sa isip mo siguro tulad pa rin ako ng dati, mahihiluhin at lampa. Kaya pagdating na pagdating sa hotel lobby, dumiretso na ako sa toilet para magsuka at para mahimasmasan na rin.

 

Nagulat ako nang pagdating ko sa reception dahil ikaw na lang ang naiwang nakaupo dun.

 

“Seul? Are you okay?”

“Ok na ako, sorry sa inconvenience. Uhmm, nasaan sila?”

“Nauna na sila, dala na rin ng bellboy ang mga gamit natin. Sa Room 406 tayo”

 

Room 406.

Tayo.

“Ta…tayo? Sina Byul?” taranta kong tanong

“Sa 404 sila, di daw kasi available yung barkada room or family room nila, sa pang tatluhan sina Byul, dito tayo sa couple room binook ni Byul.”

 

Paktay kang oso ka.

 

Sinipat ko ang cellphone ko sa bulsa ng backpack ko, habang ikaw ay nag-aayos na ng mga gamit mo sa banyo, I’m sure dala mo na naman buong banyo nyo mula sa 3 brand na gamit mo sa buhok hanggang mga kung ano anong facial products.

 

 

1 msg received

Byul: This is your chance cuz. Fighting!

Seulgi: typing

Seulgi: Kalimutan mo nang magpinsan tayo!

 

 

Inhale, Exhale. It’s not like first time nating magsama sa isang kwarto, nakapag overnight na rin ako sa inyo rati, kasama nga lang si Solar noon. This time, I’m all alone, with you.

 

With you.

 

“Seul”

“Uhmmm” tugon ko habang nakapikit pa rin. Nakaidlip ako sa pagod.

 

“Gising na ba, gutom na ako, tumawag sina Solar, kain na daw tayo lunch.”

 

 

Dingdong

“Ano pang ginagawa ng osong yan at di pa ready?”

“Seul, tara na ma-coma na si mama Joy sa gutom.”

 

 

 

“Damihan nyo mag-order si Joohyun daw bahala.”

Tumingin ako sayo, ngumiti ka lang, nauto ka na naman ni Joy siguro.

Santinos, masarap daw dito sabi ng hotel receptionist.

 

“Uy picture muna tayo, wala pa tayo picture eh. 1,2,3 say seeeeeeeeexxxx”

“Seeeexxxxx!!!”

 

 

 

“Isa pa isa pa, kita gilagid ko dyan” reklamo ni Byul

Mula sa pintuan hanggang sa mesa ng ibang kumakain, natrenta na picture na siguro tayo, kulang na lang pati tira tirang pagkain makipagselfie din tayo.

 

“So so so, ano’ng balita sa inyo?”

“Kaya nga, ano’ng balita sa inyo bukod sa expected na si Joy nagkajowa ng arabo? Ano balita sayo sa Keynada Joo?” baling na tanong ni Byul sayo

 

“Okay lang. Ganun pa rin.”

 

“Eh ikaw mahal kong pinsan na kanina pa tahimik. Bukod sa pagbibusiness mo ng gasolina?”

 

“Eto, nalulugi na kaya, pambobomba na ang pinagkakakitaan ko. May bomba nga ako dito eh, naactivate kapag nagpapakita ang gilagid.”

 

Hagalpakan ang mga ulupong.

 

“Balita ko Joohyun is dating a Vietnamese. Kwento nya saken last time sa Skype.”

 

 Napatigil ako sa paghigop ng sabaw ng sinigang.

 

“At talagang brinought up mo pa ang mga pinag uusapan naten sa Skype?” sabay kurot mo sa tagiliran ni Solar

 

 “That was before. Date lang naman, di na nasundan.”

 

“Si Seulgi camel dini-date.”

“Bakit ba lagi mo inaasar ang pinsan mo? Kapag yang si Seulgi mainis, di ka nya kukuhanan ng picture.”

 

“Ay di ko talaga kukuhanan yan Solar, kung may kukunan man ako, izo-zoom ko sa gums nya, Macro Photography, kita pati taste buds.”

 

“Ikaw ba cousin di mo titigilan pag- mo sa gilagid ko. Sinabi ko naman sayo, magpinsan tayo, di ako papatol.”

 

Hayyyy. Hindi talaga matatawag na friendship ang samahan kapag walang bully-han.

Di na natapos ang tawanan, pinagtatawanan tayo ng mga Americano sa kalapit natin.

Nakakamiss ang high school.

 

“Pero ha, tayong magbabarkada na lang ang hindi kinakasal, the unmarried squad na talaga tawag sa atin. Kailangan nang may magpakasal sa atin. Kami na yun ng beb ko, di ba beb?”

 

“Okay tama na ang make out session, amoy okoy yang mga bunganga nyo naglilips to lips kayo.”

 

“Inggit ka lang Joy kasi hanggang arabo lang beauty mo. Yung duling at kuba nga  nating classmates noon mga nakapag asawa pa.”

 

 

 

COLT (Cadet/Cadette Officer Leadership Training)

First year pa lang, ito na ang bukang-bibig ni Byul, ang ultimate dream nya na maging Corp Commander pagtungtong namin ng 4th year. Kaya ngayong 3rd year na kami, si Byul ang number 1 sa listahan ng mga applicants. Medyo alangan akong sumali kasi kapag naririnig ko yung mga pinapagawa ng mga officers (4th years) sa mga COLTs(3rd years), nasusuka na ako. Mula sa tinatawag nilang adobo juice, combination of suka, toyo, garlic at sili in straw hanggang sa nakakadiring human laway of all the trainees, I don’t think kakayanin ng sikmura ko. Pero sa isip ko, ayoko din namang  bata batain ako ng mga kaklase ko kapag officers na sila pagdating ng 4th years namin.

 

Nagpasa na lang din ako ng application lalo pa at nalaman kong nagpasa ka rin. I heard from the 4th year sunbaenims na may balak silang pahirapan ka, dahil siguro insecure sa kagandahan mo?

 

---

“COLTs!!!!!! Fooorrrrmmmmmmmm!!!!!!” malakas na sigaw ng Corp Adjutant (pangatlong pinakamataas na posisyon sa  mga 4th year officers)  na si Hyuna.

 

“Isahang bilang mula sa kaliwaaaa..”

 

“Isa” Ay wow lakas ng sigaw ni Byul, feel na feel ng gaga, sa harap pa talaga pumuwesto.

I played safe, sa gitna ako pumuwesto, di kita mahanap, nasa likod ka banda siguro.

 

“Labing pito, labing walo, labing syam…..”

“Twentyyyyyy!!” sigaw ko. Tangna, ano na ba kasi tagalog ng twenty, bente pala.

 

Nagtawanan ang mga opisyal. Pero hindi natawa si kumander Hyuna.

“Dowwwwnnnnnn Kang, give me 1 week!”

1 week ito yung term nila sa bilang, so bale 7 push ups.

 

“You think this is funny huh? You think this is a joke? Umpisa pa lang may mga nakikita na akong di seryoso sa training. Ang yayabang nyong mga 3rd years kayo!” Galit na si kumander

 

Di pa rin yata sya nakakarecover mula nung talunin namin sila sa volleyball champsionship nung Intrams. Shunga ng Libero nila eh.

 

“Tama na yan Hyuna” sabad ni Corp Commander Bogum

 

“Who wants to quit by now????!!!!!”

“Never to Q-U-I-T sir!!!!!!” magkakasabay na bigkas ng lupon

 

At nagsimula na nga ang masaklap na sandali ng aking buhay. Halos mamatay na ako kakamountain-climbing sa floor, lumundag lundag after helicopter exercise, nagkasugat sugat ako sa first day.

Di ko maipinta mukha ng nanay ko noong umuwe akong duguan at punum puno ng putik. Muntik na syang sumugod sa school kasama ang nanay ni Joy the next day.

 

Here I am,  thinking na ikaw ang pagtrtripan ng mga opisyal. Yun pala ako target.

Hindi ko naisip, andyan nga pala si Bogum, protektado ka. Wala na silang ibang nakita kundi ako. Pati si ate Yuri na akala ko ay mabait sumasali din sa kalokohan ni Hyuna minsan. Pina-duckwalk pa ako mula gate hanggang oval.

 

 

Galit ako, galit na galit sa mga nangyayare, pero ayokong magquit, sayang ang pinaghirapan ko na din, mula sa 114 na applicants, na-trim down to 43.

 

Ako, Byul and ikaw ang natira sa group natin, si Solar bumagsak sa exam, si Joy nagquit.

 

‘Putang ina nyo po Sir, I QUIT!’ sigaw nya kay Hyuna nung 2nd week ng training

 

--

 

“Bring 1 whole sheet of paper!!”

 

Hala galit si maam Calipjo. Di yata nakainom ng favourite 8 oz coke and roasted mani nya.

Proud na proud kong linabas ang one pad paper ko na binili ni mudrakels sa Expressions (walang National Bookstore sa La Union). Ikaw na ang anak ng titser, kumpleto ang gamit.

 

“Seulgi penge papel” Bulong ni Byul

“Ako din, ako din”

 

Hangang sa lahat ng row 1 nanghihingi na ng papel sa akin. Mga lichi

Nangalahati agad papel ko

 

 

 

“Make it ½ crosswise!”

Sige lawayan ang papel para mahati.

 

Karamihan nanginginig na tinupi ang lahat ng papel nila. Galit nga yata talaga si maam.

 

“Tupiin nyo ulit into 2!”

 

Hala punyeta, sayang yung 1 pad ko

 

 

“Makinig!”

 “In 160 characters, ibuod ang Noli Me Tangere!”

 

 

Noli Me Tang….ina! kahit sa buong Manila Paper di magkakasya yun eh.

 

 

 

 

 

 

“Hirap ng surprise quiz ni maam Calipjo kanina” nangangambang usal ni Joy habang inuubos ang laman ng kinakain kong Ice Gems.

 

“Kaya nga, sa landian lang ni Crisostomo at Maria Clara sa Azotea ako umabot. Penge pulbo Seulgi”

 

Pauwe na naman kasi, magpapacute na naman sya kay Solar, ihahatid nya sa may sakayan ng tricycle habang holding hands silang maglalakad.

 

“Hayyyyy. Ako supplier ng papel, pati ba naman pulbo ako pa rin?”

 

“Penge din pabango, sige na Seulgi, libre kita palamig sa labas.”

 

Isa pa tong si Joy. Mga parasites

“Ikaw tong anak ng may ari ng Park Gravel and Sands, ako na timawa pa talaga ang hiningan mo.”

 

“Ay punyemas, bambini?” pangkukutya ni Joy sa pabango ko

 

 

--

 

 

“Byul, wag ka na umiyak, marami pang girls dyan oh. Bakit ba kasi kayo nagbreak  ni Solar?” pang aalo ko sa humahagulgol na si Byul

“Chickgirl ka kasi masyado. Malamang nahuli ka nyang nambababae.”

 

“Ssssh  ano ka ba Joy? Umiiyak na nga yung tao. Tsaka di natin alam ang nangyari.” Maalumanay na pagcocomfort mo din kay Byul

 

“Byul ano nga ba ang dahilan ng hiwalayan nyo”

Tumigil sa pagsinok si Byul

 

“May nakitang mga lipstick si Solar sa bag ko, at alam natin na di ako gumagamit nun, lipgloss lang kasi allergic ako sa lipstick.  Inamin ko na lang agad na di akin mga yun.”

 

“Whatttt?!!!”

 

“Sabi sa inyo eh, may babae.”

 

“Byul naman, akala ko ba loyal ka kay Solar.” Nainis na rin ako sa ugaling ganito ni Byul

 

“Eh loyal naman talaga ako, wala akong babae!”

 

“Ang gulo mo ngay Byul, eh ano yung mga lipstick na yun?”

 

 

“Because there is no way she’ll found out na nagbebenta ako ng AVON! Dyahe masyado! Astig and cool ang image ko!”

 

Punyetahamnida

 

Bago ko pa kutosan at bukulan si Byul, hinampas mo na sya ng makapal na Chemistry book natin. Bayolente ka nga din pala kapag natritrigger.

 

Pero nagulat kami kay Joy, hinalikan si Byul sa noo.

 

“Joy, ano ba? Bakit may halik?”

 

“Tanda yan ng respeto ko….

 

Sa airport”

 

 

At nagkabalikan nga ang dalawa din pagkatapos mo paliwanagan si Solar sa totoong sitwasyon.

 

Buti pa talaga si Byul at Solar..

 

Tayo kaya? May chance?

 

Nanghina lalo ang loob ko nang nalaman kong nanliligaw na sayo yung Bogum. Di na ako nagulat.

 

Anong laban ko dun?

 

Kahit sa FLAMES di tayo match eh.

