Qiqil mo sila.

Adiktus meets Tambay
Please Subscribe to read the full chapter

 

Minsan talaga sa buhay, may mga bagay na hindi naman natin gusto mangyari. Gaya na lamang ng mga bida dito sa ating istorya kung saan hindi naman nila gusto na masadlak sila sa kahirapan ngunit yun na ang kanilang kinamulatan simula’t sapul. Kaya naman ay kanya-kanya silang kayod sa buhay kung paano nila tutustusan ang kumukulo nilang sikmura.

 

Pinagpag ni Donghae yung mga lantutay nyang bente pesos sa bagong gawang tinapay ni Sungmin. Mas matanda sya ng ilang taon dito pero madalas eh syang kinakaray ng nakababata. (Dito lang sa istorya na to ha haha alam nyo na naman na bet kong laging mas bata si tukmol) Madalas ding sya ang pagsabihan ng mga tyahin nila na agad namang inihihingi ng dispensa ni Sungmin. Nung bata kasi si Donghae eh am ang lang ang pinaiinom sa kanya ng nanay nila sa kadahilanang walang pambili ng gatas. Kaya ayun lumaki din syang puro, “ahmmmm,” lang din ang sagot.

 

“Kuya ano ba, bakit mo pinapagpag yang bente sa mga pandesal ko!” Himutok ni Sungmin na kagyat agad namang itinigil ni Donghae ang kanyang ginagawa.

 

“Huh? Anong masama? Di ba da’t pinapagpag talaga para buena mano? Para tawag-grasya ganun?”

 

Napakamot naman si tukmol sa ulo. Himala ang kelangan ng kuya niya. “Ganun na nga pero kasi pera yang pinapagpag mo sa pagkain!,” sabay turo sa mainit-init na pandesal na kanyang ginawa, “wala ng kakain nyan ‘pag me nakakita na pinagpapagpagan mo ng bente mong lantutay!”

 

“Wow sila pa choosy eh piso na nga lang tong pandesal naten kumpara naman sa dos ng kabila.” Kagyat niyang tinago ang mga bente sa bulsa sabay patong ng sumbrero sa ulo. Sakto namang paglabas ng pinsan nilang may kalambutan sa katawan at parang ibon na pipit ang boses.

 

“Jusko eh aminin na naten na kaya’y piso lang ang ating tinda sapagkat subalit datapwat mas maraming tubig ang ating nilalagay kaysa sa arina. Eh di ko nga alam bakit dami pa ring nahuhumaling sa pandesal ni tukmol eh.”

 

Umeksena na si Ryeowook. Ang pinakabata sa kanilang tatlo at pinsan ng magkapatid na sina Donghae at Sungmin. Simula nung maulila na sa magulang ang dalawa eh ang pamilya na ni Ryeowook ang kumupkop sa dalawa. Tulong-tulong sila sa pagdagdag ng kita sa pamamagitan ng pagtinda ng pandesal.

 

Para na rin pangtuition. Bukod sa pangkain.

 

Pero hindi na rin nila problema ang bayad sa eskwela kung tutuusin. Bukod sa public sila nag-aaral eh, hindi na rin napasok halos si Donghae. Wala naman daw sya mapapala sa kakahanap ng X sa eskwela. At di na rin daw nya kelangan pa matuto mag-ingles dahil sino ba daw ang nagi-ingles sa iskwater.

 

Pareho din ng sitwasyon kay Ryeowook ngunit sa naiibang dahilan. Siya naman ay pumapasok kapag may intrams o kaya naman kapag alam nyang may programa na naman sa eskwela. Pa’no dun sya makakaikot at maghahanap ng gwapo. Ang sabi niya, wala naman daw siyang matinding pangarap sa buhay maliban sa makapangasawa ng mayaman. Kaya para magawa niya iyon eh magpapaputi siya ng bongga.

 

“Alam mo tutuy hindi ka puputi hanggat di ka titigil sa paglalako ng pandesal.” Paalala ni Donghae sa kanya. Kahit naman ganyan ang Donghae na yan eh minsan meron pa rin siya words of wisdom.

 

“Pake mo ba gusto ko magkutis ala koreano.” Sagot ni Ryeowook habang inaayos ang kahon ng pandesal sa likuran ng bisekleta niya. Nung una si Sungmin pa ang naglalako kaso lagi na lang daw siyang tampulan ng asar ng mga tambay na nadadaanan nya sa madaling araw. Kaya naman agad nagpabida si Ryeowook. Gusto niya yun eh, lalake. Kung may sabungan siguro ng lalake malamang andun siya.

 

“Tangina,” Singhal ni Donghae,” koryano amputa oo pag naging koryano ka pangalan mo Ko Ree Kong.”

 

Binato ni Ryeowook si Donghae ng pandesal na agad namang nakita ni Sungmin.

 

“Hoy ang pandesal ko!”

 

Sabay belat si Ryeowook kay Donghae at gumanti din ng asar, “oh di ikaw si Tee Gang Kha, walang napatol sayo kasi maitim batok mo olol.”

 

Hindi na nakasagot pa si Donghae dahil sa nakalayo na ng bongga etong si Ryeowook.

 

 

 

“Pandesaaaallll” Sigaw ni Ryeowook habang binabagtas ang masikip na kalye. Madilim pa dahil madaling araw pa siya nagsimula mag-ikot, maganda ito habang gigising palang ang mga tao, at isa pa mulat pa ang mga tambay.

 

“Ingay mo!” Agad nilingon ni Ryeowook kung saan nanggaling ang barumbaong tawag. Ay, futa. Si manong kuya kim pala. Shet, bet na bet talaga ni Ryeowook ang mga korean-looking na neighborhood nila eh. Kaso etong si Kuya Kim medyo may pagka-barumbado eh, pero sweet. Lagi kasi niya kinikindatan etong si Ryeowook. At wag ka, may pet name sya para dito.

 

“Pipit, sampung pandesal nga,” ay shet mata na mata palang Kuya Kim na Kuya Kim na, ani ni Ryeowook sa isip niya.

 

“Manong Gong Yoo, eto na po.”

“Kuya Kim na lang. Pinapatanda mo naman ako eh,” sabay kindat uli kay Ryeowook. Kyaaa. Shet my hearteu.

 

“Shige po keng sheen keye mesheye,” kilig naman pepe ni Ryeowook, binata pa kasi tong Gong Yoo pero matandang binata, choosy sa babae o baka naman kasi ka-federasyon din. Bali-balitang kasintahan daw niya yung maputing lalaki dun sa kabilang kanto.

 

Fil-am daw ang sabi nung iba na me halong pagka-koryan na ewan. Madalas nakasimangot at parang kapatid ni kamatayan ngunit iba din ngumiti eh. Hanep sa labi bes parang humahalik ng ketsap gabi gabi.

 

Anak-araw ang tawag ng marami pero kilala din sa tawag na dodong. Kustomer niya dati yun eh, kaso mukhang totoo nga ang balita na may ‘samteng’ sa kanila ni Kuya Kim dahil sa sampung pandesal na binibili ni Kuya Kim, lima dun eh binibitbit niya dun. Narinig pa nga niya tinawag na dongwook me labs. Awwww, iyak na naman si Ryeowook. Di bale may cute pa naman na mukang pagong dun sa isa pang purok na suki din niya sa pandesal.

 

Sarap na sarap siya sa pagba-bike ng makita nya sa gilid na merong swabe na nagpepedikab. Akala siguro ng mokong na to eh hindi niya mapapansin na simpleng nakikipagkarerahan sa kanya ito.

 

“Yatpa, enge pandesal.”

 

“Hay nako bukbok dun ka kay Sungmin manghingi ha. Wag ka saken magpapansin at hindi kita type. Pandesaaallllll.”

 

“Oo di ka naman kasi cute! Yatot!” Aba tinangka pa siyang sagiin ng pedikab ng hayop na to.

 

“Hoy tangina mo sige ha banggain mo ako para babayaran mo ospital ko at lalong di ka makakaiskor kay Sungmin!”

 

“Lakompakeeeee….” Dagdag asar neto sa naiinis ng si Ryeowook.

 

“Bukbok!”

 

“Yatpa!”

 

“Tambay!”

 

Sinagi siya uli ng pedikab neto sabay bilis ng patakbo. Napailing na lang si Ryeowook. Ewan ba nia baki sa dinami-dami ng may gusto sa pinsan niya eh is

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
joyer137
#1
Chapter 1: Please sana may kasunod na !! pampatanggal ng stress to !! hayp na yan, diko maimagine yung mga eksena hahahaha
mochipepero
#2
Chapter 1: PUNYETA KA!!!!! ANG SAKIT NG TYAN KO!!! NAPAKATAGAL KONG BASAHIN TO KASE TAWA AKO NG TAWA
Sichulbaby143 #3
Chapter 1: TANGINA BUSET PRAMIS TAWANG TAWA KO HAHAHAHAAA MOOOOOOR ATE POLIN
HyukBingsu
#4
Chapter 1: Mamamatay ako dito hahahaha. Ngayon lang ako nakaencounter ng hampaslupa!AU ng SJ
sayeunhae
#5
Hahaha laptrip xD kung kasing gwapo lang ni kyuhyun ang mga tambay dito nakakainlab haha
mennie68
#6
omg lol nawindang ang mundo ko ahahaha kaloka lang huh marunong pala magblas ang tambay :-D :-D;-)
youremyseoul
#7
hahaa nakakaexcite naman to :) nagblas si boksss kenekeleg sya kay taba :3
kyushie #8
Kyuhyun nasasaktan kami ni ming! Wag "taba" bad yun, rocky road hahaha
keomin
#9
Kinilig din ako, Kyuhyun huwag kang mag-alala hahaha potek
ladyrapunzel08 #10
Tangija mga twente tayms ko binasa ang nagblas hayerf may exam pa ako bat ka ba ganito