Kapag High School Boyfriend Mo ang Bangtan

Ang Mahiwagang Baul ni Lolo ay Naglalaman Ng Mga Paborito Mong Koreano (boy group scenarios collection)

Jin – maraming naiinggit sa’yo kasi senior ang boyfriend mo. Gwapo na, gentleman pa. Nag-o-offer lagi na dalhin yung mabibigat mong gamit. Nagdadala ng payong na kasya sa inyong dalawa. Lagi mo siyang kakampi. His silly words surprisingly comfort you (ex. yung one time na may nang backstab sa’yo na girl, ang sabi niya, “Wag kang mag-alala, ipapakuyog ko yung esang ‘yon sa mga kaibigan kong bakla” at “Akong bahala, lalagyan ko ng kuto yung suklay niya para makita niya hinahanap niya.”) Mahusay makinig si Seokjin at mahusay rin siyang mag-rant tungkol sa mga bagay-bagay sa mundo na walang hustisiya. Isa sa mga dahilan kung bakit mahal ka niya, e dahil napagtiya-tiyagaan mo yung mga litanya niya tungkol sa mga ibinabalita sa TV araw-araw. Samantala, sinesermonan ka rin niya kapag nakakalimutan mo yung homework mo sa bahay o pag nakakatulugan mo ang pag-aaral dahil nag-procrastinate ka bago mo ‘yon gawin. Pero sa huli, siya rin ang babalik sa bahay mo para kunin yung homework mo at siya rin ang magtitimpla ng kape para makatagal ka sa boring na first period. In short, si Seokjin ay kuya, nanay, ate, tatay at yo-nigga-who-always-got-yo-back in one.

Suga – siya yung tipo na mas sinisiguradong naihahatid ka niya pauwi, imbes na sinusundo ka para sabay kayong pumasok. Madalas siyang busy sa school at extra-curricular activities, at in-e-encourage ka rin niya na maging active dahil magagamit mo daw yung experiences sa hinaharap. Moody siya to the point na minsan daig ka pa niya pag meron ka. Although, he will drop everything for you if you really need him. Madami siyang alam at kahit awkward na mga tanong sinasagot pa rin niya dahil straightforward siya na tao. Hindi siya ma-PDA; at one point akala ng mga tao mag-kuya kayo or mag-pinsan. Pero, occasionally, pag sinusumpong siya, bibigyan ka niya ng malokong morning call, o hahalikan ka niya sa noo nang walang dahilan.

J-Hope – forever buddy mo na sasamahan ka kahit sa’n. Kabaliktaran ni Yoongi, si Hoseok yung “sundo type” kasi may training siya pag uwian kaya madalas hindi kayo magkasabay. Kinukumusta ka na lang niya lagi kung nakauwi ka na. Magkasabay rin naman kayo laging kumain pag lunch. He’s a good listener at masaya siyang kasama, lalo na dahil kabisado na niya kung anong magpapasaya sa’yo. Natural and comforting yung skinship.

Rap Monster – the hatid-sundo type who may seem like a man who knows what he’s doing, but he’s actually a dorky boyfriend. Of course, he seems comfortable with you pag magkasama kayo, pero at the end of the day, lagi niyang iniisip kung meron ba siyang maling nasabi o nagawa. Inwardly, medyo mahiyain siya kaya naman madalas siyang nakikiramdam, kahit hindi halata. He has the tendency to overthink because he doesn’t wanna make a mistake and lose you over something stupid. Hindi mo lang alam, pero lagi niyang iniisip kung pa’no ka mapapasaya. He’s very fond of you, but you probably won’t know how much. Know that he won’t approach you like he approaches math problems ‘cause he knows you’re much more than them. Yun yung dahilan kung bakit parang nangangapa pa siya. He’s puzzled that you’re different. Give him some time to grow and come out of his shell. It’ll be worth it. Later in the relationship, when he feels much more comfortable, you will feel like a queen who just found her king.

Jimin – nakakatuwa na nakakatawang boyfriend. Di mo siya kaklase kaya tuwing dadaan siya sa classroom mo, pasimple siyang sisilip para sulyapan ka. Pag nakita mo rin siya, kakaway siya sa’yo tas aasarin siya ng mga kabarkada niya pag nginitian mo siya. Madalas ka niyang isipin pag nasa klase at siya rin yung tipong nag-iipon ng baon para sa’yo. He likes to show you off to people (yung tipong ipapakilala ka sa lahat ng makakasalubong niyo na kilala niya) pero hindi siya PDA. He treats you like a cute lady that you are. What makes him cute is that he’s shy but transparent. He likes to help you as much as he can; overall mabait.

V – cute na may pagka stalker. Asawa ang tawag sa’yo. Nakikipagpalit siya sa’yo ng bag (wapakels kahit Secosana handbag pa yung gamit mo) pati ng nametag (minsan pati I.D. mo ninenenok niya). Hindi mo siya kaklase kaya ginagawa niya minsan, pumupunta siya sa pila ng klase niyo pag general assembly para tumabi sa’yo. Nung field trip, nagawa niya ring pumuslit sa bus niyo nung pauwi na. ‘Pag may pagkain siya (madalas candy or chocolate na nabili niya o binigay sa kanya), dadaan siya sa classroom mo para hatiran ka, kahit pa tatlong piraso lang yun. ‘Pag miss ka niya, magpapaalam siya na pupunta sa CR kunyari tas i-e-excuse ka niya sa klase niyo para lang mag-hi, i-kiss ka sa pisngi, o i-hug ka sandali. Tapos, walang anu-ano, biglang ba-bye. At dahil madalas siya sa classroom niyo, tropa na niya yung mga kaklase mo. Moody. Kahit clingy siya, may mga araw na biglang di ka niya kakausapin. Sabi niya, pag ganun daw ibig sabihin nag-i-emo siya at ayaw niyang ipakita yung side niya na yun sa’yo, so he told you to just wait until he’s in a better mood.

Jungkook – may pagka-immature at tsun. Moody rin. Probably the worst boyfriend out of the seven boys (please don’t kill me for this) with how he treats you. Pagti-tripan ka, minsan, paiiyakin ka pa. Pero ibang klase din siyang bumawi. Halimbawa, minsan, sobrang kinabahan ka dahil pina-page ka sa princpal’s office, pero pag balik mo ng room, may dala ka nang flowers. Marami siyang pangarap at gustong ma-accomplish kaya ayaw niyang maging distraction ka (dahil minsan nakaka-distract ka talaga). Hindi man halata sa kanya, but it takes a lot of effort for him to resist you. Di rin naman siya masaya na nasasaktan ka niya, kaya lang hirap din kasi si Jungkook na mag-express ng nararamdaman niya. Ito yung tipo ng bata na hindi pa gaano aware na hindi kahinaan ang pagiging totoo at expressive sa isang relasyon. In the meantime he opts to secretly posting candid pics of you on his twitter, often with a simple but meaningful smiley as their caption.


{old scenario originally posted in Ang Mahiwagang Baul ni Lola ay Isa Talagang Arinola at an earlier date}

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
orange-shadows
#1
Chapter 11: MISS KO NA GANITONG TYPE HUHUHUHUHU hayst
czarinamns #2
Chapter 5: hahahaha! nakakatuwa magbasa nito. thank you!
czarinamns #3
Chapter 5: hahahaha! nakakatuwa magbasa nito. thank you!