hotdog ni bes 1

hotdog ni bes

Konti lang ang long hair sa school, bawal kasi yun. Dapat palaging gupit-binata. Bakit ganun? At bakit hindi siya nagp-PE?

“Hi,” bati ni Seungcheol. Tiningnan lang siya ni boy long hair na nakaupo sa damuhan habang naghihingalo yung iba niyang kaklase sa field. Tang ina ang cute niya pala. “Okay ka lang? Ba't hindi ka nagp-PE?”

“May sakit ako sa puso,” sagot sa kanya ng mala-anghel na pogi. Oh no, ako rin, masakit ngayon ang puso, isip ni Seungcheol. “Yun ang sabi ko sa teacher. Pero tinatamad lang talaga ko.” Humalakhak siya.

“Ah, buti naman okay ka lang,” sabi ni Seungcheol. Tumayo na siya. “Sige, bye. Magtitinda pa ko ng hotdog.”

-

“May kilala ba kayong nagbebenta ng hotdog? Taga-ibang section yata.”

“Ay kilala ko yun, pogi yun!” sabi ni Seungkwan excitedly. “Si Seungcheol. Scholar siya, nagbebenta ng hotdog para may extra income at pambaon ng mga kapatid niya. Isang ulirang anak.” Nagpahid ng luha si Seungkwan sa gilid ng mata niya. Naiyak pa siya sa sarili niyang pagkachismoso.

“Rumor has it na pag bumili ka daw ng jumbo hotdog sa kanya, he will do a song and dance number. Like this.” At nagthrust ng hips niya si Josh habang nagchachant ng “Jumbo hotdog! Kaya mo ba to?”

Ang sagwa tingnan kasi ang payat ni Josh at ang lamya lamya niya, tapos conyo pa siya. Ang dami talagang kapintasan ni Josh. Kaso friends sila kaya di sinabi ni Jeonghan.

“Mali ka naman eh. Ganito,” sabi ni Soonyoung. Buti naman may ibang nakapansin, isip ni Jeonghan.Habang tinuturuan niya si Josh ng tamang steps ng jumbo hotdog, iisa lang ang nasa isip ni Jeonghan.

Gusto ko ng hotdog.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hadeeesh
#1
Chapter 2: Perfect combination talaga ang hotdog at pandesal. Yummy eh!
katerin_lawliet #2
Chapter 1: Eto na naman tong fic na to. Tuwing nadadaanan ko sa AO3 or AFF, binabasa ko pa rin. Nakakalokang iset sa Pinas ang SVT. Gusto ko din ng jumbo hot dog ni Coups.
BoOgErSz #3
Chapter 2: hala.... bakit end agad.... :(((
jammyxmudkip
#4
Chapter 1: My Tagalog is really rough (bc I've been living in new Zealand for yearssss) but this was sooo funny hahaha I still remember the jumbo hot dog song thingy lol