chapter 6

NANG MA-INLOVE AKO SAYO...

"Beeeeessstttfrrriieeennd!!! Kumusta na ang pakiramdam mo? Naka move-on ka na ba sa kaganapan kahapon!?? "

Ang boses ni taehyung ang agad nangibabaw sa buong silid ng classroom nang pumasok ito.Saglit naman siyang tinitigan ng ibang kaklase ko at agad din ibinaling ang atensyon sa kanilang ginagawa. Lumapit ito sa akin na nakangiti at inilagay ang bag sa kanyang upuan katabi ko.

"Ako kasi hindi pa!! Natatawa ako na  kinikilig , na ewan ,na hindi ko ma-explain!!wait!! Hahahaha" natatawang sabi pa nito.

-_-

*Abnoy *

Humalakhak ito ng malakas, dahilan upang pagtinginan nanaman siya ng mga kaklase ko.

"Hinaan mo nga boses mo!?? Para kang nasa entablado kung magsalita"

"Eh kasi naman haleeerr!! May aftershock pa nga ako kahapon as in parang kinikilig parin ako hanggang ngayon!!yiiieeehhh yung titig na iyon sa iyo,iba talaga ang dating nun friend!!!" Kinikilig niyang tugon.

Tiningnan ko lang siya ng biglang mapakunot-noo ito at marahang hinampas ang braso ko.

"Hoy jimin!! Wala ka man lang ba na feel ??"tanong pa nito.

* Ano naman maf-feel ko*

"Manhid ka talaga friend!! Ako nga na hindi niya tinitigan,kinikilig, ikaw naman na halos hubaran ka na sa titig,sinabihan ka pang crush niya, kahit blush wala!!??" Dagdag niya pa.

*Eh anong gusto mong gawin ko aber!?*
-_-

"Alam mo b---------------

"Good morning class!!!"

O_O

"Good morning miss choi"bati namin sa kanya.

"Okay get your assignments!!" Mataray na sabi nito.

O_O

!?????

"Hala may assignment!?" Di makapaniwalang bulong ng isa kong kaklase.

"Ano ba yung assignment na iyon??" Sabi ng isa.

"Wala naman siyang binanggit kahapon ah''

*Ano bang assignment pinagsasabi nito!??* -_-

Napuno ng bulungan ang buong klaseng nagtataka sa mga sinabi ni miss choi.

"Ano!?magbubulungan lang kayo!?sabi ko get your assignments!!"---sigaw ni miss choi.

"Maam wala po akong naalala kahapon na nagbigay kayo ng assignment sa amin"biglang nagsalita ang isa kong kaklase

"Oo nga maam, nagrecitation lang tayo kahapon at agad nagdissmiss"sabi rin ng isa.

"Yes mam!!! Kinabog pa nga ni jimin ang definition ng love para sa inyo" hirit pa ng isa.

-_-

"Maam baka para sa kabilang section po iyong assignment ninyo??"

"Aba aba aba may gana pa kayong magreklamo ha!!"singhal nito.

*Reklamo?*

"Get one fourth sheet of paper!!"sigaw pa niya .

O_O

Hindi naman mapakali ang mga kaklase ko sa pagkuha ng papel, ang iba ay nang-hingi pa sa katabi.

"for ten points wri-----

"Maam sandali!! Wala pa akong papel"sigaw ng isa kong kaklase.

"Bakit pumasok ka pa?? Wala na bang supply ng papel ang  mall ninyo!?" Naiinis na sabi ni miss choi sa kaklase ko.

" Write an essay on how did philosophers build earlier scientific discoveries to develop a new methodology in science?"sabi agad nito.

O_O

Nagulat ang aking mga kaklase sa biglaang tanong ni maam, ang iba ay agad- agad nagsulat sa kani-kanilang papel, habang ang iba ay napapakamot pa sa ulo habang nag-iisip kung ano ang isusulat. Nagtinginan kami ni taehyung sa isa't-isa , nanlalaki ang mga nitong nakatingin sa akin at tinatanong kung ano ang ibig sabihin ng guro. Nagkibit-balikat naman ako sa kanya at nagsimula nalang magsulat sa papel.
-_-

"Ano!?? Wala kayong ma-isagot?pero pagdating sa crush at love ang pinag-uusapan aktibo kayo!!ano kayo mga bading?? Daig niyo pa ang kababaihan, Ibagsak ko kaya kayo??"inis nanamang sigaw nito.

*May galit talaga siya sa amin*

Natapos ang unang subject namin na puro pagsusungit ng guro sa buong klase, kesyo ganito daw ganyan, inuuna muna ang dota at syota bago aral, tahimik  lang nakinig ang buong klase sa kanya at wala ng  sumagot pa , dahil mas hahaba lang ang rasyon nito.

Sumunod ang ilang subjects namin na puro activity at reporting naman ang pinagawa, hangang sa umabot ang lunch break at agad nag-unahan palabas ng room ang aking mga kaklase,Ganito na sila tuwing  sasapit ang break o uwian , parang may emergency na pupuntahan ang mga ito kung magtakbuhan palabas..

Kaming dalawa ni taehyung ang huling lumabas ng room at pinuntahan agad si jungkook  upang sabay-sabay na kaming kumain ng tanghalian.
.
.
.
.
"Sasabay daw mananghalian si jin hyung sa atin ngayon " ani taehyung habang binabasa ang text ng kapatid.

Nagpatuloy kaming tatlo sa paglakad patungong canteen nang biglang pumasok sa isip ko si yoongi.

*Bat ko ba sya naisip!?*

"Tae, may itatanong sana ako sa inyo!?"--

"Ano iyon!?"

"Kilala niyo ba si suga!??" Tanong ko sa kanilang dalawa.
.
.
.
O_O

"Bwahahahahahahahaha" malakas na tawa ng dalawa.

-_-

*Ang saya nila!!!!!may nakakatawa ba sa tanong ko!?*

"Friend!! Huwag mong sabihing hindi mo siya kilala!?"natatawang tanong ni taehyung.

*Kilala ko na siya, nagtatanong lang*

"Eh si agust D??"  .

"Hoy friend? Interesado ka ba sa kanya?!" Nanunuksong tanong nito.

-_-

*nagtanong lang interesado agad!?*

"So kilala niyo!?--

"Natural friend!! Sikat iyon sa t.v noh!? Ano ka ba?hindi mo ba talaga knows kung sino siya!?" Taehyung.

*Pasensya friend ,wala kaming t.v*

Umiling-iling ako at naunang lumakad sa kanilang dalawa.

"Hoy!!! Park Jimin!! Sigurado ka bang hindi mo talaga siya kilala!??"pangungulit  nito.

"Magtatanong ba ako kung kilala ko!??"

"Eh bakit nga??" ---taehyung

Tiningnan ko lang siya saglit at lumakad ulit.Hinabol niya  ako kasama si jungkook at hindi na nagsalita pa, Nang makarating sa canteen ay agad kaming umupo sa isang mesa habang hinihintay si seokjin hyung.
.
.
.

"V!!!!chimmmchimmm!!!kookiiiee!!!!!!!"

Sabay-sabay kaming napalingon kay seokjin nang pumasok ito sa canteen, maging ang mga estudyante sa loob ay napatingin din sa kanya dahil sa lakas ng boses nito. Nakangiting kumaway ito at lumapit  sa amin..Nanatili naman nakatingin parin sa kanya ang karamihan, ang iba ay napahinto pa sa paglakad para titigan siya..

*Iba na talaga ang aura ng seokjin!!*

Si Seokjin lang naman kasi ang tinitingala ng karamihan sa loob ng campus, mabait, mayaman, matalino, *bakla*, nasa kanya na lahat kaya wala ka nang hahanapin pa, siya ang paborito ng mga guro dahil  lagi itong aktibo sa lahat ng mga ginagampanang responsabilidad, siya rin ang tumatakbong candidate bilang valedictorian  laban sa kaklaseng si  Namjoon.

"Pasensya na late ako,may inutos pa kasi sa akin si Mr. Hwang "paliwanag nito.

Umupo ito sa tabi ni taehyung at ngumiti sa akin, kami  ni jungkook ang magkatabi sa kabilang upuan kaharap nila,agad namang tumayo si jungkook at taehyung upang pumila sa counter at mag-order. Nang maihatid ang pagkain sa mesa ay sabay-sabay na kaming kumain.

Tahimik ang buong canteen at  tanging maririnig lang ay ang tunog ng mga kubyertos sa mga mesa.  Nakatuon ang lahat ng estudyante sa kinakain nila at walang nagsasalita *gutom much!?* Maging kaming apat ay  nasa pagkain din ang buong atensyon .

"Siya nga pala jimin, may nareceive ka bang text galing kay yoongi?" Biglang nagtanong si seokjin.

O_O

"Haa--?"

*Anong text pinagsasabi nito!?*

"Hiningi niya kasi ang cellphone number mo sa akin"sagot nito.

O_O

*pardon is me!?*

"Tinanong niya kasi sa akin kung nabasa mo ba iyong ibinato niya sayong papel kaninang umaga , sinabi kong oo pero tinapon ko, nainis siya agad at pinagtripan ako hanggang sa wala akong nagawa kundi ibigay nalang yung number mo sa kanya" paliwanag niya.

"Tt--teka, teka lang ha, I beg the pardon?? Ano ba itong pinag-uusapan ninyo ha??i cannot  related"nalilitong tanong  ni taehyung sa aming dalawa.

-_-

*related is your face!!*

"Hindi mo ba sa kanila kinuwento!?tanong naman ni seokjin sakin at tiningnan ang dalawa.

"Anong kinuwento??" nakakunot noong tanong ni taehyung .

Napatingin sa akin ang dalawa na parang tinatanong ang ibig-sabihin ni seokjin.Agad naman nagsalita si seokjin at isinalaysay sa kanila ang naganap kanina sa parking area.

"Kaya naman pala tinatanong mo kung sino si suga at agust d" tumango-tango si jungkook.

"At hindi mo man lang  kinuwento sa akin iyon!?nagsinungaling ka pa ng tinanong kita kung kilala mo si suga?kung hindi nagsabi itong si hyung ay hindi ko  malalaman ito" sinamaan ako ng tingin ni taehyung.

"hindi ako interesado magkwento, "sagot ko sa kanya.

"Ewan ko sayo, ikaw na talaga ang  mahaba ang talong" sabi pa niya at inirapan ako.

*Nak ng--!!! nanghahamon to ah!!*

Nabilaukan si jungkook sa sinabi ni taehyung at agad uminom ng tubig.

"Si min yoongi ay kilala bilang si suga sa t.v, miyembro siya ng isang hiphop trio na tinatawag na BTS o bangtan sonyeondan na binuo ng agency namin ,   kabilang dito si hoseok na kilala bilang jhope at ang leader nilang si namjoon na kilala sa tawag na rapmonster. Agust D naman ang bansag kay yoongi bilang underground rapper."  ------ jungkook .

-_-

*Hindi ako nagtatanong sa iyo jungkook!!! Walang nagtatanong sayo , kaya shut up ka nalang!!*

"Ah, ok" .

-_-

Bigla naman kaming tumahimik at ibinaling  nalang ang atensyon sa kinakain, magsasalita na sana si seokjin nang biglang mapahinto ito at napatingin sa pinto. Sabay din kaming napalingon kung sino ang tinitingnan nito, Maging ang mga estudyanteng kumakain ay doon din napunta ang  atensyon.

Bumukas ang pinto at pumasok sa loob ang tatlong sikat na lalaking nakasuot ng mamahaling shades at ginawang runway ang buong canteen.

Rumampa ang tatlo patungong counter at um-order ng pagkain. Hindi naman ini-aalis ng karamihan ang tingin sa kanila, bakas sa mukha ng mga ito ang halong pagka-inggit, paghanga, at pagkainis naman sa mukha ni seokjin hyung na iniikot pa ang mata at ibinaling sa kinakain ang atensyon. *Bakla!!*

Ipinagpatuloy naming apat ang kinakain, nang magulat nalang kami bigla na makitang nakatayo na ang tatlo sa harap ng aming mesa. Tinanggal ni yoongi ang suot nitong shades at ngumiti sa aming apat.

O_O

"Okay lang ba kung sumabay kami sa inyong apat na kumain!?"tanong nito na nakatingin sa akin.

O_O

"Whattt? You want the three of us to join them?? here!?" --namjoon.

*Walanjo ka!! english nanaman!!*

"Kung ayaw mo, maghanap ka ng sarili mong mesa, dito ko gustong sumabay sa kanila, "sagot naman ni yoongi at humarap sa amin ulit.

"Walang problema iyon sa akin, dito narin ako!!!"ani hoseok na nakangiting umupo sa tabi ni jungkook.

"Naku!!maghanap nalang kayo ng ibang mesaang dami pang bakante oh!? hindi kasi kami nakikisabay sa mga maarte na, mayayabang pa" nagsalita si seokjin ..

"Who are you calling mayabang!?" Nanghahamon na tanong ni namjoon .

"Who else do you think!?"---seokjin.

*Ayan na !!! Fight!!!*

"So you're calling me mayabang now!!"--namjoon

"I didn't even say its you, but since you've said it, you're the mayabang then"

"Hah!!how can you be so sure of that!?''---singhal ni namjoon.

"You're face tells everything, monster!" ---Jin

"How dare you call me monster?.

"Why!? Aren't you rap monster!?"

"Why you little---------

"Hey !!STOB IT!!!How dare you  fight in front of the foods and drinks!? You have not respect me, my friends, and i" naiiritang sigaw ni taehyung sa dalawa.

-_-

" The hell are you even sa-------"

"Dont call my brother hell!!"--seokjin.

"Whaaa-----

"Pwede ba tama na!!! Pinagtitinginan na kayong dalawa, have a little shame on yourselves , umupo ka na nga lang namjoon!!" Naiinis na usal ni hoseok at hinila si namjoon upang umupo.

O_O

*Wow nosebleed is nesfruta*

*Real na real*

"At sino nagsabi sa inyo na dito kayo umupo??pumayag ba akong sumabay kayo samin!?" Mataray na saad ni seokjin.

"Naka-upo na ako at tinatamad nang tumayo, kaya wala ka nang magagawa" sagot agad ni yoongi sa kanya.

O_O

Napatingin agad ako kay yoongi ng magsalita ito, kasalukuyang nakaupo na ito sa tabi ko at nakatitig sa akin.

O_O

*What is the happening to him again?*

"Aba't talaga nama--------

"Hi ako nga pala si Jung hoseok!! Tawagin niyo nalang akong jhope o  hoseok depende kung saan kayo mas komportable" pagpakilala ni hoseok na inilahad ang kamay kay taehyung at jungkook .

*Kilala ka na namin brad!!*

Katabi ni hoseok si jungkook,na katabi ako, na katabi si yoongi, na katabi si taehyung na katabi si jin na katabi naman sa kanyang kaliwang bahagi ang kaaway na si namjoon at nag-sasamaan ng tingin.

Hoseok>>>Jungkook>>Me>>>yoongi>>>>tae>>jin>>>namjoon>>.

"Ako naman si min yoongi,pwede mo rin akong tawaging suga, o sweetheart, depende sa gusto mo"nakangiting tugon ni yoongi na nakatingin lang sa akin...

*Sweetheart!?? Anong nangyari dito?* 

  -_-

"Why are you even introducing yourselves to them??for god sake they already know wh------

"Gusto kong magpakilala kaya tumahimik ka" pabarang sagot ni yoongi kay namjoon.

"Ha.ha.ha.ha.ha napala mo!!"sarkastikong tawa ni seokjin kay namjoon.

"Shut up!!"naiinis na tugon  ni namjoon.

"Shut up ka rin!!!"

"Talaga namang hindi kayo titigil ha? Kayong dalawa kaya ang umalis dito? Hindi na kayo naging mabuting ihemplo sa mga nakakabata sa harapan niyo, umasta naman kayo na parang seniors, tinagurian pa naman kayong running for valedictorian!!"naiiritang usal ni hoseok sa dalawa.
.
O_O
.
.
*Kruu kruuu kruu*~~~~
.
.
.
Agad naman tumahimik ang dalawa pero patuloy parin itong nag-sasamaan ng tingin sa  isa't-isa.Naibaling ko ang paningin sa katabi ko na nakatitig parin  sa akin at parang hinihintay  na magpakilala rin  ako sa kanya.

"Ako pala si kim taehyung, nakababatang kapatid ako ni seokjin" ---taehyung.

"Alam ko"  sagot  ni yoongi.

-___-

"Ahh hehe--baka kasi hindi pa---

"Ako naman si jeon jungkook,sophomore class A, pinsan naman ako nilang dalawa"  ani jungkook at itinuro ang magkapatid.

"Alam ko rin--, hindi nga lang ako nagtatanong" sagot nanaman ni yoongi.

O_O

Tumahimik bigla ang paligid, may mga estudyante naman nakatingin parin samin ngunit hindi na namin ito pinansin. Ibinaling ko nalang ang  atensyon sa kinakain.

*Walang katapusang kain*

"Hindi ka man lang ba magpapakilala!?"---tanong ni yoongi..

O_O

Napatingin ako kay yoongi na kasalukuyan nakatingin sa akin at hinihintay ang sagot ko.

"Siya pala si Park Jimin, bestfriend at kaklase ko, paborito niyang pagkain ay hotdog, scholar siya dito at siya din ang nangunguna sa student ranking. "------ si taehyung ang biglang nagsalita.

"Ikaw ba ang tinatanong ko!?".

*Boomm!!!payness!!*

"Bakit ba ikaw yung sumasagot ha!?" Dagdag pa ni yoongi.

Humarap ito kay taehyung, na tumungo  naman agad para magpaumanhin.

"Bakit mo ba binabara ang kapatid ko ha!?sino ka ba sa akala mo!?" Agad naman nagsalita si jin..

"At sino ka rin ba sa akala mo !?"----- yoongi.

Nagtinginan sa kanilang dalawa ang mga estudyante at nagbulungan.

"Pagsabihan mo itong kapatid mo,huwag sasagot kung hindi siya ang tinatanong, masyadong pakialamero"---yoongi

O_O

"Anong sabi mo!??anong pakialamer --------".

"Bingi ka ba o bingi talaga??nasabi ko na, tinatamad akong ulitin, hindi ko na problema iyonsagot ulit ni yoongi .

"Inuubos mo tal-----------

"Tumigil na nga kayo , pwede ba!!!"inis na napatayo si hoseok at sinamaan ng tingin ang dalawa.

"Umalis na tayo dito, nawalan na ako ng gana ,Pasensya na kayo sa inasta nitong mga kaibigan ko sa harap ninyo at  pati narin ikaw seokjin hyung dahil  nagulat ako sa ini-asta mo"dagdag pa ni hoseok.

*Masyado kasing higblood agad ang seokjin!! *

Nauna itong umalis  at hindi na tinapos ang kinakain,  sinundan naman agad ito ni namjoon. Bubuksan na sana ni namjoon ang pinto palabas nang lumingon ito kay yoongi , laking gulat nalang nito na hindi pala ito nakasunod sa kanya  at kasalukuyan parin naka-upo.

"Hyung!!, what are you still doing?"nakakunot-noong tanong ni namjoon kay yoongi.

"Hindi ako aalis dito hangga't di nagpapakilala ng personal sa akin  itong katabi ko"sagot niya kay namjoon at agad tumingin sa akin..

"Whaaatttt???---namjoon

*Yes what!?*

O_O

Nakatingin lang sa akin si yoongi na hinihintay akong  magsalita .Pilit ang ngiting  napalingon naman ako kina seokjin na ganoon din ang ginagawa .

-_-

"Magpakilala ka na nga diyan para makalayas na iyan!! Wag kang pa hard to get!!"maya't maya pa'y naiiritang sabi ni seokjin.

O_O

*Anak ng--?Hard to get???*

"Ako si park jimin" sabi ko na nakatingin kay yoongi at tumungo.

"Iyon lang!?"-------jk, tae, jin.

*Anong iyon lang?gusto yata nilang ikuwento ko pa ang talambuhay ko!!*

"Park jimin, hmmm magandang pangalan. siya, mauna na ako, pasensya na sa abala, sa susunod ulit" nakangisi niya pang sabi at agad tumayo.

*May susunod pa pala!? *

"Ikinagagalak kitang makilala sweetheart!!"  habol na sabi nito at nakangiti pang kinindatan ako bago umalis.

O_O

*Sweetheart!??bingi ba siya?? Sabi nang park jimin ang pangalan ko!!*

"Kinakabog mo ang nag-iisang Bae Suzy  friend!! , Kunting hiya naman!!!"-----taehyung.

" Pa hard to get pa amputssa" ---natatawang usal ni jungkook habang iniinom ang lemon juice na inorder.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet