one

mangga ni soonyoung

"Pre, nakita mo na ba yung fics na sinulat ni Seungkwan sa secret account niya?" tanong ni Seokmin kay Hansol na nakatitig sa cellphone niya.

"Ay, hyung, hindi pa, ano bang link nun?" curiously namang tinanong ni Hansol. Naks, nabunyag ka na, Seungkwan.

"Eto pre," inagaw ni Seokmin ang phone ni Hansollie at sinearch ang account ni Seungkwan na ang username pa ay patatasnacarat. Muntik na mapamura si Hansol dahil sa nakita niya at nagloko ang cellphone niya, at biglang namatay.

"Pati ba naman phone ko namamatay na dahil sakin, nyeta," nagwalk out si Hansol at naiwan si Seokmin.

 

 

Nag-ccrave na tuloy ng mangga si Seokmin.

 

 

"Hoy, Seokminnie~" tawag sa kanya ng taga benta ng mangga na si Soonyoung. Ngayon ata'y relaxed ang look ng tindero, ha.

"Bakit yan ang tawag mo sakin ngayon?" tanong ni Seokmin.

"Wala lang," magjojoke sana si Soonyoung. Kaso wag nalang pala, ang corny kasi niya eh. "Ah, gusto mo ba ng mangga ko?"

"Fresh ba yan?" maarteng tanong ni Seokmin habang nakatitig sa mga mangga. Gusto na talaga niya nito, gosh. Lalo na't pag may bagoong ni Soonyoung.

 

 

"Oo naman," ngiti ni Soonyoung. Biglang dumating si Seungkwan, bibili yata ng mangga.

"Soonie!~" tuwang pagbati ni Seungkwan. Napa-sigh na lang si Seokmin. Time na nga niya para chumansing kay tindero Soonyoung e,  inagaw pa ni Seungkwan ang chance.

"Pabili nga ng mangga! Ayoko ng may bagoong, okay?" sabi ni Seungkwan at sinimangutan ito ni Seokmin. Nag-glare na lang ang diva.

"O, ayan" inabot ni Soonyoung ang mangga kay Seungkwan at biglang napatitig si Seokmin sa mga braso ni Soonyoung. Oh may gulaylerki, sleeveless nga pala si boy tindero.

Naakit ang mga mata ni Seokmin at tinitigan ang pretty muscles ni Soonyoung. Nag'hmph' nalang si Seungkwan at umalis na.

 

 

Napansin ng tindero ang pagtayo ni Seokmin. Nakatitig lang siya. Inoobserve ang paghinga ni Soonyoung. 

'Oh my, bakit.. Nakikita ko ang chest niya. Bakit kasi ang luwag naman ng top niya. Sleeveless pa.' isip ni Seokmin. Ang hot, hot, hot talaga niya oh.

"Hay. Crush na crush nga naman talaga ako ng bayan," pagyayabang ni  Soonyoung at biglang nag-pop out of his bubble si Seokmin.

"Weh? HAHAHA," tawa ni Seokmin. Di-neny pa niya, gusto naman niya.

"Bibili ka ba o tititigan mo nalang ako?"

"Ah, oo nga. Pabili o, yung may bagoong." sabay abot ni Seokmin ng barya.

"Kiss na lang, pwede?" kumindat si Soonyoung. At nagsend ito ng kidlat sparks sa heart ni Seokmin.

"Pwe! Ayaw mo ba tanggapin yung bayad ko?" tinatry ni Seokmin ang pagblush niya. 

Hay, kung pwede lang sana, i-kikiss na kita. Mapapayuck nga naman si Seungkwan kung mababasa nito ang iniisip ni Seokmin ngayon. Well, napansin parin ni Soonyoung ang pagblush ni Seokmin.

"Oh, ayan. With my bagoong" kinuha ni Soonyoung ang bayad at inabot ang manggang nakatusok sa stick.

"Salamat," kumagat si Seokmin sa mangga, and finally na quench na ang craving niya. Hay, salamat.

"Heh, ikaw lang ang nakatikim ng bagoong ko, Seokminnie~" umalis na ang makapal na mukhang si Soonyoung. Hindi masyadong narinig ni Seokmin ang sinabi ng tindero, masyado siyang nadistract sa bagoong ni Soonyoung.

 

 

"Well, bakit kaya isa lang ang may gusto ng bagoong ko?" tanong ni Soonyoung sa sarili habang papalayo sa bahay ni Seokmin.

 

 

-----  end -----

 

 

wha, ang short short naman. Sorry. Dapat talaga verkwan to pero wala akong maisip. Abangan natin ang susunod 

na adventure ni Soonyoung kasama ang mga bibe. I hope you enjoyed hhhhhhhhhh :))

ang corny talaga. Pls magbigay kayo ng ideas/prompt haha

Advanced happy Jeonghan day~ weeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
xxleeyoonchoi
#1
Chapter 1: Nako naman kasi sa bagoong ni soonyoung mhmhmmm maalat-alat ba yan HAHAHA BYE
xxleeyoonchoi
#2
Chapter 1: TAWANG TAWA NAMAN ME BES HAHAHAHAH pero yung "hindi lang naman bukas ang ilalaan ko kay junghan" keme AAAYYY I FEEL U
Vernnyliet #3
Chapter 1: Ohmygahd niyakap mo nlng sana!! Hndi ka na sana nagbayad XD anu b yan Seokmin, duma-da moves na nga si hosh eh!! XD pinakawalan m pa hahahahahah
sunshinedub
#4
Chapter 1: hahahaha! natatawa ako habang binabasa! one week ako neto si makakamove on sa bagoong ni soonyoung! HAHAHA