 

Argggghhhh, dagdag pa itong parating na JS Prom, bukod sa wala pa akong gown, wala din akong pa. Jezzz, I don’t even need 1. Di na dapat ako mag aattend kaso nakasalalay ang grades ko dito.

 

 

“Seul, ano iniisip mo? Kanina ka pa tulala.”

 

“Iniisip ko lang yung JS, wag na lang kaya mag attend kahit mababa na grades ko.” Walang ganang sagot ko

 

“Wala ka bang gown pa? Dalawa ang gown ko na nirentahan ni mama, kasya yung isa siguro sayo. Gusto mo tignan mamaya after class?”

 

“Oh yan pala Seulgi oh, may extra si Joohyun.”

 

“Ikaw kaya Byul, wala ka din gown pa” baling ko sa kanya

 

“Excuse me, gown? Di ako maggogown, magtutuxedo ako.”

 

“Ay wow, kaya pala daming biniling gawgaw ni tita noong isang araw, para sa tuxedo mo pala. Wahahaha.”

 

 

 

“Ms. Park and company!! Get out, iniistorbo nyo ang andito sa library!”

 

..

 

“Are you sure Kang na magvovolunteer ka to guard the gate on Saturday? JS Prom ito.  I mean, I am expecting Cadets not Cadettes.”

 

“Sigurado na ako Sir Kwon” paninigurado ko kay ate Yuri

 

“Ok then, finalized ko na tong list, makakasama mo ibang kadete pa. Ito yung punishment nila after naming nahuli sila na naninigarilyo. Hayyy Seulgi, sinasayang mo ang araw na memorable sa bawat 3rd year and 4th year student. Sinasabi ko sayo, pagisisihan mo ito baling araw.”

 

 

“Okay lang po Sir Kwon, ayoko din naman umattend ng JS, pero dahil exempted ang mga cadet guards sa JS kaya magpapalista ako.”

 

At least nasa may guard house ako, di ko kayo makikita ni Bogum na magsasayaw sa slow music. Di ko masisilayang hawak nya ang bewang mo habang tumutugtog ang “My Love” ng Westlife at “Like a Rose” ng A1. Di ko yata kakayanin.

 

 

 

 

 

 

 

 

Habang nag iisip ako ng magandang end ng Tadhana, ito na muna. :)

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
akosimithi
Di ko inexpect na maraming makakarelate sa fic na to knowing na konti lang sa inyo ang batang 90s. Ibang iba na kasi ang sistema ng highschool ngayon kumpara noon (I think).

Comments

You must be logged in to comment
LiNiLalisa1502
#1
Chapter 2: Mamshie beke nemen pwede ituloy huhu ang ganda nitoooo
eyesmileHwang #2
Chapter 2: 90’s kid here otornim! Bet na bet ko tong fanfic mo. Wait ko araw araw update mo ha? Fighting! ?✊
jjae96
#3
Chapter 1: huhubells, ganda din nito.
Pristinemoon
30 streak #4
Chapter 2: Iba ka talaga otor-nim magsulat!!! Sana ituloy mo itong story hahha ganda eh
gguiyo
#5
Chapter 2: Ipagpatuloy niyo po pleaseeeeee, ang ganda po kasi ehhhhh sheyt
tealundertones
#6
Chapter 2: Di man ako nakakarelate pero tanda ko yung childhood ko. Nakatira kasi kami sa tapat ng high school tapos si mama may canteen at nagbebenta ng school supplies kaya nakikita ko yung mga nagtetraining tuwing hapon hahaha. Sa amin pa nila pinapatago yung mga baril na kahoy. Samin din sila nagtatago para magyosi hahaha! Sayang lang at hindi namin naabutan yang ganyan nung naghighschool ako kasi inalis nila. Sad.
lim909
#7
Chapter 1: Pansin ko lang for every fic. si joy lagi yung sa field na malalait. HAHAHAAHAAHAH KAWAWA NAMAN
soo_jjang25 #8
Chapter 2: Binasa ko ulit lahat ng mga stories mo otornim makakamiss na kasiiii hope you update sooooon :)
checkkmeout99
#9
Chapter 2: hindi ako batang 90s pero aware ako sa ibang ganap dito hahahaha sa totoo lang di ko na-enjoy hs life ko hahaha pero natutuwa ako dito
Lance_410 #10
Chapter 2: Updateeeee soon