chapter 5

NANG MA-INLOVE AKO SAYO...

"Bhe! Ba't hindi maipinta iyang mukha mo!?".
-_-

Nag-aalalang lumapit sa akin si chef daesung upang itanong kung anong problema.Napabuntong-hininga naman ako at umiling-iling sa kanya. Inilapag ko sa mesa ang mga pinunasang  plato at hinugasan  ang mga kamay ko. Tinapik naman nito  ang balikat ko at ibinalik ang atensyon sa ini-luluto.  Napaupo ako  pansamantala sa isang maliit na upuan sa sulok at humalukipkip.

Crush ko

Crush ko

Crush ko

Crush ko

-_-

*Bwesit siya!! Ganun ba makipag-usap sa crush?*

Biglang bumukas ang pinto ng kusina at pumasok ang nakangiting si byun baekhyun .

"Oh?! Bakit oily ang baby face natin? pulbo pulbo rin!nandoon ang admirer mo sa labas oh" sabi nito, sabay turo sa labas ng pinto.

-_-

*Admirer amputtsss!!!* 

"Ano na friend? Galaw galaw!!ito oh ihatid mo nalang ito dun sa vip table two" utos  niya at inilahad ang isang tray ng pagkain.

Napabuntong hininga ako na tumayo at kinuha ang tray mula sa kanya.Lumabas ako ng kusina upang ihatid ang pagkaing dala sa mesang sinabi ni baekhyun. Nasa kanang bahagi ng mesa malapit kina yoongi ang mesang paghahatiran ko. Doon ko namang naisipang dumaan nalang sa bahaging likod nila habang dahan-dahan na humahakbang dahil sa marami-rami ang pagkaing nakalagay sa hinahawakan kong tray.

*Pppplllaaaaaaaakkkkkkkk*

O_O

*aura!!*

Sa di inaasahang pagkakataon, isang customer ang umupo sa bakanteng mesa na nasa likod nila namjoon at hinila nito ang upuan papunta sa harap ko dahilan para mapatid ko ito  at matilapon ang mga pagkain ng hawak kong tray papunta sa akin na mukhang naligo ng pagkain dahil sa itsura ko.

Lahat ng mata ay sa akin agad napatingin, napatingin din sa akin sina namjoon, hoseok at yoongi.

*lahat nga diba!? as in all!!*
-_-

Nakaramdam ako ng sobrang pagkahiya sa ibinibigay na titig ni yoongi sa akin, parang ipinaparamdam rin nito ang  pagkapahiya niya sa nangyari kaninang tanghali sa canteen.

Yumuko ako at umastang tatayo sana ngunit agad akong nadulas sa nagkakalat na pagkain sa sahig dahilan upang mapa-upo ulit ako.

"Hope! Kunin mo yung tissue dali!!"    

O_O

Napa-angat ako ng tingin nang makita si yoongi na lumapit sa akin. Agad namang ini-abot ni hoseok ang isang box ng tissue galing sa mesa at ibinigay ito sa kanya. Bahagya siyang lumuhod at marahang pinunasan ang aking mukha at ang aking damit na nadumihan.Tumayo ito katapos  at agad  tumingin sa mga taong pinag-titinginan ako. >////<

"Ako lang yata ang tao dito"

O_O

Sarkastikong ngumisi ito at nilahad  ang isang kamay upang abutin ko, hinawakan ko naman agad iyon at tumayo.  Malalamig ngunit malambot ang mga kamay nito habang nakahawak sa aking kamay. Hinawakan naman ng isa pa niyang kamay  ang kabilang braso ko nang ako'y tumayo.

O_O

"Uso ang humingi ng paumanhin sir kahit hindi sinasadya, Uso din ang tumulong, kahit pa hindi sinadya".

Nilingon nito ang lalaking aksidenteng humila ng upuan, Tumungo naman agad sa kanya ang lalaki at nag paumanhin.

"Bakit sa akin ka naman nagpapaumanhin? ako ba ang napatid?"

O_O

*Oo nga naman*

Napatitig ako kay yoongi ng panandalian, doon ko lang nasilayan sa malapitan ang kabuuan ng kanyang mukha. Napakakinis nito na walang bahid maski isang tigyawat

*ano kayang brand ang facial wash nito?*

Maliit ang kanyang mga mata, at hindi gaano makapal ang mga kilay na bahagyang natatabunan pa ng kanyang bangs*dora?*  Doon ko din napag-tanto na attractive din pala siya.. charroot.Agad namang dumako patungo sa kanyang maliit na mapupulang labi ang paningin ko.

O_O

*Lunok ng dirty water*

Nag-iwas  agad ako ng tingin nang mahuli niya akong nakatitig sa kanya.  bumaling naman  ako sa babaeng costumer na hahatiran ko sana ng pagkain.

"Pasensya na po kayo maam, hahatiran ko nalang po kayo ng panibago" .

"Okay lang iyon hijo, aksidente ang nangyari,mag-ingat ka sana sa susunod" sabi pa nito na nag-aalala pang nakatingin sa akin.

*Nasaan na kasi si manager at ang kanyang avengers!?* -_-

Tumingin ako kay yoongi na agad hinubad ang suot nitong blazer at agad inilagay sa mga balikat ko. Agad naman niyang hinawakan ulit ang isang kamay ko, at inalalayan ako papunta sa counter.

*Geum jandi!! kabahan ka na!*
 

" salamat pala sa tulong mo ha!? at pasensya na " nakatungo kong tugon.

Ginulo nito ang buhok ko at ngumiti sa akin.

O_O

*Okay lang ba ito!?*

"Pasensya narin sa mga nasabi ko sayo kanina nung hinihingi mo ang order namin" sinserong pagpaumanhin nito.

"Ako dapat ang humingi ng sorry, naaksidente ka kanina sa canteen dahil sa akin,Pasensya na sunbae "

"Kalimutan mo na iyon, mag-iingat ka sana lagi, mahirap na,baka  mapahamak ka nanaman, crush pa naman kita" sabi pa nito. 

O_O

Crush pa naman kita

Crush pa naman kita

Crush pa naman kita

Crush pa naman kita


*Pardon again?*

Ginulo ulit nito ang buhok ko at ibinulsa ang magkabilang kamay saka tinalikuran ako. Nakatulala naman akong naiwan sa counter na nakatingin lang sa kanyang likod habang naglalakad ito patungo sa mesa nila namjoon.

"Naku!! Jimin pasensya na talaga , pasensya na,kung alam ko lang na mangyayari ito,pasensya na talaga bhe"  ani baekhyun na tumungo pa ng maraming beses sa akin

*Bakit naman nagpapaumanhin ito!?*

-_-

Lumapit agad sa akin ang mga katrabaho ko at inalalayan ako patungong kusina upang makapagpalit ng damit..

"Umuwi ka nalang muna ngayon jimin, kinakailangan mong mag-pahinga, sige na" ----- manager kwon.

"Per---------

"Huwag ka ngang makulit oppa! Umuwi ka na ,sige na, kami na ang bahala dito, kering-keri ito ng mga beauty namin"---  joy.

*Oppa-kan kita diyan!!*

"Sige na dear,umuwi ka na muna, you need rest..... in peace!! Jookee"  ---amber noona.

*Mauna ka sana dear*
-_-

Nakangiti ito at nag peace sign sa akin. Bumuntong hininga naman akong napatingin sa kanilang lahat, Bakas sa kanilang mga mukha ang pag-aalala kaya tumango ako sa kanila at nagbihis agad. Lumabas ako sa facility room matapos magbihis at kinuha ang bag. Sa likurang pintuan ng kusina na ako dumaan palabas at umuwi agad...

***************

"Oh! Ang aga yata ng uwi mo?"

*Ayy hindi nay!! Late na ito!! Late!!*

Sinalubong agad ako ng aking ina ng makarating ako sa bahay, bakas ang pagtataka at pag-aalala sa mukha nito na nakatingin sa akin,  inihagis ko ang bag sa sofa at  lumapit sa kanya na niyakap siya ng mahigpit mula sa likuran. Humarap naman ito sa akin at nag-aalalang tiningnan ako.

"Kumain ka muna anak, ipinagluto kita ng masarap"

*Ano bang klase ng masarap iyan? Dapat specific !!*

"Salamat eomma, pero wala akong ganang kumain ngayon, pagod ako, gusto ko nang matulog"

"Sino naman ang nagpagod sayo!?"

O_O

"Ha!?"

"Wala!! Alam kong may nangyari nanaman sa iyo na di maganda, sige ipahinga mo  iyan, iiwan ko lang itong pagkain sa dito mesa, pag nakaramdam ka ng gutom lumabas ka nalang ng kwarto mo at kumain."

>_<

"Opo!!! I love you eomma!"

"Sus!! Sinasabi  mo lang naman ito tuwing may nangyayari sayo na hindi maganda, tingnan lang natin kung wala, ni isang halik hindi ako nakakatanggap mula sayo." Nakasimangot itong nakatingin sa akin..

*Dramatic much!! *

"Ehhhh!! Huwag ka nang magtampo ma!!di bagay sayo!! buti nga at sinasabi ko pa sa iyo yun eh!!mahal na mahal kita eomma, sobra" nakangiting sabi ko at niyakap ulit siya ng mahigpit.

"Mahal na mahal din kita anak, pero pwede bang malaman ni eomma kung ano yung nangyari sayo at ganito ang itsura mo pag-uwi?"tanong nito.

*Ayyy ma!! Na ako ng bonggang bongga!!! Jookeeee*

"Wala akong gana  mag-kwento ngayon eh!! Pero pramis bukas ikuwento ko sayo "

"Oh sige, magpahinga ka na anak"

Agad akong pumasok ng kwarto at humiga sa kama.

*Wew*

*Isa na namang  mala-teleseryeng ganap ang nangyari ngayong gabi, gusto yatang makipagsabayan nito kina Park shin-hye* -_-

*********************

Kinabukasan ay agad kong kinuwento sa ina ang mga nangyari sa akin kahapon, nakatanggap naman ako ng mahaba niyang homiliya bago ako pumasok ng paaralan.

Tinahak ko ang daan patungong paaralan gamit ang nag-iisang bike na binili ng aking kapatid bago siya mag-aral sa ibang bansa. Ito lang naman ang tanging ginagamit ko bilang transportasyon patungong paaralan.

Ipinarada ko agad at kinadinahan ang bike sa isang rihas sa gilid ng parking area  ng makarating ako . Ang aking biseklita ang nag-iisang biseklita sa parking lot ng paaralan, lahat kasi ng estudyante ay pumapasok ng naka-kotse kaya hindi ako nag-aalalang mawawala iyon doon dahil wala naman nagkaka-interes sa kanila na kunin iyon..

*Cheap daw kasi, mga walanghiya!!!*

"Cchhiiiimmmmchiiimmmm!!!!"

O_O

Nilingon ko ang nagmamay-ari ng boses at nakita si Kim Seokjin sa loob ng  sasakyan nito na nakangiting kumaway sa akin. Ipinarada  nito sa bakanteng espasyo ang sasakyan at  pagkalabas ay agad tumakbo palapit sa akin.

"Good Morning hyung!! " Bati ko agad sa kanya.

Nginitian ako nito at sumabay na sa akin papasok. Bago namin maabot ang gate patungo sa loob ng campus, ay may isang mercedes-benz na sasakyang kulay itim ang humarurot sa harap namin ni seokjin hyung at may ibinato ito sa akin naka-kulumos na maliit na papel.

O_O

Agad  kaming napahinto pareho ni seokjin at nagtinginan sa isa't-isa. Nakakunot ang noo kong pinulot ang papel at binuksan upang basahin ang nakasulat dito.

[Pwede bang mahingi ang number mo!??-----AGD ]

???? O_O

*Anong number ba? Swertres, bingo, id number??*

*hindi specific!!*

"Sinong AGD? Hindi yata ito para sa akin"

Nalilito akong napatingin kay seokjin na lumapit agad sa akin upang basahin ang nakasulat sa papel. Kumunot ang noo nitong inilapit pa ang mga mata sa papel na parang sinusuri ito.

*Sino kasing AGD ito!?*

"Mukhang pamilyar sakin ang sulat kamay nito ah!? ".

"Para yata ito sa iyo hyung" ako.

"Eh bakit sa iyo ibinato!?"

O_O

*Oo nga!?*

Saglit akong napatitig sa kanya , naalala kong hindi pala kami magkalapit masyado sa isat-isa  habang naglalakad, kaya possibleng hindi  magkakamali  ang babato kung  para sa kanya ang sulat dahil makikita naman ng nasa loob ng sasakyan ang kinatatayuan naming dalawa. Nagkibit-balikat nalang ako sa kanya at nagpatuloy  sa paglakad.

"AGD!?? Teka! Parang nakita ko na ang initials na ito "  

* edi para sa iyo iyan!!* -_-

Nilingon ko si seokjin na malalim ang iniisip at tila ini-alala kung saan niya nakita ito, tinitigan niya ulit ang hawak na papel na nakakunot ang noo.

*Naku!Mai-stress lang ang beauty mo hyung ! Stop it na!!*

Kumurap-kurap ito saglit at nagkibit-balikat nang hindi na niya maalala, ikinumos nito ang papel at inihagis sa namataang garbage bin sa gilid at Sabay na kaming naglakad palapit sa gate.

"Oo nga pala, nai-kwento sa akin ni V ang nangyari sa iyo kahapon himala nga na walang ginawa si yoongi sayo na kalokohan" natatawang sabi niya.

*Mayroon kaya!! Yung titigan ako!!*

"Good morning"

O_O

Napalingon kaming pareho ni seokjin nang may magsalita sa aming likuran. Nakita namin si yoongi na nakatayong nakapamulsa ang mga kamay at nakangiti sa aming dalawa. Tiningnan muna nito si seokjin , at tumingin naman sa akin papunta sa mga kamay ko.

*Kamay naman ngayon!?*

"Good morning yoongi, may kailangan ka ba sa amin?" Tanong ni seokjin.

"Wala naman, masama bang bumati ng good morning mr.pres?" Nakangisi nitong sagot.

"Hindi naman, nakakagulat lang na  bumati ka ngayon" nakangiting tugon ni seokjin.

O_O

Napayukong ngumisi at umiling-iling naman si yoongi, ini-angat agad nito ang tingin na lumapit kay seokjin at tinapik ang mga balikat, napatingin naman ito saglit sa akin at sa aking mga kamay bago naunang lumakad.

-__-

"Aha!!!, alam ko na kung sino yung AGD na iyon!!!"

"????????"

"Si Agust D".

??????????

"Agust D ang ginagamit niyang pangalan tuwing sa underground sila nagpeperform, kaya pala parang pamilyar sa akin ang initials  at ang  sulat kamay niya pati narin ang sasakyan, siya lang naman pala, may pa AGD pang nalalaman" sabi pa nito .

-_-

*Walang nagtatanong sayo hyung, wala!!!! !!*

"Sino naman iyon!?"

"Si Suga"  sagot nito.

O_O

* kanina agust D ngayon suga naman!?*

--Eh sino ba ito? Kilala ko ba ito? Tao ba ito? Bagay? Hayop?pinoy henyo ang peg ng jin, kaloka!!

"Sinong sug-------

"Hay naku  park chimchim si Min Yoongi iyon!! Si Min Yoongi a.k.a Suga o Agust D!! siya ang bumato ng papel at humihingi ng number mo"  sabi naman nito .

O_O

*Ehh di wow!!! dapat sinabi mo agad, ano ako manghuhula?*

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet