Kapag Nanakawan Ang EXO

Ang Mahiwagang Baul ni Lolo ay Naglalaman Ng Mga Paborito Mong Koreano (boy group scenarios collection)

Chen
Naglabas ba naman kasi ng wallet habang naglalakad kayo sa may Quiapo. Pero nang mahablot sakanya yung makapal niyang wallet, nakuha pang ngumisi, habang ikaw nagpa-panic na. Umiling-iling siya habang natatawa at sinabing, "Balat ng candy lang laman nun eh."

Napa-WTF face ka. "Ha?? Ibig sabihin ako talaga pagbabayarin mo ng lahat ng gastos natin?"

Luhan
"Asar!" sipa niya sa posteng nasa tabi niya. Hindi niya naabutan yung magnanakaw.

"Hannie, ok lang ako muna sasagot sa date natin." ngiti mo, trying to comfort him.

Napailing siya. "Baby, hindi eh."

"Ano ka ba, I understa-"

"First date natin to, and I had planned everything. I was supposed to take you to nice places - it was supposed to be perfect..." he trailed off, sighing. He didn't speak or face you for a moment to think. Nang humarap na uli siya sa'yo, "Ok. Change of plans. Let's just head home."

Your heart sank. "But..."

He held your hand and smiled, "I'll introduce you to my parents."

Kai
Isisigaw niya habang hinahabol ang magnanakaw, "PUTANGINA, IBALIK MO YAN! PINAGHIRAPAN KO YAN! AY, NG ATE KO PALA!"

Kris
"Badtreeeep. Pano 'ko bibili ng art materials? Ace! Anak, pautang muna si daddy. Tas ikaw muna model ko para tipid. Sige naaaa..."

Nang hindi pumayag si Ace na magpautang at maging model, pumunta sa harap ng salamin si Yi Fan at gumawa ng self-portrait gamit ang uling at posporo na may sunog na dulo at gumuhit sa likod ng birth certificate ni Ace. Inahitan niya rin ang batok ni Ace habang natutulog ito dahil wala siyang bulak na pang-enhance ng shading.

Lay
Ibabalik nung magnanakaw yung wallet kasi walang laman. Di pa nakakapag-withdraw si Yixing dahil inaalala niya pa yung password ng ATM. Babalitaan na lang daw niya si kuya snatcher.

Sehun
Bad mood siya buong araw dahil hindi ka niya maililibre ng ipinagmamalaki niyang bubble tea.

Actually, si Jongin talaga yung snatcher. Dahil nabalitaan mong nanakawan siya, iprinisinta mo ang allowance ni Sehun para i- ang obsession ng boyfriend mo sa Boba. Nag-alala ka kasi nakakabawas daw ng count ang Boba may PCB chemicals daw ito na pwedeng pagmulan ng cancer. So then, Sehun wouldn't be having his precious tea for at least a week.

Chanyeol
Napamura siya nang di oras at sobrang intense yung itsura niya. Hinabol niya talaga yung magnanakaw at di mo alam kung kakabahan ka muna o matatawa kasi mukha siyang ostritch na may LBM habang tumatakbo. Nung binalikan ka niya, naglalakad na lang siya, abot sintido ang ngiti at pogi na uli, kahit parang wala naman siyang hawak-hawak na wallet. Nung tinanong mo siya kung nakuha niya ba, tumango lang siya dahil di pa makapagsalita at naghahabol pa ng hininga, sabay may inilabas na litrato galing sa bulsa niya - ang bagay na pinilit niyang isalba mula sa nanenok na wallet.

Kikiligin ka na sana, pero nakita mong picture pala ni Kai yung hawak niya at hindi picture mo.

Xiumin
Si Xiumin pa? Di siya papayag na ikaw ang sasagot sa date niyo. Hinabol niya ang snatcher at nabawi ang wallet niya. Alam mo eh. Kasi pagbalik niya, may dala agad siyang food para sainyo sayo.

He's been dieting and you didn't like the fact na mas conscious pa siya sa figure niya kesa sayo dahil ibig sabihin nun, nakakaramdam siya ng insecurity, kaya sabi mo share kayo. Shyly, he received the piece of french fry when you offered to feed him.

Kyungsoo
He did not freak out pagka hablot sa wallet niya. Momentary silence, and then, papaling siya sa'yo at sasabihin, "O, kita mo na? Kaya dapat hindi mo inilalagay sa isang lugar lang yung lahat ng pera mo."

Napangiti ka. "O, 'di sagot mo pa rin yung Rockband?"

"Tss, tange..." binatukan ka niya nang mahina at may kasamang tawa. "Hindi nga ako nakinig sa nanay ko nung sinabihan niya ko nun. Kaya learn from my mistake. Tara, uwi na lang tayo."

Suho
Santissima. Yung totoo, problema ba yun?

Tao
Walang matinong tao ang magtatangkang pagnakawan siya.

Baekhyun
Magtititili ng, "MAGNANAKAAAAAAAAAAAAAAW!" sa gitna ng daan, madidiscover ng talent agent at magiging bagong commercial model ng Bactidol.


{old scenario originally posted in Ang Mahiwagang Baul ni Lola ay Isa Talagang Arinola at an earlier date}

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
orange-shadows
#1
Chapter 11: MISS KO NA GANITONG TYPE HUHUHUHUHU hayst
czarinamns #2
Chapter 5: hahahaha! nakakatuwa magbasa nito. thank you!
czarinamns #3
Chapter 5: hahahaha! nakakatuwa magbasa nito. thank you!