SHINEe Café

Ang Mahiwagang Baul ni Lolo ay Naglalaman Ng Mga Paborito Mong Koreano (boy group scenarios collection)

Onew

Yung waiter na gwapo na, matalino pa. Hindi kelangan ng notebook para isulat ang mga order mo. Kakabisaduhin na lang niya. Yung nga lang, wag ka nang umasang siya ang babalik para mag-serve sa’yo. Unless gusto mong magmeryenda rin ang hita mo, because chances are, matatapunan ka lang ng pagkain. Kung hindi naman, malamang hindi makakarating sa’yo ang order mong manok. In fact, wag ka ng oorder ng manok dahil pag shift niya, laging hindi yun available.

 

Key

Mararamdaman mong parang umuwi ka lang sa bahay  niyo at yung nanay mo ang naghahanda ng pagkain. Papakialaman ng barista-slash-owner na ‘to ang pag-upo mo at ang paraan mo ng pag-nguya. Hindi siya tumatanggap ng tip at mapapagalitan ka kapag may naiwan kang mahalagang gamit sa mesa. Pero siya yung tipong masarap kausap at pwede mong sabihan ng kahit na ano—kahit problema pa yan, makikinig siya at hindi ka niya huhusgahan.

 

Jonghyun

Yung barista na hindi halatang barista. Hindi mo siya makikitang naka-uniform. Half the time, mahuhuli pa ni Key na nakikipag-landian sa mga babaeng customer. Minsan, kahit sa lalaki pag no choice at wala siyang magawa.  Pero gentleman si Jonghyun, sobra. Pag nakita niya ng may babaeng lalabas o papasok ng shop at malapit siya sa pinto, ipagbubukas niya. Pinagiisipan ni Key kung gagawin na lang niyang security guard si Jonghyun, tutal magaling naman niyang magbukas at magsara ng pinto.

 

Minho

Yung waiter na pogi kung pogi. Yung waiter na mas masarap pa kesa sa pagkain sa café. Puno ang café tuwing shift niya. Mabait naman si Minho, kaso hindi siya masyadong nagpapalandi at talagang ginagawa niya ang trabaho nang maayos. Pero hindi naman siya boring, at nakikipagkwentuhan rin siya sa mga mainstays pag wala masyadong gagawin. Minsan, siya pa ang pasimuno ng kung anu-anong mga laro kapag kayo-kayo lang sa cafe. Minsan ka na rin niyang inihatid sa bahay niyo nang minsang ginabi ka na nang uwi dahil sa lintik niyong project sa Stat.

 

Taemin

Siya ang isa sa mga mainstays ng café. Dahil parehas kayo ng year level at university na pinapasukan, madalas na natiye-tiyempuhan niyo ang isa’t-isa at nagkakasabay na gumawa ng anumang paper sa café. Dahil dito, madalas mo rin siyang nakakakwentuhan  tulad ni Key. Madalas siyang umoder ng banana milk at ito lang talaga ang nakakapagpangiti sakanya at his worst days. Minsan, sinasama niya rin yung best friend niya na si Kai. Palagi kang inaasar ni Taemin na crush mo si Kai at nakiki-ride ka na lang, but you secretly think that Taemin is a little bit cuter despite being a year older. Dahil close kayo sa lahat ng staff, feel at home na lang kayo, pati ang ilan pang mga suki ng café—parang barkada lang. Minsan nakikitulong na rin kayo ni Taemin pag masyadong maraming tao kapag holidays o kaya pag shift ni Minho.


{old scenario originally posted in Ang Mahiwagang Baul ni Lola ay Isa Talagang Arinola at an earlier date}

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
orange-shadows
#1
Chapter 11: MISS KO NA GANITONG TYPE HUHUHUHUHU hayst
czarinamns #2
Chapter 5: hahahaha! nakakatuwa magbasa nito. thank you!
czarinamns #3
Chapter 5: hahahaha! nakakatuwa magbasa nito. thank you!