Unang Pahina

Pahina

“Cuz! Please now lang to, chance na nating magbakasyon together with our high school barkada. Wala pa tayong out of town bonding together after high school graduation!”

Napasinghap kong binasa ang mensahe ng pinsan kong si Byul sa FB messenger. Last year pa ako kinukulit nito tungkol sa plano nilang dalawa ni Solar na mag-Coron sa summer

“If I know cuz, gusto mo lang akong gawing personal photographer. Tsaka alam mo naman na di ako mahilig magtravel, mahihiluhin ako remember? Kaya pass muna ako dýan”

 

“Hay naku, may bonamine naman. Once in a lifetime to, lalo pa at sabay sabay kayong magbabakasyon dito sa pinas nina Joy at Irene. #theunmarriedsquad”

“Sino ang sasama ulit?”

“Ako, si Solar, Joy and Irene.”

 

“Uuwe si Irene? Di ba umuwe nay un last December, makakauwe ulit sya this April?”

“Oo, sabi nya last na daw to bago sya maging citizen ng Keynada, alam mo naman yun unpredictable. Pero umOo na sila, ikaw na lang hinintay Ms. Dubai.”

 

“Pag-iisipan ko pa.”

“Sabi ko sasama si Irene, di mo ba narinig?”

“So?”

“Anong so? As if I don’t know.”

“Ok fine, sasama na ako. Book mo na ako ng plane tix garud, habang may sale pa sa Cebu Pac.”

 

--

 

‘Uuwe ang mga bakla 2017’ group is created

Solar is added to the group

Seulgi is added to the group

Joy is added to the group

Irene is added to the group

Seulgi: Tang ina the title

Byul: *biggrin*

Solar: Beh, nabook ko na yung ticket, magbayad na kayo mga bakla

Seulgi: Cuz, ikaw na muna magbayad sa akin kasi

Joy: Solar, nareceive mo ba padala ko?

Solar: Oo, kulang ka 200 ulol

Joy: Hala 200 lang!

Solar: Kayo tong mga nasa abroad, kayo pa kuripot! Buti pa si Irene, may pang gas pang kasama ang bayad. Asan pala yun?

Seulgi: Nakaduty siguro.

Byul: Alam na alam ah

Seulgi: Ok bye

Joy: Seul, ano exact date flight mo pa-pinas?

Seulgi: Secret

Byul: May pasecret secret ka pa. Malalaman ko din naman kay mama mo. Susunduin k aba ulit sa Naia ni tita, mama’s girl?

Seulgi: Shatap

 

 

---

 

“Seulgiiiiiii!!!!!”

Halos mabingi ako sa lakas ng boses sa kabilang linya

 

 “Di ka ba uuwe ng La Union?”

“Nope, sa Manila na tayo magkita kita, bale kayong 4 nina Solar ang magbyahe pa Manila”

“Ano’ng oras kami magbyahe? Diretso airport na ba?”

 

“Ask mo sa group chat kung anong balak nyo. Sige na bye bye na, mahal overseas call.”

 

‘Uuwe ang mga bakla 2017’

Seulgi: Mga sis

Byul: Hm sis? Magkano sf?

Irene: hahahaha

Seulgi: kinnam

Byul: Para naman kasing online seller. “sis” Hi Irene *wink* nandito ka na ba pinas?

Irene: Hello guys. Yup, kararating ko lang kagabi

Byul: Oh Seulgi, ano na yung tanong mo?

Byul: Seulgi?

Irene: Anyway guys, ano ang arrangement natin? Magkikita kit aba tayo sa Manila na or magsasabay tayo pa-Manila

Byul: Magkikita na tayo sa Coron, charot!

Byul: Mag-usap usap kayo na andyan sa province, sabay na lang kayo punta dito Manila. 9am ang flight pa Busuanga, byahe na lang kayo maaga para diretso na airport. I-meet ko kayo sa Terminal 4. Ako lang din nagdecide.

 

Irene: Mabuti pa nga. Guys, kaninong sasakyan gagamitin natin? Nasa kapatid ko yung amin, di ko magamit

Joy: Maliit yung amin, di tayo magkasya. Sina Seulgi may Ford Adventure

Seulgi: Kasya tayo dun Joy

Joy: Maliit nga Seulgi, dala pa ni Solar buong tokador ni Byul mula sa kanila.

Byul: Buset ka

Seulgi: Eh kung gusto nyo pala malaki, yung trak ng Park Gravel and Sand business na lang nina Joy, 10-wheeler yun.

Joy: Huwag ka na sumama Seulgi

Irene: Seryoso ba.

Joy: Seulgi, seryoso daw.

Byul: Huy cuz, bakit ba kasi ayaw mong gamitin yang Ford mo? Pwede mo naman iwan dito sa parking ng condo ko.

Joy: Hindi kasi marunong magdrive yan. Hahaha!

Seulgi: MagPARTAS na lang tayo

Byul: Seryoso, di marunong magdrive si Seulgi?

Seulgi: So, ano? PARTAS na lang

Mga buset, kailangan ulit ulitin?

Irene: PARTAS na lang?

Joy: Sige sige, magcommute na lang, masarap pagkain sa may Sison bus terminal ng Partas eh.

Seulgi: sa Bus Stop na lang, sa may palengke tayo magkita. Mga 10pm?

Irene: Agree

Joy: Seulgi, daaanan mo ako sa Paratong!

Solar: Kitakits!

---

 

 

Flashback (High School)

“Excited na ako sa live-in seminar sa weekend! Anong mga group nyo sa ROYSC(Regional Organization of Youth Science Clubbers)?” masayang usal ni Joy habang naglalunch ang barkada sa school canteen.

“Masaya ka lang kasi ka-group mo yung crush mong 3rd year, Tomuel ba pangalan nun?” Byul.

I sighed for the umpth time kasi parang ako lang ang di excited sa pakana ng school na to. Tsaka sino ang nag-isip ng pangalan ng group namin? ‘Stewards of the Earth’? Amft!

“Sa Waste Fighters din ako, kasama ko si Joy!.” Excited na join mo rin sa kwentuhan

“Sino 4th year ba leader sa Waste Fighters?, ang sungit ng lider namin sa ‘Explorers’, nagpasubmit agad ng medicinal plant na itatanim daw namin sa garden. Magdala na lang ako Santan.”

“Medicinal plant ba ang santan? Ano nagagamot nun?”

“Pampalaglag. Charot, syempre panggamot sa sakit. Itong si Solar, maganda pero hindi matalino.” Huling banat ni Byul bago sya kumaripas ng takbo.

 

Last year, may ganitong ganap din sa school. Pero ngayong taon ang first time mo kasi this 3rd year ka lang din naman nag enrol sa Mataas na Paaralan ng Bacnotan, La Union. I still remember noong unang araw kang pinakilala ng adviser natin sa klase, nakakaloka ang hiyawan ng kalalakihan. Ikaw agad ang naisip na pambato sa Ms. Intrams.  Literal na mukha kang artista, makinis na kutis, matangos na ilong, pamatay na ngiti tapos yung buhok mo sobrang straight na straight.

 

Ganun naman kapag may bagong transferee, naeexcite ang lahat. Lalo pa at galing ka Maynila, bago sa amin ang magkaroon ng kaklase na di marunong mag-Ilocano. Isa ding dahilan kung bakit nahirapan kang makisalamuha kahit pa lagi kang ina-approach at ini-entertain ng mga kalalakihang naghahangad ng atensyon mo.

 

It was Joy who introduced you to us, naging magkagroup kasi kayo sa activity sa English kung saan pinaganap kang Maria sa “How My Brother Leon Brought Home A Wife” at di ko pa rin mapigilang matawa kapag naaalala kong gumanap bilang kalabaw  si Joy. Buti na lang ang na-assign sa amin na literary piece ay “New Yorker in Tondo”, kinuha ko agad ang narrator na role since ako naman ang leader.

 

Okay ang lahat ng barkada sayo, well, maliban sa akin. Kasi, I’m medyo bakla eh, hirap na hirap na nga akong magconceal don’t feel don’t let them know, tapos dadagdag ka pa. Eh ikaw kaya gumising sa katawang bakla ko. Ang pinsan kong si Byul lang ang sa tingin kong nakakaamoy, oh well birds of the same feathers.

 

 

--

“Pumayag ka na Joohyun, hindi ito katulad ng Ms. Intrams na manonood ang buong school. Tayo lang sa Science Club ang attendees.”

“Pero ate, maraming tao pa rin manonood, first year to fourth year na science stream sections, mga mahigit 200 din yun.”

Last week ka pa kinukumbinse ng leader niyong si ate Taeyeon. Kayo na lang kasi ang wala pang representative for Ms. ROYSC.

“Please Joohyun, last year, overall last placer ang Waste Fighters , pinatalo kasi ni Joy ang pageant.”

Bakit naman kasi ‘fishing’ ang sport attire ni Joy last year, may frozen tilapia pa sa end ng hook?

“Ate Taeyeon naman, kinabahan lang eh. In the first place, biased naman kasi ang judge that time.”

“May in the first place ka pang nalalaman, ‘in the first place is sash and trophy, in the second place is bouquet, in the last place is Park Joy’” dagdag na pang aasar pa ni Byul

“Huwag mo na asarin si Joy, bakit ikaw Byul? Talo ka din naman noong first year ah.” Pagtatanggol k okay Joy

“Eh natural, kasi sa Mister ako dapat eh. Eh ikaw sa ibang search ka dapat.”

“Anong search?”

“Search and rescue operation, ulol!”

 

 

-----

 

“Anyway Joohyun, payag ka na ha, ipasa ko na ang name mo.”

Di ka na hinintay na makasagot ni Ate Taeyeon, dali dali na nitong tinungo ang faculty room ng Science teachers para isubmit ang name mo.

 

“Ano’ng gagawin ko?”

Bakas sa mukha mo ang pag-aalala. Napasubo ka na lang kasi wala ng choice ang leader nyo.

 

“Walang problema Joo, tulungan ka na lang namin. Si Seulgi na bahala sa waste management-themed na gown mo. Di ba Seulgi?”

“Teka lang, bakit ako? Marami rin akong gagawin, ako gagawa ng poster slogan namin.” Reason out ko.

“Ikaw na naman? Eh nanalo ka na naman last year ah, dapat di na pinapasali mga nanalo.”

Tama nga naman si Solar, ako first prize last year, ako din noong first year.

 

“Huwag nyo na istorbohin si Seulgi, kasama din sya sa technical committee na magdedesign ng stage. Dami nan yang responsibilidad. Kung ano na lang magawa ko, yun na lang. Pagalitan pa sya leader nya, tumutulong sya sa ibang group.” Nakangiti mo pa ring tugon kahit stress na stress ka na

 

“A..ano, sige na nga, ako na gagawa ng gown mo Joohyun. Huwag mo na lang ipagsabi ha.”

Nakonsensya din naman ako kahit papaano. Ok  lang naman na gawin ko ang kahit ano basta para saýo, nagpakipot lang ako ng konti para di naman obvious na sobrang  willing.

 

--

“Ano yan?”

Pagtataka ko sa binatong tape measure sa akin ni Byul after ng first period namin sa tanghali.

“Tape measure, hiniram ko sa dress making class kanina.”

“Oh, tapos?”

“Engot ka ba? Di ba kaw gagawa ng gown ni Irene, sukatan mo dali.” With nakakalokong wink pa nya sa akin

“Hindi na kailangan, ako na bahala.”

“Ang arte mo, teka nga. Joohyun-aaahhhh, sukatan ka daw ni Seulgi.”

Moonbyul!!!!!

 

“Ay oo nga pala, sige sige.”

Dali dali kang lumabas after isigaw ni Byul ang pangalan mo ng pagkalakas lakas mula sa bintana.

 

“Dun na lang sa may lab.room, baka Makita pa ng mga kagrupo mo na tinutulungan mo ako.”

 

Di pa man kita inuumpisahang sukatan, nag-iinit na ang tenga ko.

“Seul, okay lang ba talaga na ikaw gagawa?”

“Seulgi?”

“Ha? A…ano yun?

“Sabi ko ok lang ba talaga na ikaw ang gagawa?”

Nag space out yata ako? Tuloy tuloy lang kasi paglalakad ko.

“Ah oo , okay lang, noh k aba.”

 

Sa pagsukat ko ng measurement mo, di maiwasang aksidenteng dumadampi sa balat mo ang mga daliri ko. Kung alam mo lang, parang may Trojan war na sa loob ng dibdib ko sa lakas ng kalabog nito.

 

“Seulgi, huwag masyado maiksi ah.”

“Dapat maiksi para sure win ka na, ganda kaya ng legs mo.”

Nasabi ko yata yun ng malakas.? Lagot ako, baka sabihin mo, manyak ako na laging tinititigan ang legs mo.

“Huy hindi, gawin mong below the knee.”

Awa ng Diyos at di mo napansin ang biglang pagtense ng buong katawan ko.

Patay malisya kong tinuloy ang pagsusukat habang nagkukuwento ka ng kung ano anong ganap sa Home Economics na subject nyo kanina. Sabi mo excited ka na next week kasi nasa Baking na kayo, ininggit mo pa ako. Bakit daw ba kasi Drafting ang pinili kong TLE subject. Para namang di mo alam na ito ang hilig ko.

 

“Lagyan din kaya natin ng head piece ang costume mo Joohyun?” suggestion ko habang sinusukat na ang head circumference mo.

 

Ipagpapasalamat ko na lang din sa Poong Maykapal dahil mas matangkad ako sayo. At sa di ko malamang pinanggalingan ng lakas ng loob ko, inamoy ko ng walang kaabog abo gang buhok mo, amoy downy, charot!  Ang bango shet, kahit buong araw ko sigurong amuy amuyin ang buhok mo, okay lang.

 

 

--

 

Hindi naman kita binigo sa obra maestra kong gown mo. Kahit yung judge na galing sa regional office manghang mangha kung paano ko pinagtagpi tagpi ang mga CD, straw, mineral water bottle at kung ano ano pa sa gown mo. Syempre, tuwang tuwa ka din, halos maluha ka nga noong una mo itong Makita.

 

“Ang ganda talaga ni Joohyun.”

Sanay na akong marinig ang mga ganyang kataga sa mga kalalakihan at kahit sa kababaihan minsan. Nagulat lang ako nang manggaling ito sa kagroup kong upper year na si Park Bogum. Crush ng lahat dahil bukod sa guwapo at matalino, nakadagdag pa sa charm nya ang pagiging tahimik at mahiyain. Kaya gulat ako nang publicly, I mean publicly kasi aware kaming lahat sa team doon sa tinugon nya. Ang timid na si Bogum di nahiyang i-express ang admiration sayo? Ganun talaga siguro ang epekto ng kagandahan mo.

At mula nang tumapak ka sa entablado, di na nya maalis ang mga mata nya sayo. It feels weird, bakit nawala agad ang sigla ko, parang ang dull bigla ng mood ko.

 

--

At ikaw nga ang naging Ms. ROYSC 2003, ikaw ba naman ang sumagot ng Wind Power achuchu, kung di lang kita kaibigan iisipin kong alam mo na ang tanong bago mo pa sagutin. Pero sadyang malawak lang ang kaalaman mo sa mga bagay bagay. Kahit nga yung story about Bermuda’s Triangle at mga theories behind it alam mo. Lalo tuloy akong humahanga sayo.

 

I want to congratulate you din sana, kaso kinuyog ka nan g tuwang tuwang groupmates mo. Si ate Taeyeon parang nanalo ng grand slam best actress, umiyak.

 I just smiled from afar, kasi yun lang ang kaya kong gawin as of the moment.  Nakakaproud lang din talaga, I am clapping my hands the whole time, di ko na pinansin ang weird na tingin sa akin ng mga kagroup ko. Lalo pa akong sumaya noong tumingin ka sa kinatatayuan ko and you mouthed ‘thank you’ sabay smile. Kiligmatz

 

 

 

 

--

AN: 

Tayo na maglakbay sa highschool life ng mga batang 90s

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
akosimithi
Di ko inexpect na maraming makakarelate sa fic na to knowing na konti lang sa inyo ang batang 90s. Ibang iba na kasi ang sistema ng highschool ngayon kumpara noon (I think).

Comments

You must be logged in to comment
LiNiLalisa1502
#1
Chapter 2: Mamshie beke nemen pwede ituloy huhu ang ganda nitoooo
eyesmileHwang #2
Chapter 2: 90’s kid here otornim! Bet na bet ko tong fanfic mo. Wait ko araw araw update mo ha? Fighting! ?✊
jjae96
#3
Chapter 1: huhubells, ganda din nito.
Pristinemoon
40 streak #4
Chapter 2: Iba ka talaga otor-nim magsulat!!! Sana ituloy mo itong story hahha ganda eh
gguiyo
#5
Chapter 2: Ipagpatuloy niyo po pleaseeeeee, ang ganda po kasi ehhhhh sheyt
tealundertones
#6
Chapter 2: Di man ako nakakarelate pero tanda ko yung childhood ko. Nakatira kasi kami sa tapat ng high school tapos si mama may canteen at nagbebenta ng school supplies kaya nakikita ko yung mga nagtetraining tuwing hapon hahaha. Sa amin pa nila pinapatago yung mga baril na kahoy. Samin din sila nagtatago para magyosi hahaha! Sayang lang at hindi namin naabutan yang ganyan nung naghighschool ako kasi inalis nila. Sad.
lim909
#7
Chapter 1: Pansin ko lang for every fic. si joy lagi yung sa field na malalait. HAHAHAAHAAHAH KAWAWA NAMAN
soo_jjang25 #8
Chapter 2: Binasa ko ulit lahat ng mga stories mo otornim makakamiss na kasiiii hope you update sooooon :)
checkkmeout99
#9
Chapter 2: hindi ako batang 90s pero aware ako sa ibang ganap dito hahahaha sa totoo lang di ko na-enjoy hs life ko hahaha pero natutuwa ako dito
Lance_410 #10
Chapter 2: Updateeeee soon