Chapter 1

Brand New Days

Avee’s POV

Grabe!! Grabe talaga!! Ayoko ng ganito, ayoko na!! I want to quit!! Nakakainis!! Bakit ba kasi ako nakapasa dito, duh? Ayoko, ayokong tumira sa lugar na wala man lang akong kilala or anything na kaibigan. Miski nga relatives wala eh, kung meron man nasa probinsya naman. Nakakainis!! Kailangan ba sa buhay ang mag-aral sa magandang university? Hindi naman doon nakadepende ang lahat diba? Ano nang gagawin ko? Hindi na ako pwede magbackout, ang saya lang diba? Para sure na hindi na ako makaalis, kinuwa ni mommy ang passport ko, ang galing talaga.. haaay, bukas na ang enrollment, goodluck naman sa akin.

“Aisst, asan na ba ako? Wala naman akong macontact dito, Grabe sana man lang sinamahan ako ni mommy magenroll dito diba?”

Napapagod na ako kakalakad, paikot ikot nalang ako dito, ano ba naman tong campus na to, campus ba talaga ito? It’s more like a nature park. Haha.. hindi talaga siya mukhang campus promise.

Teka! Ayon sa pagkakatanda ko nung nagtest ako dito nakita ko na yang punong yan.. hmm.. kakaliwa nga ba ako o didiretso, basta alam ko malapit na ako, natatandaan kitang puno ka eh,, wait. Tama bang kausapin ang puno?? Haha.

“Excuse me miss, nawawala ka ba?”

“Ha? Ako ba kausap mo?”

“Oo ikaw, ikaw lang naman nasa harap ko miss.. Mukha ka kasing nawawala..”

Alam ko kuya ako nga, malay ko ba kung yung puno rin yung kausap mo diba? Sorry naman. Sino ba tong lalaking to? Hindi ko naman kailangan ng tulong niya by the way. Pero sayang, baka magmukhang kuting ako dito forever na pagala-gala kakahanap sa pesteng college of music ba yun? Ngayon lang, ngayon lang ako aaccept ng tulong mula sa lalaki promise!

“Ahh, oo eh, hindi ko kasi alam kung saan yung College of Music  ba yun? Salamat!”

Syempre umiral nanaman ang pagkamahiyain ko at nakabow lang ako sa kanya. Ayoko siyang makita hehe. Mean ba?

“Bago ka lang ba dito?”

Ayy hindi kuya ,luma, luma na ako dito. May mawawala bang hindi bago? Kainis! Haha

Tumungo lang ako sa kanya, indication na “oo bago lang ako dito” duh! Come on kuya, sabihin mo nalang kasi kung saan para matapos na ang usapan na ‘ to, Ang harsh ba? Sorry naman, hindi lang talaga ako komportable kausap ang mga.. uhh.. lalaki..

“Bagong studyante ka pala, welcome dito! Tara samahan na kita papunta dun”

“Ha?”

ANO!! Sasamahan niya ako, err, tinatanong ko lang naman yung direksyon ehh, kainis! Sige na eto na po kuya ha sasama na sayo

“Sabi ko, let’s go together”

“Ahh okay”

Sinabi ko yun in a soft manner, tama! Ganun naman talaga ako magsalita, mahinhin, mahiyain, one-liner, “oo” o” hindi” lang, hindi ako madaldal fyi.. nakakatawa diba? Ang dami kong thoughts sa sarili ko pero sa totoo talaga tahimik lang ako. I’m funny on my own, but to others? Definitely NOT!

Ayun nagumpisa na siyang maglakad, ako naman nasa likod niya nakatungo, shy girl kasi talaga ako promise! Wow, tinignan ko si kuya, not bad, not bad.. matangkad and mukha naman siyang gwapo from the back view hehe.. sayang hindi ko masyadong nakita mukha niya kasi naman eh, biglang mangaapproach nahiya tuloy ako. I admit, nastarstruck ako, siguro mga 10.. hmm.. 10 seconds haha.. boys are not my thing, I’m not interested.

Oops, aray ang sakit! Masyado ko nang kinakausap sarili ko hindi ko nakita yung bato sa harapan. Natalisod tuloy ako huhu..

“Sorry po”

Nakakahiya, tumungo tuloy ulit ako, ano ba naman yan avee!  Ang shunga mo, aysst.. sorry talaga kuya! Mas okay na yung ganito na naumpog ako sa likod niya kesa naman madapa ako sa daan.

“Uy, okay ka lang?”

Ngumiti naman siya sakin. Ano kaya yun?

“Okay lang yun, ano ayos ka lang ba?”

Ngumiti nanaman siya, okay??

“Ayos lang po ako”

Hey kuya, wazzup? Bakit ka pa rin nakangiti? Anong gusto mong sabihin niyan. Ikaw na may magandang ngiti, oo na cute ka na.. pero please, kinkilabutan ako sa ngiti mo, kuya naman ehh, hindi to kilig promise.

I admit, hindi pala siya gwapo ng back view lang, osha sige, overall view gwapong nilalang to, gwapo, gwapo sa taste ko ahh.. Matangkad, maputi, brunette si kuya, infairness chinito, mukhang koreano pero not quite.

“Andito na pala tayo sa College of Music miss”

Wow, nakatayo kami ngayon sa tapat ng college of music. Makaluma ang building, hmm.. makaakyat na nga.

Caleb’s POV

Teka, kanina ko pa nakikita ‘tong babaeng to ahh, simula ng nakatayo ako dito sa stand ni kuya, dalawang beses ko na siyang nakikitang paikot -ikot. Hmm.. mukhang nawawala, matanong na nga.

Wow, iba rin pala tong babaeng to ahh, ang cute niya at pretty. Ang ganda ng mata, ang cute ng ilong at red lips. Ang puti, half-breed ata to ehh, haha.. ano yun aso?.. Teka Caleb, andito ka para magtanong hindi magcriticize ng itsura. Haha..

Sabi ko na nga ba nawawala to. Hindi niya alam kung san yung College of Music, wait College of Music ba kamo?? Eh dun din naman ang daan ko. Baka mageenroll to ngayon, late enrollee. Swerte naman, kung ganito kagandang babae ang makikita ko araw araw baka naging US na ako.. joke.. Sure ako newbie to.. sana pareho kami ng course since magkacollege naman kami.

Niyaya ko siya na sabay nalang kami pumunta sa CMu. Yes, Caleb! Chance mo na to para kausapin siya at makilala siya hehe..

Syempre, nadaan ko sa charms, pumayag siya.

Habang naglalakad kami, nalaman kong mahiyaing bata pala ito. Laging nakatungo, pangit ba ako? At ayaw niyang tignan ang mukha ko? Hindi ko tuloy siya matitigan. Tss.. Sumusunod lang siya sakin. This is awkward! Iba siya sa mga babae dito, kung yung iba yun, na-grab na yung chance na kausapin ako, Si Caleb Zachary Vinson ata to no, ang cutie ng CMu.. haha kapal lang.. siguro new technique lang to, hehe, syempre nga naman kakakilala palang namin eh, baka nahihiya pa.

Potek, ano yun, ang sakit ahh..

Aww, tumama pala yung ulo niya sa likod ko. Natalisod siguro to. Nagsorry naman siya, sa wakas narinig ko ulit boses niya.

Pagkatapos ng almost 30 minutes siguro ng paglalakad ng may kasamang multo joke, narating narin namin ang CMu. Tanungin ko na nga pangalan niya

“Una na po ako ah”

At nagsimula na siya maglakad, teka kailangan kong malaman pangalan niya

“Wait.. miss”

Okay?!? May lahing ninja ba yun? Ang bilis nawala sa paningin ko, san naman kaya lumiko yun.. ayy nevermind.. anjan na pala yung mga kupal kong barkada hehe.. magkikita pa naman kami nun eh, next time ko nalang tanungin pangalan niya.

Avee’s POV

Wow, ang laki talaga, hmm maganda rin..

Teka, parang narinig ko na tinawag ulit ako ni kuyang stranger.. bakit kaya? Sorry naman naexcite na ako pumasok. Sorry kuyang stranger.. nahatid niya naman na ako dito ehh..

Ayy Shoot..

Nakalimutan kong mag thank you sa kanya.. Kaya siguro tinawag niya ulit ako. Tsk tsk..

Nevermind, ayun na yung department na dapat pageenrollan ko… Gusto ko nang matapos ang enrollment nang makuwi agad. Wala ako sa mood maggala around manila noh..

By the way, ako nga pala si Avery Renee Sandejas, 18 years old. Sa totoo lang, sa Japan naman talaga ako lumaki,, oops, fyi, hindi po ako half-japanese.. pure blood pinay ako, may business lang kasi sila mommy at daddy sa Japan kaya kami napadpad dun. Marunong akong magnihonggo, first language ko ata yun noh. Mas convenient nga sakin ang magnihonggo kesa Filipino or English kaya ayun pinilit tuloy ako ni mommy na magsalita ng tagalog. Ayun natuto naman ako after 50 years joke.. dun pala ako sa Japan nagaral since grade school. Marami akong Japanese friends, oo marami na sa akin ang 4 na babae. Bakit ako dito nagaral? Ehemm.. wag nalang nating pagusapan.. pero seriously, bigla nalang napagisip isip ng mommy at daddy ko na dapat daw sa Pilipinas ako magaral at doon magreturn service.. duh!?! Return service? Anong ginawa ng Pinas sakin? Joke.. at ang makaaral talaga sa unibersidad na to ang kahiligan nila, wow ang lalim lang, yun, kumuha ako ng exam last August.. at unfortunately, tama unfortunately, nakapasa ako. Kamusta naman? Super saya nila mom at dad nung nakita nila yung results online. Take note, nagflylaloo pa ako all the way to Philippines para lang makatake nung entrance exam. Ako nung nakita ko na nakapasa ako? Kabaligtaran ng expressions ng parents ko kasi naman ehh.. ayokong iwan ang Japan, gusto ko dun tumira ever. Namimiss ko na ang mga tomodachi ko sobra! Namimiss ko na sila chizu, nori, aya at mika. Please, sana uso teleportation ehh haha..

“Excuse me miss, mageenroll po ba kayo?”

“Yes po”

“Tapos na po ang enrollment period for new freshmen”

“Ako po yung galing Japan na nakapasa sa talent audition”

“Ahh ikaw ba si Ms. Sandejas?”

“Yes po”

“Napakagandang bata, iha, dala mo ba admission slip mo?”

Inabot ko sa kanya yung admission slip. Umaasa ako na baka sabihin niya na “Ija, bawal nang magenroll sorry nalang” o kaya naman “puno na yung slots iha, sorry ah”

“Iha, congrats! Welcome sa College of Music! You are now officially enrolled. We are very proud to have you miss Sandejas”

Ngumiti lang ako kay mam, ate, miss, mrs. Or whatever? Hihi, hindi ko kasi alam kung prof ba siya o hindi or clerk ganun? Alam niyo namang super fake smile lang ang ginawa kong ngiti. Baka umabot pa sa tenga ngiti ko kung malaman kong I’m not admitted. Mas masayang balita yun.

Okay fine, eto na talaga ang destiny ko, ang mamundok dito sa pinas hahaha.. buti nalang at may major in dancing dito dahil kung hindi never ever akong mapipilit nila daddy at mommy na magaral dito. EVER!

Yes, speaking of dance.. dancing talaga ang first, last and only love ko.. super duper hilig ko talaga ang sumayaw. Toddler palang ako joke, 5 years old ako nun nung sinabihan ako ni mommy na may future daw ako sa dancing, why not naman diba? So ayun, Gawain ko na sa japan ang sumali sa iba’t ibang dancing contests. Maraming nagsasabi na graceful dancer daw ako.. nyeeh? I just dance the way my heart and body coordinate. Nung nag high school na ako, I’m a consistent dancer sa school. Sumasayaw ako lagi sa mga festivals, programs at mga street events. Kaya ko nga ata isayaw kahit anong genre.. joke, ang yabang much naman ng dating haha.. marunong ako mag traditional Japanese dance,, you know? Dance under the kimono hehe.. President pala ako ng dance club nung high school. Isa pa, proud ako dahil wala akong formal training lalo na yung sa pagbaballet ko. Ang vain much na ba? Hehehe.. I was just pointing out na I naturally love dancing. Kung lalaki ang dancing, syempre hallucination lang yun, baka mainlove ako sobra sa kanya. . Don’t get me wrong, okay? It’s if dancing is a man and I don’t care if the man is a dancer haha..

Isa pa about sakin, feeling niyo siguro na hate ko ang mga guys. Hindi naman sa hate.. I just.. uhmm despise them..kidding haha.. pinakaayaw ko kasi sa lahat is yung aasarin ako sa iba’t ibang lalaki sa school. Excuse me ha? Lagi nilang sinasabi na boy magnet daw ako, maappeal, baka mapila diba? Hehehe.. dahil dyan naisipan kong never makipagusap sa mga lalaki syempre except nalang sa mga pinsan ko. Kita niyo naman kanina diba? Iritable ako dun kay kuyang nakasalubong ko kanina. Wala akong pakialam kung gwapo siya or not, he’s perfect physically but he’s a man so no thanks! Allergic ako sa lalaki? Pwede rin? Lesbian? Malayo pa naman hehehe.. naniniwala lang ako sa quote na “ Single is not a status, It’s a word that describes a person who is strong enough to live and enjoy life without depending on someone else”.. See, so I’m proud to be single and single forever hehehe..

Teka asan na nga ba ulit ako? Kung iniisip niyong baliw ako, sobra naman hehehe.. andito na pala ulit ako sa puno na kintatayuan ko kanina, infairness kung feel mo magmuni-muni perfect ang campus na to.. hehehe.. ayan tumigil ako at naaalala ko si kuyang stranger. Naguguilty nanaman ako nito hehe.. sana makita ko ulit siya para man lang masabihan ng thank you.

Haay naku, Avee tama na ang pagdadrama, umuwi ka na at matulog. Isipin niyo nalang na ganito kaming mga tahimik, madaming thoughts sa buhay hehe.. pasukan na sa isang araw, good luck naman sakin!! Gambatte Avee chan!!

sana po magustuhan niyo hehe ^^
may tagalog readers ba dito gingersnapz03?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
il0stmymind
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
kyle_16
#2
@bsjlover & avivagi.. wahaha.. ask Sillie Ate May and Omma Avi.. i'm an innocent kid here O_O

@royal823.. NINANG!!!!!!!!!!! SMILE FOR ME!!!

@iscreaminmymind.. pasensya na.. ginawang chatbox.. bwahaha
ROYAL_GREEN
#3
THE ENGLISH VERSION IS GINGERSNAPZ FF 381.......!!!!!

heeeeey @sillie update your 381 ff!!!!!

very niced tagalog version!!!!!
avivagi #4
can you please write this in engggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggg pleaseeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee. thank you very much. we also fan of hyunmin. so please of us too. not all us is from phillipine. there are alot of fans from other place. and we are very nice supporters of hyunmin ff.
bsjlover #5
I will screamm...ENGGGGGGGGGLISSSHHHH .....Pleaseeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!!!!!!!!!!

OMO...Kyle_16 and Gingersnapz03...would you mind translate this story for overseas sisters...lol
kyle_16
#6
because i'm a good girl, i subscribed and commented.. wahaha.. joke lang yung good girl.. haha.. been reading this in watty.. at yung iba jan *ehem gingz ehem ehem* sana inuupdate na yung english version.. bwahaha
gingersnapz03
#7
nice.. oh ipost mo pa more! :))

hmm mukhang wala ehh :))))) di bale para sakin nalang HAHAHA