Prologue

JOSHUA

JOSHUA

20160312- --

 

PROLOGUE

 

            Bakit ba lahat na lang sila iniiwan ako? Ginagawa ko naman lahat para maging mabuti ang tingin nila sa’kin eh. Pero bakit parang lagi pa ring kulang?

            Si Nara. Nangako siya. Hindi niya ‘ko iiwan kahit anong mangyari, yun ang sabi niya. Pero ano yung nalaman ko? Iiwan niya din ako. Katulad lang din siya ng iba. Siya na lang ang meron ako, pero iiwan niya din pala ako.

 

            “JOSHUA? JOSHUA! Buksan mo tong pinto please!” Sigaw ni Yuri sa labas ng kwarto ni Joshua. Hindi pa ito lumalabas simula 2 hours ago at talaga namang natatakot na sila sa pwedeng mangyari.

            “Tita! Ano na po? Nacontact mo na ba si Nara?” Natatarantang sigaw nito sa kanina pang umiiyak na Mama ni Joshua.

            “Cannot be reached pa din e. Yuri! Natatakot na ko!” Biglang hagulgol na sabi nito.

            “.” Yuri cursed under her breath at tinawagan na ang mga magulang ng best friend niyang si Nara. Nilakasan na niya ang loob kahit pa alam niyang nagbo-bonding ang pamilya nila.

            “Tita? Hello?” Tila nabuhayan na sabi nito nang may sumagot sa kabilang linya.

            “Yuri? What’s the problem sweetheart?” Malambing pang sagot ng ginang.

            “Si Nara po? Kasama niyo po ba siya? Nasan po siya? Kailangan ko po siya ngayon! Si Joshua po kasi, e,” halos paiyak na rin na sabi nito.

            “What happened to him? Oh my God! Don’t tell me.. God! She’s with her Dad. I’ll call them, don’t cry okay? Wag niyong iiwan si Joshua!” Mabilis ding pinatay ng ginang ang telepono at naiwan naman si Yuri at ang Mama ni Joshua na naghihintay sa mga puwedeng mangyari.

 

            “YURI? TITA?” Narinig nilang may sumisigaw sa labas kaya naman napatayo agad sila mula sa pagkaka-upo sa harap ng kuwarto ni Joshua. Si Nara, dumating siya makalipas ang 30minutes simula ng tumawag si Yuri sa Mama nito.

            “Yuri! Anong nangyari?” Tarantang tanong agad nito pagkaharap sa kanila.

            “Nara,” tuluyan nang naiyak si Yuri. “Si Joshua kasi, nalaman niya yung tungkol sa pag-alis mo e. Yung tungkol sa pagbalik mo sa London kasama ang pamilya mo.”

            “Ano? Paano niya nalaman? Kayo pa lang ang pinag-sabihan ko nun di ba? Tita?” Naiiyak na ding sagot nito.

            “I’m sorry Nara. I think it’s my fault. I talked to Yuri about this kaninang umaga. Doon kami sa kusina nag-usap. Hindi ko naman alam na nandoon si Joshua, eh. He must’ve heard everything. I’m so sorry,” umiiyak na paliwanag ng Mama ni Joshua.

Bago pa man makapag-reply si Nara sa sinabi ng ginang, nakarinig na sila ng kalabog galing sa kuwarto ni Joshua.

            “JOSHUA? Joshua buksan mo tong pinto please!” Sigaw ni Nara sa labas ng kuwarto nito. “Susi! Akin na yung susi!” Agad namang tumugon ang mayordoma na may hawak sa mga spare keys.

            “Papasok po ako. Dito na lang po muna kayo, please,” pakiusap ni Nara kay Yuri at sa Mama ni Joshua.

            “Mag-iingat ka Nara,” nag-aalala namang tugon ni Yuri.

 

Binuksan ni Nara ang pinto at dilim ang tuluyang bumungad sa kanya. Nakaladlad ang mga makakapal na kurtina sa kuwarto na humaharang sa liwanag sa labas. Maski yung lamp sa bed side table ay hindi man lang binuksan.

            “Joshua, si Nara to. Nasaan ka?” Sinubukan niyang maglakad-lakad sa kuwarto at nararamdaman niya ang mga bagay na nagkalat sa sahig. Luminga-linga pa siya hanggang isang silhouette ang nakita niya na nakaupo at nakatungo sa kabilang gilid ng kama kung nasan siya.

            “Joshua.” Mahinang anas nito at nagbabakasakaling marinig siya ng kaibigan.

            “What are you doing here? Bumalik ka na sa pamilya mo. Iiwan mo din ako diba? Ano pang ginagawa mo dito?” Malamig na sabi ni Joshua sa kaniya.

Tuluyan na siyang pumunta sa puwesto nito at naupo katapat niya. Inabot niya ang switch ng lamp sa tabi at tuluyan na siyang nanghina ng makita ang kalagayan ni Joshua. He’s crying. He’s silently crying. May mga sugat din ito sa may bandang pulsuhan nito. Even his knuckles are bleeding. Sign na may sinuntok itong kung ano.

            “Joshua,” wala nang ibang lumalabas sa bibig niya kundi pangalan lang ni Joshua. Hinawakan niya ang mukha nito at pinahid ang mga luha na umaagos pababa rito.

            “Wag ka nang umiyak. Hindi ako aalis, okay? Sabi ko naman sayo diba? Hindi kita iiwan. I’m sorry kung kailangan mo pang marinig yun galing sa iba. Natatakot lang naman ako sa magiging reaction mo e. See? Ayaw ko tong mangyari, pero huli na. Pinag-iisipan ko lang naman talaga yun e. Pero naisip kita, kaya hindi na ko aalis,” mahabang sabi ni Nara na nagpangiti naman kay Joshua.

            “Talaga? Hindi mo ko iiwan? Promise?” Parang bata pa nitong tanong.

Umupo na si Nara sa tabi ni Joshua at niyakap ito papalapit sa kaniya. “Promise.”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet