Alaala

Poems of Love

Alaala

Natatandaan ko pa noon ako'y nasa aking kwarto

Nakatingala sa kisame at inaaksaya bawat segundo

Hindi ko maintindihan kung anong nangyare sayo

At nung mga oras na yun luha ko'y patuloy sa pagtulo

 

Inalala ko lahat lahat ng mga bagay na may kinalaman sa atin

Naglalakad ako noon sa parke at ika'y aking napansin

Nakaguhit pa sa mga labi mo ang napakaganda mong ngiti

Habang iginuguhit ang isang bagay na nasa iyong tabi

 

Pinagmasdan ko bawat galaw ng kamay mo

Kamay mo na sobrang lambot nung mahawakan ko

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa mga paa ko papunta sayo

At nakita ko ang bagay na iginuguhit mo

 

Isang larawan ng babae napakaganda nya parang isang diwata

Napapitlag ako nang tumama sa akin ang iyong mga mata

Isang ngiti lang sinagot ko sa pagbati mo dahil sa hiya ko

Naglakad ako at hinawakan ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko

 

Gabi gabi naiisip kita yung ngiti mo na ngayon kailanman di ko na makikita

Akala ko di na kita makikita ulit noon pero nung pagsakay ko sa bus

Ika'y aking nakatabi

Suot na naman ang iyong magandang ngiti

 

Naisip ko kung tanda mo pa ako kase ako kailanman di ka nawala sa isip ko

Dahil sa mga oras na ito ikaw pa rin ang dahilan kung bakit nasulat ko ito

Lumipas ang mga araw at madalas bigla na lang tayong nagkakasalubong

Madalas kumain nang paborito mong puto bungbong

 

Hindi ko inaasahang magiging magkaibigan tayo

Siguro isang maagang regalo para sa araw ng Pasko

Sa gabing malamig na kasabay kita sa paglakad

Init nang kamay mo lang ang katapat

 

Akala ko magiging masaya na ang pagsalubong ko sa Pasko

Akala ko ikaw na yung hinahanap ko

Napakalamig nung gabing iyon dahil sa simoy ng hangin

At nadagdagan sa bigla na lang pag-iwas mo sa akin

 

Yung mga mata mong nagsasabing lumayo ako

Yung mga kamay mo na pinipilit itinutulak ako

At yung ikaw na tuluyan na inalis ako sa buhay mo

Dahil sa pagdating nang babaeng minamahal mo na kailanma'y di masuklian ito

 

Pakiramdam ko para akong isang basura na bigla mo na lang itinapon

Parang napulot na bagay na panandaliang nagbigay saya sayo

Bakit hindi na lang ako

Bakit ganun kabilis ang pag-alis mo sa buhay ko

 

Siguro nga hindi ako ang mahal mo

Pero tanga kase ako

Gusto ko pa rin pumasok sa buhay mo

Kahit alam kong masasaktan lang ako

 

Ngayon ko lang napagtanto

Sya pala yung babaeng iginuguhit mo

Ang babaeng sobrang minamahal mo

Ang babaeng dahilan nang pagngiti mo

 

Gusto kitang makikita at sabihin sayong

"Kahit kaibigan lang sana hayaan mo ako."

Umaasa pa rin ako na maging katulad tayo nang dati

Mahawakan ulit mga kamay mo at makita ang iyong mga ngiti

 

Pero alam ko sa mga oras na ito

Hindi ako ang iniisip mo

Ang bigat lang sa pakiramdam dahil hawak ko ang panulat ko

At patuloy isinusulat ang mga alaalala mo na kailanma'y di na magiging totoo.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet