Prologue

Dahil Ikaw Pa Rin
Please Subscribe to read the full chapter

Two o’clock pm, Presidential Suite 1,

 

Bahagyang napangiti si Claire ng makitang munting magulat ang boss niya sa bigla niyang pagsulpot sa tabi nito habang nag-aayos ng sarili. “Ma’am, tumawag po si President Lee, sabi niya, dito muna kayo sa China in the meantime.” Kasalukuyan siyang nagta-trabaho para kay Yenne Lee, Operations Manager ng LYM Hotel at kaibigan ng boss niyang si Lhen Jao.

“Ano?!” Narinig niyang reklamo nito at nakita niyang tila may rebulusyong nagaganap sa isipan nito.

Sa totoo lang, minsa’y kinakabahan siyang makatrabaho ito lalo pa’t may pagka-wirdo ito. Naalala pa niyang binalaan siya ni Lhen na madalas ni Yenne kausapin ang sarili kapag naiistress. Pero sure ako na hindi naman baliw si Ma’am.

“Pwede na daw kayo lumipat sa office ng LYM dito sa Beijing, Ma’am. Dun na rin po kayo tutuloy sa Penthouse.” Imporma niya pero tila wala itong pakialam sa sinabi niya at tinitigan lang siya. Nakakailang man ang tingin nito ay isinawalang-bahala na lamang niya. Sandali pa lang naman siyang nagta-trabaho rito pero nakagaanan na niya ito ng loob, lalo pa’t hindi naman iba ang turing nito sa kanya kahit secretary pa siya.

 “Bakit po Ma’am?”

“Sumama ka sa akin sa party mamaya. Birthday ni Luhan, yung isa sa mga executive ng hotel.”

Luhan? Tila biglang may bumundol sa puso niya sa pagkakarinig ulit ng pangalang iyon. Matagal na niyang sinusubukan na kalimutan ang taong nagmamay-ari rin ng ganoong pangalan.

“At wag ka nang magsusuot ng pang-manang na damit, Claire. Mamili ka sa mga damit ko. Tapos, mag-make up ka.” Tututol sana siya pero naging seryoso na ang mukha nito. “That’s an order, Ms. Claire Zhao. Pag ginawa mo yan, expect your increase soon.”

Sinabi nito ang magic word—increase. Naturalmente, papayag siya.

“Sige po ma’am.”

“Sabihan mo din si Lhen, salamat Claire.”

Tila nawala na naman ang boss niya sa sarili nitong mundo at hinarap ang sarili sa salamin. Siya naman ay napabuntong-hininga at inisa-isa ang mga damit ng boss niya.

Mas payat siya rito at mas malaman sa parteng dibdib. Siya naman ay balingkinitan at medyo maliit. No offense kay bossing, pero hindi sa akin kasya ang damit niya. Magmumukha akong hanger. Mas kasing katawan ko si Lhen.

Napaisip siya. Dahil gusto niya ng increase, mukhang kailangan niya gumastos. Pero iiwasan ko yung Luhan na ‘yon kung siya nga yung naiisip ko.

 

Eight o’clock pm, EXO Hotel Penthouse

 

Magkakasamang pumunta si Yenne, Lhen, Claire at Kai sa party. Nakiusap si Kai na sama-sama na lamang silang pumunta para makaiwas pansamantala sa mga babae. Nakatig-isang kutos tuloy ang binata kay Yenne at Lhen.

“Subukan mo lang K

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
missdauxian
#1
Chapter 2: Eeetttt!
Kinikilig pa rin ako after those years xD