Chapter 3

Brand New Days

 

Avee’s POV

“Wait, girls, napansin niyo ba yung kasamang pumasok ni Caleb kanina? Sino siya? Mukhang hindi naman natin siya kablock eh”

Makatanong tong maliit na batang to, yes, maliit, akala ko naliligaw lang to dito eh, kala ko taga integrated. Ang sama ko talaga hehe.. anyways, she’s quite cute, sayang nakulangan sa height, and mukhang kikay, head to toe pink, ano ba naman to! Hello ate, hindi lang pink ang kulay sa mundo..

“Hindi ko kilala eh, baka higher year siya.”

Hello higher year? Kamusta naman yun? Mukha naman akong baby face noh..

“Nakakahiyang magapproach eh, mukhang may dark aura..”

Ang saklap, pero sanay na ko, mas okay na yun kesa maging miss social. Magkabaligtad nga kami ni Caleb, okay feeling close na ba sa pagsabi ng pangalan niya? Sorry naman.  Okay back to him, as I’ve said, magkabaligtad nga kami, kita mo naman siya ata si MR. Congeniality. Ngiti dito, ngiti doon, nakalimutan niyang may kasama pala siyang papuntang school and I will thank him for that, once and for all, gusto kong manahimik ang buhay ko hehehe.. So eto, sapak si earphones then, I will try to sleep dito sa desk, since uso ata ang late professors sa school na to.

“By the way guys, may gusto pala akong ipakilala sa inyo,”

Woah kuya, Caleb, kuyang stranger, what’s with you ulit? Don’t tell me ako yun?? Bigla akong napatingin sa harapan from my “sleep sa desk” position. Kainis! Please, okay na ako dito, I am really okay here, no thanks po, hindi niyo naman ako kailangan kilalanin right?

“Sino yun Caleb?”

Tinanong nung maliit na sinabi ko sa inyo kanina. Infairness, ang active nitong maliit na to ah, mukhang nagpapapansin ata kay Caleb. Sino ba namang babae ang hindi? Syempre ako na yun. Hehe..

“May bago po tayong kablock, guys meet Avee!”

Sinabi niya yun cheerfully then sabay ngiti sakin. Tumingin naman ang mga mokong na to. Ano kayo uto uto? Haha..

“Avee, tara, magpakilala ka sa harapan..”

Ngumiti nanaman siya, ano bang meron sa ngiti niya? Bakit hindi ko kayang tignan ng matagal? Naiirita with matching kilabot. Kung hindi ko lang kailangan magkaron ng good girl plus shy image eh matagal ko nang nasapak tong si kuya. Hehe.. sorry kung ang mean mean ko talaga.

So ayun tumayo ako at nagstart ng lumakad papuntang harapan. Syempre nakayuko lang yung ulo ko nung mga panahong yun. Ang dami ko ngang naririnig na side comments ng mga tao dito ehh. Examples are:

“Sino siya? Pano siya nakilala ni papa Caleb?”

“Hindi ko rin kilala eh, mukhang shy girl pero baka din yan ahh, baka way niya yan ng pagattract kay Caleb, what you think girls?”

“Siguro nga, wala namang babae ang hindi mabibighani kay Caleb eh.. pa-shy pa to.. hehe.. pero may aura talaga siya mga girls”

Anak ng.. tama ba yung narinig ko?? Okay, hingang malalim Avee, side comments lang yan pero yung sabihan ng .. excuse me sa mga babaitang to ahh, hindi niyo naman po ako kilala excuse me! Grabe, bakit pa kayo nagbubulungan kung yung bulong niyo eh parang kasing lakas din ng normal conversation. Err.. nakakainis na mga babae! Yes, forever na tong dark aura ko, akala niyo ahh.. hehe..

Sobra na ata ang standing ovation ko dito sa harapan, naghihintay na sila ng sasabihin ko. Haay, nakakainis naman tong Caleb na to eh, kala mo close kami.. hehehe.. peace kuya!

“Uhmm..”

“Psst, magsasalita na siya..”

Ay grabe! May ganung factor kuyang stranger number 2? Eto na nga.. haay, hinga ulit Avee..

“Uhmm, ako po.. si.. Avery Renee Sandejas, Avee po for short, salamat po.”

And nagbow nanaman ako, kung iniisip nila na japanese ako dahil bow ako ng bow. Well sa puso ko OO Japanese ako.. Peace ulit Philippines mahal kita! Hehehe..

Napansin kong pati pala si Caleb ay nasa gilid ko at nakacrossed arms, inaabangan din yung sasabihin ko. Oh well, kung umaasa pa kayong may sasabihin pa ako, wala na akong masasabi period! Hehehe..

“Wow, dre, maganda siya, grabe ang kutis, ang mukha, sayang, mahiyain men.. mukhang mahirap kausapin”

“Oo nga dre eh, sayang! Magkasing ganda sila ni Sam”

Tama ka jan kuya, buti ka pa napansin mong mahirap ako kausapin di katulad ng iba jan na FC much joke! Peace Caleb! Wait, sino si Sam? Wala naman akong nakikitang magandang babae sa classroom na to. Hindi ko naman sinasabi na maganda ako pero wala talagang maganda akong nakikita na super ganda. Hehehe..

“Hey Dex! Stop.. uhh.. wag mo ngang babanggitin yung pangalan ng Sam na yan! She’s a !”

“Whatever, Aubrey! Inggit ka lang kay Sam ehh..”

“Sinong maiinggit sa isang ??”

“Hey, hey, guys, tama na yan, buti nalang wala pa si Sam dito. Grabe hindi pa ba tapos yang issue na yan? Aubrey bakit ano ba ginawa sayo ni Sam?”

“It’s nothing Caleb, Sam is just a ”

Ahh wala pa pala yung Sam na sinasabi nila, kaya pala ganun lang agad agad makareact tong mga to. Teka natawa ako kay ateng maliit which is Aubrey pala yung name, kung makapagtaglish ehh. Pano naman kaya naging yung Sam na sinasabi nila? Hmm..

 By the way kung iniisip niyo na nasa harapan pa rin ako mali kayo, ang tagal ko nang nakaupo at nakasubsob nanaman sa desk hehe. Mukhang inindian na kami nung prof namin eh, so matutulog nalang ako. Maya maya may nagsabi ng

“Speaking of the angel”

Ang laki talaga ng pagkabitter nitong batang to sa mundo eh noh? Ang init ata ng dugo niya dun sa..

Sa..

Wow, kung siya yung sinasabi niyong Sam, nako kuya apir tayo! Maganda talaga siya, kaya pala grabe makareact tong si Aubrey ehh, wow, she really looks like an angel. Mukha naman siyang mabait ahh, pano siyang naging ? Baka nga inggit lang tong mga babaeng to sa kanya.

“Hi Sam!”

Naks, duma “the moves” ata si Caleb hehehe..

“Hi Zac!”

ZAC?? Akala ko ba Caleb?? Hanggulo na ahh!! Zac? Caleb? Ano ba talaga?? Anyways, di ko naman siya kakausapin eh hehehe..

“Sam, late ka ata ngayon, buti nalang wala pang prof.”

“Buti nga eh, haay salamat! Sige Zac, upo muna ako.”

Mukha naman talaga siyang mabait eh, ano kayang problema ng mga tao dito noh? Inggit siguro sila kasi kinakausap siya ni Caleb. San kaya uupo tong si ate? Hehe.. she seems so nice,

“Uhmm, excuse me miss? May nakaupo ba dito?”

Wait, is she talking to me? Fine Avee, she’s talking to you. Hindi ka naman noobs right?

“Ahh, wala naman ata”

Ngumit ako sa kanya, fyi, hindi yun fake smile. Ang cute niya pala talaga. Umupo na siya dun sa harapan ko. Wow, isa pa tong babaeng to na pink lang ata ang alam na kulay sa mundo.

Lumapit si Caleb or Zac kay Sam or baka sakin. Please wag ako, tahimik mundo ko. Hehe..

“Hey Sam, nameet mo na ba yung new classmate natin?”

“Hmm.. sino? Siya ba?”

Tinuro ako ni Sam. Yes Sam ako yun, I’m glad to be friends with you hehehe..

“Yes, Samantha, siya nga pala si Avee, bagong kablock”

Makulit rin pala tong si Sam, hinarap niya yung upuan niya  sa desk ko.

“Hello Avee! I’m Samantha Fernandez! Nice meeting you!”

The she offered her hand for a handshake. Syempre nakipagshake hands ako, she’s so kawaii! She’s not a , inggit lang talaga yung mga barkada ni Aubrey sa kanya.

“By the way, call me Sam! Pero kung kikay ka, Sammy is the best! Hehehe.. grabe ang ganda mo neng!”

“Naku Sam, thank you!”

Syempre mahiyaing tunay talaga ako, at si Sam, I like her. Swak nga ang ugali nila ni Caleb sobra. Ito ang miss congeniality ng block na ito.

“Ayy.. shy type pala to Zac.. hehe.. wag kang mahiya samin, lalo na sa akin, hindi naman ako nangangain promise! Hehehe”

Tumawa lang din ako, ang bait niya and super friendly, pero sorry teh ah, shy type ako.

“Uy Zac and Avee, my phone’s ringing, sagutin ko muna okay?”

Nag nod lang ako sa kanya then sabay ngiti.

“By the way, Avee, hindi pa pala ako formal na nakakapagpakilala sayo”

“Ah, yun ba? Okay lang”

“I’m Caleb Zachary Vinson! You can call me Caleb or Zac, take a pick. Hehe”

“Ok, nice to meet you Caleb”

“You should meet the block pero you don’t have time na ata. Hehe.. wait, next class na pala, tara!”

“Ah ok sige”

Tumayo na ako, I went to get my bag and talaga naman hinintay ako ni caleb. Sabi niya hintayin na rin daw namin si Sam since magkakaklase naman daw kaming tatlo.

“Huy, Samantha Fernandez, tama na ang telebabad, next class na po”

Tinapik niya yung shoulder ni  Sam. Close pala talaga sila, infairness kung love team tong dalawang to, I will be a shipper. Marunong naman akong kiligin pero sa mga celebrity loveteams lang.

“Hey Avee, nabored ka bang kausap tong unggoy na to? Sorry ah, importante lang yung tumawag.. hehe”

Sabay batok kay Caleb. Ang cute talaga nilang dalawa. Para silang barkada na in a relationship. Ano daw?? Hahaha.. Caleb and Sam = ehh wala akong maisip na OTP sa kanilang dalawa hehe.. basta ako avid fan ng loveteam nila.

“Ahh okay lang, hindi rin naman ako nagsasalita, hihi”

Obviously, hindi talaga ako nagsasalita.. hehehe.. itong mga to, inner thoughts to, I’m arguing with myself. Baliw na ba ako? Malapit na don’t worry. Hahaha

Andito na kami sa may tapat ng classroom. Communication daw yung subject. Okay lang, forte ko naman ang mga ganung subjects anyways. Mahal ko naman kahit papano ang English.

“Hey Caleb, pakilala mo kami personally kay Avee!”

Sino yun? Ano ba yan!! Lalaki nanaman!! Kainis!!

“Sige bro, hey Avee, okay lang ba sayo?”

Nagnod nalang ako, ano bang magagawa ko? Ayoko naming maging snob sa paningin nila noh, shy type oo pero snob, ibang usapan na yan. Hehe..

“Avee, this is Rence, Prince at James, oh ayan na mga kupal ah! Hahaha”

This is more awkward now, more boys, mas nakakailang. Kainis!

“Hello po sa inyo”

Then sabay nagbow. Hindi na ata mawawala sakin ang mga practices ng Japanese. Feeling haponesa lang hehehe..

“Avee, Japanese ka ba?”

Ayun tinanong ako nung Prince ba yun. Ako? Hindi ako sumagot. Nagsmile lang ako sa kanya.

“Wow, dre! Ikaw na nginitian! Precious ammp!”

Excuse me? Anong meron sa ngiti ko?? Natural lang naman yun ahh! Ayun, sa wakas dumating na prof namin.

“Good Morning class! Saglit lang tayo ngayon ah, may meeting kasi ako, by the way, I’m Amy Zabala.. call me Miss Amy nalang okay? I will be your Comm prof this semester. Gusto ko gumawa kayo ng group consisting of 4 members”

What, groupings?? Wala pa nga akong kasama ehh!! Kainis!! Pano na ako nito?? Haay.. bahala na nga!!

“Excuse me ate may kagroup ka na ba?”

Sino siya? Hmm, mukhang matured na tong babaeng to ah, I like her poise and dating. Mukhang hindi naman namin siya kablock eh. Salamat ate! Savior ka!

“Uhmm, wala pa nga po”

“Gusto mo samin ka nalang? Tatlo palang kasi kami.. hihi”

“Sure po, salamat po!”

Ayun naginterrupt uli si Ms. Amy.. may sasabihin ata ulit.

“By the way, class, ilagay niyo pala sa ¼ yellow pad yung name nung members and yung name ng group niyo. Be unique okay?”

“Ayy ayun, magpakilala nga muna tayong apat! Hehehe.. kaming tatlo kasi non-block, we’re from BS Math”

“Ahh ganun po ba? Bago lang po ako dito, pero kablock ko sila.”

“Ahhh. What’s your name nga pala?”

“I’m Avee po, kung full name, Avery Renee Sandejas.”

“Wow, avee you got a nice name! I love it, Siya nga pala, I’m Michaella Forte, Chaila nalang for short..”

Wow, siya si Chaila, siya yung sinasabi kong matured na.. kasi naman, she already looks like one totally elegant lady. Ang galing niyang manamit. Atleast she knows different colors. And I love her style. Pastel colors infairness. She also seems so nice, feeling ko magclick kami nito.

“By the way, I’m already 19 years old but don’t call me ate please! Haha”

Kaya pala, of legal age na si chaila, but I still adore her. Ang nice naman niya. Nakakatakot yung isa niyang friend, mukhang masungit ata. May aura rin kagaya ko. Hehehe.

“Ahh kaya pala,”

“Kaya pala?”

“Nevermind Chaila! Hehe”

“Ehemm.. Avee right? I’m Kathreen Campos.. yes Kathreen not Kathyreen hehehe.. You can call  me Kath.. I don’t bite hehehe mejo boyish lang pero I really don’t bite Avee”

Natuwa much naman ako dun. Yeah, tama siya, may pagkaboyish nga tong Kath. Mabait din siya, buti pa mga non-block mababait unlike nung mga girls ng block namin. Mukhang walang totoo well except kay Sammy, I really like that girl. Wait, there’s a guy in our group. Hmm.. mukha namang nerd tong isa, pero cutie na rin pero not as handsome as Caleb. Hehehe.. si Caleb nanaman? Avee gising! Wag kang maging bakla!

“Hello Avee, Ako pala si Christian Roseller Bartolome, Chris for short.”

Hahaha mukhang silent na nerd type tong si Chris. Well, unlike Caleb, gwapong Moreno ang dating ni Chris. He looks like an American na Moreno. Cool ba? Mala Taylor Lautner pero hindi yun yung kamukha ah. Sayang kasi nakaeyeglasses siya so halatang nerd ito. Mukhang okay naman.

Biglang inakbayan ni Kath si Chris.

“Alam mo ba Avee, si Chris bakla este matalino to ehh! Hahaha”

“Hahaha, ganun ba? Halata nga..”

“Anong halata Avee? Na bakla siya? Hehe”

Tinignan siya ng masama ni Chris.

“Uy Kath hindi, halatang matalino ano ba.. hehe”

“Oh peace tayo chong! Matalino naman daw pala eh”

Nakita ko namang namumula si Chris nung pagkasabi ko nun. Bakit kaya? Anong meron? Nakakakilig ba sinabi ko? Oh well, napansin kong nakatitig sa grupo namin si Caleb. Bakit kaya? Andami ko namang tanong, pero seriously, bakit siya nakatingin? Baka akala niya na wala pa akong kagroup so sinenyasan ko siya na “Okay lang ako” then smile. At biglang naging kamatis rin yung mukha niya, okay? Ano bang meron sa mga sinasabi ko? Kainis! Haha..

“Huy, tapos na yung getting to know nating apat ah, hehe.. ano nang pangalan nung group? Naghihintay na si ma’am”

Oo nga naman, tama si Chaila, wala pa kaming pangalan. Natuwa much kami sa getting to know you stage. Infairness ang saya nila kasamang tatlo. Well yung sa dalawang girls lang, mejo tahimik kasi si Chris ehh.

“Wala akong maisip Chaila eh”

“Ako rin walang maisip”

“What if, pagsamasamahin nalang natin mga pangalan natin?”

Okay, nagsuggest ako ng ganun, ano naman kayang pwede sa pangalan namin? Parang ang hirap pa ng naisip ko. Ayan! Ikaw kasi Avee ehh, tss

“Chrisvee nalang hehehe..”

Loko loko talaga tong si Kath. Chrisvee? Ano yun loveteam namin ni Chris? Duh! Excuse me! Hehe..

“Uy adik mo Kath, bakit yun? Hihi”

“Okay lang yan, diba boss?”

Boss? Boss refers to Chris. Nakita naman namin na namumula nanaman si Chris.

“Yiee, Chris ah, love at first sight?”

Ayun inasar siya ni Chaila, alam ko joke time lang naman lahat ng to and kahit na hindi mo makausap si Chris, mas comfortable naman siyang iasar sakin kasi alam kong wala naman to kaya nakitawa nalang ako.

“Gusto mong sapak Chaila?”

“Haha, joke lang chong, hot agad? Uy, ano na ba talaga pangalan ng grupo natin?”

“Polar Bears!”

“Polar bears?”

Andami talagang alam na kalokohan ni Kath kahit kelan. Ano namang meron sa polar bears?

“Class, last minute, ipasa niyo na yung papel niyo dali!”

“Sige na ayun na polar bears na, okay na yan Avee ha? Chris ano?”

“Ah sige kahit ano..”

Ayun napasa na namin ang papel namin at kami na nga ang Polar Bears. Kung ano man ang ibig sabihin nun? Hindi ko rin alam eh.

“Hey Avee, break mo ba after this?”

“Oo bakit?”

“Kami rin eh, tara let’s hang out!”

“Sure!”

Masaya ako dahil komportable agad akong kasama sila. From this day on, I’m officially a Polar Bear.. hehe

 

/////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
il0stmymind
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
kyle_16
#2
@bsjlover & avivagi.. wahaha.. ask Sillie Ate May and Omma Avi.. i'm an innocent kid here O_O<br />
@royal823.. NINANG!!!!!!!!!!! SMILE FOR ME!!!<br />
<br />
@iscreaminmymind.. pasensya na.. ginawang chatbox.. bwahaha
ROYAL_GREEN
#3
THE ENGLISH VERSION IS GINGERSNAPZ FF 381.......!!!!!<br />
heeeeey @sillie update your 381 ff!!!!!<br />
very niced tagalog version!!!!!
avivagi #4
can you please write this in engggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggg pleaseeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee. thank you very much. we also fan of hyunmin. so please of us too. not all us is from phillipine. there are alot of fans from other place. and we are very nice supporters of hyunmin ff.
bsjlover #5
I will screamm...ENGGGGGGGGGLISSSHHHH .....Pleaseeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!!!!!!!!!!<br />
OMO...Kyle_16 and Gingersnapz03...would you mind translate this story for overseas sisters...lol
kyle_16
#6
because i'm a good girl, i subscribed and commented.. wahaha.. joke lang yung good girl.. haha.. been reading this in watty.. at yung iba jan *ehem gingz ehem ehem* sana inuupdate na yung english version.. bwahaha
gingersnapz03
#7
nice.. oh ipost mo pa more! :))<br />
<br />
hmm mukhang wala ehh :))))) di bale para sakin nalang HAHAHA