Question

Entice

“Tara kyu labas tayo. “ Sabi ni sungmin sa kanyang bebeloves habang nag susuot ng casual na damit.

 

 

Tinaasan lang ng kilay na patanong ni kyuhyun. Di mawari kung anong iniisip ng kanyang bebeloves.

 

 

“O ano pang hinaantay mo dyan? tara na!” pag pupumilit uli ni sungmin pagtapos magbihis at ng mapansin nyang naka hilata pa rin si kyuhyun sa kanilang kama.

 

 

“Saan naman? Aga aga aalis agad.” bored na sagot ni kyuhyun sa tanong ni sungmin.

 

 

“Syempre kakain sa labas. saka buryong buryo na ko dito sa bahay walang magawa. nakaka tamad na dito eh.” pag sagot din ni sungmin sa tanong.

 

 

“HA? Ano ba naman yan.  Alas otso ng umaaga aalis agad para kumain. Eh diba nag luluto ka naman ng breakfast?” pag rarason ng inaantok na binata.

 

“Ah ganon?  Okay sige bahala ka dyan.”pag iinarte ni sungmin at tuluyan ng lumabas at umalis ng bahay.

 

 

‘oh? nyare dun?’ naguguluhang tanong ni kyuhyun sa hangin at bumalik uli sa pag tulog.

 

 

 

 

* To Sungmin

 

‘Sasamahan lang para kumain di pa magawa. pero kapag sya gusto umalis ako naman si gaga sama naman kaagad. haaaay paka ano!’ pag kausap ni sungmin sa kanyang isip at tila hindi ma enjoy ang biniling kyochon chicken dahil narin hindi niya kasama ang kanyang bebeloves sa pagkain ng breakfast.

 

 

Matapos nyang maubos ang kanyang binili ay umuwi na ito ng kanilang bahay para magluro ng breakfast ng kanyang boyfriend. Oo tama! kahit hindi sya sinamahan nito kanina ay gagawan parin nya ito ng breakfast. kahit labag sa loob ay tinungo ni sungmin ang kusina para ihanda ang kanyang lulutuin.

 

 

 

Habang nag aayos si sungmin ay nagising na ng tuluyan si kyuhyun at pag tayo mismo sa kama at ang kanyang pag unat unat ng kanyang patpating katawan ( A/N : although ang taba nya ngayon. Kaloka! ) ay dumiretso na sya sa hapag kainan at nagulat na nag aantay ang kanyang bebeloves sakanya. naka tingin ng diretso tila walang emosyon ang mata. siguro hindi nakakain ng breakfast to pag iisip ni kyuhyun. pag tingin naman nya sa hapag kainan ay nagulat siya ng makita ang niluto ni sungmin.

 

 

“Hotdog at itlog? Seryoso?” Gulat na pagkasabi ni kyuhyun at tila naka tingin kay sungmin na humihingi ng paliwanag sa nakikita nya.

 

 

“O baket? Iinarte ka kanina diba? O ayan kumain ka.” Pag papabebe at pataray na sagot ni sungmin na nakasalumbaba sa mesa at ginilid ang mukha upang mag taray sa kanyang bebeloves.

 

 

“Sa dinami dami ng pwedeng lutuin na nasa loob ng fridge eto talaga? May binili naman tayong pancakes ah? Cereals? Hams? Eto talaga? Hotdog at itlog? tapos mag aaya ka mag breakfast sa labas?” pagka sabi ni kyuhyun habang paupo sa hapag kainan.

 

 

“Eh kung ayaw mo wag ka na kumain. madali lang naman akong kausap.” pag rason ni sungmin sa kanyang bebeloves.

 

 

‘ Ano namang masama sa pag kain ng hotdog at itlog sa umaga. masustansya naman yun.’ pag iisip nya pero hindi nya napansin na nasabi pala nya ito at narinig ito mismo ni kyuhyun.

 

 

Pagkarinig ni kyuhyun sa mga nabanggit ni sungmin ay tila napa isip siya ng magandang ideya mula rito.

 

 

“Di mo naman sinabi na hotdog at itlog ang ulam na gusto mo. Sabagay tama ka masustansya nga ang mga ito. Sige na nga halika na rito!” pag tayo ni kyuhyun at lumapit kay sungmin para buhatin papunta sakanilang silid.

 

 

Nagulat naman si sungmin ng makitang lumalapit sa kanya ang kanyang bebeloves na naka tingin na medyo nang aakit at may pataas taas pa ng kilay.

 

 

“Hoy lalake! anong binabalak mo? bakit anong meron at lumalapit ka? Kyuhyun! HOOOY! TEKAAA! WAAAAG!” Ang mga huling salita ni sungmin bago pa mag simula ang umaatikabong laban sa kanilang silid para gawin ang pag kain ng hotdog at itlog.

 

 

 

 

 

" Nako ming , wag ka na mag maang maangan pa dahil kung hindi papa inumin uli kita nung pink liquid na pinainom ko sayo dati." Mahina at pa y na bulong ni Kyuhyun sa kanyang bebeloves habang buhat buhat nya ito at. "

 Haay. The end!

A/N:WALA PO ITONG CONNECTION SA PWP HA?! Drabble lang ito! Yun lang! :D

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Sichulbaby143 #1
Chapter 1: wala po bang special live action nung kainan nila ng hotdog at itlog? HAHAHAHAHA

PS: Kaway naman sa special mention. Idol din po kita HAHAHA *hugs and kisses*
kyuminsauce
#2
Chapter 1: hahahahahahahahha gusto ko makita ung pagkain ng hotdog at itlog