Pagsibol ng mga Rosas

Dahil Ikaw Pa Rin
Please Subscribe to read the full chapter

[From 3 ½ years ago, Lu Jewelry Company, Beijing]

Naitago ni Claire ang mukha sa dalang file folder pagpasok ng elevator. Malakas ang kabog ng dibdib niya.

Paanong hindi?

Kasabay niya sa elevator ang matriyarka ng kumpanyang pinapasukan niya…at ang anak nito na isa sa mga director. Si Lu Han.

Napatabi siya sa gilid. Naman, ang nanay ni crush na big boss at si crush. Saan ako mas kinakabahan? “Good Morning Ma’am, Sir.” Bati niya na itinago ang kaba sa dibdib.

Tiningnan lang siya ng matandang babae samantalang ngumiti naman si Lu Han sa kanya.

Pakiramdam ni Claire buo na ang araw niya. Buti timing na nakita ko si Sir. Ang kaso si mother aristokrata. Hindi man lang gumaya sa anak na mukhang anghel.

Si Lu Han naman ay pasimpleng tiningnan ang babae sa tabi niya na bahagyang nakatakip ang mukha ng folder.

Napangiti siya kasi pamilyar sa kanya ang babae. Lagi niya itong nakakasabay sa elevator pag umaga at minsan, pag pauwi na siya ng gabi.

Minsan naitanong niya tuloy sa assistant niya kung sino ang babae dahil lagi nga niya itong nakikita.

Claire Zhao. 21 years old at taga-Hongkong. Admin Assistant ng Legal Department.

At may isa siyang napapansin dito: Pag napapatingin ito sa kanya, namumula lagi ang mukha nito, bagay na ikinatutuwa niya.

Tulad ngayon. Kaya pala tinakpan niya ang mukha niya ng folder. Cute.

Huminto ang elevator sa 14th floor at lumabas na si Claire pero nakasunod ang tingin ni Lu Han. Napatingin siya sa mahaba nitong buhok. Makadaan nga ng Legal department mamaya.

 

 

14th Floor, Legal Department, Lu Jewelry Company

Pasimpleng nag-ayos ang mga staff sa Legal Department dahil sa biglaang pagsulpot ng Managing Director nila. Seryoso ang mukha nito habang naglalakad sa pasilyo habang lahat ay nagsasaayos ng magugulo nilang table.

Kumbaga nagulat dahil may biglang audit inspection. Inikot niya ang ilang cubicles.

“Nasaan ang may-ari ng cubicle na ito?” turo ni Lu Han sa lugar na iyon na nagkalat ang papel at walang tao.

“Nagpo-photocopy sir. Sa may supplies corner sir,” sagot ng babae sa katabing cubicle.

Samantala, si Claire naman ay naiirita na sa palyado nilang Xerox copier. Laging nagmi-misfeed ang papel kaya tanggal-bukas siya para tanggalin ang papel. Naiinis na din siya dahil naga-ground siya pag binubuksan niya ang feeder pati side cover kaya halos maisumpa niya ang copier. Daig pa niya ang nagkape dahil gising na gising na ang katawang-lupa niya sa ground ng copier.

“Ilang piraso lang naman ang hinihingi ko sa iyo copier. Payagan mo na akong matapos sa trabaho ko dahil mukha na akong baliw na nakikiusap sa iyo. Please lang.” kausap niya sa machine na tila inaasar pa siya dahil naground na naman siya pagbukas ng side cover dahil naulit na naman.

Nakita at narinig yun ni Lu Han at lihim siyang natawa. Nilapitan niya ito. “Hindi kasi ganyan yan.”

Pinatay nito ang copier saka binuksan ang side cover at ininspeksyon ito. Tinanggal ang mga nakitang bumarang papel pati sa feeder.

Napatanga lang si Claire. Hindi siya makapaniwala. Hala. Bakit andito siya?

In-on ni Lu Han ang copier. “Ilang kopya ang kelangan mo at anong size ng papel?”

“T-twenty five pieces sir at A4 size.” Napatitig si Claire dito dahil si Lu Han na rin ang nagphotocopy ng kanina pa niyang tinatrabahong papel.

Sa wakas ay gumana na ang copier. Halos mapatalon naman sa tuwa si Claire.

“Salamat sir.” Tuwang-tuwang wika ni Claire na nakatingin kay Lu Han na napaiwas ng tingin.

Tumalikod si Lu Han. “May bayad yan, Miss Zhao.” Napatingin si Claire dito. “At may findings ako sa table at work area mo. Clean it up or I will give you a memo.” Yun lang at umalis na si Lu Han na napangiti ng lihim.

Naiwan namang tulala si Claire. Bad shot kay Sir. Tanga mo Claire.

 

 

[After a month]

Malakas ang ulan at gabing-gabi na. Pasado alas-diyes na ng gabi.

Hindi ni Claire maisip kung paano siya makakauwi. Napa-overtime siya ng di oras dahil may mga pinapa-rebisa ang boss niya na mga papeles. Medyo baha na rin sa dadaan niya. Ang siste, wala siyang dalang payong dahil maganda naman ang panahon ng umaga. Ang tanging nagbibigay sa kanya ng init ay ang office overcoat niya pero nababasa na rin siya dahil sa anggi ng ulan.

Nilalamig na siya. Naman. Paano na ito. Mababasa pa ang sapatos ko. Pero lulusong ako? Hala paano na? Magpapaulan? Hindi naman pwede. Kakagaling ko lang sa sakit. Makakagalitan pa ako ng papa.

Nakatayo siya sa tabi ng main entrance ng opisina. Closing na kaya nag-aalala siya na baka wala na talaga siyang makasabay sa pag-uwi.

Nitong huli kasi ay puro siya ang inaasahan sa departamento nila.

Samantala, si Lu Han ay minamaniobra ang sasakyan niya palabas ng parking lot. Nakatulog siya sa opisina niya at gabi na ng magising.

Nalagpasan na niya ang main entrance ng opisina ng makita niya mula sa side mirror niya ang isang pamilyar na babae na yakap-yakap ang sarili sa tabi ng pinto.<

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
missdauxian
#1
Chapter 2: Eeetttt!
Kinikilig pa rin ako after those years xD